Friday May, 17 2024 07:26:55 AM

NDBC BIDA BALITA (2.24.17)

 • 16:14 PM Fri Feb 24, 2017
806
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 24, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Maguindanao councilor na wanted dahil sa illegal drugs,naaresto.2. Dalawa patay sa pamamaril sa North at South Cotabato.3. Car buyers, pinag-iingat ng South Cotabato HPG kontra rent-tangay scheme4. Dalawang IED, natagpuan sa liblib na barangay ng Magpet, North Cotabato KALABOSO na ang isang municipal councilor
ng Guindolongan, Maguindanao matapos maaresto ng mga operatiba ng Philippine
Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM kasama ang mga sundalo mula sa Army’s 40th
Infantry Battalion.

Kinilala ang suspek na si Guindulongan
1st councilor Dennis Sandigan Utto alyas Basuka Ulint na natimbog ng
mga otoridad sa hideout nito sa Barangay Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao sa
isinagawang buy bust operation.

Sinabi ni PDEA ARMM Director Bryan
Babang na lumipat ng tirahan si Utto matapos ng dalawang beses na pagtatangka
ng PDEA ARMM na hulihin siya noong nakaraang taon.

Ayon kay Babang, natunton nila ang
pinagtataguan ni Utto sa tulong na rin ng kanilang mga informant sa lugar.

Aniya, si Utto ay high valued target
level 3 at pangalawa sa target list ng Maguindanao PNP na matagal ng
pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade
sa lalawigan.

SAMANTALA, nasamsam ng mga otoridad mula sa suspek
ang isang maliit na pakete ng pinaniniwalaang Shabu, isang libong pisong marked
money na ginamit sa buy bust, at apat na pakete ng shabu na tinatayang nasa 20
gramo.

Kabilang din sa mga narekober ang STI
Grand Master cal.45 pistol nito kasama ang isang magazine na may pitong mga
bala, isang cellphone, at iba’t ibang uri ng ID kasama na ang pagiging municipal
official nito at pagiging miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sa ngayon ay nakaditine na sa PDEA ARMM
lockup cell si Utto sa Cotabato city.

Una rito, naaresto na ng PDEA ARMM si
Northern Kabuntalan councilor Fatima Daud Baliwan na hinihinalang sangkot din
sa mga malawakang bentahan ng bawal na gamot sa probinsiya.

Nabatid na nadakip din ang anak nitong
si Norodin, at dalawa mga bodyguard.

Nadakip ang mga Baliwan sa entrapment
operation sa Cotabato City matapos na matagpuan ang pake-paketeng Shabu sa loob
ng sinasakyan nilang Toyota Land Cruiser with licensed plate XSF-868.

KULUNGAN ang bagsak ng
isang lalaki matapos mahuli sa akto ng mga otoridad na gumagamit ng iligal na
droga sa Cotabato city.

Kinilala ang nadakip na suspek
na si Habib Farouk Gayak na nakuhanan ng isang sachet ng shabu.

Nadakip si Gayak ng pinagsanib
na pwersa ng City police Special Force,
police station one at Special Weapon and Tactics o SWAT ang isang lalaki
pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa sa Purok Ulandangen, Mother Barangay
Poblacion.

Sa ngayon nakakulong na
sa Police Station 1 lock up cell ang suspek habang inihahanda ang kasong
isasampa laban sa kanya.

Samantala, sa iba pang
balita, arestado ng mga elemento ng Datu Odin Sinsuat PNP ang isang binatilyo
dakong alas kwatro ng hapon kamakalawa sa SPDA Village, Brgy. Semba, Datu Odin
Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang binatilyo na
si Mat-Mat Nono Sadang 18 years old,
walang trabaho, at residente ng
nasabing lugar.

Si Sadang ay nahaharap sa
kasong robbery at tatlong buwan ng pinaghahanap ng batas.

Dinakip si Sadang sa bisa
ng warrant of arrest na inisyu ni Judge BANSAWAN IBRAHIM, ng RTC Branch 13 noon pang November
10, 2016. Tiniyak ng
pamunuan ng Royal Sultanate of Mindanao ang kanilang suporta sa isinusulong ng
Pangulong Duterte na Pederalismo.

Ito ang
sinabi ni Sultan Kudarat Governor Sultan Omar Pax Mangudadatu, Al Haj sa
isinagawang pulong balitaan sa Convention Center ng Davao City, ngayong
Huwebes.

Ito din ang
paniniwala ni Sultan Almarin Tillah, ang Policy adviser ng Sulu dahil
naniniwala ito sa Federal form of Government na makakatulong sa matagal ng
ipinaglalaban ng mga moro sa Mindanao.

Giit nito na
ito na ang maging huling pamamaraan para matuldukan ang kaguluhan sa isla.

Aniya, marami
na umanong mga peace process na inilatag ang pamahalaan pero tila hindi naging
seryoso dito ang gobyerno.

Samantala,
sinabi naman ni Governor Pax na sa kabila ng hindi nakasama ang ilang mga
Sultan mula sa kanilang hanay sa bubuuing Bangsamoro Transition Commission ay
suportado pa rin nila ang peace process ng pamahalaan.

Layon din ng
kauna-unahang Grand Summit of the Confederation of Royal Sultanates in Mindanao
ay upang magka-isa ang mga Sultan sa buong bansa.

Dahil
naniniwala ang opisyal sa ipinaglalaban ng Pangulong Duterte na sawatain ang
ipinagbabawal na gamot, labanan ang kurapsiyon at isulong ang Kapayapaan. KULONG ang
isang mangingisda matapos hampasin nito ng bote sa ulo ang kapwa mangingisda sa
Cotabato city.

Kinilala ang
suspek na si Uteng Sogdol Ismambas, 21 years old, may asawa,
at taga Purok Tres, Bukana, Mother
Barangay Kalanganan ng lungsod.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng Police station 4, alas sais kagabi habang nag-iinuman ang
suspek at ang biktimang si Tabby Esmael Solaiman, 55 years old ay nagkainitan
ang mga ito.

Habang nagtatalo
ay bigla na lamang hinampas ng suspek ang ulo ng biktima gamit ang bote ng alak.

Mabilis na
tumakas si Ismambas matapos ang insidente subalit nadakip din sya ng mga
barangay official sa lugar

Samantala, sa
kabilang dako naman, mismong ang security head ng sun sky marketing ang nagdala
sa isang suspected shoplifter sa himpilan ng police station 1 pasado alas
kwatro ng hapon kahapon.

Kinilala ang
suspek na si Johannie Pananggulan, 27, may asawa, walang trabaho at taga Boliao
Uno, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Nakuha mula
sa suspek ang ninakaw nito na damit pambata na nagkakahalaga ng 750 pesos.

Sa ngayon
inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. BUMALANGKAS
ng mga epektibong programa ang mga opisyal ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM at ang pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur para labanan
ang matinding kahirapan.

Layunin nito
na matanggal sa listahan ng pinakamahirap na mga probinsiya sa buong bansa ang
Lanao del Sur sa loob ng dalawang taon.

Lumabas kasi sa
first quarter 2015 data ng Philippine Statistics Authority na ang Lanao del Sur
ang pinakamahirap na probinsiya sa bansa na may 74.3% poverty incidence.

Sa isang
special ARMM cabinet meeting at executive consultation kamakalawa tinukoy ang
mga kahinaan ng kasalukuyang anti-poverty programs ng probinsya at ang mga
pamamamaraan para mapabuti ang mga ito.

Dumalo sa
special cabinet meeting at executive consultation sina Lanao del Sur Vice
Governor Mamintal Adiong, Anak Mindanao Representative Atty. Makmod Mending
Jr., at mga local chief executives ng probinsiya.

Hinikayat naman
ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang Department of Agriculture ng Lanao del Sur
na tumutok sa pagpapalawak sa agriculture coverage ng probinsiya at pagsiguro
sa rice sufficiency ng probinsiya sa taong 2019.

Nakiusap rin
si Hataman sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development na madaliin
ang bidding process sa partner conduit upang mapadali ang payout process ng
Pantawid Pamilyang Pilipino Program 4Ps. Naglaan ng mahigit P1.3 million ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato para sa Development Alternative Framework o DAF Program nito ngayong taon.
Ayon kay South Cotabato Barangay Affairs Unit Chief Jerry Gamo, ang tulong pangkabuhayan ay mapapakinabangan ng 30 mga Sitio sa lalawigan.
Sinabi ni Gamo na pinili ang mga benepisyaryo kung batay sa galing ng pamamahala ng programa at economic status .
Kinumpirma ni Gamo na napili para sa programa ang 19 na mga Sitio sa South Cotabato.
Ang mga ito ay makatatanggap ng tig P40,000 na halaga ng pipiliing proyekto.
Ayon kay Gamo ang Project DAF ay naipatupad na sa 90 mga Sitio ng South Cotabato simula noong 2013.
Sinabi ni Gamo na halos kalahati nito na hindi na qualify sa ikalawang bugso ng pagpapatupad ng programa ay unti unti nang nakababawi ngayon matapos makatanggap ng dagdag na tulong.
Layon ng Project DAF na mabigyan ng kabuhayan ang mga mahihirap na mamamayan sa mga liblib na barangay ng South Cotabato Paiigtingin ng Provincial Human Resource Management Office o PHRMO ng South Cotabato ang pagsasagawa ng back ground check sa kanilang mga aplikante.
Sinabi ni PHRMO Supervising Administrative Officer Lea Arboleda, na hindi kasi naikonsidera ang rating ng Individual Performance Commitment and Review Forms o IPCR ng mga aplikante noong nakaraang taon.
Ayon kay Arboleda kabahagi ng pag-back ground check sa mga aplikante ng kapitolyo ang pagtawag sa telepono at personal interview sa kanilang mga supervisor at taong inilagay bilang reference sa kanilang application.
Layon nito ayon kay Arboleda na ma-validate ang personal information ng mga aplikante.
Sinabi ni Arboleda na ang Backrgound Investigation at IPCR ay mas binibigyan halaga na rin ng Civil Service Commission o CSC .
Ayon kay Arboleda magkakaroon ang PHRMO ng objective performance form na magiging batayan sa rating ng mga applicant.
Kalakip dito ang working attitude, initiative, paguugali, kasanayan, katalinuhan, tiwala sa sarili at maraming iba pa.
Ito ayon kay ARboleda ay bilang kabahagi pa rin ng ng Integrity for Jobs o IJ4J prject sa lalawigan.
Layon din nito na matiyak na may kakayahang pisikal at mental ang mga kukuning kawani ng gobyerno. Sisimulan ng mga evaluator ang pagsusuri sa kahandaan sa kalaimdad ng mga local government unit sa South Cotabato sa bayan ng Tupi, sa February 27.Ito ay bilang kabahagi ng Search for GAwad Kalasag 2017 ng Department of the Intetrior and Local Government o DILG.
Ayon kay DILG South Cotabato OIC Provincial Director Aurora Andrea de Pedro magtatagal ang evaluation sa Marso.Magiging batayan naman sa pararangalan ang mga programa para maibsan ang epekto, kahandaan, pagtugon at rehabilitasyon sa danyos ng kalamidad.
Ayon kay de Pedro ang bawat local government unit ay magkakaroon ng isang entry sa barangay category.Habang ang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ay lalahok naman sa Municipal Category.
Ang mga mananalong first prize sa dalawang kategorya ay tatanggap ng tig P50,000.Ang Koronadal City na kaisa isahang lungsod sa South Cotabato ay kailangang makakuha ng 80% rating bago makuha ang P20,000 incentives at ma-qualify sa Regional Kalasag Award.Ang mga magwawagi ay pararangalan naman sa awarding ceremony sa National Disaster Month Celebration sa Hulyo.
Layon ng Gawad Kalasag o Kalamidad,Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan, na kilalanin ang mga local na pamahalaan at barangay na may pinakamagandang programa sa paglaban sa kalamidad.
Iniimbitahan ng South Cotabato PNP ang lahat ng mga running enthusiast sa buong region 12 na makilahok sa kanilang Bond of Runners, ito ay isang fun run activity sa March 4.Layon ng aktibidad ayon kay SPO4 Renjun Bagaman ng South Cotabato PNP na makalikom ng pondo para sa ipinatatayo ngayong Makatarungan Hall ng Police Regional Office 12 sa Tumbler, General Santos City.
Ang Fun Run ayon kay Bagaman ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 3,000 katao .Sinabi ni Bagaman na ang mga interesadong lumahok sa fun run ay maaring magpatala sa South Cotabato Police Headquarters sa Koronadal City.
Mamimigay din ang PNP ng registration form sa mga eskwelahan.Ang registration fee para sa mga College at High Schools Students ay P50 at P25 pesos naman sa mga bata.
May naghihintay ring cash prize sa mga magwawagi sa 10 kilometer at 5 kilometer run.
Sinabi ni Bagaman na ang aktibidad ay isinuslong mismo ni PRO 12 Regional Director Chief Superintendent Cedric Train.
Sa katunayan ayon kay Bagaman dalawang beses na itong isinagawa sa Region 12.
Plano rin ng pulisiya na gawin ang Bond of Runners sa iba pang lugar sa General Santos City. Patay ang isa katao matapos umanong markuryente sa bayan ng Norala, South Cotabato.Kinilala ng pulisiya ang biktima na si Charlie Laud, 20 anyos, helper ng isag ka fruit shake store at nakatira sa Barangay Katipuanan bayan ng Sto. Nino.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na si Laud ay nakuryente matapos mahawakan ang bakal na poste na nasagi ng isang livewire.
Ito ay habang nagbabantay sa pingtatrabahuhang fruitshake store na katabi lamang ng Norala Municipal hall.
Ang biktima ay ideneklarang dead on arrival sa Norala District Hospital.
Hiniling naman ng pamilya ni Laud ang autopsy sa mga labi nito. Personal Grudge ang sinusudang anggulo ngayon ng Mlang PNP kaugnay sa nangyaring pamamaril sa Sitio Salaksakan, Barangay Poblacion A, Mlang North Cotabato pasado alas nuebe ng gabi kahapon.
Kinilala ang namatay na si Fortunato Marfil Lavega, 57-anyos na residente rin ng nabanggit na lugar.

Habang kinilala naman ang sugatan na na nadamay lamang na si Ronnel Dela Cruz, 22 anyos.Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nag-iinuman lamang ang biktima kasama ang tatlong iba pa nang lapitan raw ng riding tandem criminals at walang kaabog-abog na pinagbabaril si Lavega gamit ang Baby M16 rifle.Tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na nadala pa sa pagamutan pero binawian din ng buhay.
Habang ang nadamay na si dela Cruz at inilipat naman sa Davao City hospital.Narekober naman sa crime scene ang 11 basyo ng bala ng baby M16 rifle.
Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang responsable sa krimen.

Nabatid na una nang nakulong ang biktimang si Lavega dahil sa kaso nitong attemtep murder.
Nananatili pa rin ngayon ang 21 pamilya sa kanilang mga kaanak sa barangay Tempuran, Magpet North Cotabato.Ito matapos na lumikas sila dahil sa nangyaring enkwentro noong linggo sa Sitio Tinawayan, brgy. Badiangon, Arakan sa pagitan ng ilang CAFGU member at ng New People's Army.Nabatid na nasa pitong kilometro lamang ang layo ng brgy. Tempuran sa brgy. Barangay Badiangon, Arakan.

Dahil hindi pa rin ligtas para sa nabanggit na pamilya ang bumalik sa kanilang mga tahanan agad namang namahagi ng tulong ang Municipal Didaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Social welfare and development Office Arakan sa mga apektadong pamilya.Noong nakaraang lunes ang unang batch ng pamamahagi ng tulong ng dalawang ahensya.

Sa ngayon nanatili sa mga bakanteng bahay sa Magpet ang pamilya at naghihintay na maging ligtas ang lugar para makauwi na sa kanilang tahanan.Samantala Patuloy ding nagpapagaling ang isang 43 anyos na si Jessica Ventura Bange na taga Brgy. Malire Antipas. matapos na tamaan ng ligaw sa nabanggit na engkwentro.
Nagtamo ng tama ng bala si Jessica sa kanyang kamay na tumagos naman sa kanyang bewang at agad na isinugod sa hospital.
Mahigpit ngayong ipapatupad ng Antipas LGU ang pagsasailalim sa drug test ang lahat ng negosyante sa bayan bago makakakuha o makapag renew ng business permit.
Ito ang ipinahayag ni Antipas Mayor Egidio Cadungon.

Ayon kay Mayor Cadungon, ito ay dahil sa ilang negosyante ang nagsurface sa PNP noong nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.Para sa alkalde hindi dapat bigyan ng business permit ang mga negosyante kung walang naka ATTACH na resulta sa kanilang drug test.

Sa pamamaraang ito, malalaman ng LGU kung sino ang mga gumagamit ng iligal na droga sa ganun ay kanilang mamonitor at kun pwede ay matulungan.Matatandaang noong nakaraang linggo sa isinagawang surprise mandatory drug test sa lahat ng LGU employee isa ang otomatikong nagpositibo sa droga habang ang apat naman ay subject for confirmatory test.

Lumabas naman na nag negatibo ang apat.Sa ngayon, nais ipatupad ng alklade ang drug test kada anim na buwan sa kanyang mga empleyado kabilang na ang mga barangay officials ng buong munisipyo. Abot sa walong pamilya ang pansamantala nilisan ang kanilang mga bahay matapos marinig ang putukan noong nakaraang gabi sa Purok Dos, brgy. Temporan, Magpet North Cotabato.Ayon kay brgy. Temporan Chairman Bioli Berdadero, pasado alas 6 ng gabi ng marinig nila ang palitan ng putok ng umano dalawang grupo sa bulubunduking bahagi ng kanilang barangay.

Dahil sa takot agad na lumikas ang nasabing mga pamilya at tumungo sa sentrong bahagi ng barangay.Nakadagdag rin sa takot ng mga residente ang nagrorondang CAFGU member nang mangyari ang putukan at posibleng ang mga miembro ng NPA ang kanilag nakasagupa.Samnatala, kahapon naman ng umga narekober sa lugar ang dalawag Landmine na umano planong itanim ng mga rebeldeng NPA malapit sa detachment ng mga cafgu.

Salaysay ng isang magsasaka na nakakita rito parang mga balde raw kalaki ang naturang mga bomba.

Agad naman nilang inireport sa militar ang kinuha ito para sa seguridad ng lahat.Sa ngayon, hiling ni kay Kapitan Berdadero sa mga residente sa area na pansamantala munang bumaba sa sentrong bahagi ng barangay tuwing gabi para masiguro ang kanilang kaligtasan at babalik lang kung umaga para rin sa kanilang mga kabuhayan. Naaresto ang isang wanted person makaraang makitang pagala-gala sa Poblacion, Kabacan North Cotabato kahapon ng tanghali.Kinilala ang suspek na si Badjuri Piscaulan Dimanalao, 27-anyos na taga Lapu-Lapu Street, Poblacion, Kabacan.

Si Dimanalao ay may standing warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na may criminal Case number 11-79.

Sa nabanggit na kaso inirerekomenda ni Judge Alandrex Betoya, ng RTC Branch 16 Kabacan ang 400, 000 pesos bilang pyansa ng suspek.Ayon sa report nang arestuhin ang suspek ay kinagat umano nito ang isa sa mga pulis ng Kabacan PNP na naging dahilan ng pagkakasugat ni PO3 ROY SIXTO DELEÑA.Nang kapkapan din siya ay nakuha na pa ito ng apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Samantala, hindi narin nagawang makapalag pa ng isa pang wanted person matapos maaresto ng PDEA 12 sa buy bust operation sa Ortega Subd. Brgy. Poblacion, Kidapawan City kahapon ng umaga.Ayon sa PDEA matagal nang may warrant of arrest ang suspek na si Ruel Javier dahil sa iligal na droga.

Sa operasyon ng PDEA nakuhanan si Javier ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu, marked money at isang cellphone.Kapwa nakakulong na ngayon ang dalawang suspek sa lock up cell.

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...