Friday May, 03 2024 08:31:39 AM

NDBC BIDA BALITA (4.1.17)

 • 16:18 PM Sat Apr 1, 2017
885
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

APRIL 1, 2017 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Binatilyo, sugatan sa pagsabog ng bomba sa Midsayap, N. Cotabato2. PULIS, patay sa pamamaril sa
Cotabato city suspek, arestado.

Councilor ng Maguindanao, huli sa anti-drug operation3. SAMPUNG kaso ng sunog, naitala sa
kasagsagan ng Fire Prevention Month sa North Cotabato

4. Taga Cotabato City, ninakawan ng motorsiklo sa Koronadal City SUGATAN ang isang menor de edad sa pagsabog na naganap pasado alas kwatro ng madaling araw kanina sa Midsayap, North Cotabato.Ang biktima na na taga Barangay Pagangan, Aleosan, North Cotabato ay dumaan lamang sa Quezon Avenue, Barangay Poblacion Singko ng naturang bayan nang mangyari ang pagsabog ng hindi pa matukoy na uri ng explosives. Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives at Explosive and Ordnance Disposal team sa lugar.Pero sabi ni Midsayap PNP chief of police, Supt,Bernard Tayong, posibleng extortion ang motibo ng naturang pambobomba na nangyari malapit lang sa isang sikat na kainan sa Midsayap. PATAY NA NANG MATAGPUAN ng mga otoridad
ang isang pulis na biktima ng pamamaril sa Cotabato City.

Sa report mula sa Police Station 2,
pasado alas dos ng hapon kahapon nang pagbabarilin ang biktimang si

Police Officer 3 Abs Candaro sa Roales
street, Barangay Rosary Heights 13 ng lungsod.

Nabatid na si Candaro ay aktibong
miyembro ng PNP ARMM na nakabase sa Parang, Maguindanao.

Samantala, natukoy naman ng mga
otoridad ang suspek sa pamamaril kay Candaro na nakilalang si Saidamin Ura Usop,
25 anyos, may asawa at taga Block 7, ND Village, Barangay Rosary Heights 8.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, matapos pagbabarilin
hanggang sa mapatay ng suspek ang biktima ay isinakay niya ito sa isang Ford
expedition at inilibing sa Kakar area, Barangay Poblacion Otso.

Gayunman, agad nagsagawa ng pursuit
operation ang mga pulis sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek

at pagkakarekober ng nasabing get away
vehicle sa purok Katamlangan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang
ginagawang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung may mga kasamahan pa ang
naarestong suspek at kung ano ang motibo nito sa pagpaslang kay PO3 Candaro.

NAARESTO ng pinagsanib na
pwersa ng Datu Piang PNP Army’s at 22nd mechanized company, ang dalawang mga
drug suspect pasado alas dyes ng umaga kahapon sa Crossing Sitio Lintukan, Brgy
Magaslong, Datu Piang, Maguindanao.

Kinilala ng mga otoridad
ang dalawang mga nadakip na sina Modip Sumael Jaylon, 38 years old, may asawa, walang trabaho, at
taga Barangay Olandang, Midsayap, North Cotabato at Nasrudin Mumin Abdul, 32,
single, trycle driver, at residente ng barangay Poblacion, Datu Piang, Maguindanao.

Ito ay matapos magsagawa
ng checkpoint ang mga otoridad sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa posisyon ng
mga suspek ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu at mga drug
paraphernalia.

Ang dalawa ay nahaharap ngayon
sa kasong paglabag sa RA 9165.

Sila ay nakulong na sa
lock up cell ng Datu Piang PNP. SUGATAN ang
dalawang mga sundalo sa panibagong pambobomba na naganap pasado ala sais ng
umaga kahapon sa barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Kinilala ng
mga otoridad ang dalawang biktima na sina Ernie Cabrera 29 anyos, taga Parang,
aguindanao at Abraham Aduh, 49, na residente ng Jolo, Sulu na pawang mga
miyembro ng Army’s 40th Infantry Battalion.

Ayon kay
Maguindanao PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Agustin
Tello, signature bomb ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang ginamit
na improvised explosive device o IED sa naturang pambobomba.

Nabatid na dumaan
lamang ang mga nagrorondang sundalo sa lugar nang sumabog ang IED.

Ito na ang
pang apat na pagpapasabog ng bomba na naitala ngayong linggo sa Cotabato City
at mga bayan ng Talitay, Datu Hoffer at Shariff Saydna Mustapha sa Maguindanao.

Sa ngayon
patuloy pa ring nagpapagaling sa isang ospital sa Maguindanao ang dalawang mga
sugatang sundalo. Nasakote ng
pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM, Army’s
19th Infantry Battalion at Datu Anggal Midtimbang PNP ang isang konsehal ng Datu
Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Kinilala ng
PDEA ARMM ang nadakip na si Councilor Daud Rakim Guiama alyas Daun Namil Guiama,
56 anyos at sinasabing miyembro rin ng Moro National Liberation Front o MNLF.

Nakuha mula
sa kanyang posisyon ang isang kahon ng alahas na naglalaman ng isang ziplock
plastic na mayroong laman na dalawang pirasong suspected shabu na may bigat na sampung
gramo at may street value na ten thousand pesos at mga drug paraphernalia.

Ang
pagkakaaresto sa konsehal ay resulta ng sabay-sabay na paghahain ng search
warrants na inilabas ni Hon. Judge Bansawan Ibrahim para rin sa mga suspek na
sina Zainudin Musa, Bukatol Maliga alyas Castro at Katidia Paglas.

Isinagawa ng
mga otoridad ang operasyon dakong alas nuebe ng umaga kahapon sa Sitio Kitib, barangay
Mapayag, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.Nabatid na
nakatakas si Zainudin Musa matapos matunugan na paparating ang mga otoridad
ngunit nasabat mula sa kanyang pamamahay ang dalawang piraso ng pinaniniwalaang
shabu na may bigat na sampung gramo

Agad namang
nagsawaga ng hot pursuit operation ang mga otoridad sa lugar na nagresulta ng
palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng grupo ni Bukatol Maliga alyas
Castro, na sinasabing isang notorious leader ng isang armadong grupo.

Habang wala
naman sa lugar si Katidia Paglas.

Sa ngayon
nakakulong na sa PDEA ARMM jail facility si councilor Guiama na nahaharap sa RA
9165 habang patuloy pa rin ang pagtugis sa tatlong nakatakas na iba pang target
sa naturang anti-narcotics operation. BILANG bahagi ng Abaca Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan ng libre at dekalidad na abaca suckers ang Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nais magtayo ng nursery.
Layon ng programa na maparami ang planting materials ng abaca.

Inaasahang lalawak pa ang lupaing natatamnan ng abaca sa lalawigan. Maitataas din nito ang produksiyon ng abaca fiber na magreresulta naman sa mas mataas na kita ng mga magsasaka.Sa ngayon, ang presyo ng abaca sa mga pamilihan ay pumapalo ng mula P45 hanggang P52 kada kilo.

Ang buying station ng abac ay sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Ayon sa latest na survey, abot sa 400 ektarya pa lamang ang natatamnan ng abaca sa lalawigan ng North Cotabato.

NDBC BIDA BALITA SA PAGGUNITA sa madugong bloody dispersal sa barikada ng mga magsasaka sa Kidapawan City – isang taon na mula ngayon, dapat alalahanin din ng mga mamamayan ang mga pulis na nagsakripisyo ng buhay para lamang patuloy na natatamasa ng probinsiya ang kalayaaan at kapayapaan.Ito ang laman ng mensahe ni City Mayor Joseph Evangelista sa unang taon ng naturang pangyayari.

Isa sa mga pulis na nagsakripisyo ay ang police officer na si Untalan na na-assign sa bayan ng M’lang.Hanggang sa ngayon, paralisado ang katawan ng pulis at di na nakabalik sa serbisyo simula nang bugbugin at paghahampasin ng matigas na bagay ang ulo nito ng mga nagbarikadang magsasaka noong kasagsagan ng dispersal.

Dahil dito, napilitan ang Special Action Force ng PNP na barilin ang mga taong sangkot sa pambubugbog kay Untalan. Kabilang sa mga tinamaan at namatay ang magsasakang si Darwin Sulang na taga-Arakan, North Cotabato.Ito ang ilan lamang sa mga pangyayari na ‘di dapat kalimutan ng mga taga-North Cotabato.

Ngayong araw, gugunitain ng dalawang grupo ang naturang dispersal incident.Ang unang grupo ay kinabibilangan ng mga peace advocates at taong Simbahan mula sa United Methodist Church.

Ang ikalawang grupo na magsasagawa ng kanilang aktibidad sa city plaza ay ang mga kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Pinasayaan na kahapon ang dalawang planta ng kuryente sa magkakahiwalay na lugar sa South Cotabato.Ayon kay South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO 1 General Manager Santiago Tudio, ang mga ito ay ang 11.9 Megawatt Bunker C-Fired Diesel Power Plant sa Purok Garfin,Barangay Paraiso, Koronadal City.
Sinabi ni Tudio na malaking tulong sa kakulangan ng supply ng kuryente ang Diesel Power Plant.
Sa katunayan ayon kay Tudio, dahil dito hindi nakaranas ng mahabang brownout ang South Cotabato nang magkaroon ng power crisis sa Mindanao noong nakaraang taon.
Sinabi ni Tudio na matapos ang blessing sa naturang planta nagkaroon din ng unveiling ceremony para sa 7.4 Hydroelectric Power Plant Project sa Lake Sebu.
Ang proyekto aymatatagpuan sa Takbo River sa Sitio Takbo,Barangay Lamfugon. Lake Sebu.Ito ayon kay Tudio ay magusu-supply lamang ng kuryente sa bayan ng Lake Sebu.

NDBC News AM April 1
Headline andDalawang number 8 wanted sa Lambat Sibat ng PNP sa Kalamansig Sultan Kudrat, arestado.Tiyak na hindi makakaalpas sa batas at may paglalagyan ang sinumang sangkot sa iligal na droga o anumang iligal na gawain.Ito ang sinabi ni Kalamansig Mayor Ronan Eugene Garcia kaugnay sa pagkakahuli ng mga pulis sa dalawang wanted person sa bayan.Kinilala ang isa sa mga naaresto na si Arnold Padungao alias Budok 40 anyos , mangingisda at nakatira sa Purok Seaside ,Barangay Pagasa,Kalamansig.
Arestado din ang isang Richard Timbreza, 43 anyos, driver at nakatira naman sa Barangay Paril sa bayan.
Si Timbreza ay naaresto sa barangay Bulalawan Lebak.Sina Pandungao at Timbreza na parehong wanted sa karnaping ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest ni Isulan,Sultan Kudarat Regional Trial Court Branch 19 Judge Renato Gleyo.Ang naarestong mga umany karnaper ay parehong pang number 8 sa most wanted ng lambat sibat ng PNP sa Kalamansig.
Mga karnaper na napatay ng mga pulis sa Isulan Sultan Kudarat, kilala na ng PNP
Kinilala ni Isulan Chief of Police,Superintendent Joefil Siason ang nasawing mga suspek na sina Usop Maguid, 35 anyos at Toten Amir Ato , 27 anyos pawang mga nakatira sa Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Siason na tiyuhin ng isa sa mga bangkay na kumuha sa kanila ang kumilala sa mga suspek.
Ayon kay Siason inaalam pa ng PNP kung mayroonggrupong kinabibilangan ang mga umanoy karnaper.Matatandaan na ang mga suspek na sina Maguid at Ato ay nakorner ng mga pulis sa barangay Simpao, Isulan matapos makipaghabulan sa kanila.Ito ay matapos isumbong ng isang Florencio Vicencio na nanutok ng baril at umagaw sa kanyang motorsiklo sa national highway Dansuli, Isulan.
Nabaril ang mga suspek dahil sa tangkang paglaban sa mga pulis na aaresto sana sa kanila.
Tintutukan ngayon ng Provincial Nutrition Office ang 20 barangay na may pinakamaraming malnourish na bata sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Ma. Ana Uy.Ayon kay Uy kabilang sa mga barangay na ito ang Tudok, Laconon, Edwards, Talufo, Mongcayo, Salacafe at Tbolok sa bayan ng Tboli Lam-apos, San Vicente, Malaya, Yangco at Derilon sa Banga.Sinabi ni Uy na paiigtingin din ang mga nutrition programs sa mga barangay ng Tasiman, Takunel, Lake Seloton, at Lamcade sa Lake Sebu Magon at New Lambunao sa Tantangan, Matapol sa Norala at Miasong sa Tupi.Sa mga barangay na ito ayon kay Uy may pinakamataas na nutrition prevalence rate ang Tudok sa T’boli kung saan lima sa sampung mga bata na nasa 6 anyos pababa ay kulang sa timbang at tangkad.
Sinabi ni Uy na para maresolba ang problema, magsasagawa ng mula 60 hanggang 90 araw na aupplemental feeding program sa 20 barangay ang provincial nutrition office.
Magkakaroon din ng pabasa sa Nutrition para maturuan ang mga ina sa mga dapat gawin upang matiyak ang tamang nutrisyon ng kanilang mga anak.
Sa kabila nito nilinaw ni Uy na abot lamang sa 5.15 percent ang malnutrition rate sa buong South Cotabato.
Ibig sabihin nito ayon kay Uy sa 104,770 na mga bata na nasa 6 anyos pababa sa South Cotabato 5,406 lamang ang malnourished o kulang sa nutrisyon.
Dumulog sa mga pulis ang isang opisyal ng Department of Education matapos tangayin ng mga magnanakaw ang kanyang motorsiklo sa Koronadal City.Kinilala ang biktima na si Mark Jefferson Montano, 40 anyos ,planning officer III ng DepEd South Cotabato at nakatira sa Notre Dame Village, Cotabato City.Sinabi ni Montano sa mga pulis na ang kanyang Honda XRM motrcyle na may license plate MC 25572 ay ninakaw habang nakaparada sa harap ng Ankols restaurant sa Arellano Street sa barangay Zone III, Koronadal.Ayon kay Montano iniwan nito sa labas establishment ang kanyang motorsiklo pasado alas dose kwarenta’y singko ng madaling haraw kahapon.Natuklasan na lamang ng may ari na wala na ito pagkalipas ng halos dalawang oras.Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.
Nauna nang nanawagan si Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes sa publiko na para hindi mabiktima ng mga masasamang loob, tiyaking nakaparada sa ligtas na lugar ang kanilang motorsiklo.
Ito ang sinabi ni Condes,kaugnay sa sunod sunod pa rin na kaso ng nakawan ng motorsiklo sa Koronadal city.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...