Monday Apr, 29 2024 02:06:19 AM

NDBC BIDA BALITA (2.21.17)

 • 15:59 PM Tue Feb 21, 2017
784
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 21, 2017 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. OCD ARMM,
mas pinaigting ang kaalaman hinggil sa
paghahanda sa mga di-inaaasahang kalamidad

2. Mga suspek sa serye ng panghohold-up
mariing binabantayan ng PNP sa Koronadal City

3. Government Employee na mahuhuling
maninigiralyo sa pampublikong lugar sa Kidapawan City, posibleng matanggal sa
trabaho

4. MNLF faction, meron nang bagong chairman kapalit ni Chairman Mus Sema Mas pina-igting ngayon ng Office of the
civil Defense o OCD-ARMM ang kanilang paghahanda sa kalamidad.

Ito ayon kay kay OCD-ARMM Information
Officer Jofel Delicana kasabay ng isinasagawang tatlong araw na seminar hinggil
sa Strategic Communication Planning workshop and Laymanizing Information,
Education and Communication o IEC Materials.

Layon ng aktibidad na ito na makabuo ng
mga terminolihiyang angkop na magagamit ng masa.

Ito upang madaling maintindihan ng mga
ordinaryong tao ang mga technical terms na ginagamit ng mga nasa ahensiya ng
pamahalaan.

Giit din ni Delicana na sa pamamagitan
ng seminar at training na ito ay mapaigting pa ng bawat ahensiya ng pamahalaan
na nakatutuk sa seguridad ng publiko ang kanilang samahan.

Bukod pa sa pagtitiyak ng kaligtasan ng
mamamayan sakaling tumama ang natural disaster at maging ang man-made calamity. Arestado ang isang
handler ng sabungan sa inilatag na raid ng otoridad kaugnay sa anti-illegal
gambling sa barangay Badac sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ni Police Chief
Ins. Akmad Alibunga, hepe ng DOS PNP ang nahuli na si Romeo Manansalic, nasa tamang
gulang at residente ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa suspek ang
pitong manok na hybrid na sinasabing inaalagaan nito sa isang sabungan na
walang permit.

Ang operation kontra
illegal cockfight ay isinagawa alas 12:25 ng tanghali kamakalawa kasama ang mga
elemento ng DOS PNP, 5th special Forces ng Philippine Army at ng CIDG.

Maliban dito ay tuloy
tuloy naman ngayon ang operation kontra illegal na sugal lalo na ang last two
sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Sa katunayan, ilang mga
last two usher na rin ang kanilang nahuli sa nasabing bayan.

Aminado ang opisyal na
malawak ang operasiyon ng illegal gambling sa bayan ng Datu Odin, Sinsuat,
Maguindanao. May bago ng pinuno ang
Moro National Liberation Front o MNLF sa katauhan ni dating Sulu congressman
Yusoph Jikiri.

Ito matapos ang
isinagawang pagpupulong kasunod ng transition rite ng mga kasapi ng MNLF sa
Pagadian city sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, nitong linggo.

Ang nasabing posisyon ay
dating hawak ng dating alkalde ng Cotabato city na si Muslimin Sema.

Umupo si Sema bilang
chairman ng MNLF sa loob ng siyam na taon matapos na pinangunahan ang grupo
noong 2008.

Sa kanyang pananalita,
iginiit ni Sema na may polisiya silang sinusunod na magkakaroon ng pagbalasa sa
kanilang grupo dahil hindi lamang isang pangkat etniko ang Bangsamoro Community
bagkus ito ay kinabibilangan ang iba’t-ibang lahi na dapat ay magkaroon ng
patas na boses sa kanilang grupo.

Ang MNLF leadership rite
ay sinaksihan mismo ni Major Gen. Carlito Galvez, ng Western Mindanao Command
ng Armed Forces of the Philippines na naka base sa Zamboanga City.

Patay ang
dalawang driver ng motorsiko matapos magkabanggaan sa COTABATO-DAVAO National
highway malapit sa 603rd Brigade Camp ng 6ID FA sa Brgy. Pigcalagan, Sultan
Kudarat, Maguindanao pasado alas nuebe ng umaga kahapon.

Kinilala ang
mga nasawi na sina Mhen S. Mangacop, 38 anyos, may asawa at residente ng RH-3,
Cotabato City at Mangelen B. Benasing Sr., 52 anyos, may asawa, employado ng
Parang LGU at residente ng Brgy. Manuangan, Pigcawayan.

Parehong
isinugod ang dalawa sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC ng mga
rumespondeng Army sa lugar para mabigyan ng paunang lunas ngunit idineklara na
itong dead on arrival ng doctor.

Sa
imbestigasyon ng mga pulis, nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo habang
binabaybay ni Mangacop ang cot-dvo highway nang umiwas ito sa lubak na bahagi
ng daan at hindi na napansin si Benasing
na kanyang kasalubong na tinatahak ang daan patungong Cotabato City.

Agad namang
kinuha ang mga labi ng dalawa ng kanilang mga kaanak at inilibing ng naaayon sa
paniniwala ng islam.

Habang ang
dalawang motorsiklo naman ay naka kustudiya sa Sultan Kudarat Police Station. Nasa maayos na kondisyon na ngayon ang apat na mga pasahero ng pampasaherong van matapos na bumangga ang kanilang sasakyan sa isang puno sa brgy. Dalingaoen, Pikit North Cotabato.Ang insidente nangyari pasado alas dos ng hapon kahapon. Kinilala ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP ang mga biktima na sina Allan Villarobia na taga Poblacion Pikit, Elsie Montepalcon at Richel Montepalcon, parehong taga bayan ng Carmen at isang Maliga Tondo Saidil na taga Damalasak, Pikit.Ayon kay Cabigas apat lang raw silang pasahero at pang lima ang driver na si Mamai Zakaria na taga Talayan, Maguindanao galing Cotabato City. Matapos ang insidente ay tumakas ang driver dahil sa kanyang takot pero sumuko naman ito sa Midsayap PNP at ngayon ay naka kustodiya na sa Pikit Municipal Police Station.Kwento pa ng driver sa mga otoridad may nakita raw siyang isang kalabaw na tumawid sa kalsada kaya nito inilagan dahilan na nawalan siya ng kontrol at bumangga sa puno ng mahogany.Dahil sa lakas ng impact natumba ang puno at nawasak ang harapang bahagi ng Van at nasugatan ang mga pasahero. Base sa imbestigasyon, ilang insidente na raw ang naitatala sa lugar na umano dinadaanan ng mga masasamang espiritu.Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima na ngayon ay patuloy nang nagpapagaling. Nakatakda namang mag-usap ang mga biktima at ang driver ngayong araw para pag-usapan kung magsasampa ba sila ng laso kontra sa driver. Dead on
arrival sa pagamutan ang isang habal-habal driver matapos barilin ng
kanyang pasahero pasado alas onse ng
umaga kahapon sa San Juan St., Kimpo Subd, RH 13, Cotabato City.

Kinilala ang
biktima na si Omar S. Ebrahim alias Ibrahim D. Anguso, 25 anyos, na residente
ng MB Poblacion ng lungsod.

Ayon sa
inisyal na imbestigasyon ng PS2, lulan ng kanyang kulay pulang honda RS 125 ang
biktima habang angkas nito ang hindi pa nakikilalang suspek patungong down-town
area.

Nang
makarating ito sa San Juan st., Kimpo Subd., Rh-13 ay huminto ito sandali at
doon na siya binaril ng suspek.

Agad namang
kinuha at pinaharurot ng suspek ang motorsiklo ng biktima patungo sa hindi
malamang direksyon.

Narekober ng
mga pulis sa crime scene ang 1 slug ng pinaniniwalang kalibre 45 pistol.

Sa ngayon,
patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng insidente.

Matapos inilibing si Rey Rabadon alias Malik noong Sabado, hustisya ngayon ang sigaw ng kanyang pamilya matapos

rin ang nangyaring pagsabog ng isang landmine kasabay ng kanyang libing sa Sitio Sahi, Brgy Malibatuan, Arakan

North, Cotabato.
Ito ang huling panawagan ng tiyahin ni Rey na tumayo rin bilang kanyang ina kung saan umaasa ito na

makokonsensya ang mga suspek na pumatay sa kanyang pamangkin.
Sa kabila ng sakit na naramdaman ng Pamilya Rabadon, tinanggap na lamang nila ito para hindi na madagdagan pa

ang nangyaring gulo.Samantala, tinawag naman ng 39TH Infantry Battalion ng Philippine Army na bastos ang mga NPA dahil hindi man

lang nila inirespeto ang burol ni Rey at pinasabugan pa ng road side bomb ang daanan patungo sa kanyang

libingan sa Sitio Sahi.Matatandaang sumabog ang isang landmine habang nagsasagawa ng security patrol ang 39th IB sa lugar matapos rin

hilingin ng pamilya Rabadon ang security assistance dahil sa umaaligid na armadong suspek sa kanilang lugar.

Ang security assistance na hiniling ng asawa ni Rey ay hanggang mailibing lang sana ang mister nito.
Hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng pamilya Agorde ang pagkawala ng haligi ng kanilang tahanan na si

Willerme Agorde na binaril sa President Roxas linggo ng gabi.
Kwento pa ng anak ng biktima na si Renante Agorde, wala raw naka away o naka-alitan ang kanyang ama sa kanilang

lugar bagay na magiging rason sa pagkakabaril sa kanya.Ayon kay Renante, una nang nakipag-ugnayan ang kanyang ama sa kanilang barangay Kapitan matapos mapansin ang

pabalik-balik umanong mga naka motrsiklong lalaki sa kanilang barangay.Sinabi ni Renante nakita raw niya ang mga pumatay sa kanyang ama.

Dalawang mga lalaki raw na sakay ng kani-kanilang motorsiklo at wala pang mga takip ang mukha.

Patungong Arakan area raw tumakas ang mga suspek.

Bago rin raw binawian ng buhay ang kanyang ama sa hospital, binanggit nito na hindi niya kilala ang bumaril at

sumaksak sa kanya.Naniniwala ang pamilya na posibleng mga gun for hire ang pumatay kay Agorde.

Samantala, hindi rin masabi ng pamilya Agorde kung ang nabanggit na insidente ay may kaugnayan sa nangyaring

rally sa Cotabato Foundation College of Science and Technology noong nakaraang taon.Dahil dito, hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya Agorde sa pangyayari habang blanko pa ang mga otoridad sa

motibo sa nabanggit na krimen.
Mas pinalalakas pa ngayon ng Kidapawan City Government ang kanilang kampanya kontra paninigarilyo sa

pampuplikong lugar sa lungsod.

Sa katunayan, iginiit ni City Mayor Evangelista na ang implementasyon ng Anti-Smoking ordinance ay para sa

lahat.Kabilang na rito pati na mga deputized agents na siyang naatasan na sisita at manghuhuli sa mga violators.

Hindi rin ililibre ang sinumang Government Officials na lalabag sa nasabing batas.Ayon kay Evangelista maliban sa penalidad na babayaran ng isang government employee na mahuhuli, mahaharap rin

ito sa administrative liabilities kung saan pwede niyang kakaharapin ang suspension sa trabaho at higit sa

lahat termination.Ito ang babala ni Evangelista kasabay sa isang press conference kahapon kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng

nabanggit na ordinansa na matagal na ring umiiral sa lungsod. Kahapon sa kick of ceremony ng Anti-smoking Campaign, mismong si Evangelista ang nanguna sa paglalagay ng mga

sticker sa at posters kaugnay sa Anti-smoking ordinance.

Samantala, ibinunyag naman ni City Legal Council Officer Atty Cris Cabilen ang mga penalidad na pwedeng

ipapataw sa mga violators.150 pesos sa First Offence o 2 hrs Community Service, 300 sa second Offense o 4hrs Community Service at 500

pesos sa third office o sampung araw na pagkakakulong.

Nasa maayos na kondisyon na ngayon ang apat na mga pasahero ng pampasaherong van matapos na bumangga ang

kanilang sasakyan sa isang puno sa brgy. Dalingaoen, Pikit North Cotabato.
Ang insidente nangyari pasado alas dos ng hapon kahapon.

Kinilala ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP ang mga biktima na sina Allan Villarobia na taga

Poblacion Pikit, Elsie Montepalcon at Richel Montepalcon, parehong taga bayan ng Carmen at isang Maliga Tondo

Saidil na taga Damalasak, Pikit.Ayon kay Cabigas apat lang raw silang pasahero at pang lima ang driver na si Mamai Zakaria na taga Talayan,

Maguindanao galing Cotabato City.

Matapos ang insidente ay tumakas ang driver dahil sa kanyang takot pero sumuko naman ito sa Midsayap PNP at

ngayon ay naka kustodiya na sa Pikit Municipal Police Station.

Kwento pa ng driver sa mga otoridad may nakita raw siyang isang kalabaw na tumawid sa kalsada kaya nito

inilagan dahilan na nawalan siya ng kontrol at bumangga sa puno ng mahogany.Dahil sa lakas ng impact natumba ang puno at nawasak ang harapang bahagi ng Van at nasugatan ang mga pasahero.

Base sa imbestigasyon, ilang insidente na raw ang naitatala sa lugar na umano dinadaanan ng mga masasamang

espiritu.Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima na ngayon ay patuloy nang nagpapagaling.

Nakatakda namang mag-usap ang mga biktima at ang driver ngayong araw para pag-usapan kung magsasampa ba sila ng

laso kontra sa driver.
Panibagong kaso na naman ng pagnanakaw ang naireport sa Kidapawan City PNP kahapon lamang.

Una rito ay ang nangyaring pangloloob ng umano isang menor de edad na suspek sa bahay ni Janrey Semene, 24-

anyos na isang nutritionist, sa Brgy Sibawan, Kidapawan.Ayon sa report, pinasok ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira ng bintana ng kanilang kusina banda 1:20

ng madaling araw at tinangay ang isang unit ng laptop at ipod air.

Sinundan naman ito ng nangyaring pagnanakaw sa Brgy Onica pasado alas 7:30 ng umaga kahapon.Ayon sa report, kinuhang hindi pa kilalang suspek ang wallet ng isang guro habang ito ay nasa flag ceremony.

Ayon naman sa biktimang si Daylyn Aquino na guro ng Montesorri school sa nasabing barangay, laman ng wallet

nito ang mga importanteng dokumento, ID at cash money na P10, 000.Sa kabilang dako, pinaniniwalaang isang importanteng dokumento naman ang sinadyang nakawin sa law office ni

Atty Remetio Table.Nadiskubre na lamang ito pasado alas otso ng umaga kahapon kung saan sadyang sinira ang door knob ng nasabing

opisina.

NDBC BIDA BALITA Nakapagtala ng dalawang kaso ng rabbies sa mga barangay ng Avancena at Sto,Nino sa Koronadal ang City Veterinary Office nitong taon.Ayon kay Koronadal City Veterinarian Dr. Charliemagne Calo, ito ang dahilan ng mas pinaigting ngayon na pagbibigay ng anti rabbies vaccine sa mga alagang aso sa lungsod.
Saklaw ng kanilang anti rabbies camapaign ayon kay Calo ang 27 barangay sa Koronadal City.Ang team ng city veterinary office ay nagsasagawa ngayon ng anti rabbis vaccination sa barangay Concepcion.
Bilang kabahagi ng pinaigting na kampanya kontra rabbies, maaga ring naghanda para sa Rabbies Awareness Month Celebration ang Koronadal City Veterinary Office,
Sinabi ni Calo na sa March 18 magkakaron sila ng libreng castration para sa mga aso, maliban pa sa pagbibigay ng anti rabbies vaccine,\
Ito ay gaganapin naman sa Rizal Park.
Umapela si Calo sa mga mamamayan ng Koronadal na maging resposableng pet owners.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagbabawal ng kanilang mga alagang aso sa mga kalye.
Naghintay ng tatlong taon para ma-qualify sa provincial level at makapaglaro sa SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association ang 12 anyos na grade six pupil mula South Cotabato.Si Ryan Salnugan na isang B’laan mula sa Barangay Maligo, Polomolok ang unang nakapagbigay ng gintong medalya sa South Cotabato sa SRAA meet 2017 na ginaganap ngayon sa North Cotabato.Ito ay matapos magpakitang gilas sa 1,500 meter event.
Ayon kay Salnugan, una itong tumakbo noong siya 9 anyos at grande 3 pupil pa lamang,ngunit hindi umabot sa preliminary elimination matapos makaranas ng pananakit ng mga paa.Ganito rin ang naranasan ni Salnugan nang sumunod na taon, at nakaabot lamang sa District meet nang siya ay nasa grade 5 na.Sa kabila nito hindi nawalan ng pagasa ang batang atleta at ipinagpatuloy pa rin ang pagsasanay.
Bilang kaisa isang athlete sa kanilang eskwelahan, si Salnugan ay gumigising ng alas kwatro ng madaling araw tuwing Sabado at lingo para magsanay.Regular din itong nageehirsisyo bago at pagkatapos ng kanyang klase.
Sinabi nito na kadalasan nagsasanay lamang siyang magisa, dahil memoryado na nito ang mga routine na itinuro ng kanyang coach.Ayon kay Salnugan naging puhunan nito sa tagumpay ang pokus at determinasyon na magiging sandata din nito sa 2017 Palarong Pambansa sa lalawigan ng Antique sa Abril
Makatatanggap ng tig P5,000 na reward money ang sinumang makakahuli o makapagtuturo sa mga tricyle driver na nagtatapon ng basura sa Barangay General Paulino Santos, Koronadal.Ayon kay General Paulino Santos Barangay Chairman Margarita Subaldo, ito ay matapos gawing bagsakan ng mga basura ang ilang bakanteng lote sa kanilang barangay.Ayon kay Subaldo ito ay hindi makatarungan sa mga opisyal na patuloy sa pagsisikap na malinis sa basura ang Barangay General Paulino Santos.
Sinabi ni Subaldo na kadalasan ang mga tricyle na ito ay binabayaran ng mula P50 hanggang P100 para magiwan ng basura sa kanilang lugar.Madalas ito ay ginagawa ng mga iresponsableng tricyle driver tuwing dis oras ng gabi.
Voice Clip..Si Barangay General Paulino Santos Chairman Margarita Subaldo.
Tinututukan na ng pulisiya ang persons of interest o maaring suspek sa serye ng panghohold up sa Koronadal City.Ito ang tiniyak sa Radyo Bida ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes.
Ayon kay Condes, iba sa mga suspek ay lulong sa iligal na droga habang mayroon namang myembro ng gang o organisadong grupo.
Ang mga ito ayon sa police official ay mariing tinututukan ngayon ng intelligence monitoring ng pulisiya.Kadalasang mga naging biktima ng panghohold up tuwing gabi ay mga lehitimong tricyle drivers.Kaya payo ni Condes sa mga ito, huwag basta basta magpapasakay ng pasahero tuwing gabi lalong lalo na kung ito ay sa tingin nila ay lango sa alak o iligal na droga.Maari rin ayon kay Condes na ang mga ganitong klaseng pasahero ay ihatid na lamang sa Koronadal City PNP

Patay ang isa katao dahil sa dengue sa Koronadal City ngayong taon.
Ito ay ayon sa pinakahuling datus ng City health office.
Ayon kay Koronadal OIC Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido ang nasawi ay nakatira sa Barangay Zone 1, isa sa mga barangay sa lungsod na may pinakamaraming kaso ng dengue.Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Aturdido, isang beses isang lingo ay nagsagawa ng inspeksyon ang mga kawani ng city health office sa Barangay Zone 1.
Kinumpirma ni Aturdido na abot na sa 147 ang naitalang kaso ng Dengue sa Koronadal mula Enero hanggang ngayong Pebrero.Kaugnay nito, umapela si Aturdido sa mga mamamayan na tumulong sa pagsawata sa nakamamatay na sakit na dengue fever.
Ayon kay Aturdido ito sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Hiling nito sa mga mamamayan regular na linisin ang mga kanal lalong lalo na yung may niipung tubig na maaring pamahayan ng lamok na magdadala ng dengue.

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...