Saturday May, 11 2024 06:56:05 PM

NDBC BIDA BALITA (2.28.17)

 • 16:03 PM Tue Feb 28, 2017
750
By: 
NDBC

NEWSCAST

FEBRUARY 28, 2017 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGUINDANAO town councilor, nakaligtas sa pamamaril sa Datu Abdullah Sangki

2. PULIS, patay din sa pamamaril sa
Mlang, North Cotabato pero suspek, sumuko!

3. PANUKALANG gawing hiwalay na
congressional district ang General Santos City, suportado ng bise gubernador ng
South Cotabato

4. German hostage, pinugutan sa Sulu mga obispo, kinundina ang ginawa ng ASG NAKALIGTAS
sa tiyak na kamatayan ang ABC President at ex-oficio o honorary member ng Sangguniang
Bayan ng Datu Abdullah Sangki, sa Maguindanao.

Ito matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunman sa Barangay Kapinpilan, sa
Ampatuan, Maguindanao pasado alas siyete ng umaga kahapon.

Kinilala
ang biktimang si councilor Edris Dading Sangki, 45 years old at residente ng barangay
Kaya-Kaya, ng Datu Abdullah Sangki.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tagiliran
si Sangki matapos barilin ng suspek na naka motorsiklo.

Sa
ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at
ang motibo nito sa pamamaril sa konsehal.

Dumulog sa Police Station
2 sa Cotabato city kagabi ang isang ginang matapos tangayin umano ng kanyang
kasambahay ang abot sa 150 thousand pesos na cash mula sa kanilang bahay.

Sa sumbong ni Baby Queen
Mastura Sero-Andomen, 31 anyos, may asawa at taga Don E.Sero compound, barangay
rosary heights 5, tinangay ng kanyang katulong na si Saidale Kasan Campo, 18
ang mahigit naturang halaga ng pera habang nasa Davao city siya.

Nadiskubre na lamang daw
niya na pagkauwi sa kanilang bahay sa nawawala na si Campo tangay ang naturang
pera.

Sa ngayon ay inaalam na
ng mga pulis kung saan naroroon ang nasabing kasambahay.

Samantala, dumulog naman sa
Police station 1 ang kahera ng St. Peter life plan para isumbong ang kanilang
collector na nagtatago na, matapos na itakbo ang kanyang collection noon pang
October 2016 na umaabot sa 65 thousand pesos.

Kinilala ang collector ng
St. Peter na si Jhureen Jaraula.

Ayon sa kaherang si
Indelyn Tejero Alayon , 28, at taga ng Macapagal St. barangay Rosary heights Mother,
hindi na nag remit ng collection si Jaraula at nabatid na

inalis na pala ito sa
trabaho noon pang November 10 ,2016.

Sa ngayon umaasa pa rin
ang pamunuan ng St. Peter na maibalik ni
Jaraula ang perang kanyang tinangay. NAGPA-ABOT ng
pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa mga kaanak at kaibigan ng German
national na si Juergen Gustav Kantner na pinugutan ng mga Abu Sayyaf Group o
ASG sa Indanan, Sulu.

Kinondena
naman ito ni Peace Adviser Jesus Dureza, at sinabing ang pamumugot sa naturang
dayuhan ay karamula-dumal at hindi gawain ng matinong tao.

Sabi ni
Dureza, patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa German authorities kaugnay
ng nasabing insidente.

Magugunitang
noong araw ng Linggo ay isinagawa ng ASG ang pamumugot matapos ang bigong
pagbigay nito ng hinihinging ransom.

Samantala,
sinabi naman ni AFP Western Mindanao Command Army Cap. Joan Petinglay na
hanggang sa huling mgha sandali ay sinabukan nilang sagipin ang buhay ni
Kantner.

Aniya, sa
ngayon ay hinahanap pa rin nila ang bangkay ng german national para mabigyan
ito ng maayos na libing ng kanyang pamilya.

Kasunod naman
ng pamumugot kay Kantner, mas pina-igting ng militar ang kanilang operasyon
laban sa ASG.

Sa ngayon ay
nagpapatuloy ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Abu Sayyaf sa Albarka, Basilan.

Sinabi ni Albarka
Mayor Ladjid Darus na nagsimula kahapon ng umaga ang sagupaan sa Barangay
Makalang na umabot na rin ngayon sa mga karatig na mga barangay.

Napag-alaman
mula sa alkalde na marami na ring mga residente ang nagsilikas dahil sa takot
na maipit sa labanan lalo na at naglunsad na rin ng airstrike ang militar.

Nabatid na
lumalaban ngayon ang mga sundalo sa hindi pa mabilang na grupo ng mga bandido
na pinangungunahan ni Abu Sayyaf group Leader Nurhasan Jamiri.

Isinagawa
kamakailan sa Barangay New Panay, Aleosan ang launching ng ikatlong Bagsakan ng
Rubber Cuplump sa North Cotabato.

Ito ay para matulungan
ang mga magsasaka ng goma na makakuha ng higit na mataas na presyo ng rubber
cuplump sa merkado.

Batay ito sa
isang executive order na nilagdaan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza na
nagtatakdang magtatag ng bagsakan ng rubber cuplumps o trading center sa
probinsya.

Inaasahang
aangat ang kabuhayan ng mga magsasaka ng goma at mapapaunlad ang kalakalan ng
goma sa lalawigan sa pamamagitan ng rubber cuplump trading post.

Sinabi ni Provincial
Agriculturist Eliseo Mangliwan

na makakaroon
ng open bidding sa mga buyer ng cuplumps na higit na magpapasigla sa bilihan ng
naturang produkto.

Ayon naman
kay Barangay New Panay Chairman Lolita Caputulan malaking tulong ito sa mga
rubber farmer.

Ito ay
matapos na aabot na sa P45.50 ang kada kilo ng rubber cuplump na mas mataas ng
P2.15 mula sa karaniwang P43.35 kada kilo na presyo sa merkado.

Nabatid na higit
sa dalawang daang magsasaka ang sumaksi sa launching activity kasama ang mga
Municipal Agriculturists, Rubber Focal persons, traders at rubber consultants. Bumaba ang
produksiyon ng palay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, nitong
nakaraang taon.

Ayon kay Department
of Agriculture and Fisheries o DAF-ARMM - Regional Rice Report Officer at
Alternate Focal Person Edna Bajao na bumaba ng 191 thousand,425 metrikong
tonelada ang produksiyon ng Palay dahil nakaranas ng matinding tagtuyot ang
rehiyon.

Bukod pa anya
ito sa pamemeste ng daga at naranasang pagbaha ng mga huling quarter ng
nakaraang taon bagay na nadagdagan ang pinsala sa palayan.

Batay sa
datus ng DAF-ARMM, nakapagtala ang Rehiyon ng 825,722 metrikong tonelada noong
2015 habang nasa 634,297 naman nitong 2016.

Sa usapin
naman ng rice sufficiency, iginiit ng DAF-ARMM na ang Maguindanao lamang sa
ngayon ang may sapat na supply ng bigas.

Napag-alaman
na ang nasabing impormasiyon ay inilabas sa isang press conference kasabay ng
isinagawang 2017 ARMM Rice RandampD Forum na ginanap sa DAF-ARMM office sa Cotabato
City. Tinukoy ng Mines ang Geoscienses Bureau o MGB ang dalawang posibleng dahilan ng pag-apoy ng tubig sa Barangay New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato.Ayon kay MGB 12 Senior Geologist Princess Danielle Matas maaring isa sa mga dahilan nito ang posibleng exploration noon sa lugar na nagiwan ng pipeline sa ilalim ng lupa.Pero ayon kay Matas mas malaki ang posibilidad na geological phenomenon ang pagapy ng flowing sa New Cuyapo.Sinabi ni Matas na posibleng mayroong trap oil formation sa ilalim na lupa na pinagmulan ng methane gas na naging sanhi naman ng pag-apoy ng tubig.
Gayunpaman ayon kay Matas ito ay kailangan pang pagaralan ng mabuti ng ahensya.Sinabi ni Matas ligtas na inumin ang tubig kung ang pagbabatayan ang mga panuntunan ng MGB.
Pero ayon kay Matas mas mainam na ito ay maipasuri rin sa laboratoryo ng Environment Management Bureau o EMB . Magkakaroon na rin ng sariling tanggapan sa Koronadal City ang Land Transportation Franchising and Regulatory board Office o LTFRB Region 12.
Ito ang kinumpirma ni LTFRB Secretary Martin Delgra III.Sa katunayan ayon kay Delgra, naglaan na ng P80 million pesos para sa kanilang region 12 office ang ahensya.
Sinabi ni Delgra na ipinagutos na nito kay bagong talagang LFTRB 12 Regional Director Renato Padua na maghanap ng lupain na pagtayuan ng kanilang tanggapan sa Koronadal City.Ipinahayag ni Delgra na mariing ipinagutos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagsawata ng korupsyon at pagpapaigting ng serbisyo ng LTFRB.
Ayon kay Delgra isa sa mga paraan para ito maisagawa ay ang pagkakaroon ng mas maayos na tanggapan ng ahensya.
Ito ay bukod pa aniya sa mga kawani na may dedikasyon sa serbisyo publiko . Si Delgra ay dumating sa Koronadal City kahapon para italaga na bagong TFRB 12 Chair si Padua, ito ay sa kabila ng nationwide transport strike ng ilang grupo.
Paliwanag ni Delgra, bago pa man ang transport strike may mga nakalatag ng plano ang ahensya para sa mga mamamayan na maaring maapektuhan nito. Kulong ang dalawang umanoy magnanakw ng motorsiklo matapos arestuhin ng pinagsanib na pwersa ng Highway Patrol Group ng South Cotabato PNP at Koronadal City PNP.
Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang isa mga suspek na Reymark Bersola, 20 anyos nakatira sa Sitio Supon , Barangay Sa Jose sa lungsod.
Ayon kay Condes arestado din ang kasama ni Bersola na si Sandy Lauron, 24 anyos ng Casa Subidivision barangay Zone III, Koronadal kung saan sila naaresto.
Ang dalawa ay pareho nang kinasuhan noon ng pagnanakaw.
Nakuha ng mga pulis sa dalawa ang kinatay na motorsiklo, identification cards, at mga ibebentang pyasa ng motorsiklo.
Ayon kay Condes sina Besola at Lauron na parehong myembro ng isang grupo ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad.
Umaasa naman si Condes na dahil sa pagkakahuli sa dalawa mababawasan na ang nakawan ng motorsiklo sa Koronadal City. Makatutulong sa pagpapabilis ng serbisyo sa mga mamamayan ang binubuo ngayong mga bagong distrito sa South Cotabato at General Santos City.Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Vice Governor Vicente de Jesus , matapos kumpirmahin ang pagtalakay sa usapin sa kongreso.Ayon kay de Jesus, dadalhin mismo nito sa local government committee ng kongreso na pinamumunuan ni South Cotabato Second District Representative Pedro Acharon Jr. ang position paper ng provincial government sa usapin.Sinabi ni Jesus na kapag naaprubahan ang panukala, maari nang pumili ng kanilang sariling kinatawan sa kongreso ang General Santos City sa susunod na eleksyon Ayon kay de Jesus, mananatili naman sa ikalawang distrito ng South Cotabato ang mga bayan ng Tupi, Tampakan at Polomolok na magkakaroon na rin ng sariling kongresman. Sisimulan ng Bureau of Fire Protection o BFP KOronadal ang Fire Prevention month sa pamamagitan ng unity walk sa March 1.Ayon kay Koronadal City Fire MarshalL Senior Fire Inspetor Reginald Legaste, layon nito na maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng pagiingat para iwas sunog.
Makikiisa sa aktibidad ang mga kawani ng Koronadal city hall, iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, pulisiya at pribadong sector.Magsisimula ang Unity Walk sa lumang city hall alas kwatro y medya ng madaling araw sa Myerkules papunta naman sa Koronadal City Fire Station.
Ginugunita ang Fire Prevention Month tuwing buwan ng Marso kung kelan kadalasan dumadami ang insidente ng sunog.Nabatid na noong nakaraang linggo inikot ng mga kasapi ng BFP ang mga commercial establishments at tanggapan ng goberyno sa Koronadal City.
Ito ay para hilingin na magkabit ng tarpuline bilang suporta sa unity walk at fire prevention month.Tema naman ng fire prevention month ngayong taon ang Buhay at Ari-arian ay Pahalagahan, Ibayong pagiingat sa sunog ay sa Sariling Pamamahay Simulan. Dead on the spot ang isang pulis matapos pagbabarilin sa bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Po3 Lovel Tan na naka-assign sa intelligence unit ng Mlang PNP.Ayon kay Supt. John Miredel Calingan, hepe ng Mlang PNP, nasa loob ng kanyang boarding house ang biktima ng pasukin ng suspek at doon na siya binaril.

Nagtalo pa umano ang suspek at biktima bago ang insidente.

Dahil sa tama ng bala mula sa 45 caliber pistol patay noon din ang biktima.

Ilang oras naman ang lumipas ay boluntaryong sumuko ang suspek na kinilalang si Jerson Rey Dulana Papna, na taga Brgy. Sangat, Mlang.Sumuko ang suspek kay Mlang Mayor Atty Russel Abonado sa pamamagitan ng kanyang pagtawag.

Agad naman siyang inaresto ng mga pulis sa kanilang bahay.Ayon kay Calinga personal na galit ang posibleng nagtulak sa suspek na patayin ang biktima.

Base sa salaysay ng suspek na isa ring Job Order employee ng Mlang LGU inakusahan raw siya ng biktima na nangongotong.Pero ayon kay Calinga patuloy pa nilang iimbestigahan ang nabanggit na kaso.

Nakakulong na ngayong ang suspek na si Papna sa Mlang PNP lock Up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.Ito ng ang ikatlong kaso ng pamamaril sa bayan ng Mlang simula nitong Enero Lamang.
Wala pang abiso mula sa militar na maari nang umuwi sa kanilang tahanan ang higit tatlong daang pamilya na lumikas matapos sumiklab ang gyera sa Sitio Mahayahay, brgy. Aligre, Bansalan Davao del
Sur noong Sabado.

Inihayag ni Lt. Col. Banez ng 1002nd Brigade, na hindi pa ligtas para sa mga bakwit na bumalik sa kanilang lugar habang sinusuyod pa ng militar ang area.

Ayon kay Banez sa ngayon nagsasagawa pa ng clearing operations ang kasundaluhon matapos rin ang mga naiwang mga pampasabog ng rebeldeng kumunista.
Giit naman ng ilang magsasakang bakwit, kailangan na nilang balikan ang kanilang mga pananim at hayop.

Ilang araw na rin nila itong napabayaan at baka wala na raw silang babalikan.
Ang mga bakwit ay temporaryo ngayong nanatili sa kanilang kaanak at ang iba ay sa evacuation center sa Sitio Pluto at Ararat sa barangay Managaga.
Patuloy din nilang natatanggap ang suplay mula sa gobyerno.

Sinabi naman ni Bansalan Mayor Quilin Sarte, hihintayin nila ang abiso ng militar bago niya pauuwiin ang kanyang mga mamamayan para matiyak din ang kanilang kaligtasan.
Para matuldukan na ang dahilan ng bakbakan ng militar at Rebeldeng New People’ Army o NPA, nanawagan ngayon ang mga progresibong grupo sa North Cotabato na ipagpatuloy ang usaping
pangkapayapaan.

Ito ang nangungunang dahilan sa inilunsad na Nationwide Peace Rally kahapon.Ayon kay Mary Joy Mirasol, Spokesperson ng Karapatan-North Cotabato, na dahil raw sa pagdeklara ng all out war, naglunsad ng opensiba ang militar kontra NPA, kung saan kadalasang nabibiktima at
nadadamay ay mga sibilyan.

Kabilang na rin dito ang mga magsasakang Lumad na napipilitang lumikas dahil sa takot na madamay sa mga nangyayaring enkwentro sa dalawang armadong grupo.Kaugnay nito, umaasa ang nabanggit na grupo na tutugon si Presidente Rodrigo Duterte sa kanilang hiling para sa pangarap na pangmatagalang Kapayapaan sa buong Pilipinas.Hindi raw sila titigil sa pagpapahayag sa kanilang layunin sa pamamagitan ng kilos protesta hanggang hindi sila papakinggan sa hiling na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno at
National Democratic Front.
Muling nagpaalala ang Phivolcs Kidapawan lalong lalo na sa mga disaster officers ng bawat bayan sa North Cotabato na tutokan ang awareness campaign hinggil sa lindol.Ayon kay Engr. Hermes Daquipa ng Phivolcs Kidapawan, bagamat hindi aniya mabatid kong kailan tatama ang isang lindol mahalaga aniya na mabigyan ng tamang kaalaman ang bawat mamamayan sa
kanilang nasasakopan.

Dapat aniyang tutokan ng mga disaster officer ang apat na punto kong saan kabilang dito ang mitigation o ang pagpaplano bago PAMAN MANGYARI ANG LINDOL, PANGALAwa ANG Preparedness o ang
kahandaan ng bawat mamamayan kagaya ng pagsasagawa ng earthquake drill, pangatlo ang rescue operation at ang Rehabilitation ng mga istraktura matapos ang lindol.Dagdag pa ng Opisyal na kapag nasa tahanan ay iwasan ang pagpapagay ng mga gamit sa mga matataas na bahagi ng bahay na siyang madaling matumba sa tuwing tatama ang lindol.Una ng binigyang diin ni Daquipa na walang makakapagsabi kong kailan tatama ang lindol kaya nararapat na ngayon pa lang ay kailanagn na itong mapaghandaan.

NDBC BIDA BALITA
Matapos ang tatlong araw na pakikipaglaban ng limang taong gulang na bata sa kanyang buhay sa loob ng Intensive Care Unit, binawian na ito ng buhay kahapon ng hapon.Kinilala ang biktima na si Leah Jean Abella na taga New Cebu President Roxas.

Matatandaan nitong biyernes, aksidenteng nasagaasan ang biktima matapos siyang tumawid sa kalsada nang hindi rin namalayan ng kanyang kasamang bata.Agad naman siyang dinala sa pagamutan ng mga guro ng New Cebu Elemtary school para sa kanyang medikasyon.

Pero dahil sa mga tinamong sugat sa katawan ng bata ay hindi na nito nakayanan at tuluyan na siyang binawian ng buhay.Pinag-iisipan pa ngayon ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso kontra sa driver na nakabangga sa kanilang anak.

Construction worker patay nang masagasaan ng backhoe sa Sultan Kudarat, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang isang construction worker matapos aksidente masagasaan ng backhoe sa national highway, Brgy Macaguiling, Sultan Kudarat,...

Farmers’ daughter tops PMA Class 2024; 6 other female cadets in top 10

FORT DEL PILAR, Baguio City — Jeneth Elumba, the daughter of rice farmers and village officials from Surigao del Norte, topped the Philippine...

Apply now for municipal positions in BARMM new communities

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) is inviting qualified individuals to apply for positions in the newly...

50K-80K flying foxes documented in Banisilan

COTABATO CITY  – About 50,000 to 80,000 flying foxes of various species were closely monitored by a team from the Department of Environment and...

Cotabato Light announces power interruption for DOS, MagNorte

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company is informating its consumers in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte on the scheduled power...