Friday May, 10 2024 09:49:23 PM

NDBC BIDA BALITA (3.1.17)

 • 16:17 PM Wed Mar 1, 2017
690
By: 
NDBC

NEWSCAST

MARCH 1, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA KATOLIKO, inaasahang dadagsa sa
mga simbahan ngayong araw para sa Ash Wednesday.2. CONG. SIMEON DATUMANONG, pumanaw na. Libing niya gagawin sa Shariff Aguak ngayong umaga.3. Mga lumahok sa nationwide transport
strike kahapon, parurusahan ng LTFRB

4. Koronadal Women's Got Tallen show, tampok sa Women's Month celebration Ginugunita ngayon ng milyon-milyong mga
Katoliko sa bansa ang ‘Ash Wednesday’ na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng
‘Kuwaresma’ o ‘Mahal na Araw’.

Karaniwang ginugunita ang araw na ito
sa pamamagitan ng pagtungo sa mga simbahan upang magpalagay ng abo sa noo mula
sa binasbasan at sinunog na palaspas na ginamit noong nakaraang taon sa panahon
ng ‘Palm Sunday’.

Nagpapa-alala ito sa mga Katoliko na
ang lahat ay nagmula sa alabok, at babalik rin sa alabok sa panahon ng
kamatayan kaya’t dapat ay palakasin pa ang pananampalataya sa Diyos ng mga mamamayan.

Panawagan naman ng simbahan sa lahat ng
mga Katoliko, simulan ang paggunita sa panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng
pangingilin at pag-iwas sa paggastos para sa mamahaling pagkain.

Ito aniya ay panahon ng pangingilin,
pagdarasal at pagninilay.

Ang perang matitipid ay maaring
kusang-loob na i-abuloy upang makatuong sa mga nangangailangan at nagugutom sa
ilalim ng ‘Fast2Feed’ program ng Simbahan.

Samantala, nagpapatupad naman ng
mahigpit na seguridad ang city PNP para matiyak ang kaligtasan ng mga
magsisimba ngayong araw.

Pumanaw na si dating Cong. Simeon Datumanong dahil sa cardiac arrest sa Philippine Heart Center kagabi. Sinabi ni Mayor Zamsamin Ampatuan ng Rajah Buayan, Maguindanao na si Datumanong, 81 taong gulang, ay binawian ng buhay alas 9:25 kagabi.Mahigit dalawang linggo na sa ospital si Datumanong, ayon kay Mayor Ampatuan at kagabi nga ay sumakabilang buhay ito.Ang kanyang mga labi ay kasalukuyang binabiyahe patungong Cotabato City mula Maynila at inaasahang darating sa Awang airport alas 10 ng umaga.Siya ay ililibing sa Maganoy o mas kilala ngayon na Shariff Aguak sa Maguindanao.Isinilang noong June 17, 1935, si Datumanong ay kilalang Muslim leader sa di pa nabuwag na Cotabato Empire.Pinakahuli niyang government position ay bilang congressman ng 2nd district ng Maguindanao.Siya ay nagsilbi rin bilang vice governor at governor ng Maguindanao, dating justice at public works secretary, isang abogado at nagtapos ng Bachelor of Laws sa University of the PHilippines kung saan siya ay pumasa sa BAR exam noong 1959. Pinagbabaril
hanggang sa mapatay ang isang security guard sa kanto ng Don Rufino Alonzo
Street at Bonifacio street, sa Cotabato City, pasado alas sais kagabi.

Kinilala
ang biktima na si Caharuden Ben Egay Malang, 35 anyos, security guard ng sugni
superstore at pansamantalang nakatira sa Don E Ser Street

Ayon
sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP, pauwi na ang biktima at naghihintay lang
ng masasakyan nang lapitan ng hindi pa nakikilalang lalaking naka-motorsiklo at
agad na pinagbabaril.

Nagtamo
ng tama ng bala si Malang sa ibat ibang parte ng kanyang katawan na sanhi ng
kanyang kamatayan.

Sinubukan
pa itong dalhin sa pagamutan ng mga rumespondeng pulis ngunit idineklara din
itong dead on arrival ng doktor.

Samantala,
nag-aagaw buhay naman ngayon ang isang
bata sa isang ospital na natamaan ng ligaw na bala.

Nagtamo
ng tama ng bala ang bata sa kanyang dibdib.

Narekober
ng nga pulis ang 17 cartridges at dalawang mga basyo ng bala sa crime scene.

Sa ngayon
patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino
ang nasa likod ng pamamaril at kung ano ang motibo nito. NAGPAALALA ngayon
ang Bureau of Fire Protection o BFP - Cotabato City sa mga mamamayan ng lungsod
na doblehin ang pag-iingat ngayong panahon ng tag-init kaugnay sa paggunita ng
Fire Prevention Month ngayong Marso.

Tema ng naturang
obserbasyon ngayong buwan ay buhay at ari-arian ay pahalagahan, ibayong
pag-iingat sa sunog sa sariling pamamahay ay simulan

Hinikayat
naman ni BFP Cotabato City spokesperson Sr. Fire Officer 2 Hexter Jhon Cadavero
ang lahat lalo na ang mga may-ari ng business establishments sa lungsod na
magpa-renew na ng business permit upang ma-inspeksyon ang kanilang mga gusali,
at ng ma-update kung ano kulang at ano ang dapat na itama sa kanilang mga
establisimento.

Aniya, mahalagang
masunod ang lahat ng regulasyon para sa kaligtasan ng lahat.

Paalala pa ni
Cadavero, tuwing may makikitang kakaibang usok ay tumawag agad sa kanilang
hotline numbers.

Kaugnay nito,
kasabay ng pagsalubong ng Fire Prevention Month, kaninang ala singko ng umaga ay
isinagawa ang alay lakad na pinangunahan ng BFP Cotabato City bilang hudyat ng
pagsisimula ng iba’t ibang mga aktibidad kaugnay ng Fire Prevention Month.

MASWERTE at nakaligtas sa
tiyak na kamatayan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng di pa
nakikilalang suspek sa Midsayap, North Cotabato

Nakilala ang biktima na
si Benjamin Midtimbang Silongan, 24 years old, binata at taga Datu Piang, Maguindanao.

Sa report ng Midsayap
PNP, pasado alas dos ng hapon kahapon habang nasa national highway sa bahagi ng
Barangay Sadaan, Midsayap ang biktima at minamaneho ang isang Brown Toyota Vios
with licensed plate MLO 872 nang lapitan ng di kilalang suspek na naka
motorsiklo.

Nabatid na sandali kasing
huminto ang biktima sa lugar para sa umihi.

Ayon sa PNP, may mga
kasama rin noon si Silongan na nakilalang sina Aida Abdullah at Muran Omar

Nakatakbo ang biktima
papalayo sa suspek kaya naiwasan nito ang mga putok ng baril.

Agad namang rumesponde sa
lugar ang mga pulis dahilan para mabilis na tumakas ang suspek.

Naiwan ng suspek ang
kanyang tsinelas at ilang mga gamit kabilang na ang isang pakete ng
pinaniniwalaang shabu.

Agad namang
dinala sa Midsayap PNP station ang biktima para sa interogasyon.

MAS
PINANALAKAS PA ng Cotabato City LGU ang kanilang paghahanda laban sa anumang kalamidad
at sakuna.

Ito matapos
na ma-aprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansang ‘Mandatory
Conduct of Disaster Risk Reduction and Management orientation Seminar in All
Learning Institution in Cotabato City’.

Ang nasabing
panukala ay inihain ni Councilor Bruce Matabalao matapos na mailusot ito kanina
sa 33rd regular na session ng 15th Sangguniang panglungsod.

Naniniwala
kasi ang opisyal na malaking tulong ang nasabing ordinansa na mabigyan ng
kaalaman at impormasiyon ang lahat ng mga kabataan at maging ang mga personnel
ng paaralan pribado o pampublikong paaralan sa siyudad hinggil disaster.

Giit pa nito,
na dahil sa nararanasang sunod-sunod na mga trahedya dapat ay maging handa din
ang bawat isa.

Nakasaad din
sa RA 10121 ang Philippine Disaster Management Act na dapat ay magpapanday din
ang mga local government ng mga batas na na-aangkop sa bawat lokalidad kung
papaanu maprotektahan ang mamamayan laban sa di inaasahang kalamidad.

Samantala, sa
iba pang balita, nanawagan ngayon si ni Cotabato City Land Transportation chief
Papacan Pacalundo sa mga magulang na huwag hayaang magmaneho ang mga
kabataang hindi dumaan sa pormal
na pagsasanay at wala pang driver’s license.
Ayon kay
Pacalundo, maging siya kasi ay napapansin nito na marami sa mga menor de edad
sa siyudad ang nagmamaneho ng sasakyan at ang iba ay wala pang lisensiya.

Giit pa ni
Pacalundo na marami sa mga kabataan ang basta basta
ring hinahayaan ng mga magulang
na magmanehokahitwala pang
driver’slicense.

Samantala,
nasa tatlong libu na ang nairelease na mga driver’s license mula sa dalawampu’t
tatlong libung backlog ng cotabato City LTO.

Nagsimulang dumagsa sa Christ the King Cathedral sa Koronadal City ang mga mananampalatayang katoliko kaninang madaling araw,para gunitain ang Ash Wenesday .Malibang sa alas singko kinse na misa kanina, nagkaroon din ng misa sa Christ the King Cathedral kaninang alas sais y medya.Ayon kay Saint Anthony Parish Media Reporter Valme Mariveless ang hindi nakadalo sa misa ngayong umaga ay maari pang magsimba mamayang alas dose ng tanghali, alas sing y medya mamayang hapon at alas sais y medya mamamayang gabi.Layon nito na magbigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na simulan ang 40 araw na panahon ng pagaayuno.
Ito ayon kay Mariveles ay sa pamamagitan ng pagsimba at pagpapalagay ng abo sa noo.
Mahalaga ang Ash Wenesday ayon kay Mariveles dahil ito ay tanda ng pagsisimula ng paghahanda sa pagkamatay at muling pagbuhay ni Hesus.Hinikayat din ni Mariveles ang mga pananampalatayang na magayuno sa pamamagitan ng fasting o pagiwas sa karne at iba pang kinahiligang pagkain. Umapela si Koronadal City Fire Marshall, Senior Inspector Reginald Legaste sa mga mamamayan na ipasuri sa mga electrician ang linya ng kuryente sa kanilang mga bahay.
Sinabi ni Legaste na ito ay para matiyak na mananatili pa ring ligtas sa kabila ng pagdadagdag ng mga electrical appliances lalong lalo na sa mga bahay na medyo may kalumaan na.Ayon kay Legaste may mga lisensyadong electricial ang mga barangay na maaring hilingan ng tulong ng publiko.
Sinabi ni Legaste na kadalasang naging sanhi ng sunog ang pumalyang linya ng kuryente o faulty electrical wire na kadalasan ay hindi nakikita ng mga home owners.Umapela din si Legaste sa mga mamamayan na iwasan ang pagsunog ng basura na maari ring pagmulan ng sunog at grassfire.
Ito ang sinabi ni Legaste kaugnay sa pagsisimula ngayong araw ng Fire Prevention Month.
Para maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pagiingat sa sunog, nagsawa kanina ng unity walk ng BFP mula new city hall patungong rotunda area.
Ito ay nilahukan ng pulisiya, mga estudyante at kawani mula sa taggapan ng gobyerno at pribadong sector.
Pormal na sisimulan ang Women’s Month Celebration sa Koronadal city sa pamamagitan ng motorcade sa Marso 8.
Ito ay ayon kay Koronadal City Councilor Junette Hurtado na siya ring chairman ng Committee on Women, Children at Family Relations ng konseho.
Sinabi ni Hurtado na ipapakita ng mga kababaihan sa lungsod ang kanilang talent sa Koronadal got talent sa Marrch 8 ng gabi.
Magpapakitang gilas din sa isports ang mga ito sa pamamagitan ng inter-barangay women volleyball tournament sa March 8 hanggang 10.
Tampok din sa selebrasyon ang acoustic night sa March 9, bingo socials sa March 10 at live band sa March 11.
Maari ring bilhin ang mga produkto ng mga kababaihan sa flea market o mga tiange sa likod ng lumang city hall sa selebrasyon.
Ayon kay Hurtado paguusapan naman sa Women’s Congress sa March 10 ang mga usaping na kinakaharap ng mga kababaihan sa ngayon.
Samantala nagpakita naman ng suporta sa Women’s Month Celebration ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Develoment o DSWD 12 sa Koronadal City.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsuot ng purple na T-shirt sa kanilang flag ceremony.
Kasabay din nito ang pag-perform ng One Billion rising dance para kondenahin ang karahasan at paglabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan. Umaasa si Koronadal City Nutrition Action Officer Veronica Daot ng lalo pang pagpapahalaga sa gulay ng mga mamamayan sa lungsod.
Ito ang ipinahayag ni Daot kasunod ng 6th Household Gardeners Convention sa Koronadal City.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng daang daang mga myembro ng garderners club mula sa 27 barangay sa Koronadal.
Tampok dito ayon kay Daot ang vegetable display, pinakbet cooking contest, bahay kubo singing contest, at veggie gala dance o pagsasabit ng mga gulay sa mga nagsasayaw.
Ang gardeners convention ay bilang kabahagi din ng pagsulong ng Koronadal City Nutirtion office ng backyard gardening sa mga barangay.
Layon nito na maisulong ang malusog na pangangatawan at kumita ang mga bawat pamilya. Inaalam ngayon ng Land Tranportation Franchising ang Regulatory Board o LTFRB ang mga nakilahok sa nationwide transport strike kamakalawa.Ito ang binigyan diin ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III nang dumating sa Koronadal City.
Sinabi ni Delgra na maaring papatawan ng suspension o bawiann g prankisa ang mga nag-transport strike.Ayon kay Delgra ayon sa batas, bawal sa mga public utility vehicles na magsagawa ng transport strike dahil unang naapektuhan nito ang mga mamamayan.
Sinabi ni Delgra na ang prankisa ay prebilihiyo na ibinbigay ng gobyerno sa mga transport operators na maaring bawiin at ibigay sa iba na ngangailangan nito.Sa kabila ng transport strike naninindigan si Delgra na tuloy pa rin ang modernisasyon sa transportation ng LTFRB.
Ibig sabihin nito ayon kay Delgra wala nang atrasan sa ipatutupad ng ahensya na pag phase out o pagtanggal sa mga pampasaherong jeepney na nasa 15 anyos pataas.

Farmers’ daughter tops PMA Class 2024; 6 other female cadets in top 10

FORT DEL PILAR, Baguio City — Jeneth Elumba, the daughter of rice farmers and village officials from Surigao del Norte, topped the Philippine...

Apply now for municipal positions in BARMM new communities

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) is inviting qualified individuals to apply for positions in the newly...

50K-80K flying foxes documented in Banisilan

COTABATO CITY  – About 50,000 to 80,000 flying foxes of various species were closely monitored by a team from the Department of Environment and...

Cotabato Light announces power interruption for DOS, MagNorte

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company is informating its consumers in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte on the scheduled power...

CSC releases results of March 3 Career Service exams

MANILA – The Civil Service Commission (CSC) has released the results of the Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) held...