Sunday Apr, 28 2024 06:54:29 AM

NDBC BIDA BALITA (2.20.17)

 • 16:40 PM Mon Feb 20, 2017
828
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 20, 2017 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Lider ng progresibong grupo, patay sa pamamaril sa North Cotabato, CAFGU, sugatan sa Army-NPA encounter2. Magsasaka patay sa panibagong insidente
ng pamamaril sa Cotabato City

3. Koronadal City athletes sa SRAA, ninakawan sa Kidapawan City, mahigit P100 thousand na cash at
gamit, natangay.4. Anti-smoking drive sa Kidapawan, lalarga na ngayon umaga

Nakabulagta at wala nang buhay ang
isang magsasaka nang matagpuan ng kanyang misis sa loob ng kanilang kwarto
matapos makarinig ng putok ng baril alas otso singkwenta noong sabado ng gabi
sa loobang bahagi ng Brgy. Kalanganan 1 partikular sa boundary ng Cotabato City
at Sultan Kudarat Maguindanao.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si
Nestor Agao Kako,53, na residente rin ng
nasabing lugar.

Kwento pa ng misis ng biktima sa mga
pulis, kasagsagan ng napakalakas na ulan ay nakarinig umano siya ng isang putok
ng baril at ng kanyang tiningnan sa loob ng kwarto ang kanyang mister ay
nakahandusay na ito sa sahig.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa
kanyang likod.

Sinubukan pang salbahin ng mga brgy.
health workers ang biktima ngunit na hindi na ito naaganapan pa.

Narekober ng brgy. Midwife na si Bai
Salma Mohamad isang slug ng hindi pa matukoy na uri ng baril sa katawan ng
biktima.

Agad namang itinurnover ng mga pulis sa
Regional crime laboratory office o RCLO ARMM ang mga ebidensyang kanilang nakalap
sa crime scene.

Sa ngayon patuloy paring inaalam ng mga
otoridad kung sino ang nasa likod at kung ano ang motibo nito sa pamamaril sa
biktima. Ipinag-utos ng Communist
Party of the Philippines sa New People’s Army na palayain ang anim sa kanilang
mga bihag o ‘Prisoners Of War.’

Ito ay bilang pagpapakita
ng magandang hangarin upang makumbinsi ang panig ng gobyerno na ipagpatuloy nang
muli ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Sa isang statement,
kinilala ng CPP ang mga itinuturing nilang POW na hawak ng NPA na sinaand

-PFC Edwin Salan, na
nadakip sa Alegria, Surigao del Norte noong January 29

-Sgt. Solaiman Calucop at
PFC Samuel Garay, na nadakip sa Columbio, Sultan Kudarat noong February 2

-PO2 Jerome Natividad, na
nadakip sa Talakag, Bukidnon noong February 9

-Paramilitary Rene Doller
at

-Paramilitary Carl Mark,
na kapwa nadakip sa Lupon, Davao Oriental noong February 14.

Kung makikiisa aniya ang
puwersa ng militar, posibleng makalaya na ang anim bago pa man ang naudlot na
pagpupulong sanang muli ng gobyerno at NDFP sa Utrecht, Netherlands sa February
22 hanggang 27.

Matatatandaang naitakda
na ang naturang pagpupulong sa Netherlands bilang bahagi ng serye ng peace
talks ngunit pinatigil ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang iatras ng NPA ang
kanilang ceasefire.

Gayunman, upang maipakita
anilang desidido ang kampo ng CPP na isulong ang isang bilateral ceasefire
agreement, handa silang palayain ang mga bihag. Tinatayang
limang daang sundalo ang makakasama ng PDEA o Philippine Drug Enforcement
Agency sa giyera kontra droga na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay
Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Eduardo Año, ang mga ito ay
magiging miyembro ng Anti-Illegal Drugs Task Force kung saan isasailalim muna
sila sa pagsasanay bago isasabak sa trabaho.

Sinabi ni Año
nakipagpulong na siya kay PDEA Director Isidro Lapeña at lumagda sa isang MOA o
Memorandum of Agreement bago pa lamang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte
ang Pambansang Pulisya na itigil na ang anti-drug operations.

Nilinaw naman
ng AFP Chief na hindi sila magiging katulad ng Oplan Tokhang na ipinatupad ng
Philippine National Police (PNP) dahil mga high-level drug syndicate lamang ang
kanilang tutugisin.

Balik
eskuwela na ngayong araw ang mga estudyante na naapektuhan ng lindol sa Surigao
City.

Gayunman
ipinabatid ni Anette Villasis PIO Chief ng Surigao City Government na sa halip
na dumalo sa regular classes ang mga estudyante at guro ay sasailalim sa dagdag
na psychosocial debriefing sa mga paaralang magbubukas sa susunod na linggo.

Sinuspende pansamantala ang mga klase sa lungsod habang patuloy ang assessment ng
structural engineers sa katatagan ng mga school buildings at ilan pang establishments
matapos ang lindol.

Ang
Department of Health ang nagsasagawa ng psychosocial debriefing sa mga
residenteng na trauma sa ilang lugar sa Surigao Del Norte na niyanig ng
naturang lindol. Pagmamanduhin
ng mga checkpoints at tutulong sa pangangasiwa ng peace and order ang mahigit
300 pulis na ide­deploy sa Basilan.

Ito ang
binigyang diin ni AFP Chief of Staff Gen/ Eduardo Año sa gitna na rin ng
nakatakdang deployment anumang araw ngayong linggo ng 387 scalawag na pulis.

Inaasahang
ngayong Martes ay ililipad na ng C130 plane ng Philippine Air Force ang
nasabing mga parak mula Villamor Air Base sa Pasay City patungong Zamboanga
City saka tutungo sa Basilan.

Una nang
ipinag-utos ni Pangulong Duterte na isabak laban sa mga bandidong Abu Sayyaf
ang mga ito na bubuo sa Task Force South.

Sinabi ng
Chief of Staff na malaking tulong sa pangangalaga sa sentro ng kabayanan at mga
lungsod ang mga pulis na idedeploy ng PNP sa lugar. NDBC News AM Feb 20
Headline and Koronadal LGU tutulong sa mga biktima ng lindol sa Surigao City
Apruado na ng Sangguniang Panglungsod ng Koronadal ang P100 thousand na tulong para sa mga biktima ng lindol sa Surigao City.
Ito ay ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano.
Gayunpaman ayon kay Urbano, nanawagan pa rin ang city LGU ng dagdag na tulong sa mga biktima ng lindol.
Ayon kay Urbano, tatanggap ng mga donasyon na beddings, at iba pang pangangailangan para sa mga nilindol sa Surigao ang city LGU.
Sinabi ni Urbano na dahil sa sinira ng lindol ang linya ng tubig, kailangan ngayon ng mga mamamayan sa Surigao ang inuming tubig.
Ayon kay Urbano, Ito ay hiniling na ng tulong ng city government sa mga commercial establishments, eskwelahan at water refilling stations.
Umapela din si Urbano sa mga non government organizations, at iba pang grupo na tutulong sa mga biktima ng lindol na makipag ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Ito ayon kay Urbano ay para sa sabay sabay na paghahatid tulong sa mga biktimang lindol sa Surigao City, posible ngayong lingo.
Ikinatuwa ni Koronadal City Social Welfare and Development Officer Mary Jane Martha Gabucan ang konstuksyon ng Bahay Pagasa sa Purok Siodina, Barangay General Paulino Santos.
Ang Bahay Pagasa ang magiging kanlungan ng mga kabataan na nasangkot sa krimen.
Ayon kay Gabucan, ang Bahay pagasa ang kauna unahang pasilidad na tutulong sa mga kabataan na naliligaw ng landas na ipinatayo sa Koronadal
Umaasa si Gabucan na bubuksan ang Bahay pagasa sa lalong madaling panahon para matulungan na magbago ang mas maraming mga kabataan.
Naniniwala din si Gabucan na makakaresolba rin sa problema sa mga tun-og o grupo ng mga kabataan na gumagala sa dis oras ng gabi ang Bahay pagasa.
Ikinadismaya ni Deped Koronadal City Sports Coordinator Napoleon Comicho ang pagnanakaw sa mga delegasyon ng lungsod sa SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet ngayon sa Kidapawan City.
Ayon kay Comicho abot sa mahigit P100 thousand pesos na halaga ng mga cellphone,pera at ilang pang mga gamit ang natangay ng mga magnanakaw sa Koronadal City delegation.
Sinabi ni Comicho na posibleng naganap ang pagnanakaw madaling araw noong Sabado.
Ito ayon kay Comincho ay habang mahimbing na natutulong ang mga biktima sa kanilang billeting quarters sa Paco Elementary School at Paco National High School sa Kidapawan City.
Ayon kay Comicho, ikinadismaya rin nito ang kawalan umano ng roving guard sa billeting quarter ng Koronadal delegation na maari sanang nakapigil sa mga magnanakaw.
Tiniyak naman ni Comicho sa mga magulang ng mga atleta na ligtas ang kanilang mga anak at hindi maapektuhan ng insidente ang mga laro nila sa SRAA meet 2017. Mga guro sa South Cotabato sinanay sa organikong pagsasaka gamit ang animal manure ng Provincial Veterinary Office
Nakiisa na rin sa pagsulong sa organikong pamamaraan ng pagsasaka ang Provincial Veterinary office ng South Cotabato.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo ng Organic Agriculture Production gamit ang mga dumi ng mga Alagang hayop.
Ang training ay isinagawa sa Animal Producion Center o APP ng provincial Veterinary Office sa Barangay Tinongcop, bayan ng Tantangan.
Ayon kay APP Officer in Charge Dr. Raul Teves,layon ng pagsasanay na magkaroon ang lalawigan ng mga highly competitive na guro na magtuturo ng organic farming.
Ayon kay Teves,bagama’t may katagalan ang proseso ng organic farming, hindi maitatanggi na tumataas na ngayon ang demand ng mga organic product kaya kikita ang mga magsasaka.
Ito ayon kay Teves ay dahil sa pagdami din ng mga health conscious na mamimili.
Ang Organic Agriculture Production Training ay dinaluhan ng 30 mga guro at animal sanitary inspectors.
Ang mga participant ay nabigyan ng National Certificate o NC II Competency ng Technical Education Skills Development Authority o TESDA.
Katuwang din ng PVET South Cotabato sa programa ang Agricultural Training Insitute ng Department of Agriculture. Hindi pa rin batid ng pulisiya ang pagkakakilanlan sa bangkay ng lalaki na nahukay sa gitna ng pataniman ng pinya sa Barangay Maligo, Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay Polomolok PNP Deputy Chief of Police, Police Senior Inspector Hernan Gabat, nadiskubre ang bangkay sa tulong ng isang concerned citizen.
Sinabi ni Gabat na ang biktima ay posibleng pinaslang sa ibang lugar at inilibing lamang sa pineapple plantation sa Maligo.
Posible ring pinahirapan ito ng mga salarin dahil bukod sa nakatali ng packaging tape ang mga kamay, binalot pa ng cellophane ang kanyang ulo.
Ayon kay Gabat ang biktima na may tama din ng bala ng baril sa likod ay may apat na raw ng patay nang mahukay.
Umapela naman si Gabat sa kung sino ang nawalan ng kakilala o kamag anak na makipag ugnayan sa Polomolok PNP para matukoy ang nahukay na bangkay. Abot sa mahigit P3 milyon halaga ng tulong pang agrikultura ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa mga magsasaka ng Kidapawan City.
Kabilang sa mga ipinamigay ng ahensya ang may tatlong daang aako ng hybrid palay seeds at isang daang sako ng hybrid corn seeds.
Namigay din ang ahensya ng 22 baka at may isang milyong pisong halaga ng farm multiplier.
Ipinamagay ang mga tulong pang agrikultura ay kasabay ng ika labin siyam na anibersaryo ng lungsod.
Tiniyak naman ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na agad na hagi ng local na pamahalaan sa mga kwalipikadong magsasaka ang tulong na bigay sa kanila ng DA Patuloy ngayong nagpapagaling ang isang 43-anyos na ina matapos na tamaan ng ligaw na bala nang magka enkwentro

ang ilang CAFGU members at New people's Army sa Sitio, Tinawayan, brgy. Badiangon, Arakan, North Cotabato.
Sa report ng PNP, kinilala ang biktima na si Jessica Ventura Bange na taga Mrgy. Malire, Antipas.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kamay na tumagos naman sa kanyang bewang at agad na isinugod sa

hospital.
Tinamaan si Jessica matapos magka-enkwento ang apat na CAFGU member ng 72nd IB kontra sa nasa sampung

Komunistang rebelde sa ilalim ng Guerilla Front 51.

Ayon sa report habang sakay raw ng kanilang motorsiklo ang apat na CAFGU member habang pauwi ay bigla na lamang

silang pinaulanan ng rebeldeng NPA.
Ang insidente nangyari pasado alas otso ng umaga kahapon.

Dahil dito gumanti naman ng putok ang mga CAFGU kung saan tumagal ng limang minuto ang bakbakan.

Agad ding tumakas ang rebeldeng grupo matapos ang insidente.
Kinumpirma naman ng 39th IB ng Philippine Army na walang nasugatan sa CAFGU member habang hindi pa matukoy sa

kabilang grupo.
Pinasabugan ng pinaniniwalaang miembro ng New People's Army ang sasakyan ng 39th IB sa Sitio Sahi brgy.

Malibatuan, Arakan, North Cotabato pasado alas otso ng umaga noong Sabado.
Ayon sa report, habang nasasagawa ng security Patrol ang 39th IB kasabay ng burol ni Rey Rabadon ay napansin

nila ang limang miembro ng NPA.Pagdating nila sa nabanggit na lugar ay dito na sumabog ang landmine.

Sa nabanggit na pagsabog ang militry vehicle ng 39th IB ang tinamaan habang nasugatan naman ang kanilang

driver.Maliban rito ay wala namang iba pang nadamay sa pangyayari.

Dahil dito nagkabakbakan pa sandali ang militar at rebeldeng NPA na nagresulta naman ng pag-takas ng NPA.Pagkatapos nito ay dalawang landmine pa ang narekober ng militar, kabilang na 200 meter wire, tsinelas, 45

caliber holster at mga food packs.Una nang nangako ang 39th IB ng security assistance sa pamilya ni Rey Rabadon matapos humiling ang asawa nito

hanggang sa ito ay mailibing.

Naniniwala ang militar na ang pamilya at ang tropa ng gobyerno ang target ng nasabing pagsabog.Matatandaang namatay si Rey Rabadon na isang dating Kumander ng NPA ng guerilla Front 51, matapos siyang

barilin ng umano kanyang dating kasamahan sa kilusan.

Halos maglilimang buwan na nang sumuko si Rabadon sa gobyerno kasama ang kanyang asawa na dati ring NPA member.
Wala pa ring pagkakakilanlan ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan na lamang nakahandusay sa Purok 3, Brgy.

West Patadon, Matalam North Cotabato pasado alas singko ng madaling araw kahapon.Sa report ng Matalam PNP, posibleng pinatay sa ibang lugar ang biktima at sa lugar lamang ito itinapon.

Una nang namataan ng mga motorista ang bangkay nang dumaan sa Davao-Cotabato Highway pasado ala una ng madaling

araw.Sa imbestgasyon ng PNP may nakitang bakas sa leeg ng biktima na posible itong sinakal ang gamit ang isang uri

ng lubid na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Inilarawan ng PNP ang bangkay na nasa 30-35 years old, 5 ft ang tangkad, nakasuot ng pulang tshirt at dilaw na

jersey short.Wala rin raw tatoo ang biktima.

Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari habang nananawagan naman ang PNP sa

pibliko na kung sino man ang nawalan ng kakila o kamag-anak ay makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan.
Patay ang isang auditor ng Mailuminado Farmers Association Incorporated o (MAFAI) matapos barilin at saksakin

pa sa brgy. Ilustre, Upper President Roxas, North Cotabato alas 6:55 ng gabi kahapon.

Kinilala ang biktima na si Willerme Agorde, 64-anyos.Ayon sa report nasa tindahan lamang raw naka-upo ang biktima nang barilin ng riding tandem criminals.

Isang tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima na mabilis pang naisugod pa sa pagamutan pero binawian din

ito ng buhay.Si Agorde ay isa sa mga aktibong leader ng MAFAI na nakikipaglaban sa karapatan ng mga magsasaka lalo na sa

land issue ng Cotabato Foundation College of Science and Technology-University of Southern Mindanao Reservation

area.Dahil dito isa ito ngayon sa itinuturong dahilan ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na posibleng

motibo sa nanggit na krimen.

Isa rin si Agorde na lumahok sa kilos protesta ng CFCST campus sa bayan ng Arakan Cotabato noong December 2016.
Isang kick-off ceremony ang gagawing ngayong umaga ng Kidapawan city LGU kaugnay sa Anti-smoking campaign sa

mga pampublikong lugar ng lungsod.Nabatid na mismong si Mayor Joseph Evangelista ang mangungana sa pagpapadikit ng mga anti-smoking stickers,

information signages partikular sa mega market at public terminals ngayong araw.Maliban sa intensified information drive mas hihigpitan din ng LGU ang implementasyon ng batas matapos rin ang

binuong Task Force Usok.Sa pamamagitan ng executive order palalawakin ng City Government ang deputize agents na siyang naatasang

manghuhuli at sisita sa mga violators at kabilang na rito ang PNP, CSU personnel, BPAT, Brgy Officials at

purok leaders na bago lang din sumailalim sa isang pagsasanay.Kaugnay rito, nagpalabas ng resolusyon ang Task Force Usok sa Committee on Health ng Sanguniang Panlungsod na

amyendahan at pataasana ang penalidad para sa mga violators.Paraan ito para mas mabigyan ng ngipin ang implementasyon sa umiiral na Anti-smoking .

Ang anti-smoking initiatives ng LGU ay una nang umani ng award mula sa Dept of Health (DOH) bilang Red Orchid

Awardee.

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....