Monday May, 13 2024 04:10:10 PM

NDBC BIDA BALITA (2.23.17)

 • 17:00 PM Thu Feb 23, 2017
759
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 23, 2017 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAG-AMA, sugatan sa pananaga ng
sariling kaanak sa Midsayap, North
Cotabato.

2. Dalawang menor de edad, ginahasa umano
ng sariling lolo sa Magpet, North Cotabato.

3. WEIGHT reduction contest, ilulunsad ng So. Cotabato provicial gov't sa mga kawani 4. Matapos tanghaling over-all champion sa SRAA 2017, South Cotabato, maghahanda na para sa SRAA 20185. Treasures of SOX sa Makati Expo, pinaghahandaan na ng DOT-12. SA PAGAMUTAN ang bagsak ng mag-ama
matapos silang pagtatagain ng suspek na kanila ring malapit na kamag-anak sa
Midsayap, North Cotabato.

Nagtamo ng sugat sa kanyang kanang
kamay at tagiliran ang biktimang si Antonio Cabañog, 34 years old at isang
karpentero nang sugurin at pagtatagain ng kanyang sariling kapatid na si
Crecensio Cabañog, isang habal-habal driver.

Sinabi ni Midsayap PNP chief, Police
Supt. Bernard Tayong na na nangyari ang insidente pasado alas sais kagabi sa
Purok Singko, Barangay Anonang, Midsayap.

Nagkataon naman na bitbit noon ng
biktimang si Antonio ang kanyang tatlong taong gulang na anak kaya’t nahagip
din ito ng taga sa tuhod.

Nabatid na lasing ang suspek na si
Cresencio nang gawin ang krimen.

Nagalit kasi si Cresencio nang sitahin
ni Antonio matapos na pagbantaan ang kanilang nakatatandang kapatid.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga
otoridad si Cresencio na agad na nagtago matapos ang insidente. LUMABAS NA ang warrant of
arrest laban sa kasalukuyang alkalde ng Maitum, Sarangani na si Alexander Bryan
Reganit.

Ito ay kaugnay ng kasong
pagpatay sa dating mayor ng bayan na si George McPerson Perrett.

Una ng nadakip ang siyam
na iba pang suspek sa naturang krimen.

Si Perrett ay tinambangan
noong February 28, 2014 habang pauwi sa kanilang bahay kasama ang pamangkin,
sekretarya at kanyang misis mula sa piyesta.

Walang security detail ang
dating mayor at siya pa mismo ang nagmaneho ng kanilang sasakyan nang tambangan
sila ng armadong grupo.

Sa hita lang ang tama ni
Perrett at agad naman siyang naisugod sa pagamutan.

Ngunit kinabukasan ay
binawian ito ng buhay sa ospital dahil sa atake sa puso at maubusan ng dugo.

Samantala, kaugnay ng pagpapalabas
ng warrant of arrest para sa kasong murder kay mayor Reganit, natuwa naman ang
pamilya ni Perrett lalo na ang maybahay nitong dati ring alkalde ng bayan na si
Elsie Ruge Perrett.

Aniya, malaki ang
kanilang pagpapasalamat dahil mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng
kaniyang mister, matapos ang halos tatlong taong paghihintay.

Kaugnay nito ay nananawagan
naman si Mrs. Perrett sa kanyang mga kababayan sa Maitum na tulungan silang
mahuli si Reganit na kasalukyang on leave. INIHAYAG
ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM na wala sa kanilang
drug watchlist ang mag-amang Vice Mayor Datu Ohto Montawal at Mayor Vicman
Montawal.

Sinabi ni PDEA
ARMM Director Bryan Babang na nabasa niya rin ang initial result sa
investigation ng PNP -CIDG na nagsasabing walang matibay na ebidensiya na makapagpatunay
na sangkot sa illegal drug trade ang mag-ama.

Tila
nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Vice Mayor Ohto at sinabing mas lalo
niyang pai-igtingin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa
opisyal, kahit pinangalanan siya noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi siya
nagdamdam dahil alam niyang wala siyang kinalaman sa paratang sa kanila.

Labis din ang
kanyang pasasalamat sa pamunuan ng PNP-CIDG at PDEA ARMM dahil tinutukan silang
mag-ama dahilan upang lumabas ang katotohanan.

Samantala,
tiniyak naman ng bise alkalde na kasunod ng kanilang mahigpit na kampanya
kontra iligal na droga ay tutukan naman nila ang iligal na sugal sa kanilang
bayan.

Aniya,
magiging mahigpit ang mga otoridad sa paghuli at pagpapakulong sa mga mahuhuli
at mapapatunayang sangkot sa illegal gambling. HINDI PA RIN
tiyak ngayon ng militar kung Abu Sayyaf Group o ASG ang responsable sa
panibagong insidente ng pagdukot sa pitong mga banyaga na tripulante ng isang
Vietnamese vessel sa Tawi Tawi.

Sinabi ni AFP
Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo na sinalakay ng mga armadong
grupo ang isang Vietnamese vessel kung saan lulan dito ang 17 mga tripulante.

Batay naman
kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander Brig. Gen. Custodio Parcon na
nagsasagawa ngayon ng hot pursuit operations ang mga tropa ng Philippine
Marines para matukoy ang lugar kung saan dinala ang pitong bagong bihag na
pawang mga banyaga.

Hindi rin
makumpirma ng militar kung ilang armadong rebelde ang sumalakay sa Vietnamese
vessel.

Ayon pa kay
Arevalo, isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga otoridad
para matiyak kung anong grupo ang responsable sa abduction at kung ano ang
motibo ng mga ito.

Kumpiyansa
ang mga kasapi ng Community Leaders Assembly and Partnership for Peace na maipapasa
ang bagong bangsamoro enabling law.

Ito ang
naging pahayag ni Rahib Mamaluba, lider mula sa sektor ng magsasaka.

Aniya,
lubhang maaapektuhan ang kanilang sektor kapag sumisiklab ang giyera.

Giit pa ni
Mamaluba na sa mga liblib at malalayong lugar naman kasi nangyayari ang sagupaan
dahilan para maapektuhan ang kanilang sakahan oras na nagkakaroon ng giyera.

Kaya umaasa
si Mamauba na sa pamamagitan ng bagong bangsamoro enabling law ay matutuldukan
na ang matagal ng kaguluhan sa bahaging ito ng Mindanao.

Umaasa din
ang iba't ibang sektor na binubuo ng CLAP for PEACE na magiging makabuluhan at
epektibo ang papel ng Bangsamoro Transition Commission

Nabatid na
nakatakdang isumite sa kongreso ang bagong batas ng bangsamoro sa Hulyo ngayong
taon.

Inaasahan ng South Cotabato delegation ang grand slam na panalo sa SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet sa susunod na taon.
Ayon kay Deped South Cotabato Schools Division Superinendent Crispin Soliven, ito ay matapos tanghaling na namang Over all Champion sa 2017 SRAA meet na nagtapos kahapon sa Kidapawan City, North Cotabato.
Sinabi ni Soliven na matapos manalo ng dalawang sunod na taon, isang panalo na lang ang kailangan ng South Cotabato para maging grand slam winner sa regional meet.
Nabatid na ngayong SRAA 2017 ang nag-over all champion na South Cotabato ay nakakuha ng 715 points, ito ay matapos tanghalin ring over all champion sa Elementary at Secondary Level.
Ang pinakamahigpit nitong katunggali na General Santos City ang tinanghal na First Runner UP, matapos makakuha ng 621 points.
Second Runner-Up naman ang Host Division ng North Cotabato na mayroong 527 points.
Ang Koronadal City Division na nakuha ng 331 points ang tinahanghal na Third Runner Up.
Ayon kay Soliven, paghahandaan naman ng mga nagwagi sa SRAA meet ang Palarong Pambansa sa lalawigan ng Antique sa Abril. Ipinahayag naman ni Haydee Templonuevo ng Provincial Information Office na sa ngayon ay wala pang pinal na talaan ng mga atleta ng rehiyon na qualified sa Palarong Pambansa ang Deped 12. Pinaghahandaan na ng Department of Tourism o DOT 12 ang ikalawang Treasures of SOX na gaganapin sa Makati city sa April 1 hanggang 7.Sinabi ni DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera nakikipagpulong na ang kanilang tanggapan sa mga local tourism officers, bilang kabahagi ng paghahanda sa naturang trade expo.Sinabi ni Dillera na noong nakaraang taon abot sa P22 million pesos ang kinita ng rehiyon sa unang Treasures of SOX .Umaasa naman si Dillera na abot ito sa P25 million pesos ngayong taon, maliban pa sa paghahanap ng mga dagdag na investor.Kabilang sa mga proudkto ng SOCCKSARGEN na ibibida sa teasures of Sox ang mga food products tulad ng Tuna, black/red/brown rice, kape, coco sugar,at calamansi juice.Ibebenta din ang mga cultural icons tulad ng T’nalak, Brasswares, inaul at house decors na gawa sa balat ng mais at kawayan.Katuwang ng DOT sa Treasures of Sox ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Fisheries and Aquatic Resources, DOLE at DENR.
Tumtulong din sa proyekto ang SOX Tour Operators Association, Regional Tourism Council, Small and Medium Enterprises, Agricultural Producers, Chambers of Commerce and Industry, Hoteliers at Economic Development Committee of the Regional Development Council 12. Idadaan naman sa pustahan ang pag-abot sa target na ibabawas na timbang ng mga kawani ng South Cotabato Provincial Government.Ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr., ito ay kabahagi ng Lose it To Win Challenge 2017, ang weight management program ng pamahalaang panlalawigan.Sinabi ni Aturdido na bawat team na lalahok sa challenge ay binubuo ng limang myembro.
Ang mga ito ay bibigyan naman ng tig P5,000 inisyal na pondo na gagamitin sa buwanang pustahan .Ayon kay Aturdido makukuha ng team na maabot ang kailangang timbang ang buwanang bet money.
Bukod dito ang mga team na may pinakamalaking mababawas na timbang kada buwan ay mabibigyan din ng cash reward.
Ang Lose It to Win Challenge ay lalahukan ng 12 team.
Ang team na may pinakamaraming nabawas na timbang ang makakakuha naman ng pot money sa pagtatapos ng challenge sa Setyembre.Layon ng programa na maisulong ang pagkakaroon ng health6 lifestyle sa mga kawani ng kapatilyo sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na maabot ang tamang timbang.
Mapapakinabangan na ng mga negosyante sa bayan ng Norala, South Cotabato ang Negosyo Center ng Department of Trade and Industry o DTI.Ayon kay DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabunales, ang pasilidad ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng munisipyo.Ipinahayag ni Gabunales na tutulong ang negosyo center para mapadali ang pakikipag transakyon at paghahanap ng market sa mga produkto ng micro small medium enterprises o MSMEsIto ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng business registration assistance, advisory services, information and advocacy, facilitation at referral services.
Matatandaan na ang DTI South Cotabato ay maroon nang 2 negosyo center sa Koronadal City at tig isa sa mga bayan ng Surallah, Tantangan, Tupi at Sto. Nino.Kinumpirma ni Gabunales na dagdag na Negosyo Center ang ilulunsad ng DTI sa Banga , T’boli at Polomolok sa Marso..
Tiniyak ni Gabunales na bago magtapos ang taon, magkakaroon na rin ng negosyo center ang mga bayan ng Lake Sebu at Tampakan.
Mayroon nang alernatibong kabuhayan ang 11 mga overseas Filipino workers o OFW sa Koronadal City.
Ito ay matapos makinabang sa tig P10,000-tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE at Koronadal city government.Ayon kay Koronadal Public Employment Service Office o PESO Manager Judith Marmonejo, walo sa mga benipisyaryo ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay Program ng DOLE ay nagpatayo ng Sari-sari Store.Habang ang iba naman ay mayroon nang Rice Retailing Business.
Kinumpirma ni Marmonejo na abot na sa 69 na mga OFW ang nakinabang sa Balik Pinas Balik Hanabuhay program.Ayon kay Marmonejo 51 OFW na rin sa lungsod ang natulungan ng Livelihood Development Assistance Program o LDAP ng ahensya.Habang apat naman ang nabigyan ng alternatibong kabuhayan sa pamamagitan ng Pinas ikaw ang Maam/Sir program.
Tiniyak din nito ang pagtuloy na pagbibigay ng tulong sa mga OFW na dudulog sa PESO office o DOLE.

Nakapagsagawa ng 14 na operasyon laban sa iligal na sugal ang pulisiya sa South Cotabato mula Enero hanggang Peberero 17.Ito ay ayon kay South Cotabato PNP Provincial Director, Senior Police Superintendent Franklin Alvero.
Ang mga anti gambling operation na ito ayon kay Alvero ay nagresulta sa pagkakahuli sa 28 katao, 13 sa mga ito ay kinasuhan na ng PNP.Ayon kay Alvero nakakolekta rin ang Pusiya ng mahigit P12 thousand bet money sa kanilang operasyon laban sa iligal na sugal,karamihan sa mga ito ay nakuha sa mga usher na aktong nahuling nagpapataya ng illegal numbers game na last two.Ipinahayag ni Alvero na bago pa man ipagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinimulan na ng pulisiya ang maigting na kampanya laban sa iligal na sugal sa South Cotabato.Binalaan naman ni Alvero ang mga sangkot sa iligal gambling na tumigil nabago pa man mahuli ng PNP
Matapos ipagbawal ng pangulo ang pagsagawa ng anti illegal drug operation dahil sa pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa kontroberysa, nakatutok ngayon ang pulisiya sa kanilang kampanya kontra iligal na sugal.

Cotabato Light announces NGCP scheduled power interruption on May 19

What: NOTICE OF NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES POWER INITIATED POWER SERVICE INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00...

NDBC BIDA BALITA (May 13, 2024)

HEADLINES 1   SOCCSKSARGEN athletic meet 2024, simula na ngayong araw sa Gen Santos City; games schedule binago upang iwas heat stroke...

Suspect sa rape-slay ng 10-year-old pupil sa Tupi, South Cotabato patay nang manlaban daw sa PNP

KORONADAL CITY - Suspek sa pagpaslang sa 10 anyos na Grade 4 student sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato patay matapos umanong manlaban sa mga...

City hall at ibang lugar sa Cotabato City, binaha kasunod ng malakas na buhos ng ulan

DAHIL sa matinding pagbuhos ng ulan na dulot ng easterlies, binaha ilang mga nasa low lying areas sa Cotabato City. Nakakaranas din ng matinding...

BARMM to implement Islamic finance with enactment of proposed revenue code

CAGAYAN DE ORO -  Once Bangsamoro Transition Authority (BTA) Bill 286, or the proposed Bangsamoro Revenue Code, is enacted, the BARMM is...