Monday May, 13 2024 05:17:05 AM

NDBC BIDA BALITA (3.4.17)

 • 15:42 PM Sat Mar 4, 2017
672
By: 
NDBC

NEWSCAST

MARCH 4, 2017 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. 14 sundalo sugatan sa nagpapatuloy
na bakbakan ng Militar at Abu Sayyaf Group sa Sulu.

2. Dalawang Sundalo na Bihag ng NPA sa
Columbio Sultan Kudarat, Makakalaya na.

3. Drug den binuwag ng PDEA sa Tacurong
City, Sultan Kudarat

Sugatan ang 14 pang sundalo sa
pagpapatuloy ng bakbakan sa pagitan ng tropang gobyerno at ng mga bandidong Abu
Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu nitong Biyernes.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col.
Benjamin Hao Jr, nag-umpisa ang bakbakan nitong Biyernes bandang alas-9 ng
umaga at nagpapatuloy pa ito.

Habang nagsasagawa ng focused mlitary
operations FMO ang tropa ng 32nd Infantry Battalion ng 1st Infantry Division (ID) sa ilalim ni
Lt. Col. Ramon Flores sa Sitio Kan Ugong, Brgy. Igasan, Patikul ng lalawigan,
nang makasagupa ang 120 bandido.

Sa bakbakan, 14 na sundalo ang
na-sugatan na isinugod sa Camp Teodulfo Bautista Trauma Hospital sa Jolo habang
nagtamo rin ang mga kalaban ng mara-ming bilang ng mga sugatan.

May ulat rin na nasugatan ang apong
lalaki ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron sa nasabing bakbakan kung saan
nasa kritikal itong kondisyon pero kasa-lukuyan pa itong beneberipika.

Patuloy paring
pipnaghahanap ng mga elemento ng Parang PNP ang tatlong suspek sa pamamaril
patay sa isang binata noong Febrero 26, 2017 ng gabi sa purok Nursery, brgy.
Making, Parang Maguindanao.

Kinilala ang mga suspek
na sina Wahab Kusain Tinganti, Bra Kusain, at Mama Kusain na pawang mga nasa
legal age at residente ng Matanog, Maguindanao.

Ayon sa hepe ng Parang
PNP na si PSI Erwin Tabora, naisampa na kahapon ang kaukulang kaso laban sa
tatlong mga suspek.

Samantala, nasa kustudiya
na ng nasabing himpilan ng pulisya ang tricycle na may body number na 636 at
may plakang MD 7270 ginamit ng mga suspek sa pamamaril sa biktimang si Abdul
Yusop Mutalib Pambaya 21 anyos na residente ng brgy. Bugasan Norte, Matanog,
Maguindanao.

Nabatid na rido o away
pamilya ang dahilan ng nasabing pamamaril.

Samantala, sa dagdag na
report,

Sinampahan na ng kaso
kahapon ang suspek sa panggagahasa sa isang menor de edad noong Enero 4, 2017
sa Brgy. Nituan, Parang Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si
Abraham M Sarip 29 anyos, na taga Polomolok, South Cotabato at kasalukuyang
nakatira sa Facoma, Poblacion 1, Parang, Maguindanao.

Sa ngayon patuloy pa ring
pinaghahanap ng mga pulis ang nasabing suspek na tumakas matapos gawin ang
krimen.
Iminungkahi
ni Majority Floor Leader Coun. Eduardo Rabago ang pagunita sa buwan ng Marso
bilng Traffic Consciousness Month dito sa lungsod.

Ginawa ni
Rabago ang nasabing mungkahi sa pamamagitan ng isang resolusyon sa 33rd regular
session ng 15th Sangguniang Panglungsod nitong Martes.

Ito ay sa
pagsisikap pa rin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng karampatang solusyon
ang problema sa trapiko sa lungsod.

Ayon kay
Cotabato City Vice Mayor Graham Nazzer G. Dumama, patuloy naman ang ginagawang
pagpapalapad ng lokal na pamahalaan ng mga lansangan sa lungsod.

Kasabay nito
ay nilinaw niya ang hinggil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isinagawang
demolition para sa road widening project ng city government. Ayon kay
Dumama na-misinterpret siya ng sabihin niyang handa siyang makipag-usap sa mga
maapektuhan ng road widening kung meron silang problema sa lupa na hindi
sangkot ang pamahaalang panglungsod.

Pinasinungalingan
din ng bise alkalde ang usaping pagtatanggal sa jeepneys dito sa lungsod.

Ibinunyag din
niya na may planong paghain ng ordinansya para sa pag-issue ng prangkisa sa mga
single passenger motorcycle o habal-habal. Ina-anyayahan
ang mga mahihilig sa alagang hayop na makiisa ngayong araw alas 5and00 ng hapon
sa gagawing ‘Pet Show at Pet Exhibition’ sa Notre Dame Cathedral Gymnasium na
nasa Parang Road, Cotabato City. Ayon sa event
organizer, Dr. Geraldson Navarra may magmumodmod ng libreng serbisyo gaya mg
libreng anti-rabies vaccine, libreng de-worming, castration, minor surgeries at
pamimigay ng mga bitama para sa mga alagang hayop . Pangungunahan
naman ni Fr. Gerald Pornan ang pet blessings sa mga alaga aso, pusa at mga
isda.

Sa mga
interesado maaring magpatala simula alas 7and00 ng umaga sa harapan ng Petron
gasoline station highway, malapit sa ND-girls kung saan magmumula ang parada.

Ang pet
parade ay bahagi ng pakikiisa ng grupo sa ginaganap na National Rabies
Awareness ngayong buwan ng Marso dito sa bansa. Matagumpay na
ginanap ang kauna-unahang Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional
Argriculture and Fisheries Council (RAFC-ARMM) meeting para sa taong 2017 sa
Cotabato City, kamakalawa. Pinangunahan
ang pulong ni RAFC-ARMM Chairman Abdulrahman Macabangon. Ayon kay
RAFC-ARMM Regional Coordinator Virginia Manuel, kabilang sa mga lumahok ang mga
agriculture and fisheries councils ng limang probinsyang sakop ng ARMM,
DA-ARRMIARC, National Irrigation Administration (NIA) IX, X at XII, DENR-ARMM,
Agricultural Training Institute XII at IX, Phils. Crop Insurance Corporation,
DTI at National Food Authority Regional Planning and Developmental Office. Bukod sa mga
nasabing ahensya ng pamahalaan ay nakilahok din sa pagpupulong ang Mindanao
State University, Cotabato City State Polytechnic College at 60 katao mula sa
pribadong sector. Layunin ng
nasabing meeting na itaguyod ang mga programa ng agriculture and fisheries at
ilahad ang mga naipatupad na programa ng ahensya. Umaasa ang mga Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na malaking kabawasan sa supply ng droga ang pagkakabuwag nila sa isang drug den sa Biaca Subdivision, Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat.
Huli din sa anti illegal drug operation ng PDEA ang apat nga mga suspek.Kinilala ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang mga ito na sina Norodin Amolan 33 anyos, driver nakatira sa Poblacion, Tacurong Abubakal Ugalingan 25 anyos , magsasaka ng Ambalgan, Sto, Nino, south Cotabato.Sina Amolanat at Ugalingan at ayon kaya bad ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad dahil umano sa kanilang mga illegal drug activities sa Tacurong City at kalapit lugar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Arestado din ang 25 anyos nga mechanic na si Nike Quebuyin ng President Quirino, Sultan Kudarat,at Jay-R Hablero 26 anyos ng Baragay Libertad, Surallah, South Cotabato.Nakuha sa mga suspek ang 15 sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P35,00.
Ito ay maliban pa sa digital na kilohan, tooter at iba pang drug paraphernalia.Ayon kay Abad ang apat na mga umanoy drug pusher ay makakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Matapos ang paglunsad nito noong nakaraang buwan, mariin na ngayong ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga o MASA MASID program ng pamahalaan sa Sarangani Province.Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Mike Sueno.
Ayon kay Sueno, umaasa siyang sa pamamagitan ng Masa Masid, tuluyan ang masawata ang problema sa iligal na droga, korupsyon at iba pang problema na hadlang sa pagulad ng isang lugar.Magagamit ng lokal na pamahalaan sa MASA MASID program ang kanilang Integrated Barangay Defense Force o IBDF na binuo sa 141 barangay sa Sarangani.Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na pinaka epektibo pa rin sa pag sugpo sa krimen ang community security dahil wala na nang lalakas pa sa Community Defense.
Naniniwala si Solon na makakamit ang pangmatagalang pangkapayapaan sa Sarangani sa pamamagitan ng MASA MASID Program.
Umaasa si Koronadal City Social Welfare and Development Officer Mary Jane Martha GAbucan na matatapos na ngayong buwan ang Bahay Pagasa para sa mga Children in Conflict with the Law. kay Gabucan ang may P3.4 million pesos na proyekto ay ipinatatayo sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ito ay matatagpuan sa may 1,200 sqm na lupain sa Purok Siodina, Barangay General Paulino santos at kayang tumanggap ng mahigit 20 kliyente.Sinabi ni Gabucan na ang Bahay Pagasa ay binubuo ng acitivty room at maging quarter ng social worker na tutok sa mga bata na naliligaw ng landas.
Ayon kay Gabucan inaasahan ang pagbubukas nito sa Abril o Hunyo.Nilinaw ni Gabucan na tatanggapin sa bahay Pagasa hindi lamang ang mga bata na may court order kundi pati na rin ang mga inabandona ng kanilang mga magulang, depende sa magiging assessment ng CSWDO.

Mayroon ng bagong kabuhayan ang 42 mga Overseas Filipino Workers o OFW sa region 12.
Ito ay matapos mabigyan ng tulong pangkabuhayan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12.
Ayon kay OWWA 12 Officer-in-Charge Marlyn Jamero ang mga benepisyaryo ng kanilang Balik Pinas, Balik Hanapbuhay o BPBH program ay nabigyan ng tig P10,000 livelihood assistance.
Ang mga ito ayon kay Jamero ang mga OFW na nawalan ng trabaho.Sinabi ni Jamero na karamihan sa mga OFW na nagbigyan ng puhunan ay nagpapatayo ng mga negosyo sa rice retailing, agricultural production at sari sari store.
Para matiyak na magtagumpay ang mga nabigyan ng tulong sinanay muna sila ng OWWA sa entrepreneurial development, financial literacy at basic accounting.
Ipinahayag ni Jamero na ng mga OFW na nais humiling ng tulong sa OWWA ay maari lamang makipag ugnayan sa mga Public OFW Desk Officers sa kanilang mga munisipyo.

Bubuo ng Technical Working Group o TWG na tutok sa problema ng mga peste at natural calamities ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.Ayon kay South Cotabato Provincial Agriculturist Justina Navarete, ito ay matapos sirain ng pest infestation ang mahigit P7.4 million pesos na halaga ng pananim sa lalawigan sa unang dalawang buwan pa lamang ng 2017.Ayon ay Navarete sinira ng mga pesteng daga ang may P4.73 million na palay at mais sa mga bayan ng Norala at Tantangan.
Ito ay nakaapekto naman sa 140 na magsasaka ng mahigit 114 ektaryang lupain.Sinabi ni Naverete na nalugi din ng mahigit P1.6 million ang 129 na mga magsasaka sa Koronadal City dahil sa pangaatake ng mga pesteng daga.
Sa bayan ng Tampakan, abot sa P1.1 million pesos na halaga ng maisan ang sinira ng corn planthopper sa limang mga barangay.Maging ang mga pananim na niyog sa Tampakan at katabing bayan ng Tupi ay hindi rin pinaligtas ng mga pesteng brontispa at slug caterpillar.Matatandaan na dahil sa balang na sumira sa mga pananim sa limang mga barangay nito, nagdekalra ng State of Calamity ang bayan ng T’boli.Isinailalim din sa State of Calamity ang Lake sebu dahil sa fish kill na ikinalugi ng mahigit 400 fish cage operators.
Umaasa si Navarete na sa pamamagitan ng TWG ay mas mapapabilis ang pagresolba sa problema at patulong sa apektadong mga mamamayan.Ang bubuing TWG ayon kay Navarete ay pamumunuan ng Office of the Provicial Agriculturist at vice Chairman ang Provincial Risk Reduction and Management Office.
Mga myembro naman nito ang Provincial Agri Fisheries Council, at lahat na mga Municipal at City Agriculture Officers sa South Cotabato.
Nakatanggap ng P39 million pesos na Production and Marketing of Cassava Granules Project ng Philippine Rural Development Project o PRDP ang Polo Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative sa Polomolok at member-cooperatives ng Cassava cluster sa South Cotabato.Ito na ang pinakahuling bugso na pagbibigay ng tulong ng PRDP sa kooperatiba.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Polo SN MPC Chairman Elbert Damerez, mas lalong maeengganyo ang kanilang mga myembro na paunlarin ang cassava production matapos maibigay sa kanila ang buong pondo.Ipinahayag ni Damerez na sa ngayon ay nakapagpatayo na sila ng tatlong solar drier na may kasamang bodega at vermicast facility.Nabatid na ang cassava industry ay nakapagbibigay ng trabaho sa mahigit 400,000 na mga magsasaka sa South Cotabato.
Nagiging pangunahing market ng produkto ng mga ito ang feedmill industry sa SSOCCKSARGEN.

City hall at ibang lugar sa Cotabato City, binaha kasunod ng malakas na buhos ng ulan

DAHIL sa matinding pagbuhos ng ulan na dulot ng easterlies, binaha ilang mga nasa low lying areas sa Cotabato City. Nakakaranas din ng matinding...

BARMM to implement Islamic finance with enactment of proposed revenue code

CAGAYAN DE ORO -  Once Bangsamoro Transition Authority (BTA) Bill 286, or the proposed Bangsamoro Revenue Code, is enacted, the BARMM is...

BARMMRAA 2024 parade in photos

                                All images are courtesy of BIO-BARMM...

Former illegal drug law offender, rearrested in Tawi-Tawi

COTABATO CITY - A recidivist illegal drug offender was again arrested after selling Shabu to a PDEA agent who posed as a poseur buyer during a buy-...

Wao anti-drug op nets P480K worth of shabu, drug dealer

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte -  PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15 (lead unit), 3rd Platoon 1st...