Sunday May, 19 2024 11:42:59 AM

NDBC BIDA BALITA (3.27.17)

 • 17:38 PM Mon Mar 27, 2017
761
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

MARCH 27, 2017 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. APAT na drug suspects, arestado sa
magkahiwalay na lugar sa Cotabato City

2. BARANGAY kagawad at isa pa, patay sa
magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Kidapawan City nitong weekend

3. PNP, ititigil ang operasyon laban sa
NPA, kapalit ng paglaya ng dalawang mga sundalong bihag ng rebeldeng grupo sa Sultan
Kudarat province.

4. 6 patay sa clan war sa Carmen, North Cotabato ARESTADO ng mga otoridad sa Cotabato
city ang apat na drug suspects sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Unang nasakote ng mga elemento ng
police station 4 sa pangunguna ni deputy commander Sr. Insp. John Patrick
Calinga ang drug suspect na si Jhomer Agko Musa, 40 anyos, walang asawa, isang
laborer at taga Campo Muslim, Mother Barangay Bagua ng lungsod.

Ito ay matapos na tinibrehan ng isang barangay
tanod sa lugar ang pulisya pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa. Nadakip si Musa sa Purok Meladek, Barangay
Bagua Uno ng lungsod at nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng pinaniniwalaang
shabu. Samantala, huli naman ng Ronda Team ng PNP
at City LGU sa pangunguna ni city mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang tatlong mga
drug suspects pasado alas onse ng gabi kamakalawa. Kinilala ang mga nadakip na sina Jeffrey
dela Rosa Flores, 31 anyos, walang asawa at taga Barangay Dalumangkob, Sultan Kudarat,
Maguindanao.

Nakuha mula sa kanya ang tatlong empty
sachets ng pinaniniwalaang pinaglagyan ng shabu at dalawang disposable
lighters. Timbog rin ang mga kasamahan nitong
sina Renante Esquillo Baguio, 40, walang asawa, isang driver at si Jasper Yuson
Macion, 37, may asawa at pawang mga residente ng De Mazenod Avenue ng lungsod at
naaresto sa San Pablo Village. NAKATUTOK ngayon ang PNP
at nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring pananambang sa
mga tauhan at security escorts ni Shariff Aguak vice mayor

Akmad Ampatuan. Sa inisyal na report ng
Shariff Aguak PNP, pasado alas sais ng gabi kamakalawa nang tambangan ng mga
armadong lalaki ang sasakyan ni vice mayor Ampatuan sa barangay Poblacion
Mother. Hinala ng mga otoridad,
posibleng ang bise alkalde ang puntirya ng mga suspek ngunit nagkataon ang
driver lamang ni at mga security escort ang sakay ng naturang sasakyan na isang
Tamaraw FX. Kinilala ang mga biktima
na sina Mahdi Simpal, 33 years old Anwarudin Guiman, 25 Mama Ampatuan, 51 at ang driver ng sasakyan na si Modef Simpal,
19.

Sila ay pawang mga residente
ng barangay Poblacion ng nasabing bayan. Maswerte naman at hindi tinamaan
ng mga bala ang mga biktima pero nasira ang kanilang sinasakyan matapos
matadtad ng mga bala.

Narekober sa crime scene
ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na ginamit sa pamamaril. Samantala, nakilala naman
ng mga biktima ang mga suspek sa naturang pamamaril na anila ay sina Nasri
Salik, Koryano Usop, Kamsa Salik, Babai Mama Usop at Puti Usop na pawang mga
taga barangay Poblacion Dos.

Mabilis na tumakas ang
mga suspek matapos gawin ang pananambang sa mga biktima at ngayon ay tinutugis
na sila ng mga pulis. Napatay ng mga sundalo ang dalawang mga Abu Sayyaf fighter at nadakip
ang isa pa matapos ang sagupaan sa Basilan kung saan ay nailigtas ng militar
ang isang dinukot na Pinoy seaman. Sinabi ni Western Mindanao Command spokesperson captain Jo-ann
Petinglay na nabawi rin ng mga sundalo sa Al-Barka at Tuburan ang limang motorized
boats na ginagamit ng Abu Sayyaf sa kanilang kidnapping activities at
pamimirata. Aniya, isa sa mga napaslang ay si Jaudi Salapuddin na sangkot sa
hijacking ng Panamian cargo ship Super Roro 9 sa Basilan kamakailan lamang kung
saan dinukot ng Abu Sayyaf sina Engr. Laurence Tito at Captain Aurelio Agacac
na nailigtas na umano.

Ang isa pang nasawi ay nakilalang si Bistahan Nisalun. Ayon kay Petinglay, isa pang Abu Sayyaf member na si Rolly Ikih ang
nadakip sa bahay ni Barangay Kagawad Vanessa Lajiman ng Tumahubong sa Sumisip.

Nabawi ng mga sundalo kay Ikih ang isang cal. 45 pistol at mga bala.

Hindi naman mabatid pa kung ano ang ginagawa ni Ikih sa bahay ng
opisyal. Sa ngayon ay bihag pa ng Abu Sayyaf ang mahigit sa dalawang dosenang
Asian sailors na dinukot sa karagatan ng Basilan, Tawi-Tawi at Sabah sa
Malaysia. Samantala, tiniyak ni Joint Task Force Basilan commander Col. Juvymax
Uy na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang rescue operation dahil hawak pa rin ng
bandidong grupo ang isa pang tripulante ng tugboat na si Laurencio Tiro.

BUKAS NA PARA
SA PUBLIKO ang kauna-unahang local government unit o LGU at Bangko Sentral ng Pilipinas
o BSP corner sa region 12 na matatagpuan sa Cotabato City library. Tampok sa LGU-BSP
corner ang mga new generation currency, banknotes, BSP legal tender coin in circulation,
commemorative coins, sample shredded notes,
primers and brochures at iba pang BSP publication. Ayon sa mga
opisyal ng BSP, ang inisyatibong ito ay kaugnay sa kanilang patuloy na
pagsisikap na ipaabot sa iba’t ibang sektor ang kamalayan hinggil sa mahalagang
papel ng BSP bilang central monetary authority ng bansa at paglikha ng mga
programa at adbokasiya sa grassroot level o sa mga komunidad.Inaasahan
ding magiging Knowledge Resource Network o KRN itong programa kung saan
madadagdagan ito ng mga libro, brochures at computers. Ito ay upang
mas madaling mapaintindi sa mga user and researchers ang kahalagan ng economic
and financial concepts.

Kabilang sa
mga partner institutions ng BSP na mayroong BSP corner ay ang mga eskwelahan,
universities, national government agencies at iba pa.

Una rito,
kinilala ang BSP Cotabato City branch bilang Best BSP branch sa buong Pilipinas
sa ilalim naman ng pamumuno ni BSP Branch Head Perry Dequita Bahagyang
tumaas ang presyo ng mga produktong de lata sa Cotabato City.

Sinabi ni
Department of Trade and Industry o DTI - Cotabato City Officer In-charge
Carlito Nuñez na nasa 55 sentimo hanggang 60 sentimo ang itinaas ng presyo ng
naturang mga produkto batay sa kanilang pinakahuling price monitoring.

Aniya pa,
maliban sa canned goods, tumaas din ang presyo ng ilang produktong sabon. Gayunman,
ayon kay Nuñez, bagaman at may mga pagtaas sa presyo ng naturang mga produkto
ay tiyak naman dawn a sumusunod sa Suggested Retail Price o SRP ang mga
pamilihan sa lungsod.

Nabatid na
ang pagtaas ng presyo ng naturang mga produkto ay posibleng bunsod ng patuloy
na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Pinangangambahang
tataas din ang presyo ng iba pang mga produkto na gumagamit ng mga imported raw
material sa mga susunod na araw. Seryosohin ang pakikilahok sa Earthquake at Fire Drill.
Ito ang apela ni Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council Action officer Cyrus Urbano sa mga mamamayan ng lungsod.Kaugnay ito sa simultaneous city wide earthquake at fire drill sa Marso 31.
Sinabi ni Urbano na magiging sentro ng aktibidad ang isang mall sa General Santos Drive bilang follow up sa kanilang earthquake drill noon.
Ayon kay Urbano sabay na gagawin ang earthquake drill sa 27 barangay sa Koronadal City.Inaasahan din ng lokal na pamahalaan ang pakikilahok dito ng mga eskwelahan, ospital, at mga nasa malalaking gusali.
Magiging tanda ng pagsisimula ng aktibidad ang tunog ng sirena alas otoso ng umaga.
Ang simultaneous city wide earthquake at fire drill ay pangungunahan ng Bureau of Fire Protection o BFP. Mga magnanakaw sa billeting quarter ng mga Palarong Pambansa Athletes na nagsasanay sa Koronadal City arestado.
Kinilala ni Koronadal Chief of Police Superintendent Barney Condes ang suspek na si Rizaldo Orense, 19 anyos vulcanizer .Kasama umano ni Orense na nagnakaw sa room 216 ng Koronadal National Comrehensive High Scool ang isang menor de edad .Ang mga suspek ay pawang mga taga Purok Pagasa,Barangay Paraiso sa Koronadal .
Ang kwartong ninakawan umano ng mga ito ay billeting quarter ng mga athlete ng Region 12 sa Pecak Silat na nagsasanay ngayon para sa Palarong Pambansa 2017.Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang dalawang cellphone at isang mini digital Led Projector na nagkakahalaga ng mahigit P18,000
Ang mga ito ay pagaari ng mga gurong sina Dennis Gegantoni at Janice Del Mundo
Nabatid na nahuli ang mga suspek matapos makita ng gurong si Gegantoni sa loob ng kanilang kwarto at ireport sa mga security guard ng eskwelahan.
Makikinabang sa technology upgrading ng Department of Science and Technology o DOST ang pitong mga micro, small, and medium enterprise o MSMEs sa region 12.Sa katunayan ayon kay DOST 12 Regional Director Zenaida Raof Laidan, nakapaglagda na siya ng memorandum of agreement sa mga benepisyaryo ng programa.Ayon kay Laidan kabilang sa mga mabibigyan ng teknikal na tulong ang tatlong MSMEs sa lalawigan ng Sultan Kudarat, at tig dalawa sa South Cotabato at General Santos City.Tiniyak ni Laidan na maari ring makahingi ng tulong sa DOST ang mga MSMEs sa buong region 12.
Kailangan lamang gawin ng mga ito ay magsumite ng proposal sa DOST.Ito ayon kay Laidan ay bilang pagpapatupad ng Small Enterprise-Technology Upgrading Program o DOST SETUP.
Layon ng programa na mapaunlad ang mga maliliit na negosyo sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Inaalam pa ng pulisiya kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa isang barangay Kagawad sa Polomolok, South Cotabato.Kinilala ni Polomolok Chief of Police, Senior Inspector Hernan Gabat ang biktima na si Kagawad Norman Nilong, 46 anyos ng barangay Lapu, Polomolok.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na ang biktima ay binaril ng nakamotorsiklong suspek,
Ito ay habang kausap si Lapu Barangay Chairman Abdulla Nilong sa waiting shed sa Boundary ng Lapu at Barangay Sulit ,Polomolok.Ang biktima ay agad na nasawi dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo, dibdib at iba pang bahagi ng katawan.
Habang ang kausap naman nitong barangay Chairman ng maganap ang krimen ay nakatakbo at nagkubli.Ang di kilalang suspek ay agad namang tumakas sakay ng motorsiklong walang license plate patungong national highway.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang 12 basyo ng 45 pistol.Ang napatay na na si Nilong ay number 1 barangay Kagawad at siya ring Chairman ng Committee on Peace and Order ng Barangay Council ng Lapu, Polomolok.
Handa ang pulisiya na magsuspinde ng operasyon kung ito ang magpapalaya sa mga sundalo na dinukot ng New Peoples Army o NPA sa Columbio, Sultan Kudarat.Ito ang ipinahayag ni Police Regional Office 12,Regional Director Chief Superintendent Cedric Train.
Ayon kay Train,ipinagutos na nito kay Sultan Kudarat PNP Provicial Director, Police Supirentendent Raul Supiter na makipag ugnayan sa militar .Layon nito na mapagusapan ang posibleng suspension ng operasyon para sa pagpapalaya kina Sgt.Solaiman Calocop at Pfc Samuel Garay.Ayon kay Train posible itong gawin bago ang pagsisimula muli ng usaping pangkapayapaan sa Abril sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.Matatandaan na sina Calocop at Garay na pawang mga kasapi ng 39th Infantry Batallion ng militar ay dinukot ng mga armabdong grupo sa Barangay Telafas, Columbio noong February 2. Tuloy pa rin ang pagbili ng San Miguel Corporation o SMC sa mga produkto ng magsasaka ng Cassava sa Region 12.
Ito ang tiniyak ng SMC sa katatapos lang na Cassava Market Forum na pinangunahan ng Agri Business and Marketing Division o AMAD ng Department of Agricultue 12.Ito ay taliwas naman sa mga nababalitaan na titigil na sa pagbili ng mga produktong cassava sa region 12 ang SMC.Gayunpaman para maiwasan ang pagkalugi umapela ang SMC sa mga magsasaka na huwag na munang palawakin ang kanilang pataniman ng cassava.
Umaasa din ang kompanya ng patuloy na pagkakaisa ng mga magsasaka para sa ikabubuti ng nakararami.Tinalakay din sa forum ang pag-alam sa kasalukuyang estado ng industriya ng Cassava sa rehiyon.
Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng tamang datus mula sa Philippine Statistics Authority o PSA.Dumalo sa Cassva market forum ng DA ang mga cassava grower, assembler, at provincial agribusiness coordinator ng mga probinsiya dito sa rehiyon dose. Anim katao na ang patay at tatlo naman ang naiulat na sugatan makaraang sumiklab ang 'rido' o clan war sa pagitan ng dalawang angkan na naglalaban-laban dahil sa awayan sa lupa sa Barangay
General Luna Carmen, North Cotabato.
Ayon kay 602nd Infantry Brigade spokesperson Major Calvin Macatangay, sa report, nasa tatlong araw na ngayon na tensyunado ang lugar dahil sa panaka-nakang putukan sa pagitan ng pangkat na pinamumunuan ng anak ni Jimmy Matalam na si Arlin Matalam laban sa
armadong grupo na pinamumunuan ng pamilya Cua.
Dahil sa nasabing girian, nagpasaklolo umano ang pamilya Cua sa lider ng mga kilalang grupo sa lugar na sina Kumander Kineg Inalang, Kagawad Duton Mantawil ng Brgy. Pedtad, Kabacan dating
kagawad Adan Mantawil grupo ni Magellan ng Brgy. Buluan sa bayan ng Kabacan at Kumander Abdilla ng Brgy. Pisan, Kabacan para labanan ang pwersa ng pamilya Matalam.

Napag-alaman na patuloy ang pagbuhos naman ng pwersa ng pamilya Matalam ng Barangay Kilangan ng Pagalungan, Maguindanao para mabantayan ang lupang pinag-aagawan sa lugar.
Noon pa umanong Biyernes ng magkaroon ng panaka-nakang putukan na nagsanhi ng pagkasawi ng isang armadong grupo mula sa panig ng mga Matalam habang tatlo ang kumpirmadong sugatan.
Kinilala ang isa sa mga sugatan na si Tabalawan Maguid habang ang dalawa pang biktima ay dinala na sa Amas Provincial Hospital. Ngayong umaga kinilala ni Major Macatangay ang mga nasawi na sina Uztads Odin Bala, Mesi Bala at King Kabambalan sa grupo nina Cua, Kalawa at Akmad family.Nasawi sa panig ng pamilyang Matalam sina Zukarno Maguid, Lawan Lakman at Makkungan Lakman. Dead on arrival sa pagamutan ang 77-anyos na Lola, makaraang mabundol sa Crossing Mormons, Poblacion, Makilala, North Cotabato sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ferla Rosalinda, na taga brgy. Malasila, Makilala.Ayon sa report nabundol ng isang Fuso Dumptruck ang biktima na minamaneho ng isang Walter Vaay na taga brgy. Badiangon ng nabanggit na bayan.Ayon sa report ng Makilala PNP, binabaybay ng nasabing truck na may license plate CFD and//cdncache-a.akamaihd.net/items/it/img/arrow-10x10.png 422 ang highway patungo sanang bayan ng Arakan nang mabundol nito ang biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Lola Ferla na agad namang isinugod sa ospital pero binawian din ng buhayBoluntaryo namang sumuko ag suspek sa Makilala habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang apat na iba pa matapos masangkot sa vahicular crash sa Sayre National Highway, Poblacion, Carmen, North Cotabato ala una ng hapon noong
sabado.Kinilala ang namatay na si Marilyn Tubalado, 34-anyos habang kinilala naman ang mga sugatan na sina Jenelyn Tubalado, Polinario Tubalado, Private First Class Jemar Barliso at Private Renan Tabasa.Ayon sa report ng Carmen PNP sakay sina Barliso at Tabasa sa isang Honda RS 150 habang sakay naman sa YAMAHA RS110F ang pamilya Tublado.Lumabas sa imbestigasyon na habang binabaybay ng Pamilya Tublado ang Sayre National Highway, Poblacion, Carmen, at pagdating sa crossing partikular sa harap ng Shell Gasoline Station ng
barangay at nang papaliko na ito ay dito na sumalpok sa kanila ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang militar dahil nawalan raw ng kontrol na nagmula rin sa nabanggit na deriksyon.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng maraming sugat ang mga biktima na agad namang isinugod sa pagamutan.

Nadala pa sa Provincial hospital si Marilyn Tubalado pero binawian din ito ng buhay habang dinala naman sa Davao City hospital ang anak na si Jenelyn na patuloy namang nagpapagaling.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Carmen PNP ang nabanggit na insidente.
Dead on the spot ang isang barangay Kagawad matapos pagbabarilin ng sinasabing tatlo ka-tao na sakay ng motorsiklo sa brgy. Marbel.Kidapawan City pasado alas dyes ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Kagawad Alberto Dominggo.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Brgy. Marbel Kapitan Jefrey Balaoro, sakay ng kanyang HONDA XRM na kulay pula si Kag. Domingo patungo sa Purok Uno ng barangay para sana sa isang programa
dahil anibersaryo ng kanilang purok.Pero ilang metro bago ang kanilang purok ay dito na siya tinabihan ng tatlong kalalakihan sakay ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril.

Sa imbestigasyon ng PNP, apat ang tama na tinamo ng biktima sa kanyang ulo at katawan na nagresulta naman ng kanyang agarang kamatayan.Ayon kay Kapitan Balaoro wala naman raw masamang record si Domingo at wala ring nakaalitan sa kanilang lugar na maging dahilan sa pamamaril sa kanya.

Carnapping naman ang isa sa sinusundang anggulo ng PNP sa insidente matapos tangayin din ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima pagkatapos ng insidente.

Samantala, isang text message naman ang natanggap sa cellphone ng biktima ilang minuto matapos ang pamamaril bagay naman na di rin isinasantabi ng mga otoridad na Love triangle ang posibleng isa
sa motibo sa krimenSamantala Tadtad naman ng tama ng bala ang katawan ng isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Purok Rambutan, Brgy Upper Kalaisan, Kidapawan City, ala una ng madaling
araw noong sabado.Kinilala ang biktima na si Felipe Barete Pacatang, 31-anyos, may asawa na residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report natutulog lamang ang biktima kasama ang kanyang misis nang bigla na lamang umanong pasukin ng suspek ang kanilang bahay at doon na siya pinagbabaril.Limang tama ng bala ang tinamo ni Pacatang na nagresulta naman ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala at dalawang slugs mula sa 45 caliber pistol.

Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa krimen habang tinutugis na responsable sa nasabing pamamaril. Mapapakinabangan na ngayon ng BNBL Irrigators Associaiton ang Rice Processing 2 na mula sa Department Of Agriculture sa barangay New Janiuay Mlang North Cotabato.Sakop ng BNBL Irrigators Association ang mga barangay ng Bagontapay, New Barbaza, Buayan at Lepaga.

Nitong nakaraang linggo itinurn-over ang nabanggit na proyekto na sinaksihan naman ng DA 12 officials, Mlang LGU, barangay officials at myembro ng irrigators association.Kabilang naman sa mga proyekto na kanilang natanggap ang melling machines at ilang mechanical dryers.

Una nang pinoproblema ng mga magsasaka sa bayan ang kakulangan ng mga dryers dahil naapektuhan na rin ang kalidad ng palay na kadalasang nababasa ng ulan.Sa pamamagitan ng mechanical dryers, di na mamomroblema ngayon ang mga magsasaka dahil protektado na sa ulan ang kanilang mga produkto.Ayon sa DA 12 una palang ito sa mga agricultural machines na ipapamahagi ng nabanggit na ahensya sa mga irrigators at farmers association sa bayan ng Mlang.

Nangako naman ng dalawang milyong piso ang DA 12 sa nabanggit na asosayon para sa maintenance ng proyekto.

NDBC BIDA BALITA

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...