Thursday May, 02 2024 10:50:29 AM

NDBC BIDA BALITA (3.29.17)

 • 17:28 PM Wed Mar 29, 2017
676
By: 
CBCP

NEWSCAST

MARCH 29, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DEPED – ARMM, sinagot ang isyu
hinggil sa pagkabalam ng mga appointment at promosyon ng mga guro sa rehiyon.

2. Klase sa mga paaralan sa Barangay Camutan,
Antipas, North Cotabato, balik na sa normal ngunit ilang mga mag-aaral,
nakakaramdam pa rin ng takot at trauma

3. AMA, nagbigti patay sa Tampakan, South
Cotabato

4. Bgy. Kagawad ng Maguindanao, arestado dahil sa droga NILINAW ngayon ni Department of
Education – Autonomous Region in Muslim Mindanao o DepEd ARMM Sec. John Magno
ang isyu hinggil sa patuloy na pagkakabinbin ng mga appointment at promosyon ng
mga guro sa rehiyon, partikular na sa Maguindanao.

Sinabi ng kalihim na idinadaan kasi sa
masusing pagkilatis ang mga aplikasyon para matiyak na karapat-dapat sa
appointment at promosyon ang mga ito.

Payo ni Magno sa mga may nakabinbing
promosyon, maghintay dahil sinusunod nila ang tamang proseso.

Ginawa ni Magno ang paliwanag matapos
na kwestyunin ni Kabuntalan South District Supervisor Bai Farida Badal ang
mabagal na pagproseso ng mga appointment at promosyon ng mga guro na nagiging
dahilan aniya ng kakulangan ng mga school official sa kanilang distrito.

Bukod sa nabanggit na isyu, hiniling
din ni Badal ang paliwanag ng DepEd ARMM kaugnay ng kawalan ng pondo para sa Maintenance
and Other Operating Expenses o MOOE ng maraming mga paaralan sa kanilang lugar. ARESTADO ang isang
barangay kagawad sa drug buy bust operation na inilunsad ng Datu Odin Sinsuat
PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM.

Kinilala ni DOS chief of
Police, Chief Inspector Achmad Alibonga ang suspek na si Razul Diocolano Imam,
29 years old, may asawa, isang barangay kagawad at residente ng Brgy. Banobo,
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nadakip si Imam dakong
alas tres ng hapon kahapon sa Tenorio, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakuha mula sa kanyang
posisyon ang isang sachet ng shabu na may bigat na 0.8 na gramo na may street
value na 20 thousand pesosat nabawi rin
sa kanya ang 500 pesos na marked money.

Sa ngayon, nasa kustudiya
na ng DOS PNP si Imam at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

NANINIWALA ang Office of the Civil Defense sa Autonomus Region in
Muslim Mindanao o OCD ARMM na maaaring mabawasan kung di man tuluyang maiwasan
ang pinsalang maidudulot ng sakuna at kalamidad kung may sapat na paghahanda ang
publiko.

Ito ang ipinahayag ni OCD-ARMM Regional Director Myrna Angot kasabay
ng gagawing National Earthquake Drill sa bansa ngayong March 31. Aniya sa ARMM gagawin ang nasabing ‘Duck cover and Hold’ na programa
ng OCD sa Mindanao State University sa Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
alas dos ng hapon. Magsisimula ito sa pamamagitan ng pagpapatunog ng malakas na sirena
mula sa mga fire truck at lalahukan ng ibat ibang ahensya. Giit ni Angot ‘Bida ang Handa’ kaya’t layunin ng Earthquake Drill na
ihanda ang publiko sa posibleng pagkakaroon ng malakas na lindol sa lugar.

Samantala, sinabi ng opisyal na malaki ang papel na ginagampanan ng
media para maihatid ang mga impormasiyon sa publiko hinggil sa nasabing
paghahanda, kung saan aniya, kaisa ang mga mamamahayag sa kanilang programa,
lalo na ang partisipansiyon ng publiko.

HINIMOK
ngayon ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi ang pamunuan ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM na gumawa ng programa para sa mga Badjao na
kumakalat sa lungsod. Reaksyon ito
ng alkalde matapos napag-alaman na marami pa rin sa mga Badjao, na paweang mga
kabataan, ang patuloy na nanlilimos sa mga lansangan sa lungsod at palaboy-laboy
sa mga pamilihan at malls sa syudad.

Ayon kay
Sayadi, galing ang mga batang Badjao sa Bongo island sa Parang, Maguindanao at tuwing
umaga ay dadaong ang bangka nila sa Bagua Mother, upang pumasok sa lungsod.

Aniya pa,
nanlilimos at gumagala sa lungsod ang mga ito mula alas kwatro ng umaga
hanggang alas singko ng hapon.

Giit ng
alkalde na walang record ang city LGU ng mga tirahan ng mga Badjao sa lungsod. Muli pang
pinalawig ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang deadline para sa pagpapalit
ng mga lumang pera. Ayon kay BSP Cotabato
City Branch Head Deputy Director Perry Dequita, nagpasya ang Monetary Board na
ilipat sa Hunyo a-trenta ngayong taon ang deadline ng pagpapalit ng lumang
pera. Ito ay bilang
tugon sa kahilingan ng publiko na muling iurung ang naunang March 31, 2017
deadline.

Dagdag pa ni
Dequita, pagsapit ng July 1 ay tuluyan ng mawawalan na ng halaga ang mga perang
inilabas noon pang 1985. Samantala,
binigyan naman ng isang taong palugit ang mga OFW at may mga kaso sa korte kung
saan mga lumang pera pa ang ginagamit na ebidensya basta’t magparehistro lamang
sila sa website ng BSP na and//www.bsp.gov.ph www.bsp.gov.ph .

Alinsunod ito
sa SEC 57 ng RA 7653 O THE NEW CENTRAL BANK ACT na maaring alisin ng bangko
sentral sa serkulasyon at palitan ang mga salaping papel ng anumang serye o
denominasyon na higit na sa 25 taong ginagamit sa bansa. Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang pagkakasangkot ng New People's Army Front 53 sa pagbaril at pagpatay kay brgy. Marbel Kagawad Alberto Domingo sa Kidapawan City.Base rin kasi ito sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na lumabas sa upadte report ng firearm Examiner at balistician, ng Scene of the Crime Operatives ng Kidapawan City PNP.Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng City PNP parehong baril ang ginamit sa pagpatay kay Domingo sa limang iba pang kaso ng pamamaril sa North Cotabato kung saan NPA ang itinuturong responsable.Kabilang na rito ang pamamaril kay Roger Fordan sa brgy. Ganatan, Arakan noong August 22, 2015, Bernabe Abanilla at Gerson Samillano sa brgy. Doroluman, Arakan noong February 7, 2016, Morgan Matas Sabijo sa brgy. Poblacion, Magpet, noong March 3, 2016, Reynaldo Blancaflor sa brgy.Badiangon, Arakan noong January 15, 2017 at Willerme Agorde sa brgy. Ilustre Pres. Roxas noong Feb. 19, 2017.Kaugnay nito, tatlong anggulo ngayon ang sinusundann ng mga otoridad sa pamamaril kay Kagawad Dominggo kung saan pinakamalapit raw rito ang pagkakasangkot ng NPA.

Kabilang din ang carnapping matapos tangayin din ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima matapos ang pamamaril.Di rin isinasantabi ang Love Triangle na motibo base na rin sa text message na natanggap sa cellphone ni Kagawad Domingo matapos ang pamamaril sa kanya.

Samantala, itinanggi naman ng NPA ang nabanggit na report at wala raw silang alam sa kaso ni Dominggo.

Hinihintay pa ngayon ang opisyal na pahayag ng NPA kaugnay sa nabanggit na insidente.
Kung nag-aalala ang isang ina, ganundin ang pakiramdam ng isang guro bilang ikalawang ina ng mga estudyante na isa rin sa mga naapektuhan sa nangyaring paglikas dahil sa engkwentro ng NPA at militar sa Barangay Camutan partikular sa Sitio Datu Imbangan sa Antipas, North Cotabato.Kwento pa ng isang guro ng Datu Imbangan Primary School na si alyas Teacher Analyn, una niyang siniguro ang kaligtasan ng kaniyang mga estudyante at inihatid sa evacuation Center.Nakaramdam din siya ng takot at kaba dahil unang beses itong nangyari sa kanila simula ng magturo sa nabanggit na eskwelahan.

Pero giit ni Analyn kung nagtuloy-tuloy pa ang pamamalagi ng mga estudyante sa evacuation center balak na raw nilang magturo doon para sa kapakanan ng mga bata.Dahil humupa naman kaagad ang tensyon at wala na ang presensya ng New People's Army sa area, balik normal na ngayon ang klase ng mga mag-aaral.

Pero ang iba sa mga kabataan ay nanatili pa rin ang takot at di muna bumalik sa paaralan. Gumagawa ngayon ng inisyatiba ang mga guro para matulungan ang mga estudyante sa traumang kanilang dinanas at magpapatuloy din ang kanilang serbisyo sa kabila ng pangyayari.
Binibilisan na ngayon ng National Housing Authority o NHA na matapos ngayong taon ang ginagawang 100 housing units para sa Indegenous Peoples o IP Community sa barangay Immamaling Magpet, North Cotabato.Ang proyekto ay pinondohan ng NHA ng abot sa sampung milyong piso na nakatirik sa limang ektaryang lupa.

Nabatid na isa ang barangay Immaling sa naging recepient ng proyekto na sinimulan noong ikatlong quarter ng 2016.Ang nabanggit na barangay ay isang IP dominated sa buong bayan kung saan 97% na nakatira rito ay mga katutubo.Sa pamamagitan ng isang barangay Resolusyon at suporta rin Sangguniang Bayan ng Magpet kaya mabilis na nakamit ang proyekto at dahil sa tulong rin nila sa pagproseso ng mga dokumento.Ang limang ektaryang lupa ang siyang counterpart ng barangay habang ang dump trucks, manpower at pagsasasayos sa nabanggit na site ay inako naman ng LGU.Unang nakinabang sa nabanggit na pabahay ang isang daang pamilyang IP na nakatira malapit sa danger zone area o landslide prone areas ng barangay.
Sa ngayon nasa 70 porsyento nang nakumpleto ang mga bahay at inaasahan na bago magtapos ang 2017 ay makakalipat na ang mga katutubo sa kanilang mga bagong bahay.
Alas sais ng gabi noong lunes nang marekober ang bangkay ng Taxi Driver na una nang natagpuan ang sasakyan sa brgy. Gokotan, Pikit, North Cotabato linggo ng hapon.Ito ang kinumpirma mismo ni Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP.

Ayon kay Cabigas, may tama ng baril sa kanyang baba ang biktima na tumagos naman sa kanyang ulo nang marekober ang bangkay na posibleng noong linggo pa napaslang.Kinilala ang driver na si Jerry Abella Gulay, 24-anyos na taga Bunawan, Davao City.

Ayon kay Cabigas nakatanggap sila ng tawag mula sa brgy. Chairman ng Gokotan at inireport ang bangkay na natagpuan sa liblib na bahagi ng barangay.Dito na napag-alaman na driver ito ng TAXI na una na ring narekober sa nabanggit na area.

Matatandaang pinakyaw si Gulay ng isang babae sa Davao City Airport patungong Midsayap sa halagang 4, 400 pesos sabado ng umaga.Kagabi, kinuha na ng pamilya ng biktima ang bangkay ni Jerry sa Carmen Villa Funeral Homes.

Tukoy na rin ng PNP ang mga suspek sa krimen na ngayon ay kanila nang tinutugis.

Nakikipag-uganayan na rin ang Pikit PNP sa Sasa Police Station para iturn-over ang nasabing taxi.

Nagbabala ang pamunuan ng Davao Del Sur Police Provincial Office o DSPPO sa lahat ng mga PNP station sa lalawigan na maging alerto sa lahat ng panahon.

Katunayan kahapon, nilibot ni Sr. Supt. Samuel Gadingan, DSPPO Director ang lahat ng estasyon ng PNP para i-alerto kasabay ng ika-48 na anibersaryo ng New People's Army ngayong araw.Ikinasurpresa naman ng Bansalan PNP ang pagbisita ng opisyal matapos suriin ang buong himpilan pati na ang suot ng mga pulis.

Ipinaalala ni Gadingan sa lahat ng mga pulis ang maagap na pagresponde sa anumang krimen at mag-ingat para di malagay sa alanganin ang kanilang mga buhay.Ayaw kasing mangyari ng opisyal sa Bansalan PNP ang nangyari sa Magsaysay Police Station na hindi nirespondehan ang stabbing incident sa brgy. Poblacion, Magsaysay matapos makatanggap ng report sa umano presensya ng NPA sa lugar.Iginiit ng opisyal na kailangan maging alerto ang pulisya at pagsasagawa ng pagpapatrolya sa kanilang aor para hindi na maulit pa ang nangyaring ambush ng rebeldeng komunista sa brgy. Sibayan, Bansalan noong March 8.Samantala, nilinaw naman ni Bansalan PNP Chief of Police Chief Ins. Adrian Antonio na hindi sila nagpadala sa ginawa ng NPA sa kabila ng pagkamatay ng kanyang tatlong mga pulis at isang SOCO member ng Digos City Police Office.Magpapatuloy raw ang kanilang serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan. Inaasahan na mababawasan na kung di man tuluyang masawata ang problema sa iligal na droga at katiwalian sa Tacurong City, lalawigan ng Sultan Kudarat.Ito ay kasunod ng paglunsad ng Masa Masid Program sa lugar.
Nanguna sa paglunsad nito sa lungsod sina Tacurong Mayor Lina Montilla, at Department of the Interior and Local Government o DILG 12 Regional Director Reynalo Bungubong.Ang programa ay suportado din ng Social Action Center ng Diocese of Cotabato, iba’t ibang religious groups,pulisiya, militar at lokal napamahalaan.Ayon kay Montilla, tungkulin ng lokal na pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon laban sa iligal na droga at korupsyon.Gayunpaman ayon kay Montilla matutupad lamang ito sa tulong ng iba’t ibang sector na ang adhikain ay walang maiiwan sa kampanya kontra illegal drugs at katiwalian.Binigyan diin ng alkalde na maaring magbago ang mga drug dependents kung hahayaan ng mga ito na tulungan sila ng gobyerno.
Ang Tacurong City ay ginagawa lamang na transhipment ng droga mula Norte na dinadala sa Koronadal City, General Santos City at karatig lugar.
Ito ay ayon naman sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12. Karamihan din sa mga high value target sa illegal drugs ng PDEA 12 sa Tacurong ay pawang mga dayo lamang sa lungsod.
Magtatag ng Provincial Local Monitoring Mechanism o PLLM ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, layon nito na mapaigting ang monitoring at reporting sa mga kaso ng human rights violation sa lalawigan.Ipinahayag ng gobernador na handa siyang subukan ang sistemang ito para makapag-comply sa international standard .
Ito ang sinabi ni Fuentes sa katatapos lang na Provincial Peace and Order Council Meeting.
Ang PLLM ay ipatutupad naman hanggang sa mga barangay.
Uupo naman bilang PLLM chairman si Fuentes,at Vice Chairman si South Cotabato Department of the Interior and Local Government OIC Provincial Director Aurora Andrea de Pedro.Habang magsisilbi namang secretariat ang Commission on Human Rights o CHR.
Sinabi ni Fuentes na kasunod ng pagkakatag ng PLLM aasahan na ng myembro nito ang serye ng mga pagsasanay at case conferences.
Samantala nagpadala ng sulat sa government peace panel si Fuentes.
Ito ay upang hilingin ang tulong ng gobyerno sa panibago ng paghaharass nanaman ng umanoy NPA sa CAFGU detachment sa Barangay Tablu, Tampakan.
Ang insidente ay nagresulta sa paglikas ng mahigit 20 pamilya na nangangamba sa kanilang kaligtasan bunsod ng patuloy na clearing operation ng mga pulis at militar sa lugar
Sumailalim sa dalawang araw na Capability building training ang 32 staff at Public OFW Desk Officers o PODOs ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12.Ayon kay OWWA 12 OIC Marlyn Jamero, mahagala ang training para lalo pang mapabuti ng kanilang mga front liners ang serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong.
Ayon kay Jamero, mahalaga ang papel ng kanilang mga PODOs sa pagpapaalam at pagpapatupad ng mga programa ng OWWA sa mga local government units.Sinabi ni Jamero na mahalga din ang pagsasanay sa kanilang mga staff dahil sila mismo ang kadalasang humaharap sa anilang mga kliyente.Ayon naman sa PODO na si Anna Mae Escondida ng Pigcawayan, North Cotabato, nakatulong ang training para pagbutihin ang pagtulong sa mga dumdulog sa kanilang tanggapan.Ang PODOs ay inilgay ng OWWA sa bawat bayan upang mahingan ng tulong ng mga OFWs at kanilang pamilya.

Paiigtingin pa ang patulong sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ito ang hiling ni Department of the Interior and Local Government o DILG OIC Provincial Director Aurora Andrea de Pedro sa mga Barangay Officials ng lalawigan.Si de Pedro ay dumalo sa katatapos lang na Barangay General Assembly para sa mga barangay officials sa ikalawang distrito ng South Cotabato.Ayon kay de Pedro ang aktibidad ay isinagawa sa barangay Ambalgan sa bayan ng Sto. Nino na kilalang bagsakan ng iligal na droga sa lalawigan.Kaugnay nito, nangako naman si Ambalgan Barangay Chairman Toto Ambalgan na babaguhin nito ang imahe ng kanilang lugar na hot spots ng iligal na droga.
Tiniyak nito na tutulong siya sa panghuhuli sa mga sangkot sa iligal na droga sa Ambalgan.
Ang Barangay General Assembly ay naka angkla sa temang Sulong Barangay Kontra Droga,Krimen at KatiwalianandMakialam!Makilahok!Makiisa!
Patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang isang ama na nagbigti matapos makipagaway sa misis nito sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.Kinilala ang biktima na si Reynaldo Porras, nakatira sa Purok Aguinaldo, Barangay Kipalbig, Tampakan.
Ayon sa anak nitong si Charmie Maaghop, lasing umanong umuwi ang kanyang ama kamakalawa ng gabi kaya sila nagtalo ng kanyang ina.Habang nagtatalo iniwan umano ng misis ang lasing na mister at tumungo sa bahay ni Charmie.
Kinaumagahan nadatnan na lamang ng misis na nakalambitin na sa bubong ng kanilang bahay ang mister.Nagbigti ang biktima gamit ang lubid na itinali sa trusses ng kanilang bahay.
Ayon kay Maaghop naging bukang bibig na ng kanyang ama na magpapakamatay sa tuwing nagaaway sila ng kanyang ina.Gayunpaman nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.
Napapakinabangan na ng mga magsasaka sa barangay Pigcawaran sa Alamada North Cotabato ang dalawang wheel drive tractor na bigay ng Department of Agriculture o DA 12.Ang nabanggit na gamit pansaka ay ipinagkaloob ng ahensya sa Pigcawaran MNLF Farmers Association at Ribe Farmers Association.Ito ay sa pamamagitan naman ng pakikipagtulungan sa DA ng lokal na pamahalaan, at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.Ayon kay Pigacawaran MNLF Farmers Association President Marigay Mingca malaki ang maitutulong ng mga traktor sa kanilang kabuhayan kaya lubos nila itong ipinagpasalamat sa DA.Umaasa naman ang DA na sa pamamagitan ng bigay nilang mga gamit pansaka ay mapanatili ang katiwasayan at magkaisa ang mga magsasaka sa mga lugar na apektado ng kaguluhan para sa pagunlad ng kanilang kabuhayan.

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...