Thursday May, 23 2024 06:09:53 AM

NDBC BIDA BALITA (2.27.17)

 • 15:48 PM Mon Feb 27, 2017
821
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 27, 2017 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Apat sugatan sa anti-drug operation sa Datu Paglas, Maguindanao2. PINATAY na miembro ng farmers group sa North Cotabato, inilibing. Hustiysa sigaw ng pamilya.3. Construction ng Koronadal City public terminal, nangangalahati na, ngayong taon na bubuksan4. Tubig, umaapoy sa South Cotabato, tawag pansin ngayon

5. Transport strike, gagawin din sa Cotabato City pero gagawin ito matapos maihati ang mga pasahero. MAKIKILAHOK ang transport sector ng Cotabato City sa nationwide transport strike pero di ito sinimulan kaninang madaling araw.Sa halip, sinabi ng samahan ng mga tsuper sa Cotabato City na gagawin nila ang kilos protesta alas 9 pa ng umaga bilang pakikiisa sa kapuwa tsuper sa buong bansa.Ayon sa grupo, ang kanilang protesta ay gagawin alas 9 ng umaga upang di maabala at di maapektuhan ang mga mag-aaral at mangagagawa sa patungo sa paaralan at pagawaan.Sa ibang panig ng bansa, sinuspende ang klase dahil sa transport strike pero sa Cotabato City, siniguro muna ng mga tsuper na maihatid ang mga pasahero bago sila makilahok sa protesta. NAPASAKAMAY NA RIN ng mga otoridad ang
dalawa sa mga drug suspect na sangkot sa talamak na bentahan ng iligal na droga
sa Datu Paglas, Maguindanao at iba pang mga bayan sa lalawigan.

Gayunman, sinabi ni Army’s 33rd
Infantry Battalion commander Lt. Col. Harold Cabunoc na sa ngayon ay nasa
pagamutan pa ang mga suspek na sina Sinda Pendaliday at Monsip Pendaliday
matapos na masugatan sa inilunsad na operasyon ng mga operatiba ng Philippine
Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM at mga sundalo katuwang din ang Moro
Islamic Liberation Front o MILF.Nabatid na sugatan naman sa naturang
operasyon ang dalawang mga sundalo na nakilalang sina 1st Lt. Mark
Fernandez and Private 1st Class Chester Masicampo.

Nagkasugapa ang armadong grupo ng mga
Pendaliday at mga sundalo kamakalawa matapos na maglunsad ng operasyon ang
nabanggit na mga otoridad para madakip ang mga Pendaliday at mga kasamahan nito
sa Barangay Lipao, Datu Paglas.

Ayon kay Cabunoc, sa halip na sumuko ay
pinaputukan ng grupo nina Pendaliday ang mga sundalo at PDEA agents na nagsanhi
ng mahigit na isang oras na sagupaan.

Nabatid na nakatakas naman ang iba pang
mga kasamahan ng mga Pendaliday.

Nakuha mula sa hideout ng mga suspected
drug trafficker ang mga drug paraphernalia at pake-pakete ng pinaniniwalaang
Shabu na tinatayang nas 500 libong piso ang halaga.

Samantala, sa Cotabato city naman, kulungan
din ang bagsak ng isang 40 na tang gulang na lalaki makaraang mahulihan ng iligal
na droga sa Donia Teresa St., Barangay Poblacion Kwatro, pasado alas kwatro ng
hapon kahapon.

Kinilala ni Police Station 1 deputy
commander, police Sr. Insp. Tirso Pascual ang suspek na si Wahid Bisno Salindab,
single at taga Shariff Urban, Barangay Rosary Heights 3 ng lungsod.

Natimbog ang suspek matapos na may
tumawag umanong concerned citizen sa nasabing himpilan na may nangyaring
Robbery hold up sa lugar.

Nakuha mula sa naarestong suspek ang
sampung plastic heat sealed sachets ng pinaniniwalaang shabu. NDBC News AM Feb 27 Pahabol
Headline and Tubig na nagaapoy, dinarayo sa Tantangan, South Cotabato
Dinarayo ngayon ng mga mamamayan ang nagaapoy na tubig sa Barangay New Cuyapo sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.
Ayon sa caretaker nitong si Roger Quijano, ang umaapoy na tubig ay nagmula sa may 420 feet na flowing.
Ayon kay Quijano hindi na rin nila problema ang panggatong dahil madalas nagpapakulo sila ng tubig at nagluluto ng pagkain sa nagaapoy na tubig.
Ang ipinagtataka nila ayon kay Quijano, sa kabila ng pag-apoy nito malamig pa rin ang tubig na nagmumula sa flowing.
Sa katunayan aniya ito ay kanila ring iniinom.
May mga mamamayan din na naliligo dito.
Sinabi ni Tamayo na nadiskubre nila ang pagapoy ng tubig nang kanila itong sindihan may tatlong taon na ang nakararaan.
Sinabi ni Quijano na sinubukan nilang sindihan ang flowing ay matapos mabatid ang pag-apoy rin ng tubig mula sa isa pang flowing sa barangay New Cuyapo.
Ayon kay Quijano ngayon lamang simulang dayuhin ng mga mamamayan ang nagaapoy na flowing matapos mai-post sa social media ng mga umarayo dito. Kinukuha pa ng Radyo Bida ng pahayag hinggil sa nagaapy na tubig ang Mines ang Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources PATAY ang isang
photographer matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas
otso kagabi sa Mabini street, Barangay Poblacion Sais, Cotabato City.

Kinilala ng City PNP ang
biktima na si Faisal Mupac Kamsa, 49 years old, may asawa, taga Tukananes,
Barangay Poblacion Siyete ng lungsod at isang freelance photographer sa city
plaza.

Sinubukan pang dalhin sa
CRMC ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay na idineklarang dead on
arrival ng doktor.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon
ng pulisya, naka-angkas sa isang motorsiklo ang biktima nang pinagbabaril ng
malapitan ng suspek.

Agad namang tumakas sa hindi
pa malamang direksyon ang naglalakad lamang na suspek.

Nagtamo ng isang tama ng
bala ang biktima sa kanyang dibdib at tatlo naman sa kanyang tiyan.

Narekober ng mga pulis sa
crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol.

Sa ngayon patuloy pa ring
inaalam ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaril sa biktima at kung
ano ang posibleng motibo nito. PINAGBABARIL
ng apat na mga armadong lalaki ang isang punong barangay at mga kasamahan nito
habang nasa sakahan sa Midsayap, North Cotabato.

Kwento pa ni Barangay
Lower Glad Chairperson Nestor Rabarra, pasadao alas sais ng umaga kahapon habang
nasa sakahan siya kasama ang kanyang mga kamag-anak sa Barangay Central Glad
nang may namataan silang paparating na apat na armadong lalaki.

Aniya,
nagulat na lamang sila ng bigla silang paulanan ng bala ng naturang armadong
grupo.

Ayon kay
Rabarra, mabuti na lamang at agad silang nakadapa at naiwasang matamaan ng mga
bala.

Mabilis
namang rumesponde ang mga sundalo mula sa Army’s 34th Infantry
Battalion kaya nataboy ang mga armadong lalaki.

Sinasabing
ang naturang mga armado ay miembro ng pamilya Musa.

Naniniwala
naman ang Midsayap PNP na napagkamalan ng mga Musa ng miembro ng kanilang
kalabang pamilyangh Sugod ang grupo ni Rabarra.

Napag-alaman
na matagal nang may rido dahil sa pinag aagawang lupa ang mga Musa at Sugod sa
naturang barangay.

Katunayan,
noong nakaraang linggo ay isa katao ang nasawi matapos na magpang-abot ang
dalawang magkalabang pamilya sa nabanggit ding barangay.

Patuloy pang
binibiripika ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang ulat na pinugutan na
ng Abu Sayyaf Group o ASG ang bihag nilang German national na si Juergen
Kantner.

Sinabi ni AFP
Public Affairs Office Col. Edgar Arevalo na hanggang ngayon ay wala pa silang
kumpirmadong report mula sa kanilang mga tauhan sa Sulu kaya mahigpit pa nila
itong kinukumpirma.

Kasalukuyan
din nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga sundae sa mga lugar na
maaaring pinagdalhan sa bihag.

Una rito,
maaalalang nagbanta ang Abu Sayyaf na pupugutan nila si Kantner matapos ang
isinagawang airstrike ng AFP sa Patikul, Sulu noong Sabado.

Nagbigay pa
ng deadline ang badidong grupo na hanggang alas-tres ng hapon kahapon para
maibigay ang hinihingi nilang ransom kundi ay tuluyan ng pupugutan si Kantner.

Nabatid na nakarating
na kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang mga ulat ng
pagpugot sa 71-taong gulang na German.

0Nangangalahati na ang konstruksyon ng Koronadal City public terminal.
Ayon kay Koronadal City Engineer Ruel Tianchon ,kapag nailagay na ang assembled na bubong nito,kokonti lamang ang aayusin sa pasilidad. Kampante si Tianson na matatapos ang terminal sa Hulyo kung kelan magtatapos ang kontrata nito.
Sinabi ni Tianchon na sa ngayon tapos na ang poste, line kanal at kalsada sa ipinatatayong city terminal.
Tiniyak din ng city engineer na de kalidad ang mga materyales na ginamit sa proyekto.
Binigyan diin ni Tianchon ang regular na monitoring at testing sa proyekto na nagkakahalaga ng mahigit P100 million.
Tiniyak ni Tianchon na agad na bubuksan sa publiko ang integrated public terminal ng Koronadal kapag natapos na ang konstruksyon nito.
Ayon kay Tianchon,oras na maging operational na, mareresolba na rin ang problema sa terminal ng mga pampasaherong sasakyan sa Koronadal na ngayon ay nakakalat sa kahabaan ng General Santos Drive.
Ang bagong city terminal ay matatagpuan sa may anim na ektaryang lupain sa Crossing Diaz, Barangay Zone III, Koronadal. Binisita ng tatlong myembro ng United Nations Industrial Development Organization o UNIDO ang sanitary landfill o SLF facility sa barangay Colongolo, Surallah, South Cotabato.Ayon kay Surallah Municipal and Environment and Natural Resources Officer Maey Joy Emboltorio, ito ay upang alamin ang operasyon ng pasilidad.
Sinabi ni Emboltorio na napabilib ang mga environment expert nagg makita na matapos itapon ang mga residual waste sa cell number I ng SLF ,tinabunan ito ng lupa.Ang SLF sa Surallah ay pinagtatapunan ng residual waste ng mga bayan sa upper valley area ng South Cotabato.
Isinusulong ng UNIDO ang industrial development sa mga developing countries, at mga bansang mayroong economic transition.Ang UNIDO ay isang sangay ng UN na nakabase sa Vienna Austria.
Kabilang sa mga tumungo sa Surallah SLF para tingnan ang operasyon nito sina UNIDO National Project Manager Haide Piniero ,Environment Consultant Roes Elvin Sy Tanco at Mercibel Pecideras ng AECOM Company.
Pinuri naman ng mga ito ang lokal na pamahalaan sa pagtatayo ng SLF.
Mula sa mahigit 200 noong nakaraang taon, umaabot na ngayon sa may 300 ang mga internet café sa Koronadal City.
Sinabi ni Koronadal City Information Officer Judith Labial-Amido na lumubo ang naitalang internet café sa Koronadal matapos ang business renewal noong Enero.
Ipinahayag ni Aminado na kahit na ang mga maliliit na internet café o piso net sa mga bahay ay kailangang kumuha ng business permit sa local na pamahalaan.
Ayon kay Aminado dahilan din ng pagbaba ng bayarin sa mga internet café ang dumadaming bilang ng mga ito.
Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Aminado mas piniigting ngayon ng Internet Operation Regulatory Board o IORB ang monitoring sa mga internet café.
Layon nito ayon kay Aminado na siya ring Vice Chair ng IORB na matiyak na sumusunod ang mga ito sa internet café ordinance ng Koronadal.
Kalakip dito ang bagbabawal sa mga menor de edad o estudyante na pumasok sa mga internet café sa oras ng klase at dis oras ng gabi.
Magkakaroon ng serye ng jobs fair sa iba’t ibang lugar sa South Cotabato ang Department of Labor and Employment o DOLE sa susunod na buwan.
Ito ay unang gagawin ng ahensya katuwang ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Banga sa March 1.Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib pwede ring mag-apply ang mga jobs seeker sa March 7 jobs fair ng ahensya sa KCC mall of Marbel.
Gaganapin din ang Jobs Fair sa Open Court ng Municipal Plaza ng T’boli sa March 15.Ang jobs fair ay lalahukan ng mga kumpayang magaalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
Madalas ipinapayo ni Gutib sa mga aplikante ng jobs fair na magdala ng maraming kopya ng application letter, resume, transcript of records at ibang dokomento.
Layon nito na makapag-apply sa mas maraming kumpanya at magkaroon ng mas malaking tsansa na makakuha ng trabaho.
Sinanay sa meat processing ng Department of Agriculture o DA ang mga myembro ng Rural Improvement Clubs o RIC sa North Cotabato. katatapos lang na pagsasanay ay isinagawa sa Research and Experiment Station ng DA sa Balindog, Kidapawan City.
Itinuro sa mga participant ang pagawa ng corn beef, chicken tocino, skinless longganisa , siomai at tamang packaging sa mga ito.
Tinuruan din ng Agribusiness Marketing Assistance Deivision o AMAD ng DA ang mga particpants sa pag-market ng kanilang mga produkto.
Gagawin din ng DA ang meat processing training sa mga myembro ng RIC sa pang lugar sa SOCCKSARGEN. Nangangalahati na ang konstruksyon ng Koronadal City public terminal.
Ayon kay Koronadal City Engineer Ruel Tianchon ,kapag nailagay na ang assembled na bubong nito,kokonti lamang ang aayusin sa pasilidad.
Kampante si Tianson na matatapos ang terminal sa Hulyo kung kelan magtatapos ang kontrata nito.Sinabi ni Tianchon na sa ngayon tapos na ang poste, line kanal at kalsada sa ipinatatayong city terminal.
Tiniyak din ng city engineer na de kalidad ang mga materyales na ginamit sa proyekto.Binigyan diin ni Tianchon ang regular na monitoring at testing sa proyekto na nagkakahalaga ng mahigit P100 million.
Tiniyak ni Tianchon na agad na bubuksan sa publiko ang integrated public terminal ng Koronadal kapag natapos na ang konstruksyon nito.Ayon kay Tianchon,oras na maging operational na, mareresolba na rin ang problema sa terminal ng mga pampasaherong sasakyan sa Koronadal na ngayon ay nakakalat sa kahabaan ng General Santos Drive.Ang bagong city terminal ay matatagpuan sa may anim na ektaryang lupain sa Crossing Diaz, Barangay Zone III, Koronadal. Abot sa mahigit
139 daang mga pamilya ang lumikas matapos magka-engkwentro ang tropa ng 1002nd
Brigade at mga rebeldeng New Peoples Army sa may Sito Mahayahay, Barangay
Managa, Bansalan, Davao Del sur, nito’ng Sabado.

Inilagay sila sa
mas ligtas na lugar at nito nga’ng Linggo ay nakatanggap ng relief packages
mula sa local government unit ng Bansalan.

Ayon kay 1st
Lt. Silver Belvis, ang spokesman ng 39th Infantry Battalion, isang
tawag mula sa mga sibilyan na nagsasabing nakita sa erya ang mga NPA ang dahilan
kung bakit inakyat nila ang bundok.

Kasama ng 39th
IB na nakipagbakbakan sa mga rebelde ang tropa ng 73rd Infantry
Battalion.

Agad namang
nakubkob ng tropa ng gubyerno ang kampo ng NPA matapos ang sunud-sunod na
mortar shelling.

TODO-TANGGI si Engineer Hermie
Daquipa ng Phivolcs-Kidapawan sub-station na may inilabas sila’ng advisory na
dapat mag-ingat ang lahat sa magaganap na malakas na lindol na posibleng tumama
sa bansa, anumang araw mula ngayon.

Ayon kay Daquipa, wala – maging ang
mga kapitalistang bansa, ang maaaring makapag-predict ng lindol.

Ang tanging namo-monitor nila ay mga
pagyanig.

Samantala, naniniwala si Daquipa na
walang kinalaman ang paglutang ng mga patay na oar fish at iba pang deep-sea
creatures tulad ng dugong sa magaganap na malakas na lindol.

Nagkataon lamang daw ito, ayon pa sa
kanya.

Natural lamang umano na mamamatay ang
mga deep-sea creatures sa sobrang katandaan na nila. SAMA-SAMANG mananawagan ng
resumption ng peace talks sa pagitan ng National Democratic Front at ng Duterte
administration ang halos isang libong mga mamamayan na miyembro ng mga
progresibong grupo sa North Cotabato.

Magsisimula sila sa pamamagitan ng
march rally mula DXND compound, patungo ng city high walk sa city plaza,
mamayang alas-10 ng umaga.

Ayon kay Pastor Mary Joy Mirasol ng
grupong Karapatan-North Cotabato, sa pamamagitan ng peace rally ay maipaabot
nila sa gubyerno at sa NDF na dapat na sila’ng bumalik sa negotiating table
para mag-usap.

Ngayong natigil ang peace talks sa
naturang grupo, lagi, mga sibilyan ang agrabyado, lalo pa’t sila ang nagiging
‘collateral damage’ kapag inilulunsad ng military ang opensiba nito kontra mga
rebeldeng New Peoples’ Army sa mga kagubatan.

Natigil nito’ng Enero ang peace talks
nang bawiin ng NDF ang idineklara nila’ng unilateral ceasefire, na sinundan
naman ng pagbawi rin ng Duterte administration ng kanilang tigil-putukan na
deklarasyon. MAGSISIMULA na ngayong Marso ang
klase ng may 500 mga bagong iskolar ng Technical Education Skills and
Development Authority o TESDA sa lalawigan ng North Cotabato.

Sila ang bagong batch ng mga TESDA
scholars na dumaan sa matinding screening nito’ng Enero.

Libre ang tuition at miscellaneous
fees para sa kanilang pag-aaral.

Papasok sila sa iba’t ibang training
centers na accredited ng TESDA sa North Cotabato, tulad ng sa University of
Southern Mindanao sa Kabacan USM-Kidapawan City Campus sa Kidapawan City
Kidapawan Technical School sa Kidapawan City at iba pa.

Kabilang sa mga kurso’ng inilaan sa
kanila ay ang cookery carpentry food and beverage services computer system
servicing agricultural crop production at iba pa.

Cotabato Light announces power service interruption inside BARMM complex

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced an eight hour power servie interruption inside the BAngsamoro Government Center in...

Another bloody Basilan clan war settled amicably

COTABATO CITY - Army officials and local executives in Basilan on Tuesday settled amicably another deadly clan war in the province, ending hostility...

P1.1-M worth shabu seized in Pagadian City

COTABATO CITY - Non-uniformed policemen seized P1.1 million worth of shabu from a 19-year-old dealer entrapped in a residential area in Pagadian City...

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM

Ex-councilor killed after claiming housing unit for MILF in BARMM By Drema Quitayen Bravo COTABATO CITY (May 22) - A former council member in...