Friday May, 17 2024 07:02:55 AM

NDBC BIDA BALITA (2.22.17)

Local News • 16:06 PM Wed Feb 22, 2017
976
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 22, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BARANGAY KAGAWAD na pangatlo sa MOST
WANTED LIST ng Cotabato City PNP, arestado na.

2. MIEMBRO ng Cafgu, patay matapos maka-enkwentro
ang NPA sa Magpet, North Cotabato.

3. LABINDALAWA KATAO, na-ospital dahil
sa diarrhea sa Lake Sebu, South Cotabato

4. SEguridad ng manlalaro sa PRISAA, tiniyak ng DepEd PRISAA, nakatakdang gawin sa TAcurong City Nasakote ng mga elemento ng Cotabato
City PNP Police station 2 sa pamumuno ni Chief Insp. Carlo Jurinario ang No. 3
most wanted person na isang barangay Kagawad ng Rosary Heights 11.

Naaresto ang suspek na si barangay
kagawad Bong Tula alyas Nasser Payungon Guimba, 42 years old, pasado dakong alas
sais kagabi sa Sebastian Street, Cotabato City

Si Tula ay nahaharap sa kasong murder
na matagal ng nagtatago sa batas.

Inilabas ang warrant of arrest ni Tula
noon pang July 2016.

Sa ngayon nakakulong na sa Police
station 2 lock up cell si Tula.

Samantala, dumulog din sa nasabing
himpilan ng pulisya ang isang estudyante matapos mabiktima ng holdup pasado
alas kwatro ng hapon kahapon sa Ramon Rabago Sr. St., Mother Barangay Rosary Heights
ng lungsod.

Kinilala ang biktimang si Mark Lester
Galves, 19 anyos, estudyante at residente ng Timanan, South Upi, Maguindanao.

Tinangay ng suspek mula sa biktima ang
isang cherry mobile na cellphone at 3 hundered pesos na cash.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga
pulis, tinutukan umano siya ng matigas na bagay ng suspek sa likod at nagdeklarang
holdap.

Matapos makuha ang cellphone at pera ng
biktima agad itong tumakas.

Naiwan naman ng suspek as lugar ang hawak
nitong pinaniniwalaang baril ngunit nang suriin ng mga pulis, isang tobo lamang
pala ito na binalot ng itim na tela. PATAY ang
isang indibidwal matapos pagbabarilin ng armadong mga lalaki habang
nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mudsing, Midsayap, North
Cotabato.

Sinabi ni Midsayap
PNP chief, Police Supt. Bernard Tayong na naganap ang insidente pasado alas
kwatro ng hapon kahapon sa farm house ng biktimang nakilalang si Guialal
Madidis Sugod, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Nabatid na
nasa duyan ang biktima at nagpapahinga nang pagbabarilin ng armadong grupo
gamit ang M14 at M16 rifles na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Sinasabing
rido ang dahilan ng naturang insidente dahil matagal nang may kaalitan ang
pamilya ng biktima dahil sa lupa.

Sa ngayon ay
may mga suspek na ang Midsayap PNP sa naturang insidente subalit hindi muna
isinapubliko ang pangalan ng mga ito para hindi maka-apekto sa kanilang
nilulutong operasyon. IGINIIT ni Department of
the Interior and Local Government o DILG Assistant Secretary on Barangay
Affairs Rosque Calacat na malaki ang papel na ginagampanan ng bawat miembro ng
pamilya para sa pagbabagong-buhay ng isang drug dependent.

Sinabi ito ng opisyal sa Regional
Launching ng Masa Masid Program ng DILG sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex,
sa Cotabato City.

Ayon pa kay Calacat, hindi
dapat iasa na lang ng pamilya sa mga rehabilitation center o sa mga doktor ang
pagbabago ng isang drug dependent.

Malahalaga aniyang
malaman at maunawaan ng bawat kasapi ng pamilya ang proseso upang tuluyang
malayo sa ipinagbabawal na droga ang kanilang kaanak na nalulong dito.

Kaugnay nito, sinabi ni
Calacat na huling nai-presinta sa ARMM ang programang Mamamayang Ayaw sa
Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga o Masa Masid ng DILG, dahil panghuli
raw ang rehiyon sa mga malubhang naapektuhan nito.

Sa kanilang datus, lumalabas
na ang NCR ang pinaka-apektado ng iligal na droga at sinusundan ito ng regions 10,
7 at 9.

Nabatid na umaabot sa 1.3
million indibiduals ang naging target ng ‘Operation Tokhang’ ng PNP at sa
bilang na ito, nasa sampung porsiento o 130 libo katao ang drug dependents. NASA BASILAN
NA ang 54 na mga police scalawags mula pa sa Metro Manila.

Pagkarating
sa Isabela City, Basilan agad na isinailalim sa medical check-up at drug
testing ang lahat ng mga pulis na pinangunahan ng medical team ng Basilan PNP.

Layunin ng
medical check-up sa mga dumating na pulis na masiguro na nasa mabuting
kalusugan silang tinanggap ng PNP ARMM.

Habang ang
drug testing ay para matiyak na hindi gumagamit ng iligal na droga ang mga ito.

Ang 54
policemen ay isasama sa bubuuing Task Force Basilan na pangungunahan ng Basilan
provincial office.

Sa ngayon ay
pansamantalang mananatili sa Basilan Provincial Office ang 54 mga pulis habang
wala pang proper deployment.

Inaasahan
namang magbabagong buhay na ang mga police scalawags at gagampanan ng mga ito
ng mabuti ang kanilang mga bagong assignment.

Ipinagbabawal muna ng mga opisyal ng barangay ang paginom ng tubig mula sa isang reservoir sa Sito Basak, Barangay Bacdulong, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.Ayon kay Bacdulong Barangay Chairman Julino Kulan, ito ay habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa tubig .
Sinabi ni Kulan na ito ay matapos isugod sa ospital ang 12 mamamayan bunsod ng diarrhea, 6 sa mga biktima ay pawang mga bata.Ayon kay Kulan maari kasing naging sanhi ng karamdaman ang iniinom na tubig ng mga biktima.
Sinabi ni Kulan na nagsimulang makaramdam ng sintomas ng diarrhea tulad ng pananakit ng tiyan ang ilang mamamayan sa barangay noong Pebrero 19.Ayon kay Kulan ito ay posible dahil na-contaminate ng chemical na ini-spray sa kalapit na pataniman ng saging ang water reservoir na kinukunan nila ng inumin, matapos bumuhos ang malakas na buhos ng ulan.
Nilinaw naman ni Kulan na ligtas na ang mga biktima,
Sa katunayan iba sa mga ito ay nakalabas sa Lake sEbu Emergency Hospital.
Sisimulan ang Regional Private Schools Athletic Association o PRISAA 2017 sa TAcurong City sa pamamagitan ng parada bukas February 23.
Ayon kay Sultan Kudarat PRISAA Sports Area Coordinator Ryan dela Cruz ang patimpalak ay inaasahang dadaluhan ng mahihgit 1,200 na mga delegado.Ang mga ito ay kakatawan sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa Region 12.
Ayon kay dela Cruz, bilang host sa Regional Prisaa Meet, handog din ng lokal na pamahalaan ng Tacurong sa mga delegado ang libreng tour sa Baras Bird Santuary.Nakahanda na rin ang medical team ng lungsod na itatalga sa mga playing venue.
Tiniyak din ni Dela Cruz ang seguridad mga delegado at pagbibigay ng kanilang mga pangangailan.Ayon kay Dela Cruz, bilang pagsalubong sa mga PRISAA delegates, magkakaroon din ang LGU ng Mayor’s Night sa bukas ng gabi.
Magaganap naman ang socio-cultural at athletic events sa February 24 hanggang 25.Tema ng Region 12 PRISAA meet 2017 ang Cultivating an Environment that Embraces PRISAA’s Vision and Excellence’.
Tiniyak ni Koronadal City Information Officer Judith Labial Amido ang maigting na monitoring ng Internet Operators Regulatory Board o IORB sa mga internet cafe sa lungsod.Layon nito na matiyak ayon kay Amido na siya ring vice chair ng IORB na sumusunod sa internet cafe ordinance ang mga internet cafe operators.Ito ay sa pamamagitan ng mariing pagbabawal sa mga menor de edad at estudyante na pumasok sa mga internet cafe tuwing may klase at dis-oras ng gabi.Binigyan diin din Amido na pagmumultahin at posibleng ipasara din ang mga internet cafe na walang business permit.Ayon kay Amido ang mga internet cafe na may paglabag sa ordinasa sa unang offense ay pagmumulthin ng P2,000 P4,000 sa second offense at P5,000 sa ikatlo at final offense.Matatandaan na dalawang mga internet cafe operators ang pinagmulta ng IORB matapos mahuling nagpapasok ng mga estudyante sa oras ng klase sa Koronadal nitong Pebrero.Pinatawag din sa barangay hall ang magulang ng mga bata na sa halip na sa klase ay nasa loob ng internet cafe.
Nilinaw ni Amido na saklaw din ng kanilang monitoring ang mga Piso Net na dumadami na ngayon sa Koronadal City. Inirerekomenda ng Koronadal City PNP sa mga opisyal ng grupo ng mga tricyle drivers at Operators sa Koronadal na gumawa ng profile o mag-file ng biodata ng kanilang mga myembro.
Ito ay bunsod ng pamimili at hindi magandang pakikitungo ng ilang mga tricyle drivers sa kanilang mga pasahero.
Ayon kay Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Condes, layon din nito na agad na matukoy ang sinumang tricyle driver na isinasangkot sa robbery/hold up.
Binigyan diin ni Condes na kung mayroong cleansing ang PNP nararapat na meron din nito ang mga tricyle association sa Koronadal.
Ang mga opisyal ng tricyle drivers at operators ay pinulong mismo ng pulisya. Seguridad sa mga billeting quarter hinigpitan matapos nakawan ang mga delegado ng Koronadal at South Cotabato sa North Cotabato SRAA meet ,ayon sa Deped 12
Ligtas na sa mga magnanakaw ang mga delegado sa SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association na ginaganap ngayon sa North Cotabato.
Ito ang tiniyak ni Deped 12 Information officer Antonio Maganto sa Radyo Bida.
Ayon kay Maganto matapos ang koordinasyon ng DepEd magtatalaga ng dagdag na mga tauhan na magbabantay sa mga billeting quarters ng mga delegado ang militar,at pulisiya.
Katuwang ng mga ito sa pagbabantay ng seguridad ng mga atleta ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPATs.Sinabi ni Maganto na isang menor de edad na suspek sa pagnanakaw sa mahigit P30 thouasand pesos na gamit ng mga delegado ng South Cotabato sa Matalam National High School ang nahuli ng mga otoridad.
Ito ay matapos maaktuhang sumusilip sa comfort room malapit sa supply room ng eskwelahan.Habang inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang resposable sa pagnanakaw sa may P130 thouand na halaga ng cellphone at iba pang mahalagang gamit ng mga delegado ng Koronadal City sa Paco Elementary School sa Kidapawan City.
Kailangan ng National Irrigation Administration o NIA ng apat na bilyon upang maisakatupran ang libreng patubig at mapataas ang produksyon ng mga magsasaka sa susunod na taon.Ayon kay NIA Chief Peter Tiu Laviña, ang ahensya ay humihingi ng adisyunal na pondo sa kasalukuyan nitong budget na P2.3-billion na nakapaloob sa 2017 na national budget.Sa ilalim ng batas, ang NIA ay kailangang kumolekta ng Irrigation Service Fees o ISF nasa P2-billion taon taon para sa sahod ng mga empleyado at allowances.
Gagamiting din ang pondo sa mga oprerasyon at maintenance ng kasalukuyang irrigation system.
Ito ay maaring mawala kapag tuluyang ipinatupad ang libreng irrigasyon.Ang free irrigation ay isa sa mga pinagtutuunang programa ng kasalukuyang administrasyon, kasabay ng konstruksyon ng maraming irrigation systems at mga proyekto, at paggamit ng water resources para sa hydropower upang tumaas ang kita ng mga magsasaka. Umapela si Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes sa mga mamamayan na suriing mabuti ang mga papeles ng mga bibilhing sasakyan.Ito ang ipinahayag ni Condes matapos marekober sa Koronadal city kahapon ang isang pulang Montero vehicle na may license plate ADJ 456.
Ayon kay Condes ang sasakyan ay pagaari ng isang Alvin Dela Cruz ng San Ildefonso Bulacan at tinangay ng mga suspek na sina Danila Manalastas at Lorena Adriano na kinasuhan na sa CALABARZON region noong nakaraang taon.
Ito ayon kay Condes ay sinanla ng P400 thousand pesos sa isang taga Barangay Zone 3 Koronadal City na si Roderick Quimbao, 46 anyosna biktima rin aniya ng modus ng mga suspek.
Nagana umano ang pakikipag transakyon ng mga suspek sa biktima sa kalakhang Maynila
Ayon kay Condes ang sasakyan ay narekober ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal City PNP at Highway Patrol Group o HPG ng South Cotabato Police sa pamamagitan ng GPS.
Sinabi ni Condes na narekober ang sasakyan bago maglabas ng look out bulletin laban sa mga rent-tangay suspek ang Department of Justice. Tukoy na ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa National highway sa Brgy. West Patadon, Matalam, North Cotabato madaling araw noong linggo.Positibong kinilala ng kanyang Ina na si Teresa Tambio ang bangkay na si Ruel Tambio, 38, binata na residente ng Brgy. Pisan, Kabacan.

Alas dyes ng umaga kahapon nang dumulog si Aling Teresa sa Matalam PNP at inilarawan ang anak pati na ang suot nito bago ito nawala.Base sa pahayag ng ina, doon na nakumpirma ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay at napag-alamang may deperensya umano ito sa pag-iisap.

Kwento pa ng kanyang ina, hindi raw nila alam na umalis si Ruel noong Sabado ng umaga.Matatandaang natagpuan na lamang nakahandusay at wala nang buhay ang biktima madaling araw ng linggo.

Sa imbestigasyon ng PNP lumabas na may nakitang bakas sa leeg ang biktima na posible itong sinakal na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa ngayon humiling ang ina ng biktima sa PNP na patuloy naimbestigahan ang nangyari sa kanyang anak para matukoy ang mga responsable sa nabanggit na krimen.
Posibleng mas dadami pa ang mabibiktima ng pagnanakaw sa Kidapawan City dahil sa gyera kontra illegal gambling ng PNP.

Ito ang ipinahayag ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa isang presconferrence nitong nakaraang araw sa lungsod.Ayon kay Evangelista wala raw ibang patutunguhan ang mga taong nakadepende sa illegal numbers game kundi sa pagnanakaw dahil mawawalan na sila ng trabaho.

Kung si Evangelista ang tatanungin, sana raw ay may mga alternatibo ang National Government sa mga taong maapektuhan ng nabanggit na kampanya konta iligal na sugal.Inamin rin ng alkalde na marami rin sa mga taga Kidapawan City ay umaasa sa numbers game o last two.

Bagaman at suportado niya ang nabanggit na kampanya ito naman ang kanyang nakikitang magiging resulta. Kaugnay nito, hinamon ngayon ni Evangelista ang City PNP na huwag lamang tumutok sa deriktiba ng Administrasyong Duterte kontra Illegal Gambling.

Dapat raw ay hatiiin ang ibang mga pulis na mangangasiwa at tumutok rin sa ibang mga crime rate katulad ng pagnanakaw at pangloloob sa Kidapawan City.
Hindi na nagawang makapalag pa ng isang 18-anyos na lalaki matapos itong maaresto ng Special Weapons and Tactics o SWAT Team sa ilalim ng Kidapawan City PNP pasado alas dyes ng umaga
kahapon.Kinilala ang suspek na si Ricky Antac Maway, binata, carwash boy na taga Brgy Mu-an, Kidapawan City.

Ayon sa PNP, isang concerned citizen raw ang nagreport sa kanila kaugnay sa presensya ng grupo ng mga kabataan na sumisingot ng Rugby sa ilalim ng tulay sa bahagi ng Kasapid store ng lungsod.Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa lugar at doon nila naaresto si Maway at dalawang iba pa.

Nakuhanan din si Maway ng isang improvised handgun o mas kilala sa tawag na sumpak.Sa report mula sa investigation section ng City PNP, inamin mismo ng suspek na siya ang founder at leader ng isa sa mga Gang sa Kidapawan.

Ito ay ang Respetadong Choy o RC gang na nag-ooperate maliban sa lungsod ay pati rin sa bayan ng Makilala at Magpet.

Ang nasabing gang ay umano may signature o nakikilala sa pamamgitan ng kanilang suot na pulseras sa kanilang paa.

Napag-alaman rin na ang RC gang ay may halos tatlong daang miembro.Sa ngayon nasa PNP custodial facility ang nasabing gang leader at posibleng mahaharap sa kasong RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions habang ang dalawa pa nitong kasamahan
na mga menor de edad ay agad na itinurn over sa Coty Social Welfare and Development Office.
Patay ang isang miembro ng Civilian Active Auxiliary o Cafgu matapos nilang makasagupa ang ilang miembro ng New People's Army sa Sitio Buay-Buay, brgy Basak, magpet North Cotabato.Ang insidente nangyari pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Elisio Sicao.

Ayon kay 2nd Lt. Silver Belvis ay nagsasagawa ng Combat Patrol ang tropa ng mga Cafgu ng 39th IB ng Philippine Army nang maka enkwentro ang nasa 15 NPA rebels ng Guerilla Front 53.Dahil dito umabot ng halos isang orasa ang bakbakan ng dalawang grupo na nagresulta naman ng pag-ataras ng rebeldeng grupo.

Sa nasabing bakbakan Killed in Action ang Cafgu member na si Sicao.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng militar ang armadong grupo na pinaniniwalaang nagtatago lamang sa liblib na bahagi ng bayan ng Magpet.
Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa loob mismo bisinidad ng LANDmark area sa Kidapawan City.

Ang isnidente nangyari pasado alas dyes kagabi.Kinilala ang biktima na si Joven mariano Aguanan, 27 anyos na taga Samal Island, Davao del Norte.

Ayon sa report ng PNP, nakipagdate lamang ang biktima sa kanyang girlfriend na si Jeseryl Malik, 18, na taga Tulunan, North Cotabato.Pero bigla na lamang raw silang lapitan ng isang lalaki at binaril ang biktima.

Dalawang tama ng bala mula sa caliber 45 pistol ang tinamo ng biktima sa kanyang mukha na nagresulta naman ng kanyang agarang kamatayan.Sa ngayon blanko pa ang PNP sa motibo sa krimen habang kukunan pa ng dagdag na pahayag ang girlfriend ng biktima para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek.

NDBC BIDA BALITA

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...