Saturday May, 18 2024 08:31:59 PM

NDBC BIDA BALITA (2.9.17)

 • 15:48 PM Thu Feb 9, 2017
932
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

FEBRUARY 9, 2017 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ABOT sa walong ektaryang water
hyacinth na nakabara sa ilog ng Datu Piang, Maguindanao, sinimulan ng linisin.

2. Buwaya,
nahuli ng mangingisd sa Kabacan, North Cotabato

3. Sangkap sa pampasabog, narekober ng
mga pulis sa Sarangani province

4. Estudyante na lider ng protesta laban sa mga opisyal ng CFST sa Arakan, Cotabato, patay sa pamamaril 0NANGANGAILANGAN ng mahigit isang libong
indibidwal para mano-manong linisin sa loob ng isang linggo ang malawak at
makapal na water hyacinth na nakabara sa Dansalan river ng Datu Piang,
Maguindanao.

Ayon sa ARMM HEART, nasa walong ektarya
na ang lawak ng nagkumpol kumpol na water lily at kangkong na may abot sa anim
na metro ang kapal.

Kaya naman mano-manong tinatanggal ngayon ng mga volunteer ang naturang water
hyacinth na nagdudulot ng pagbaha sa Datu Piang, ilang mga lugar sa Midsayap,
North Cotabato at sa ilan pang katabing mga bayan.

Kaugnay nito, balak bumili ng
amphibious backhoe ng Department of Public Works and Highways o DPWH ARMM upang
magamit sa tuwing nagkakaproblema sa water hyacinth sa Rio Grande de Mindanao.

Sinabi ni Maguindanao 2nd District
Engineer James Mlok na dalawang amphibious backhoes ang planong bilhin ng
DPWH-ARMM para sa dalawang distrito ng Maguindanao.

Kahapon, nakipagpulong si Engr. Mlok sa
LGU Datu Piang, OCD ARMM, ARMM HEART, PNP,
6TH ID, Phil Army, MILF, at MNLF upang pagtulungang tanggalin ang bumarang
water hyacinth sa tulay na nag-uugnay sa bayan at Midsayap, Cotabato.

Sangayon kasi, nasa 200 katao amang
ang nagtutulong-tulong upang tanggalin ang walong ektaryang water hyacinth sa
ilog.

Sinabi naman ni Datu Piang Mayor
Genuine Kamaong na lahat ng drug surrenderee mula sa kanilang bayan ay sumabak sa
mano-manong pagtanggal sa water lilies at mga kangkong. ARESTADO ang magkapatid
matapos maaktuhan ng mga otoridad na bumibili ng pinaniniwalaang shabu pasado
alas onse ng umaga kahapon sa Purok Waling-Waling , Mother Barangay Bagua,
Cotabato City.

Kinilala ang naarestong
suspek na si Temente Guiandal Lumabao, 25 years old at kapatid nitong sadyang
di kinilala sa report dahil isang menor de edad.

Sila ay pawang mga
trisikad driver sa nasabing barangay.

Sa inisyal na report ng
City PNP, bumili umano ng shabu ang magkapatid sa isang kinilalang Alonto Uyag
nang makita sila ng mga barangay tanod sa lugar.

Mabilis namang tumakas si
Uyag at hindi na nahabol pa ng mga tanod.

Nai-turnover na ng
barangay peace-keeping force sa police station 4 ang mga naarestong suspek.

Nakuha mula sa magkapatid
ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon ay nasa kostodiya
na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM ang dalawang mga suspek na
mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. HINDI NATINAG
ang New People’s Army o NPA sa deklarasyon ng gobyernong Duterte na ALL OUT WAR.

Bagkus,
iginiit ng rebeldeng grupo na hindi na bago sa kanila ang pakikipag digma
kaya’t sanay na umano sila rito.

Ayon kay NPA-Apolonio
Mendoza command spokesperson Cleo Del Mundo na nakabase sa Quezon Province, matagal
na nilang isinusulong ang pakikibaka at makailang ulit na nila itong
nalagpasan.

Sa nakalipas
na anim na buwan aniya, kanila ng pinaghahandaan ang mas pinalawak na opensiba
na posibleng isagawa ng mga sundalo sa lalawigan ng Quezon.

Sinabi rin ni
National Democratic Front spokesperson Fidel Agcaoili na panahon pa ng dating
Pangulong Cory Aquino ay nagdeklara na rin ito ng ‘all out war’ laban sa
rebeldeng grupo.

Sa kabila ng
banta, magpapatuloy aniya sila sa pagsusumikap na ihatid ang kalayaan sa mga
Pilipino tungo sa totoong kapayapaan.

Samantala, sa
kabilang dako naman binalaan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang 20
consultants ng NDF na sumuko sa batas o mistulang maging parang mga dagang
magtatago habambuhay.

Sinabi ni AFP
Chief of Staff Gen. Eduardo Año na sa ngayon kasi nagsipagtago
at namundok na ulit ang 20 consultants ng NDF kasunod ng utos ni Pangulong
Duterte na arestuhin ang mga ito.

Kumpiyansiya
ang Cotabato City LGU na maidedeklara ang siyudad bilang ‘Ecozone’.

Sinabi ni city
administrator Danda Juanday na sa ngayon ay pino-proseso na ng Pamahalaang
Lokal ang ilang requirements, batay naman sa mga panuntunan na itinakda ng
Philippine Economic Zone o PEZA.

Aniya, ilan
sa mga hakbang na ginagawa ngayon ng lungsod ay ang pagbalangkas sa Sangguniang
Panglungsod ng kaukulang ordinansa para dito at paghahanap ng 25 ektaryang
lupa, para pagtayuan.

Sinabi ni
Juanday na, target ng City LGU na maideklarang ‘Halal Ecozone’ ang siyudad
dahil balak nilang makipagsabayan ng kalakal sa bansang Asya.

Dagdag pa ng
opisyal na may anim na raang milyung populasyon ang naturang bansa at 42
porsiento nito ay nangangailangan ng produktong halal.

Kaya naman tinutulak
ngayon ng City LGU na maging‘Halal Ecozone’ ang na magiging pangunahing
producer ng produktong halal sa Pilipinas at mga katabing bansa

Samantala, sa
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM naman ….

Nasa pitong
economic zones ang nakikinitang magiging ganap na operational sa 2020.

Ito ang
sinabi ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng
Mindanao Ecozone Summit.

Ang dalawang
araw na aktibidad na ginanap sa siyudad ng Davao ay inorganisa ng Philippine
Economic Zone Authority o PEZA sa layung buuin at tapusin ang ecozone
masterplan sa Mindanao.

Ang hakbang
na ito ay dinisenyo upang umakit ng mga mamumuhunan, magkaroon ng trabaho para
sa mga mamayanan at mapahusay ang kabuuang ekonomiya ng rehiyon.

Sa ngayon, ang
ARMM ay kasalukuyang mayroong operational na ecozone, ang Polloc Freeport and
Economic Zone sa Maguindanao, kung saan mayroon nang income na 27.9 million
pesos at revenues na nagkakahalaga ng 134 million pesos simula 2016 para sa
Bureau of Customs.

Sa halip na
15 araw ay ginawa na lamang 10 araw ang ibinigay ni Pangulong Duterte na
paghahanda para sa mga police scalawags na ipapatapon sa Basilan.

Nang iharap
ni PNP chief Ronald dela Rosa kahapon ang mga pulis na ito kay Pangulong Duterte
ay sinermunan at pinaliguan ng mura ng chief executive ang mga ito.

Iniwan ni
Duterte ang mga pulis na nakabilad sa araw sa Malacañang grounds saka ito
dumiretso sa cabinet meeting pero pinagbilinan ang mga pulis na hintayin siya
at huwag aalis.

Samantala, muling
umalma ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Government sa umano’y
panukalang pagpapatapon sa mahigit 300 miyembro ng PNP na mula sa National
Capital Region.

Sinabi ni Department
of Interior and Local Government o DILG-ARMM Secretary Kirby Abdullah, ang
nasabing mga pulis ay sangkot umano sa ilang mga iligal na aktibidad sa NCR
kaya’t hindi dapat ito ipinapatapon sa rehiyon.

Pinagiingat ngayon ni South Cotabato PNP Provincial Director , Police Senior Superintendent Franklin Alvero ang mga police na nagsasagawa ng police visibility sa lalawigan.
Layon nito na HINDI mabiktima ng rebeldeng New Peoples Army o NPA.Ito ang ipinahayag ni Alvero matapos kumpirmahin ang presensya ng NPA sa South Cotabato.
Sinabi ng police official na ang rebeldeng grupo ay nagkukuta sa mga boundary ng South Cotabato sa Davao del Sur, Sultan Kudarat at Sarangani.Gayunpaman ayon sa police official nanatli pa ring matiwasay ang South Cotabato sa kabila ng presensya ng NPA.Kaugnay nito ipinahayag naman ni 27th IB Commanding Officer Lt. Col Benjamin Leander na matapos bawiin ang ceasefire, maari nang maglunsad ng operasyon laban sa mga rebelde ang militar.Tiniyak din ng amry official na walang madadamay na sibilyan dahil mariin nilang ipatutupad sa military operations ang zero collateral damage.Matatandaan na ilang mga bus sa region 12 ang sinunog ng umanoy nagpakilalang NPA sa South Cotabato at iba pang lugar ng region 12 noong nakaraang taon.

NDBC Binalaan ng Interet Regulatory Board o IORB Koronadal ang lima sa pitong internet café na kanilang ininspeksyon na maaring pagmultahin o tuluyan nang ipasasara ang mga ito. Ito ay matapos mahuling nagpapasok ng mga estudyante sa oras ng klase na mariing ipinagbabawal sa internet café ordinance ng lungsod.Ayon kay Koronadal Information Officer at IORB Incharge Judith Labial Amido,nag-inspeksyon ang kanilang tanggapan matapos isumbong ng concerned citizen ang pagpasok ng mga estudyante sa mga internet café sa mga bawal na oras.Kabilang sa pinuntahan ng team ng IORB ang mga internet Café sa mga barangay ng Avancena at Topland.
Sinabi ni Aminado na ang mahigit 50 bata na naaktuhan sa mga internet café ay naiturn over na sa kanilang mga magulang matapos dalhin sa barangay hall.Paalala ni Aminado sa mga operators, bawal sa mga internet café ng Koronadal ang mga estudyante mula alas syete ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Maari lamang payagan ang mga estudyante na pumasok sa mga internet café sa mga ipinagbabawal na oras kung magsasagawa ng pananaliksik at dapat may permiso ng kanilang mga guro. Napigilan ng pulisiya sa Sarangani ang tangkang pagpapasabog umano ng kaalyado ng ISIS na Ansa Al-Khalifa, matapos matuklasan ang mga sangkap sa paggawa ng bomba sa bayan ng Maasim.Ayon kay Police Regional Office 12 Information Officer, Police Superintendent Romeo Galgo, naglunsad ng operasyon ang Maasim PNP at Regional Public Safety Batallion 12 sa barangay Lumatil, Maasim.Ito ay matapos isumbong ng concerned citizen ang pinaghihinalaang pampasabog sa lugar.
Sinabi ni Galgo na dalawang mga kalalakihan ang nakita na lumayo matapos mamataan ang paparating na mga pulis.Ayon kay Galgo ang mga suspek ay maaring mga tauhan ni Ansar-Al Khalifa Philippines Founding Chair Jaafar Maguid alyas Tokboy.
Ito ay isang maliit na grupo na kasabwat umano ng ISIS.Ayon kay Galgo may mga kaanak kasi at tauhan ang napatay na si Maguid na nais kunin ang kanyang nabakanteng pwestoSinabi ni Galgo na ang natagpuang sako ay naglalaman ng 85 piraso ng blastic caps, mahigit 100 resistors, 21 capacitors, land mind fuse, ¼ kilo ng black powder, 2 fuse assembly ng Granada, handheld radio,at 12 piraso ng IED Circuit. Narecover din ng mga pulis ang 21 meters na detonating cord, electrical wires, timer, mga bala, soldiering iron, AC/DC multi-tester,at flashlight batteries.

Ikinalaarma rin ng mga pulis ang pakakatuklas kasama ng IED Component sa litrato ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera.
Ito ayon kay PNP 12 Regional Director, Chief Superintendent Cecric Train ang tinututukan ng kanilang imbestigasyon.
Sasailalim sa basic and advance dance and workshop ang mga musician, choreographer sa eskwelahan at komunidad sa South Cotabato.Layon nito na maituro sa mga ito ang tamang sayaw ng mga Maguindanaoan, T’boli, B’laan at iba pang mga indigenous groups sa South Cotabato.Ayon kay South Cotabato Provincial Tourism Officer Cesar Sulit Jr, ito ay bilang kabahagi ng National Arts Month Celebration ng lalawigan ngayong Pebrero.
Sinabi ni Sulit na sa pamamagitan nito ay lalo pang maipakita ng mga kalahok sa Street Dancing Showdown sa T’nalak Festival ang kultura ng tri-people ng lalawigan.Ang training ay gaganapin sa Koronadal City sa Pebrero 26 hanggang 28.
Tampok din sa National Arts Month Celebration sa South Cotabato ang visual art exhibit at workshop, na magpapakita sa painting ng mga visual artist at disenyo ng mga fashion designers sa lalawigan.Pangungunahan naman ng South Cotabato Performing Arts Ensemble ang dance workshop sa folk, contemporary, hip hop dances at rondalla music workshop.
Ito ay lalahukan naman ng mga guro, mag-aaral at out-of-school youth.Gaganapin ito sa Protech Center sa Alunan Avenue, Koronadal City sa Pebrero 16 hanggang 18. Ipinahayag ni Sultan Kudarat Governor at bagong upong Regional Peace and Order Concil o RPOC 12 Chair Pax Mangudadatu na mahalaga ang pagkakaisa para sa katiwasayan ng region 12.Ito ang dahilan kung bakit humiling ng suporta si Mangudadatu sa mga regional directors, at local chief executives sa SOCCKSARGEN.
Sa katatapos lang na RPOC 12 meeting sa Koronadal City, tinukoy ni Mangudadatu ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health na malaki ang papel na gagampanan sa pagsulong sa kapayapaan.Ipinahayag ni Mangudadatu na tungkulin din ng pulisiya at militar na tiyakin ang katiwasayan sa mga komunidad.
Naniniwala ang gobernador na mahalaga din sa kapayapaan ang pakikipag usap ng gobyerno sa mga lawless elements.Si Mangudadatu ang pumalit kay dating RPOC 12 Chair at South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes. Nagpahayag ngayon ng interes si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na balak nitong kopyahin ang solar

powered irrigation project ng brgy. New Janiuay, M’lang, North Cotabato para sa mga magsasaka sa Kidapawan.Ayon kay Evangelista maaring makipag partner ang City Government sa Department of Agriculture para isulong ang

nabanggit na proyekto upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lungsod.Nabatid na ang Kidapawan City ay nanatiling may pinakamalawak na palayan sa North COtabato pero walang maayos

na irrigation system at dumedepende lamang sa ulan ang mga magsasaka.Iginiit ng alklade na ang naturang solar technology ay makakatulong ng malaki sa mga magsasaka lalo na sa mas

murang patubig sa kanilang mga palayan.Samantala, bukas rin si Mayor Evangelista sa posibilidad na baka pwede rin ang solar powered irrigation sa mga

barangay kung saan masagana at mabilis nabubuhay ang gulay.Layunin din nito na suportahan ang kanilang mga tanim lalo na kung panahon ng tag-init.

Ang solar Powered irrigation sa Mlang na posible ring ipatayo sa Kidapawan City ay kayang mag suplay ng abot sa

150 ektaryang palayan o kayang mag produce ng 600 hanggang 1,000 gallon kada minuto. pamamagitan ng araw at ng solar panel pwede na nitong paandarin ang makina na magsusuplay ng kuryente sa

dalawang ektaryang lake sa nabanggit na lugar.
Abot sa 11 talampakan na buwaya ang narescue ng mga residente ng brgy. Cuyapon sa Kabacan, North Cotabato

nitong nakaraang araw.Sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sinisira na kasi ng nabanggit na buwaya ang mga fishnet ng mangingisda

sa lugar at kinakain ang mga isda.Dahil dito napilitang hulihin ng mga residente ang buwaya at agad na itinurn-over sa Municipal Environment and

Natural Resources Office.

Dahil walang kapasidad ang MENRO Kabacan para maalagaan ang buwaya itinurn over din nila ito kaagad sa 602nd

Brigade ng Philippine Army.Ayon naman kay Professor Cayetano Pomares, expert in Crocodile Wildlife, tanging ang 602nd Brigade lang sa

bayan ng Carmen ang pwedeng kumukopkop sa Buwaya.Sila kasi ang may maayos na pasilidad para sa mga wild animals at may pondo para sa pagkain.

Sa ginawa namang pagsusri, sinabi ni Pomares na babae raw ang buwaya at nasa maayos naman itong kondisyon.Nabatid na ito na ang pangalawang beses na nahulihan ng buwaya ang brgy. Cuyapon na umano galing pa sa Marsh

area.Noong unang Buwaya na narescue sa lugar ay pinangalanang Silangan dahil sa silangan bahagi ng barangay ito

natagpuan habang si Kanluran naman ang ipinangalan sa pangalawang buhawa na natagpuan ngayong linggo lang.
Para makaiwas sa disgrasya, hihigpitan ngayon ang pagpapatupad ng speed limit sa loob ng USM – Campus sa

Kabacan, North Cotabato.Ito ang sinabi ni Executive Asst. on Security Matters, Orlando Forro matapos mamonitor ang mga pasaway na

driver at estudyante na hindi sumusunod sa 30 kilometer per hour speed limit.

Katuwang ng USM Security ang Kabacan Traffic Management Unit sa pagpapatupad ng nasabing batas.Kaugnay nito, bibigyan ng ultimatum sa 1st offense at ititurn over na sa TMU sa 2nd offense ang mga lalabag

para sa karampatang parusa.

Layunin rin ng speed limit sa loob ng pamantasan na di maabala ang mga estudyante sa oras ng klase.
Nakaalerto na rin ngayon ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO matapos na bawiin ni Pangulong Rodrigo

Duterte ang Unilateral Ceasefire sa Communist Party of the Philippines.Ayon kay CPPO Director Supt. Emmanuel Peralta, naka-active defense ang kanilang hanay base na rin sa deriktiba

sa kanila ng National Headquarters.

Kinumpirma rin ni Peralta ang posibleng pang-aatake ng New Peoples Army sa ilang mga PNP station sa lalawigan.Samantala, ibinunyag din ng opisyal na mga miembro ng New People’s Army ang bumaril at pumatay sa CAFGU Member

sa barangay Balite, Magpet, North Cotabato noong nakaraang lunes ng hapon.Itinuturing ng mga otoridad na extra judicial killing sa Government Security forces ang pagpatay sa biktima na

si Edwin Hejara, 26, may-asawa, CAFGU member ng 72nd IB na taga brgy. Tempuran, Magpet.Sa kabilang dako, tuloy-tuloy naman ngayon ang dialogue ng PNP sa Local at Barangay Officials sa North Cotabato

dahil tuloy tuloy din ang pang-rerecruit ng NPA para maging kanilang miembro.

Partikular ngayon ng tinututukan ng PNP ang PPALMA Area.

Paraan raw kasi ito ng rebeldeng grupo para mas lumawak pa ang kanilang area para makapagsagawa ng mga

extortion activity.
Ikinatuwa ni Public Employment Service Office o PESO Head Herminia Infanta ang higit limang daang aplikante na

sumubok magnahap ng trabaho kahapon sa pamamagitan ng JOB JAIR sa Convention Center sa Kidapawan City.

Ito ay bahagi rin ng selebrasyon ng ika- 19th Founding Anniversary ng lungsod.Ayon kay Infanta abot sa 14 na mga Local Company at 14 rin na overseas recruitment Agency ang lumahok sa

naturang aktibidad.

Mas marami rin ito ngayong taon kung ikukumpara noong nakaraang 2016.

Ilan rin sa mga aplikante ay na hire on the spot habang ang iba naman ay naka schedule na for their final

interview.

Naniniwala si Infanta na dahilan rin nito ang pagpapatigil na sa kontraktuwalisasyon o ENDO bagay naman na mas

mabuti para sa mga manggagawa.

Nagpapasalamat din si Infanta sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan lalo na sa ibat-ibang kompanya na

nakiisa sa nabanggit na aktibidad.Kaugnay nito, nanawagan naman si Infanta sa mga hindi nakaabot sa naturang Job Fair dahil aniya bukas naman ang

kanilang tanggapan para sa mga dagdag na katanungan at maging sa mga trabaho na kanilang hinahanap. Dead on the spot ang isang estudyante makaraang barilin ng di pa kilalang suspek sa brgy. Malibatuan, Arakan

North Cotabato pasado alas kwatro ng hapon kahapon.Kinilala Senior Ins. Edwin Tono, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Rey Abadon, 26, na residente rin ng

nabanggit na lugar.

Ayon kay Tono, galing lang raw sa isang birthday party ang biktima.

Habang pauwi sakay ng kanyang motorsiklo ay pinara siya ng umano kanyang kakilala at doon na siya binaril.Posibleng malapitan naman ang pagkakabaril sa biktima dahil isa lang ang tama nito base na rin sa isang basyo

ng bala na narekober sa crime scene.Si Rabadon ay kilala rin bilang isa sa mga aktibong organizer ng rally sa Cotabato Foundation College of

Science and Technology o CFCST.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa posibleng motibo sa krimen.

NDBC BIDA BALITA

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...