Monday May, 20 2024 04:12:23 PM

NDBC BIDA BALITA (5.1.17)

 • 19:18 PM Mon May 1, 2017
801
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 1, 2017 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKI, patay matapos barilin ng
kanyang kamag-anak sa loob mismo ng kanyang bakuran sa Cotabato City.

2. KORONADAL CITY, nakapagtala ng mahigit
tatlong libong motorcycle riders bilang tangka na makagawa ng bagong record sa
Guinness.

3. Sundalo, patay rin sa pamamaril sa
Pikit, North Cotabato

4. Makilala officials, gumawa ng hakbang upang mabawasan kundi man matigil ang highway crash sa bayan

5. Town councilor ng Maguindanao, pinatay sa Tacurong City PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng
mismong kamag-anak nito ang isang lalaki sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Purok
Tulingan, Brgy. Bagua Dos, Cotabato City.

Kinilala ni Police Station 4 Commander Police
Chief Insp. Reynaldo Delantein ang biktima na si Norodin Tambak Adam, may-asawa
at residente ng nasabing lugar.

Nagtamo ng kritikal na tama ng bala sa kanyang
tiyan ang biktima mula sa cal. 45 pistol.

Sinubukan pa itong isugod sa pagamutan ngunit
hindi na ito nasagip pa ng mga doktor.

Samantala, kinilala naman ni Delantein
ang suspek na si

Tammy Tambak, may-asawa at residente ng
Brgy. Dapiawan, Datu Saudi, Maguindanao

Batay sa pagsisiyasat ng City PNP, pasado
alas otso ng gabi kamakalawa nang barilin ng suspek ang biktima sa loob mismo
ng kanilang bakuran.

Away pamilya ang tinitingnang anggulo
ng pusliya sa nangyaring krimen.

Sa ngayon, tinutugis na ng pulisya ang
suspek na tumakas matapos gawin ang pamamaril.

NAPATAY?ng tropa ng Moro National Liberation
Front o MNLF ang itinuturing na notoryus na kumander?ng?teroristang Abu Sayyaf
Group o ASG na si Alhabsy Misaya sa Sulu.

Ipinahayag
mismo ang report ni Sulu-based Mindanao State University professor Octavio Dinampo
sa panayam ng media kung saan Biyernes naganap ang pagkakapaslang kay Misaya
bago pormal na iti-nurn over ang labi nito sa militar.

Kinumpirma
naman ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang
insidente.

Gayunman, taliwas
sa ipinahayag ni Dinampo, sinabi ni Año na nasawi si Misaya sa pakikipagsagupa
nito sa tropa ng gobyerno sa isang masukal na gubat sa pagitan ng hangganan ng
Indanan at Parang sa Sulu.

Ilang
miyembro din ng ASG ang nadakip ng militar kung saan ay kinumpirma din ng mga
ito ang pagkakakilanlan ng bangkay ni Misaya. TUMANGGAP ng
mga bagong heavy equipment ang lahat ng mga lalawigang sakop ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM para mas mapabilis ang implementasyon ng mga
proyektong imprastraktura ng mga ito.

Pinangunahan
ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang turn-over ng mga equipment na kinabibilangan ng
payloaders, excavators at road rollers sa ARMM compound, sa Cotabato City.

Dumalo sa
turn-over ceremony si regional public works secretary, engineer Don Loong,
kasama ang ilang mga engineers ng distrito sa bawat lalawigan.

Saksi din sa
nasabing aktibidad ang kinatawan mula sa Commission on Audit upang matiyak na
dumaan sa tamang proseso ang procurement ng mga equipment.

Ang budget ay
hinugot mula sa 2017 General Appropriations ng ARMM na una ng naaprubahan ng kongreso.

Samantala, sinabi
ni Loong na paunang mga equipment pa lamang ang mga naipamahagi noong nakaraang
linggo dahil inaasahan na marami pang mga equipment ang darating kapag nakumpleto
na ang proseso sa procurement ng mga ito.

Nabatid na
prioridad ng DPWH ARMM ang pagpapagawa at pagsasa ayos ng mga farm-to-market
roads partikular sa mga malalayong lugar sa rehiyon, lalo na sa dating mga
conflict-affected area. NASA RED
ALERT STATUS ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council
o NDRRMC Operations Center kasunod ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa
Sarangani kamakalawa.

Unang ng nasa
blue alert noon ang NDRRM Operations Center pero itinaas nito ang kanilang
alarma matapos ang naturang malakas na pagyanig.

Inatasan din
ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang lahat ng tanggapan ng Office of
Civil Defense sa mga apektadong lugar na gumawa ng precautionary measures at
masusing monitoring.

Ang malakas
na lindol ay tumama alas ?4:23
ng umaga kamakalawa malapit sa Sarangani sanhi upang mag-isyu noon ang Phivolcs
ng tsunami advisory.

Pero inalis
din ng ahensya ang advisory bago mag alas siyete ng umaga matapos matiyak na ligtas
na ang mga apektadong lugar sa anumang banta ng tsunami.

Ang intensity
5 na lindol ay naramdaman sa General Santos City Koronadal City, South
Cotabato Santa Maria, Jose Abad Santos, at Don Marcelino towns, gayundin sa
Balot Island of Davao Occidental Polomolok at Tupi, South Cotabato Alabel,
Malapatan, at Glan towns of Sarangani province, at sa Palimbang, Sultan
Kudarat.

LUMAGDA sa
isang Memorandum of Understanding ang mga alkalde sa walong mga bayan ng
Maguindanao 1st District at mga Japanese Investor.

Kabilang sa naturang
walong mga bayan ang Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat, Northern Kabuntalan,
Kabuntalan Mother, Parang, Barira, Matanog at Upi

Naging bahagi
rin ng MOU signing si Maguindanao 1st District with Cotabato City
representative Bai Sandra Sema.

Sinabi ng
kongresista na sa naturang kasunduan ay binibigyan ng pahintulot ng mga alkalde
ng naturang mga bayan ang mga Japanese investor na makakuha ng ilang
mahahalagang impormasyon sa kani-kanilang mga bayan para matukoy ang mga
produktong mayroon sa kanilang mga lugar.

Ayon kay
Sema, interesado ang grupo ng mga mamumuhunan mula Japan na kumuha ng mga raw
material mula sa mga nabanggit na bayan.

Aniya,
magandang oportunidad naman ito para sa mga mamamayan ng mga nabanggit na bayan
para maiangat ang kanilang mga pamumuhay.

Samantala, sinabi
naman ng isa sa mga Japanese investor na si Kazuo Sato ng Global Ventures na handa
silang tumulong sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang teknolohiya at ipakilala
ang mga produktong mula sa Maguindanao sa global market. Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang riding tandem criminals na itinuturing responsable sa pamamaril sa isang sarhento sa Barangay Manaulanan, Pikit, North Cotabato alas 11:00 ng umaga noong Sabado.
Kinilala ni Police Chief Ins. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Sgt. Salilin Guiapal, kasapi ng Philippine Army na naka-destino sa 7IB, intelligence Community na residente ng Katilacan, Pikit.
Ayon sa report sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak ng dikitan ng riding tandem suspect at doon na siya pinagbabaril.

Patay on the spot ang biktima habang hindi naman nadamay ang anak nito.Malaki ang paniniwala ni Cabigas na posibleng may kaugnayan sa kanyang trabaho na intel officer ang dahilan ng pagkakabaril sa kanya.

Ang insidente ay patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP.
Para makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente gumawa ngayon ng inisyatiba ang Makilala LGU sa pamamagitan ng barangay Kisante Officials at mga brgy. Tanod na makakatulong sa mga driver ng mga sasakyan.

Nabatid na pinapara ng mga barangay Officials at Tanod kasama ang kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction Responder ng Makilala ang mga driver ng Ten Wheeler Truck, Prime Mover Truck, private vehicle at lahat ng mga motorista sa National Highway partikular sa harapan ng Kisante Central Elem.School.
Ayon kay brgy. Kisante Chairman Anatalio Abeng, binigbigyan ng libreng kape ng mga opisyal ang mga driver para makagising at para mabigyan ng pagkakataon na macheck ang kanilang mga break o ang buong sasakyan.Sinimulan noong biyernes ang pagpapara sa mga sasakyan mula alas onse ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Matatandaang sunod-sunod na mga vehicular crash ang naitala noong Abril sa bayan na nagresulta naman ng pagkalagas ng buhay ng mga motorista.Kadalasan ding lumalabas sa report na ang dahilan ng aksidente ay kulang sa tulog ang driver, inaantok, sira ang break at nangyayari madaling araw at gabi.

Paraan ito ng LGU sa pangunguna ni Mayor Rudy Coaogdan upang mapigilan at mabawasan ang nangyayaring aksidente sa daan.
Muling nagpaalala ang mga otoridad sa mga residente na nakatira malapit sa mga ilog sa North Cotabato na mag-ingat.Ito ay kasunod naman sa sunod-sunod na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng lalawigan.

Sa Advisory Report ng Office of the Civil Defense 12 kabilang ang mga bayan ng Arakan, Makilala at Magpet ang matinding maapektuhan ng mga pag-ulan kaya pinag-iingat.Dahil dito, nagbabala ang OCD sa mga residente na maging mag-ingat lalo na sa posibleng maranasang malakas na hangin at pagkidlat at kulog.

Pinag-iingat rin ang mga residente na nakatira malapit sa ilog at bangin sa posibleng pagguho ng lupa at pagbaha. Kasado na ang isasagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo mula sa Eastern Mindandao kasabay ng Labor Day na gaganapin sa Davao City mamayang alas nuebe ng umaga.Kabilang naman sa lalahok nito ang Kilusang Mayo Uno at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP sa North Cotabato at iba pang progresibong grupo sa Mindanao.

Sinabi ni Jerry Alborme, spokesperson ng KMP hindi raw nila nararamdaman na espesyal ang araw ng paggawa ngayong araw.Para sa kanila patuloy pa rin na hindi nakakatanggap ng sapat na sahod ang mga manggagawang Pilipino partikular ang mga hurnalista o laborer at iba pang magsasaka.

Sigaw nila, taasan ang arawang sahod ng mga laborer.Mula sa 150 pesos hiling nilang itaas sa tatlong daang piso ang magiging arawang sahod mula sa gobyerno o anumang pribadong kompanya o mga indibidwal na nagpapatrabaho.Sigaw nilang mabigyan sila ng pagkakataon na idaan sa dayalogo ang nabanggit na kahilingan.
Nangunguna ngayon ang Magpet PNP sa pagtugis sa mga wanted person sa North Cotabato.Ito matapos simulan ang mas mahigpit na Letter Of Instruction Manhunt Charlie sa PNP kung saan inutusan ang lahat ng PNP station sa lalawigan na sikaping maaresto ang TOP 10 most wanted person sa kanilang AOR.
Sa ngayon hawak na ng Magpet PNP ang kanilang limang wanted person na siya ring nangunguna sa lahat ng Municipal at City Police Station sa North Cotabato.

Sa nabanggit na bilang hindi pa kabilang rito ang mga regular na wanted person na kanilang nahuli.Ang naturang kaautusan ay base na rin sa deriktiba mula sa higher headquarters para palakasin pa ang kampanya kontra mga indibidwal na matagal nang nagtatago sa batas.Sa kabilang dako, sinampahan na rin ng kasong Robbery ang isang Marlon Embac Madaylog, 20-anyos matapos huli sa aktong nagnanakaw sa isang bahay sa barangay Poblacion, Magpet.Ginawa umanong entry point ng suspek at isa pang kasama nito ang bintana ng bahay.

Nakuha ng mula sa may-ari ang cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Nabatid sa report na hindi residente ng bayan ang suspek bagay naman ngayon na iniimbestigahan ng PNP na posibleng may kaugnayan sa serye ng nakawan sa lugar.

NDBC BIDA BALITA Maghihintay pa ng limang araw ng pormal na proklamasyon mula sa Guinness book of World Records ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.Ito ay kasunod ng pagtala ng motorcyle riders sa panibagong record sa Most motorcycle engine started simultaneously at most motorcycle horns sounded simultaneously.Ayon kay City Mayor Peter Miguel lumahok sa aktibidad ang 3,337 na mga motorcycle rides mula sa iba’t ibang panig ng bansa .Ito ayon sa alkalde ay sapat na upang malapagpasan ang kasalukuyang world record ng bansang India na nilahukan ng 1,400 katao.Ayon kay Miguel , maliban sa pagsulong ng turismo sa Koronadal at karating lugar, malaking tulong din ang pagdating ng libo libong mga motorcycle riders para mabago ang akala ng mga ito na isang magulong lugar ang Mindanao.Sinabi ng mga nakilahok sa aktibidad na isang malaking karangalan at tagumpay para sa kanila na maging bahagi ng kasaysayan.Ang pagtala ng bagong motorcycle records ay highlight sa isang linggong 23rd National Federation of Motorcyle Clubs Annual Convention at Ist Motorcycle Festival sa Koronadal City
Mamimigay ng humigit kumulang P13 million pesos na pondo sa mga local government units ngayong araw ang Department of Labor and Employment o DOLE 12.Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisino Cano, ang pondo ay gagamitin ng mga LGUs sa pagbili ng mga kabuhayan starter kits.Ito ay mapapakinabangan ng humigit kumulang 2,000 mamamayan sa region 12.
Sinabi ni Cano na ang mahigit P8.5 million sa pondo ay ibibigay sa General Santos City,P1.4 sa bayan ng Antipas,P1.3 sa Kabacan,at P500 thousand sa Banisilan sa North Cotabato.Habang abot naman sa P663 thousand ay mapapakibangan ng mga mamamayan ng Lake Sebu.
Naglaan naman ang ahensya ng mahigit P1 million sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.Ayon kay Cano ang pondo ay bibigay sa mga LGU Officials kasabay ng Labor Day Jobs Fair ngayong araw sa General Santos City.Kabilang sa makikinabang dito ayon kay Cano ang mga Undocumented overseas Filipino workers, magulang ng mga batang mangagawa, marginalized sector at maraming iba pa.
Kinapos man sa 30 target matapos makakuha ng 26 na gold medal, maituturing pa ring tagumpay ang pagsabak ng mga atleta ng Region 12 sa katatapos lang na Palarong Pambansa 2017 sa San Jose, Antique.Sa kabila kasi nito tinanghal pa rin na panglima ang SOCCKSARGEN sa 18 rehiyon na sumabak sa palaro.
Ito ay mas mataas sa ika pitong pwesto na nakuha nito noong nakaraang taon.Ang SOCCKSARGEN warriors ay nakasungkit din ng 22 silver medals, at 35 bronze medals o kabuuang 83 medals.Tulad ng inaasahan ng marami, nanatiling defending champion ang National Capital Region na may 98 gold, 65 silver, at 45 bronze medals o kabuuang 208 medals.
Pumapangalawa naman ang CALABARZON na may kabuuang 154 medals, kalakip dito ang 40 gold, at tig 57 silver at bronze medals.Ang westenr Visayas na mayroong 38 gold, 29 silver, at 39 bronze o kabuuang 106 medals ay nasa pangtatlong pwesto.
Umabante naman sa pangapat na pwesto ang Negros Island Region na nakakuha ng 89 medals, kabilang ang 26 gold, 27 silver at 89 gold medals.
Kaugnay nito ipinahayag ni Deped 12 Regional Director Arturo Bayucot na pinatunayan ng mga atleta ng rehiyon na walang imposible kung isasapuso ang kanilang ginagawa.Nauna nang ipinahayag ni Deped 12 Information Officer Antonio Maganto na ang mga gold medallist ng region 12 sa Palaro ay tatanggap ng P15 thousand, P6 thousand ang silver, at P3 thousand ang nakasungkit ng bronze medal.
Ligtas na umano sa iligal na droga ang 553 sa 1,158 na mga barangay sa Region 12.Ito ay ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Information Officer Kath Abad.
Ayon kay Abad, pangalawa ang region 12 sa may pinakamaraming drug-free barangay.Sinabi ni Abad na ito ay resulta ng pagtutulungan ng PNP, militar at mga lokal na opisyal.
Ayon kay Abad malaki ang naitulong ng mga Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC sa para masawata ang iligal na droga.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pamamaril at pagpatay sa isang municipal councilor sa Tacurong City, Sultan Kudarat.Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Raul Supiter ang biktima na si Norhasim Ulangkaya, 28 anyos at Municipal Councilor ng Datu Abdullah Sangki Maguindanao.Ayon kay Supiter si Ulangkaya ay binaril ng suspek habang papasok sa Lady Shim’s Place and Restaurant sa Barangay Calean, Tacurong City.Sinabi ni Supiter na habang hinihintay ang pagdating ni Ulangkaya, nagpanggap na bisita ang mga suspek sa wedding ceremony na dinaluhan nito.Ang biktimang si Ulangkaya ay dead on arrival sa St. Louis Hospital sa Tacurong dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang puson, kili kili, at kanang tuhod.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang mga basyo ng 45n pistol.Umaasa naman si Supiter na makatutulong sa imbestigasyon ng pulisiya ang mga armadong escort ni Ulangkaya.Maliban kay Ulangkaya nagpapagaling pa sa ospital ang 52 anyos na si Norma Karatuan ng Barangay Dalagdagan, Datu Mangudadatu na tinamaan ng ligaw na bala.Ayon kay Supiter ang Lady Shim’s Place kung saan naganap ang krimen ay pagaari rin ni Ulangkaya.
Natuloy din ang wedding ceremony sa lugar matapos ang krimen.

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...

NDBC BIDA BALITA (May 20, 2024)

HEADLINES 1   DALAWA SUGATAN nang pasabugan ng granada ang isang kapilya ng Simbahang Katoliko sa Cotabato City 2  ...