Saturday May, 18 2024 04:50:52 PM

NDBC BIDA BALITA (2.25.17)

 • 15:38 PM Sat Feb 25, 2017
801
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 25, 2017 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWA SA MGA SUSPEK sa pagpatay sa
44 miyembro ng PNP-Special Action Force noong January 2015 sa
Mamasapano, Maguindanao, arestado sa Shariff Aguak, Maguindanao.

2. High Value Target sa North Cotabato
na sangkot sa bentahan ng iligal na droga, nasa mahigit limang libo pa, ayon sa
PDEA 12

3. MGA BUNTOT ng daga, papalitan ng
bigas ng Koronadal City Agriculture
Office
NASAKOTE
ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang dalawang sangkot umano sa
pagpatay sa 44 na mga miyembro ng PNP-Special Action Force o SAF sa Oplan
Exodus noong January 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.

ang nasakote ng sa bayan ng Shariff Aguak ng
lalawigan nitong Huwebes.

Sa
report ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ARMM, naaresto ang
mga suspek na sina Lakiman Kalid Dawaling at Mustapha Tatak pasado alas dyes ng
umaga kahapon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong multiple murder at
multiple frustrated murder na inisyu ng korte.

Nadakip
ang dalawa sa operasyong inulunsad ng pinagsanib na elemento ng CIDG ARMM,
Shariff Aguak PNP, Maguindanao PNP at ng tropa ng Philippine Army

Sina
Dawaling at Tatak ay sinasabing kabilang sa grupo ng mga rebeldeng Moro na
nakasagupa ng SAF 44 sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25,
2015.

Matatandaan
na ang Oplan Exodus ay naglalayong maaresto, buhay man o patay, ang wanted na
international terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan na may limang milyong
pisong reward mula sa pamahalaan ng Estados Unidos.

Napaslang
sa operasyon si Marwan pero naging kapalit nito ang buhay ng 44 na SAF
commandos na nakasagupa ng ilang mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front o
MILF at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

NAPIGILAN ng
mga elemento ng Philippine Navy ang balak sana ng Abu Sayyaf Group o ASG na pagkidnap
sa mga dayuhang tripulante ng isang commercial vessel na may watawat ng Panama
sa karagatan ng Tawi-Tawi.

Sa ulat ni
Rear Admiral Rene Medina Commander ng Naval Forces Western Mindanao, napigil
ang masamang tangka ng Abu Sayyaf dahil sa mabilis na pagresponde ng kanyang
tropa na nagsasagawa ng maritime patrol sa lugar.

Aniya,
tagumpay na naitaboy ang limang armadong ASG sakay ng speed boat.

Ani Medina,
tinangka ng ASG na atakihin ang Panamanian flagged ship M/V Dong Hae Star upang
makakuha ng panibagong mabibihag.

Ang barko ay
galing China at naglalayag sa Sulu Sea patungong Indonesia bandang alas dyes ng
umaga kamakalawa nang lapitan ng ASG lulan ng kulay itim na speedboat malapit
sa Pear Bank sa lugar.

Sinusundan pa
lamang ng speedboat ang barko ay nakaradyo na ang tripulante nito sa Littoral
Monitoring Station sa Bongao, Tawi Tawi para humingi ng tulong.

Nag-deploy
agad si Medina ng karagdagang barko ng Joint Task Force Tawi-Tawi at Sulu para
magsagawa ng maritime operations na nagresulta upang mapigil ang planong muling
pangi­ngidnap ng teroristang grupo. Apektado ang
kalakalan sa Polloc Port sa PARANG, Maguindanao dahil sa talamak na pamimirata
sa karagatan na sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, partikular na sa
Tawi-tawi

Ito ang
sinabi ni ARMM Regional Board of Investments chairman Ishak Mastura matapos na
sinuspendi nila ang pagpapalawak ng kanilang operation sa mga foreign shipping
companies sa Polloc Port sa Maguindanao dahil sa usapin ng seguridad.

Malaki aniya ang
naibawas sa kita ng ARMM government mula sa pandaigdigang kalakalan epekto ng
pamimirata.

Abot sa 150 million
pesos ang ginagasta ng ARMM government mula sa tanggapan ni ARMM Governor Mujiv
Hataman at ng Department of Public Works and Highways ng Rehiyon na hinuhugot
mula sa pondo ng ARMM na galing sa Pamahalaang Nasyunal para ayusin at
pagandahin ang Polloc Port.

Pero sabi ni
Mastura, ang Polloc Port ay nakapag-remit na sa National Government ng mahigit
sa 300 milyung piso mula sa kitang nakokolekta nito sa loob ng tatlong taon.

Sinabi naman
ni Port Administrator Hexsan Mabang na biglang itinigil ng ilang international
firms ang balak sanang pagkonekta ng kanilang pasilidad sa nasabing pantalan
dahil sa banta ng seguridad.

NASA mahigit tatlong daang mga dating drug dependent ang nagtulong-tulong para linisin sa mga nakabarang water hyacinth ang ilog sa Datu Piang, Maguindanao.Magda-dalawang linggo na ang ginagawang clearing operation sa nasabing ilog sa tulong ng mga volunteer mula sa barangay, mga pulis, sundalo at maging mga kasapi ng Moro National Liberation Front o MNLF para i-chainsaw ang makapal at nagkumpol-kumpol na mga water hyacinthAyon sa pamunuan ng Humanitarian Emergency Assistance and Response Team ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM HEART, ang mga tumulong na mga dating drug dependent ay una ng sumuko sa mga otoridad sa nasabing bayan noong nakaraang taon at nangakong magbabagong buhay.Ayon kay Maguindanao Second District Engineering Office chief Engineer James Mlok na nagbigay ng hiwalay na chainsaw ang kanyang tanggapan at ang pamunuan ng ARMM HEART para maputol ng mga volunteer ang malalaking water hyacinth sa ilog ng Datu Piang.Ito ay upang magkahiwa-hiwalay ang mga ito at hindi na magbabara sa ilog na nagdudulot ng baha sa ilang mga lugar sa bayan at sa katabing bayan nito ng Midsayap. Nanawagan si
Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Moro fighters na iwasan at itaboy ang anumang
ekstremistang grupo, dahil tiyak na ikadidiskaril ito ng pagsusulong ng
kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ito ng
pangulo sa paglulunsad ng 21-member Bangsamoro Transition Commission o BTC sa
Davao city.

Ayon sa
pangulo, naniniwala siyang magiging mahirap para sa mga miyembro ng BTC na bumalangkas
ng Bangsamoro Law at ipatupad ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o
CAB na kasunduan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Ang BTC ay
binubuo ng 11 miyembro mula sa MILF, at 10 naman mula sa pamahalaan.

Ipauubaya na
rin ni Duterte sa BTC ang gagawin para dito dahil sila ang mas nakakaalam sa
kasaysayan, populasyon at ang mga nakagawian na ng mga tribo sa Mindanao.

Ipinangako
rin ng pangulo ang kaniyang buong suporta sa pagsusulong ng Bangsamoro law. Nagsimula nang tumanggap ng mga reklamo ang Office of the Senior Citizen o OSCA sa Kidapawan City sa pamamagitan ng kanilang Hotline.
Maaring idulog ng senior citizen ang kanilang mga reklamo lalo na sa pag-avail ng kanilang mga benipisyo.

Maaari lamang i-contact ang nabanggit na tanggapan sa pamamagitan ng numerong 09778565414 para sa globe habang 09214488555 naman para sa mga Smart User.

Samantala, muli na namang magsasagawa ng Re-orientation ang OSCA sa mga may-ari ng establisyemento sa Kidapawan City.
Ito ay kaugnay sa reklamo ng ilang senior citizen na hindi na nabibigyan ng 20% discount lalo na sa kanilang mga gamot na binibili.

Nabatid na sa ilalim ng RA 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 makikinabang ng 20% discount ang mga senrior citizen sa gamot, mga kainan at iba pa.
Ayon kay Kidapawan city Office of the Senior Citizenz Affair President Milagrita Valdevieso, ilang mga Senior Citizen na ang nagsampa ng pormal na reklamo kontra sa mga botika sa tulong na rin ng Local
Monitoring and coordinating board na siyang nakatutok rito.
Maliban sa mga gamot makakabenipisyo din ng 5 percent discount sa water at electric bills ang mga senior cetizens.
Tinututukan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang abot sa higit limang libong High Valued Target o HVT na sangkot sa iligal na droga sa North Cotabato.
Ito ang ibinunyag ni Kat Abad, ang Public Information Officer ng PDEA Region 12 sa Radyo Bida.

Ayon kay Abad, ang pagkategorya sa isang drug personality bilang High Value Target, ay nakadepende sa lawak ng kanyang area of operation o lugar na pinagbebentahan ng iligal droga.Isa na rito ang bago lamang na nahuling si Ruel Javier sa Kidapawan City noong nakaraang araw.

Ayon kay Abad, makokonsiderang HVT si Javier dahil nagbebenta ito ng droga hindi lamang sa North Cotabato kundi abot rin sa Davao del Sur.Samantala, iginiit rin ni Abad na maliban sa nabanggit na bilang higit isang libong mga drug personality din sa Kidapawan City ang tinututukan ng PDEA 12.Sa ngayon, patuloy ang PDEA bilang lead agency sa kanilang kampanya sa pamamagitan na rin ng kanilang Provincial Branch sa North Cotabato, katuwang ang Philippine Army at PNP.
Abot sa 4, 848 na mga bagong slots ang pwedeng aplayan ngayon ng mga nais magpa miembro ng Senior Citizen sa bayan ng Makilala.

Dahil dito, sinimulan na ng Office of the Senior Citizen's Affair o OSCA ang pagtanggap ng mga bagong aplikante.Ang pagbubukas sa nasabing slots ay nakabase rin sa abiso mula sa opisina ng Presidente ng Pilipinas.

Ayon kay Constancia Olbes, Focal Person ng OSCA-Makilala, sa ngayon nasa 1,068 na ang kabilang sa kanilang listahan na tumatanggap ng pensyon kung saan ang 144 rito ay nadagdag noong huling
quarter lamang ng 2016 na aprubahan ang kanilang application.Maliban sa regular pensioner na mga Senior Citizenna aabot ng higit dalawang libo, ay meron ding nasa dalawang daan na tumatanggap ng pensyon na pinondohan ng Makilala lGU.Ang pondo galing sa 1% sa kabuuang budget ng LGU sa buong taon para sa OSCA at Person's With Disabilities.

Ang mga senior Citizen pensioner sa bayan ay tumatanggap ng 500 pesos ang buwan habang 1500 pesos bawat quarter.
Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang tatlong mga CAFGU member at dalawang sundalo matapos masangkot sa aksidente ang kanilang sinasakyang military vehicle.Ang insidente nangyari sa hangganan ng Arakan and President Roxas, North Cotabato kamakalawa ng gabi partikular sa Barangay Ilustre President Roxas.

Kinilala ang mga active CAFGU member na sina Ric Gomez, Ronnie Librando at Delio Dangin, at ang dalawang sundalo na sina Privates 1st Class Lord John Singson at Rocky Villamore.Sina Singson at Villamore ay kapwa naka assign sa 39th IB ng philippine army na nakabase sa bayan ng Makilala.

Ayon sa report nawalan raw ng kontrol ang driver habang minamaneho ang KM450 light truck habang pauwi sa kanilang kampo nang pumutok rin ang gulong nito at nawalan siya ng balanse dahilan ng
kanilang pagkaka aksidente.Nabatid na area pa ng 39th IB ang mga Arakan, Magpet at President Roxas kung saan nagsasagawa sila ng combat patrol dahil na rin sa mga una nang enkwentro ng kanilang tropa sa pagitan ng New
People's Army ngayon linggo lamang.
Naging produktibo ang tatlong araw na pagsasagawa ng drug symposium ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa 25 mga paaralan sa Kdiapawan City.Ayon kay Kath Abad, Public Information Officer ng PDEA Region 12, malaking tulong ang naturang programa para sa mga high school students para maiwasan ng mga ito ang paggamit ng iligal na droga.Kabilang rin sa itinuro ng Team ang epekto ng bawal na gamot sa katawan ng isang tao.

Iginiit ni Abad na hindi lamang sila nakatutok sa panghuhuli sa mga sangkot sa iligal na droga kundi nakatutok din sila sa demand reduction o pababain ang demand ng droga sa pamamagitan ng information
dissemination kontra droga. Samantala, maliban sa Kidapawan ay pupuntahan din ng Education and Community Involvement Section ng PDEA-12 ang iba pang lalawigan sa rehiyon.Layunin ng programa na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga estudyante sa masamang epekto ng iligal na droga at mapababa ang bilang ng posibleng maging adik na mag-aaral.Samantala, nilinaw naman ni Abad na hindi dahil mas talamak ang iligal na droga sa Kidapawan City kaya ay inuna nila ito kundi ang pagiging bukas rin ni City Mayor Joseph Evangelista na makipag-
partners sa PDEA para sa nabanggit na programa. Abot na sa mahigit 500 ektaryang pataniman ng palay ang apektado ng pamemeste ng daga sa Koronadal City.
Ito ay ayon kay Koronadal City Agriculturist Emelita Miguel.Ayon kay Miguel, na hinihikayat ngayon ng kanilang tanggapan ang mga mamamayan na tumulong sa pagpuksa ng mga pesteng daga.Sinabi ni Miguel na mabibigyan ng bigas ang mga mamamayan na makapagpapakita sa kanila ng buntot ng daga na kanilang mahuhuli.Nilinaw naman ni Miguel na dapat ding mapatunayan na inilbing ang mga buntot ng daga para matiyak para maiwasan ang panamantala ng ilan.Binigyan diin ng city agriculture office na kailangan ang agarang aksyon para mapuksa ang mga pesteng daga dahil sa bilis ng pagdami ng mga ito.Ayon kay Miguel, maari lamang gamitan ng rodenticides ng mga magsasaka kung kailangan.
Paliwanag ni Miguel, hangga’t maari ay hindi inirerekomenda ng city agriculture office ang paggamit ng lason sa pagpuksa ng daga dahil sa isinulong na organic farming ng Koronadal City Government. Tatalakayin ng Provincial Agriculture Office sa pagpupulong sa mga fish cage operators ngayong lingo kung ano ang problema sa fish kill sa Lake Sebu, South Cotabato.Ayon kay South Cotabato Provincial Agriculturist Justina Navarete, paguusapan sa meeting ang mga dapat gawin sa paglilinis at rehabilitasyon ng lawa.Sinabi ni Navarete nais nilang alisin sa lawa ang mga lumang kawayan ng fish cages, at water lily.
Lilinisin din ayon kay Navarete ang inlet at outlet ng Lake Sebu.Tiniyak ni Navarete na mahigpit ding ipatupad ang paglalagay ng mga fish cages sa sampung porsyento lamang lawa.
Sinabi ni Navarete sa Bureau of Fishiries and Aquatid Resources na huwag na munang mamigay ng Tilapia Finglerlings sa mga apektado ng fish kill.
Ito ay habang isinasailalim pa sa paglilinis at rehabilitasyon ang Lake Sebu.Matatandaan na dahil sa fish kill na ikalugi ng mahigit P128 million operators, ideneklara ang State of Calamity sa Lake sebu noong Pebrero 8.
Naitala rin ang pagkamatay ng mga tilapia fingerlings sa lawa nitong lingo.
Sasailalim sa supplementary feeding program sa loob ng ilang lingo ang mga malnourished na bata sa 22 sitio ng South Cotabato.
Ayon kay South Cotabato Provincial Nutrition Action Officer Ma. Ana Uy, ito ay sa pamamagitan ng Hapag-Asa program.Ito ay isang programang pangkalusugan ng Assisi Foundation na nakikipagtulungan ngayon sa pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Sinabi ni Uy ng kabahagi ng feeding program ang pamimigay sa mga malnourished na bata ng sachet ng compact mix vegetables.Ito ayon kay Uy ay nagkakahalaga ng mahigit P1 million.
Makikinbang sa feeding program ang mga batang salat sa nutrisyon sa mga pinakamhihirap na Sitio saw along bayan na tinukoy ng Barangay Affairs Unit.
Sinabi ni Uy na para gagawin sa mga eskwelahan o health center ang feeding program para sa sa mas madaling monitoring ng provincial nutrition office.

Nais tapusin ng local na pamahalaan ang sanitary landfill ng Koronadal City bago magtapos ang kasalukuyang taon.Ayon kay Koronadal City Environment and Natural Resources Officer Agustus Britania, ito ang dahilan kung bakit minamadali na ng local na pamahalaan ang proseso nito.Sinimulan na ang site development plan sa lupain na maaring saklawin ng proyekto sa barangay Paraiso.
Tiniyak ni Britania na para maging mas makakalikasan,walang itatapong basang basura sa pasilidad.Kaugnay nito, umapela si Britania sa mga mammaayan ng Koronadal na huwag lamang iasa sa city government ang paghahakot ng kanilang mga basura.
Aminado si CENRO Officer na dahil sa kawalan ng dump truck hirap din silang hakutin ang basura sa ibang mga barangay.Payo nito sa publiko gawin ang waste segration, i-recyle ang mga basurang maaring pang mapakinabangan at gawin organic fertilizer ang mga nabubulok na basura.
Matatandaan na ang kawalan pa rin ng sanitary landfill ng Koronadal ay ipinagpaliwang ng office of the Ombudsman sa mga opisyal ng lungsod noong nakarang taon.
Umaapela si Koronadal City Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan ng lungsod na may mga bahay na maaring tuluyan ng mga bisita na makipag ugnayan sa Mayor’s Office o sa alinman tanggapan sa city hall.Ito ang ipinahayag ng alkalde kaugnay sa isinsulonog na home stay sa mga participant ng national motorcycle convention sa Abril.
Nilinaw ni Miguel na babayaran ang may ari ng bahay depende kung gaano katagal manunuluyan din ang mga participant.Sinabi ni Miguel ang home stay program ay tugon ng lokal na pamahalaan sa kakulangan ng mga hotel at accommodation sa lungsod dahil sa maraming reservation.Ang national motorcycle convention sa Koronadal ay inaasahang lalahukan ng may 100 motorcyle clubs.
Ito ay gaganapin sa Abril 22 hanggang 30.
Matutunghayan sa 9 na araw na aktibidad ang exhibit ng mga kakaibang motorsiklo.Magkakaroon din ng lecture, seminar at training sa tamang pananamit, porma , road safety.
Tuturuan din na maging tourist guide ang mga tricycle drivers sa Koronadal City
Tinanggap na ng tatlong asosasyon sa Lambayong, Sultan Kudarat ang 1.5 milyong halaga ng proyekto ng PAMANA o Payapa at Masaganang Pamayanan Program.
Nakinbang sa programa ang mga myembro Pambalayan Farmers Association, Limbalod Farmers Association at Lilit MNLF-SMFC Farmers Association.Ayon kay Abubakar Tato, PO president ng Pambalayan Farmers Association, malaki ang kanilang pasasalamat dahil nakamit na din nila ang kanilang pinakamimithi na proyekto para sa kanilang barangay .Aniya malaki ang magiging tulong nito lalong-lalo na sa ikauunlad ng kanilang mga productong pang-agrikultura.Dahil sa pagtutulungan ng DA-12, Municipal Local Government Unit ng Lambayong, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at iba pang kasapi ng kagawaran, matagumpay na naisakatuparan ang proyekto.Ang PAMANA ay isang national government program at balangkas para sa kapayapaan at kaunlaran.
Layon ng programa na maabot ng programa ng pamahalaan ang mga mamamayan sa mga lugar na apektado ng kagulahan ang usaping pangkapayaan.

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...