Thursday May, 02 2024 11:12:37 PM

NDBC BIDA BALITA (3.31.17)

 • 17:46 PM Fri Mar 31, 2017
643
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

March 30, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUNDALO,
sugatan sa panibagong roadside bombing sa Maguindanao.2 iba pang sundalo, sugatan sa pambobomba kanina.2. ABOT sa 21 mga drug personality,
huli sa raid na inilunsad sa Kabacan, North Cotabato.

3. Fireline kontra grass fire sa Mt. Matutum tinututukan ng DENR 12

Sugatan ang di pa matukoy na mga suspected bomber matapos na sumabog ang isang IED na itinatanim nila sa boundary ng Shariff Aguak at Shariff Saydona kaninang madaling araw.Sinabi ni 6th ID spokesperson Capt. Arvin John Encinas, nagpapatrolya ang mga elmeento ng 40th infantry Battalion nang mapansin nila ang mga kalalakihang tila nagtatanim ng bomba.Nang sitahin, nagpaputok ang mga ito kayat nagkabakbakan.Dalawang sundalo ang bahagyang nasugatan. Di matukoy samga kalaban, ayon kay Encinas.Kahapon, SUGATAN ang isang sundalo sa pagsabog ng isang improvised explosive device o IED sa Highway ng Labu-Labu Dos na nasa pagitan ng mga bayan ng Datu Hoffer at Ampatuan, Maguindanao.Kinilala ni Maguindanao PNP Director Police Senior Superintendent Agustin Tello ang biktima na si Corporal Michael Madazza, kasapi ng Army’s 38th Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Infantry Division. Batay sa report ng rumesponding Explosives and Ordnance Disposal Team, nabatid na ang sumabog na bomba ay isang prototype na IED na ginagamit din ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa mga nakalipas nitong pambobomba sa Central Mindanao.Naniniwala si Tello na ang ginawang pagpapasabog ng mga BIFF ay bilang paghihiganti sa pagkamatay ng dalawang mga suspected carnapper sa Isulan, Sultan Kudarat na nanlaban sa mga pulis kamakalawa ng umaga.Maalalang sa ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police, tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktimang si Florencio Vivencio Jr. sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Dansuli, Isulan.Mabilis na nagreklamo ang biktima sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaya naglatag ng checkpoint at namatay ang dalawang mga suspek sa shootout.Narekober sa crime scene ang isang granada, cal .45 pistol, dalawang mga bala, at dalawang sachets ng shabu at ang nakaw na motorsiklo ng biktima.Kahapon ng umaga kinuka ng kanilang mga kamag-anak ang bangkay ng mga suspek na kinilalang sina Amir Toten Ato at Maguid Upam Usop na sinasabing kasapi ng BIFF at nasasangkot sa mga robbery at extortion. ABOT SA MAHIGIT isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng tropa ng PDEA at PNP sa Kabacan, North Cotabato.21 mga suspect rin ang naaresto at 12 mga motorsiklo na pinaniniwalaang carnapped ang nakuha sa Purok Krislam, Bgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato, ayon kay Senior Insp. Ronnie Cordero, Kabacan town police chief.Ang mga naaresto ay sinaand1. Omar Udac Abdullah,2. Hadi Maulan Midtimbang,3. Anna Guiamandan Dinanalao @ Kumkuma,4.Alimar Salanduyan Pigcaulan,5. Ming Mia Gasi,6. Ebrahem Radsak Abo,7. Basir Padal Mohamad,8. Aludin Tabayag Gakit,9. Ali Badal Abo,10. Ebrahim Muat Guimadil,11. Abdul Gakit Badal,12. Victor Sankay Beldik,13.Zainoden Edem Dayato,14. Noraisa Beldik Ebrahem,15. Lani Veldik Dayato,16.Bai Suelo Alon @ Edna Danglit Tobias,17. Marcialo Maligyan Suelo,18. Jorey Kamisec Suelo,19. Jerry Buada Cabalo,20. Baby Boy Cabalo :21. Allan Tanoyan Kabalu@ Allan CabaloSinabi ni Cordero na matagal nang sinusubaybayan ng tropa ng pamahalaan ang lugar at nang makumpirma na merong malaking halaga ng shabu ang naroon, agad itong sinalakay.Dala ng gma police ang siyam na search warrants laban sa mga suspect. HAWAK NA NGAYON ng mga
otoridad ang pang walo sa mga most wanted person na sangkot sa mga kaso ng
carnapping.

Nadakip ng Kalamansig PNP
ang suspek na nakilalang si

Richard Alcantara
Timbreza, 43 years old, may asawa, driver at residente ng Barangay Paril,
Kalamansig, Sultan Kudarat at na minsan ay nanunuluyan din sa Barangay
Bululawan, Lebak, Sultan Kudarat

Sinabi ni Kalamansig
chief of police, chief Insp. PATRICH ELMA na naaresto si Timbreza pasado alas
dose ng tanghali kamakalawa sa bisa ng Warrant of Arrest

Na inilabas ni Judge Renato
Gleyo, ng RTC Branch 19, noon pang March 13, 2017

Si Timbreza ay nahaharap
sa kasong Carnapping at may inirekumendang piyansa na nagkakahalaga ng 180
thousand pesos

Sa ngayon, pansamantalang
nakakulong sa Kalamansig PNP lockup cell ang nadakip na suspek. Aabot sa 224
thousand ang bilang ng mga mamamayang nagsilikas at nalalagay sa panganib ang
buhay dahil sa patuloy na girian sa bahaging ito ng Mindanao, kasama na dito
ang natural na kalamidad.

Ito ang
pagtaya na inilabas ng UNCHR na pinangungunahan ng Mindanao Protection Cluster,
batay sa kanilang datus na inilabas ngayong January 2017.

Isa na dito
sa mga biktima ay si Jamilan Sayanutin ng Datu Saudi, Ampatuan sa Maguindanao.

Aniya, noong
December ng nakaraang taon, nasunog ang kanilang bahay na ibinigay lang sa
kanila.

Hindi rin
nakapagdalo ng graduation ang kanyang anak dahil nawalan na rin sila ng
hanapbuhay.

Ayon kay OXFAM-Philippines
- Media Advocacies Campaigns coordinator Marie Madamba Nuñez na layon ng
kanilang programa na maisapubliko ang totong sitwasiyon ng mga nagsilikas na
hindi napapansin ng media o maging ng pamahalaan.

Kaya naman
nagbuo sila ng programa na global campaign na ‘stand as One’ para ma-highlight
ang issue ng displacement sa Mindanao, maliban pa sa pagbibigay ng kagyat na
tulong para sa mga evacuee.

Bukod sa
problema sa palaging paglikas ay madalas din silang inaakusahang kasapi ng mga
rebeldeng grupo sa mga panahong hindi sila lumilikas. Hinihikayat
ng Office of the Civil Defense o OCD ARMM ang lahat na mga residente ng
Cotabato City, Maguindanao at maging ang mga karatig lugar nito na aktibong
makilahok sa kauna-unahang National Simultaneous Earthquake Drill o NSED 2017.

Ito ay
gaganapin sa Mindanao State University o MSU- Maguindanao campus, Dalican, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao sa ganap na alas dos ngayong hapon.

Ayon kay OCD
ARMM officer-in-charge Myrna Angot, ito yung simultaneous exercise na gagawin
upang mapagpraktisan ang mga paghahandang gagawin sakaling magkakaroon ng
lindol.

Ang tinig ni
OCD OIC Myrna Angot.

Dagdag pa ng
opisyal na ang handheld radio ang tanging communication facility na
hinding-hindi nawawalan ng signal o services sa mga panahon ng kalamidad, kaya
hinihimok ang lahat ng mga ahensya na magkaroon nito.

Binigyang
diin naman ni PHIVOLCS Chief Engr. Rainier Amilbahar na huwag kalimutang mag
DUCK-COVER-HOLD tuwing may lindol.

Samantala,
hinihikayat naman ni Red Cross Official Moricio Cebeles ang lahat na seryosohin
ang isasagawang drill.

Inaanyayahan
din ang lahat na mga lalahok na magpost ng mga larawan at videos na ginagawa
ang DUCK-COVER-HOLD sa mga social media accounts tulad ng Facebook at twitter
at gamitin ang hashtag

PINANGANGAMBAHANG
kukulangin ng supply ng kuryente ang service area ng Cotabato Light Power Company
o Colight.

Ito ayon kay
Colight Reputation Enhancement Head Anna Lea Lee Nataño, ay kapag hindi
nabigyan ng solusiyon ang transmission system nila.

Sinabi ng
pamunuan ng CoLight na bagaman at may sapat na supply ng kuryente ang Mindanao
Grid ay may problema ang transmission line nila sa National Grid Corporation of
the Philippines o NGCP.

Ito ang
Kibawe 138KV Line papunta sa Sub-station ng NGCP sa Nuling, Sultan Kudarat,
kung saan doon dumadaan ang supply ng kuryente na ibinibigay naman ng CoLight
sa kanilang mga consumer.

Kabilang sa
mga tinukoy na problema dito ay ang ginagawang pagpapasabog ng mga lawless
group sa NGCP tower, maliban pa ito sa mga ipinapatupad na preventive
maintenance nila, dahilan para mawalan ng supply ng kuryente ang Colight.

Kaya naman
kapag magkakaroon ng problema o power off sa Kibawe-Sultan Kudarat Line,
kinakailangan lilipat ng power source ang Cotabato Light sa Tacurong
sub-station ng NGCP papunta sa Nuling, Sultan Kudarat Line.

Pero, ayon
kay Nataño ang problema kung Tacurong – Sultan Kudarat line ang pagkukunan nila
ng supply ng kuryente papunta sa kanilang 69Kv line, magkakaroon sila ng
limitadong capacity ng Power Supply na 8MW at magkakaroon ng low voltage, na
mahigpit namang ipinagbabawal ng ERC o Energy Regulatory Commission.

Samantala, naghain
naman ng resolusiyon no. 5643 sa Sangguniang Panglungsod ang pamunuan ng CoLight
para mapadali ang paglalagay ng 138KV alternate line mula sa Tacurong papunta
ng Sultan Kudarat upang ma-stabilize ang power supply ng kuryente sa Cotabato
City.

Ang nasabing
resolusiyon ay agad namang inaprubahan ng konseho at ipinadala kay NGCP CEO
Henry Sy.

Pero naging
negatibo ang tugon ng NGCP dito.

Ang Planung
pagtatayo ng NGCP transmission line sa 2018 ay hindi muna itutuloy.

Pangunahing
rason dito ay ang presensiya ng mga lawless group sa lugar na ikapapahamak ng
kanilang mga mang-gagawa.

Kaya kung
maglalagay man ang NGCP ng kanilang karagdagang transmission line sa nasabing
sub-station, ito ay maaaring sa 2025, dahil sa problema sa peace and order. Prayoridad ng Moral Recovery Program o MRP ng lokal na pamahalaan ang mga out of school youth sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Ma. Ana Uy.
Ayon kay Uy layon nito na magabayan ang mga kabataan at maiwasan na malihis ang landas.
Sinabi ni Uy na kalakip sa pagpapatupad ng programa ang pagtuturo sa mga kabataan ng magandang paguugali, at pagiging resposnableng mamamayan.Ito ay upang maging magandang halimbawa sa kapwa mga kabataan.
Sa pamamagitan ng MRP ayon kay Uy ay napapalakas din ng mga kabataan ang kanilang pananampalataya sa Diyos.Ayon kay Uy nakitaan nila ng pagbabago ang mga kabataan sa South Cotabato na unang isinailalim sa MRP.
Sa katunayan ayon kay Uy iba sa mga ito ay katuwang na sa pagpapatupad ng adopt-a-barangay project sa bayan ng T’boli.Ayon kay Uy susunod na makikinabang sa MRP ng kanilang tanggapan ang mga out school youth sa mga bayan ng Tampakan, Sto. Nino, at Tantangan.
Makatutulong ang fireline para bigyan babala ang mga residente sakali mang may maganap na sunog sa paanan ng Mt. Matutum sa mga bayan Tupi at Polomolok sa South Cotabato.Ito ay ayon kay Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 Protected Area Management To Biodiversity Conservation Chief, Forester Mangayao Macapodi.Sinabi ni Macapodi na bilang paghahanda sa posibleng grassfire, pinapanatili ng DENR ang fire line sa paanan ng Mt. Matutum, lalo na ngayong paparating na ang panahon ng taginit.Umapela din si Macapodi sa mga mamamayan at opisyal ng mga barangay malapit sa Mt.Matutum na bantayan ang kanilang kapaligiran.Ito ay upang hindi na maulit pa ang grassfire na tumupok sa malawak na bahagi ng bundok noong nakaraang taon.
Ayon kay Macapodi ang fireline o fire break ay isang puwang o mga pananim na pipigil sa pagkalat ng grassfire.Matatandaan na noong nakaraang taon inilikas ang 25 pamilya sa paanan ng Mt. Matutum dahil sa grassfire.
Ang Mt. Matutum ay isa sa mga paboritong akyatin ng mga Mountain Climber sa South Cotabato dahil sa luntiang kapaligiran nito.
Abot na sa sampu katao ang nasawi dahil sa rabies sa bayan ng T’boli, South Cotabato simula noong 2011.
Tatlo sa mga biktima nasawi nito lamang 2017.Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Epideomology and Surveillance Unit o PESU Chief Cecil Lorenzo.
Sinabi Lorenzo na para matulungan ang T’boli Municipal Government na resolbahin ang problema,isinsulong ngayong ang pagtutulungan ng iba’t ibang sector.Ayon kay Lorenzo nakakaalarma na ang rabies sa South Cotabato.
SA unang quarter pa lamang ng 2017 pito katao na ang nasawi dahil sa rabies sa lalawigan.
Tatlo sa mga ito ay naitala sa T’boli, dalawa sa Lake Sebu at tig isa sa mga bayan ng Polomolok at Banga.
Sinabi ni Lorenzo na karamihan sa mga nasawi sa rabbies ay pawang mga kalalakihan at anim ang nakagat ng mga asong hindi nabigyan ang anti rabies vaccine.
Ayon naman kay Rabbies Program Coordinator John Cudilla nagkaroon na sila ng inter-agency meeting para sa pag revised sa Rabies Ordinance ng South Cotabato.
Layon nito na gawing angkop sa kasalukuyang panahon ang ordinansa .Ito ayon kay Cudilla ay kanilang gagawin sa lalong madaling panahon para maideklarang rabbies free ang South Cotabato sa 2020.
Sisimulan ang kauna unahang citywide earthquake drill at fire drill sa Koronadal City dakong alas otso ngayong umaga.Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano,magiging sentro ng aktibidad ang bahagi ng General Santos Drive sa harap ng KCC mall.Sinabi ni Urbano na maliban sa 27 barangay sa lungsod, inaasahan din ang pakikilahok sa aktibidad ng mga eskwelahan at iba pang malalaking establisemento.
Tutukan sa earthquake at fire drill ang drop, cover,and hold na dapat unang gawin ng mga mamamayan sakali mang magkalindol.Tanda ng pagsisimula ng earthquake at fire drill ang tatlong minutong pagtunog ng sirena na ginagawa rin ng LGU sa tuwing babahain ang Koronadal City.Hiniling naman ni Urbano sa publiko na para maging handa sa kalamidad seryosohin angn fire at earthquake drill.
Abot sa 6 na mga iskolar ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang nabigyan ng insentibo kasabay ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo.Ang mga anim na mga Isko scholar na ito ay nagtapos na pawang mga cum laude.
Ayon kay Koronadal City ISko Incharge Jean Sunga, ang pagbibigay ng insentibo sa mga iskolar ng Koronadal ay inaatas ng Isko Ordinance ng lungsod.Tiniyak ni Sunga na mabibigyan ng insentibo ang iba pang isko scholar kasabay ng kanilang pagtatapos sa susunod buwan.Ayon kay Sunga ang mga iskolar ng lungsod na nagtapos bilang cum laude ay tatanggap ng tig P10,000 P15000 ang magna cum laude at P20,000 ang summa cum laude.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...