Monday May, 13 2024 12:00:00 PM

NDBC BIDA BALITA (3.3.17)

 • 17:36 PM Fri Mar 3, 2017
739
By: 
NDBC

NEWSCAST

MARCH 3, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWA KATAO, sugatan sa pagsabog ng
granada sa Cotabato city.

2. BOMBA, narekober sa Tower ng NGCP
tower sa Kabacan, North Cotabato.

3. TAMANG PAGPAPASAHOD sa mga
manggagawa, iniutos ng RTWPB 12 sa lahat ng mga employer sa Tacurong city.

4. Illegal logs, nakumpiska sa Lebak, South Cotabato DALAWA KATAO ang nasugatan sa pagsabog
ng granada na inihagis ng di pa nakikilalang mga suspek sa isang apartment sa
Cotabato City.

Hindi naman pinangalanan ng City PNP
ang may-ari ng naturang apartment na empleyado ng Matanog LGU, dahil na rin sa
pakiusap ng mga biktima para sa kanilang kaligtasan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga
otoridad, pasado ala una ng madaling araw nang may naghagis ng di pa natukoy na
uri ng granada sa naturang apartment na nasa Rosal Street, barangay Rosary
Heights 6 ng lungsod.

Sugatan sa nasabing pagsabog ang
dalawang mga menor de edad na sadyang hindi rin kinilala sa report.

Nadamay naman sa pagsabog ang isang Isuzu
pick up na na may plakang LEY 548.

Samantala, nakatakda namang siyasatin
ng City PNP ang CCTV footages ng naturang apartment at mga kapit-bahay nito
para magkaroon ng lead sa naturang kaso.

Sa ngayon ay wala pang natukoy na
suspek ang City PNP at hindi pa rin nila matukoy ang motibo sa naturang
pagpapasabog.

ABOT sa isang milyong
piso ang halaga ng iligal na troso ang nasabat ng bagong buong National
Anti-Environmental Crime Law Task Force sa Lebak, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Department of
Environment and Natural Resources DENR
12 – Anti illegal Logging Campaign In-Charge Datu Tungko Saikol na ang naturang
mga kahoy ay umaabot sa tatlumpung libung board feet.

Aniya, ang mga ito ay
purong mga hard wood na iligal na pinutol ng mga illegal logger para ibenta.

Gayunman, kahit may
nadakip na mga suspected illegal logging operators ang nasabing Task Force,
hindi muna isinapubliko ni Saikol ang pagkakakilanlan ng mga ito habang patuloy
pang tinutugis ang iba pa nilang mga kasamahan.

Naniniwala ang opisyal na
ang mga nasabat nilang mga kahoy ay pinutol sa mga karatig na lugar gaya ng
Kalamansig.

Nabatid na ang nasabing
Task Force na binuo nitong Pebrero ay nagkapagsagawa ng dalawang raid kung saan
ang una ay isinagawa sa General Santos city.

Sa ngayon, pansamantalang
naka impound ang nasabing mga troso sa Community Environment and Natural
Resurces Office ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon kay Saikol,
nakatakda nilang i-donate ang mga ito sa mga tanggapan ng Department of
Education para magamit sa pagpapatayo ng mga school building.

PATAY ang
isang negosyante makaraang pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunman sa
Libungan, North Cotabato.

Nasganap ang
insidente sa Barangay Poblacion, Libungan, pasado alas siyete ng gabi kamakalawa.

Kinilala ang nasawing
biktima na si Bik Minungka Pananggalang, 35-anyos, may asawa at residente ng
nasabing lugar.

Sinabi ni
Libungan PNP chief, police Insp. Anecito Acabo Jr. na naka-upo lamang si
Pananggalang sa kanyang payong-payong sa tapat ng kanyang establisiemento nang lapitan
siya ng suspek at agad na pinagbabaril.

Naisugod pa
sa ospital ang biktima pero di na ito umabot pa ng buhay.

Nagtamo ng mga
tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang biktima mula sa cal. 45 pistol.

Inaalam pa
ngayon ang motibo sa pamamaril habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek
na responsable sa krimen. UBOS NA ang
pasensya ng mga Muslim Congressmen dahil sa patuloy na paghahasik ng terorismo
ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Mindanao kaya nanawagan ang mga ito sa mga Muslim
na magkaisa na laban sa mga terorista.

Sinabi ni
Maguindanao 1st District with Cotabato city Representative Bai
Sandra Sema na dapat ay magtulungan ang bawat isa para labanan ang terorismo
kasunod ng pagpugot sa German National na si Jurgen Kantner sa
Sulu.

Ayon naman kay Anak Mindanao party-list Rep. Sitti Djalia Tubarin-Hataman, hindi lamang ang mga dayuhan at mga
Kristiyano ang apektado sa paghahasik ng terorismo ng Abu Sayyaf kundi ang
kanilang kapwa-Muslim.

Inihalimbawa nito ang kaso ng siyam na taong gulang na
Muslim na ginawang runner ng Abu Sayyaf subalit iniligtas ng mga sundalo at bumalik sa eskuwela.

Gayunman,
pinuntahan ng Abu Sayyaf ang naturang bata sa kanyang eskuwelahan at saka pinatay.

Samantala,
tiwala naman ang Sandatahang Lakas na tuluyan na nilang mapupuksa ang Abu
Sayyaf sa loob ng anim na buwan
Ayon kay
Joint Task Force Sulu Commander Colonel Cirilito Sobejana, mas kampante sila ngayon
dahil ilan sa mga stronghold ng ASG ay nakubkob na ng militar.

Sa mga
nakalipas na engkwentro ng militar sa Abu Sayyaf, nagbarikada ang mga sundalo upang
hindi makatakas ang mga bandido sa mga isla na kanilang pinagtataguan. Maswerteng
nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang college student ng Notre Dame of
Midsayap College matapos na pagbabarilin ng gunman sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ni
P/Supt. Bernard Tayong, hepe ng Midsayap ang biktima na si Norodin Samad,
20-anyos, residente ng Dungguan, Datu Montawal, Maguindanao.

Nanonood
lamang daw ang biktima ng telebisyon sa terrace ng kanyang boarding house sa
Poblacion 6 ng nasabing bayan alas otso ng gabi kamakalawa nang siya ay
pagbabarilin ng suspek.

Nagtamo ang
biktima ng tama ng bala sa kanyang dibdib na tumagos pa sa likod.

Mabilis na
naisugod sa bahay pagamutan ang biktima na nagyon at patuloy na nagpapagaling.

Nakilala
naman ang suspek na si Aldin dum Balag, na sa hustong gulang at residente ng
Barangay Nabalawag sa nasabing bayan na ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad.

Hindi pa
matukoy ng Midsayap PNP ang motibo ng suspek sa krimen at nagpapatuloy ang
imbestigasiyon ng mga otoridad sa kaso. Pagpapaliwanagin ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang operator ng Small Town Lottery o STL na nakatakdang mag-operate sa lalawigan.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, ito ay hihilingin ng provincial government sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Sinabi ni Fuentes na may karapatan mga lokal na opisyal lalo na ang sangguniang panlalawigan na malaman ang operasyon ng STL.
Ayon kay Fuentes dapat matukoy kung magkano sa kikitain ng STL ang mapunta sa local government .
Binigyan diin ni Fuentes na dapat na matiyak na makatutulong sa pagpapahinto ng iligal na sugal ang STL, tulad nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ni Fuentes nalaman na lamang nito na may binigyan na ng franchise ng STL sa South Cotabato ang PSCO sa pamamagitan ng isang liham.
Ito ayon kay Fuentes ay taliwas namang sa ibang lugar sa bansa na hiniling mismo sa PSCO ng mga local na opisyal na malagyan ng STL ang kanilang lugar.
Sinabi ni Fuentes nais din nitong makausap ang STL operators matiyak na hindi ito gamiting front lamang sa iligal na sugal. Nagpapatuloy ngayon ang iba pang aktibidad ng Bureau of Fire Protection o BFP Koronadal kaugnay sa Fire Prevention Month Celebration ngayong Marso.
Ito ay matapos ang matumpay na kick off activity noong Marso a uno na dinaluhan ng mahigit 1,500 katao.
Ayon kay Koronadal City Fire Marshall Senior Inspector Reginald Legaste, nag-iikot ngayon ang mga kasapi ng BFP sa mga eskwelahan.
Ito ay upang magturo ng Fire Safety and Prevention Tips at first aid sa mga estudyante.
Kasabay din dito ang paghikayat sa mga estudyante na maging responsable sa pamamagitan ng paglalagay ng first aid at emergency response kung kinakailangan.
Nagbibigay din ang BFP ng supplementary feeding sa mga bata ng mga eskwelahan na kanilng pinupuntahan.
Nagkakaroon din ang mga ito ng libreng blood pressure monitoring sa mga guro at magulang.
Target ng BFP na maikot ang lahat ng mga eskwelahan sa 27 barangay sa Koronadal City.
Unang pinuntahan ng BFP ang Saravia Elementary School sa Barangay Saravia at Marbel I Elementary School sa Barangay General Paulino Santos.
Tema ng Fire Prevention Month ngayon ang Buhay at ari-arian ay pahalagan, Ibayong pag-iingat sa sunog ay sa sariling pamamahay simulan
Naglaan ng mahigit P1.6 million pesos ang lokal na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Lake Sebu at matulungan ang mga apektado ng pamemeste ng daga.
Ito ay kasunod ng pagdeklara ng State of Calamity sa bayan noong Pebrero..
Ayon kay Lake Sebu Municipal Agriculturist Zaldy Artacho, P600 thousand pesos na bahagi ng kanilang quick response fund o QRF ay laan sa rehabilitasyon sa bahagi ng lawa na apektado ng fish kill.
Ibibili naman ng tilapia fingerlings ang P500 thousand habang ilalaan naman sa food for work program ang mahigit P200 thousand.
Sinabi din ni Artacho na ang tig P150 thousand pesos ay ibibili naman ng rice at corn seeds para sa mga magsasaka na apektado ng pamemeste ng daga.
Ipinahayag naman ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan na ang P1.6 million ay kabahagi pa ng kabuuang P3.6 million nilang QRF sa unang quarter ng 2017.
Kaya ayon kay Fungan maari pang humuling ng dagdag na pondo kung kinakailangan ang lokal na pamahalaan .
Nabatid na noong 2016 abot sa 140 ektaryang sakahan ang sinira ng daga sa Barangay Luhib, Lake Sebu.
Ito ay naging dahilan ng pagkulugi ng mahigit P4.8 million ng 96 mga magsasaka ng palay.
Ipinahayag ni Artacho na inaalam din ngayon ng lokal na pamahalaan ang danyos ng pamemeste ng daga sa barangay Ned.
Samantala abot naman sa P3.78 million ang nawala sa mga fish cage operators na apektado ng 15 araw na fish kill sa Lake Sebu.
Paguusapan naman ngayong araw ng mga lokal na opisyal at fish cage operators ang gagawing rehabilitasyon sa Lawa.
Umapela si Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12 Secretary Jessie Dela Cruz sa mga employer sa Tacurong City na protektahan ang kanilang mga mangagawa.
Ito ayon kay Dela Cruz ay sa pamamagitan ng tamang apasweldo sa mga ito.
Si Dela Cruz ay dumalo sa Wage Clinique ng Department of Labor and Employment sa Tacurong.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit 80 kinatawan ng mga establisemento sa Tacurong City at karatig lugar.
Binigyan diin ni Dela Cruz na para maiwasan ang mga problema sa paggawa, dapat sundin ng mga employer ang ang wage order.
Matatandaan na ang Wage order Number 19 ng DOLE ay ipinatupad ,Oktobre noong nakaraang taon.
Inaatas nito ang hindi bababa P295 na arawang sahod sa mga mangagawa ng non-agriculture sector, at P272 para sa agriculture, retail at service sector.
Abot pa lamang sa 14 na mga sumukong drug personalities ang natukoy na high risk at kaliangang isailalim sa rehabilitasyon sa Koronadal city.
Ayon kay Koronadal City Interior and Local Government Officer Juanito Agullana, ito ay masyadong mababa kung ibabatay sa mahigit 2,000 na mga sumukong drug personalities sa lungsod.
Layon ng pag-screen sa mga resurfacing drug personalities ay upang matukoy kung gaano kalala ang kalagayan ng mga ito at mabigyan ng angkop na tulong.
Sinabi ni Agullana na ang pagsailalim sa Rehabilitation program o pagpasok sa rehab center ng isang drug personality ay nakaepende pa rin sa kanyang kondisyon.
Ipinahayag ni Agullana na ang mga may kayang drug personality ay maaring magparehab sa mga pribadong rehab center.
Ayon kay Agullana ang walang pambayad sa rehab center ay maghintay na lamang sa programa para sa kanila ng gobyerno.
Tiniyak din ni Agullana na mananatiling confedential ang pagpkakakilanlan ng mga sumukong drug personality. Umaaray na naman ang mga rubber planter at farmer sa North Cotabato dahil sa muling pagbaba
ng presyo ng goma.

Mula sa 44 pesos noong nakaraang taon bumaba na naman ito hanggang sa 36 pesos ngayon.
Paliwanag naman ni Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan nakadepende kasi sa World
Market ang presyo ng rubber.
Maliban rito nakaapekto rin ang maraming suplay ng goma kaya bumababa ang presyo, pag slow
down rin sa manufacturing sector ng gulong at pagbaba ng palitan ng peso kontra dolyar.
Ayon kay Mangliwan kapag bumaba ang demand ng mga bansa na sinusuplayan ng goma ng
Pilipinas kagaya ng China, Japan at US ay apektado rin ang presyo ng goma sa bansa.Kaugnay nito, nakikita ngayon ni Mangliwan na makatutulong ng malaki ang bagong inilunsad na
Ruber Trading Post o Bagsakan Center na binuo ng Provincial Govenrment para sa mga rubber
farmers.

Meron na ito sa brgy. Pangao-an, Magpet, brgy. Tamped, Matalam at sa Aleosan.Malaki kasi ang deperensya ng bawat kilo sa Bagsakan Center kung ikukumpara sa mga traders
na hindi dumaan sa bidding.

Makasisiguro din ang mga rubber planters na walang dayaang mangyayari dahil ang kilohang
gagamitin ay sa Provincial Government at calibrated ng DTI at DOST.
Mas hinigpitan pa ngayon ng Kabacan PNP katuwang ang 7th Infantry Battalion ng Philippine
Army ang papapatupad ng seguridad sa buong bayan.Ito matapos muntik nang pasabugan ng di pa kilalang grupo ang tower ng National Grid
Corporation of the Philippines (NGCP) sa bayan kamakalawa.Ayon kay Kabacan PNP chief of Police Sr. Ins. Ronnie Cordero isang magsasaka ang nagreport
sa kanila kaugnay sa nakitang bomba.

Base sa imbestigasyon ito ay nakalagay sa paanan ng tower number 138 ng Kibawe-Kabacan
138 kilovolt line sa Sitio Kalakat, Barangay Kayaga.Agad namang rumesponde ang EOD team ng PNP at narekober ang bomba na gawa sa
60millimiter mortar.

Sinabi ni Cordero na blanko pa sila kaugnay sa responsable sa paglalagay ng bomba.Di rin nila mabatid ang motibo rito bagay naman na kanilang iniimbestigahan at agad na nakipag-
ugnayan sa NGCP.

Ayon naman sa NGCP, ito ang unang insidente ng may tangkang pambobomba sa kanilang tower
ngayong taon. AABUTIN pa ng ilang buwan bago matapos ang gagawing peace and development outreach
program o PDOP ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa tatlong mga barangay sa
Kidapawan City.Ito ang napag-alaman ng Radyo Bida matapos na inimbitihan ang 39th IB kahapon sa
isinagawang Sangguniang Panglungsod Session.

Sinabi ni 39th IB spokesperson, First Lieutenant Silver Belvis, mula sa 13 barangay, tatlo rito ang
hindi pa nila natapos.Ito ay ang brgy. Sto. Niño, Gayola at brgy. San Roque.

NITO pang buwan ng Setyembre nagsimula ang 39th IB sa kanilang outreach program. Ayon kay Belvis, dahil sa usapin ng seguridad at terorismo kaya naantala ang pagpapatupad ng
PDOP kaya magmagsasagawa sila ng extension.Samantala, maliban sa gagawing extension ng programa palalawigin din nila ang PDOP sa lima
pang barangay ng lungsod.
Kabilang rito ang mga barangay ng Mua-an, Nuangan, Mateo, Sumbac, at Sibawan.

Habang wala pang go signal mula sa Kidapawan City LGU, di pa sila makakapagsimula at
kukumpletuhin muna nila ang PDOP sa tatlong mga barangay.
Layunin ng expansion ay para maiwasang maimpluwensiyahan ang mga kumunidad ng mga
rebeldeng komunista.

Sa kabuuan, naging maayos naman ang resulta sa pagpapatupad ng PDOP at positibo ang
naging reaksyon ng mga mamamayan sa mga napasukang barangay.

Matapos inilunsad ang kampanya kontra illegal gambling base na rin Executive no.13 ni
Presidente Rodrigo Duterte, bumaba ang bilang ng mga lantarang nasasangkot sa iligal na sugal
kagaya ng last two sa Matalam, North Cotabato.Kaugnay nito, wala pang ni isang naaresto at nahuli na nagpapataya ng last two pati na ang
paglalaro ng tong-its sa bayan.Ayon kay Police Chief Inspector Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP mula nang umpisahan
ang MASA MASID program ng Department of the Interior and Local Government o DILG, bumaba
rin ang iligal gambling sa mga barangay.
Simula pa ito noong nakaraang Disyembre.

Samantala, mas pinalakas rin ng Matalam PNP ang kanilang mga operasyon kontra naglalaro ng
iligal ng hantak sa bayan.
Ayon kay Leoncito, dalawang indibidwal raw ang kanilang nasampahan ng kaso kaugnay sa
nasabing iligal na gawain.

Ibinunyag din ng opisyal na wala silang namomonitor na finaciers sa bayan at pawang mga
ushers lamang at posibleng sa Kabacan area sila nagreremit.

Base sa kanilang monitoring nagsara na raw ang tatlong last two outlets na nag-ooperate sa
Matalam area.
Bilang paghahanda sa di inaasahang lindol na posibleng tumama sa Kdiapawan City,
magsasagawa ng Citywide Earthquake Simulation Drill ngayong araw.Eksakto alas dyes ng umaga mamaya isasagawa ang nabanggit na aktibidad na lalahukan ng
mga indibidwal sa establisyemento at mga eskwelahan sa lungsod na pangungunahan Public
Safety Division ng City LGU.Ayon kay Public Safety Division head Psalmer Bernalte, 15 segundo maririnig ng publiko ang
alarm o serena sa pamamagitan ng Radyo Bida at Happy FM na siyang magiging gabay sa
nasabing drill.Dito i peperform ng lahat ang DUCK COVER and HOLD safety procedures.

Ayon kay Bernalte sa paraang ito malalaman ng Public Safety Office kung sinu-sino ang mga
ptotensyal na magiging biktima ng lindol lalo nat kung hindi sila makikiisa sa nabanggit na gawain. Samantala sa mga eskwelahan naman pagkatapos ng 15 seconds alarm ay mga procedure pa
silang gagawin kagaya ng pagbakante sa mga buildings kung saan sila dapat pumunta at ano ang
mga dapat gagawin.Una nang hinikayat ng City LGU ang mga eskwelahan na ireview ang kani-kanilang disaster
safety tips lalo na yaong may kinalaman sa lindol upang masegurong ligtas ang mga guro at
estudyante sa panahon lindol.

NDBC BIDA BALITA

NDBC BIDA BALITA (May 13, 2024)

HEADLINES 1   SOCCSKSARGEN athletic meet 2024, simula na ngayong araw sa Gen Santos City; games schedule binago upang iwas heat stroke...

Suspect sa rape-slay ng 10-year-old pupil sa Tupi, South Cotabato patay nang manlaban daw sa PNP

KORONADAL CITY - Suspek sa pagpaslang sa 10 anyos na Grade 4 student sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato patay matapos umanong manlaban sa mga...

City hall at ibang lugar sa Cotabato City, binaha kasunod ng malakas na buhos ng ulan

DAHIL sa matinding pagbuhos ng ulan na dulot ng easterlies, binaha ilang mga nasa low lying areas sa Cotabato City. Nakakaranas din ng matinding...

BARMM to implement Islamic finance with enactment of proposed revenue code

CAGAYAN DE ORO -  Once Bangsamoro Transition Authority (BTA) Bill 286, or the proposed Bangsamoro Revenue Code, is enacted, the BARMM is...

BARMMRAA 2024 parade in photos

                                All images are courtesy of BIO-BARMM...