Sunday May, 19 2024 10:57:31 PM

NDBC BIDA BALITA (5.4.17)

 • 17:05 PM Thu May 4, 2017
686
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 4, 2017
7and00 AM

HEADLINESand

1. Alkalde
ng Radjah Buayan, Maguindanao naniniwala na nagkaroon ng intelligence failure
ang mga law enforcer kaya marami ang nadamay na sibilyan sa drug raid operation

2. Chairman
ng isang barangay sa Matalam, ipinaliwanag ang issue kaugnay sa pagpapa-trabaho
nito sa mga sibilyan sa kanilang outpost

3. Hidak
Falls sa T’boli, South Cotabato pansamantalang isinara kasunod ng pagkamatay ng BJMP member, ayon sa PNP

4. Last day ng Comelec registration sa Koronadal, mababa ang turn out. Malaki ang paniniwala ni Radjah Buayan
Mayor Zamzamin Ampatuan na nagkaroon ng intelligence failure ang mga law
enforcer ng isinagawa ang drug raid sa Barangay Panadtaban, Radjah Buayan sa
lalawigan ng Maguindanao, noong Martes ng hapon.

Ito matapos na masawi ang mga sibilyan
na sina Minah Baluntintic, dalawa niyang anak na sina Hassan, 5, at si Maharba,
3.

Dalawang bata pa ang nasugatan kabilang
si Aldrin, isang taong gulang na kapwa dinala sa Maguindanao Provincial
Hospital.

Samantala, patay din sa
operasyonangisa sa mga nagtutulak ng ipinagbabawal na droga na
kasamahan ng mga suspek na nagsitakas.

Giit ng alkalde na bago sana magsagawa
ng raid operation ang mga enforcer ay alamin muna nila kung papaanu hindi
madamay ang mga sibilyan.

Dahil sa pangyayari, dapat lamang na
lalo pang palakasin ang programang MASA MASID sa mga barangay.

Ito upang ma-i-paliwanag sa kanila na
kailangan nilang makipagtulungan para masugpo ang paglaganap ng ipinagbabawal
na droga at maiwasan ang nasabing pangyayari.

Sa hiwalay namang panayam ng DXMS-Radyo
BIDA kay 6th ID DPAO chief Captain Arvin Encinas ni-raid ng pinagsanib na
pwersa ng Technical Support Platoon ng Maguindanao Police Public Safety
Company, Rajah Buayan MPS at 40th Infantry Battalion Philippine Army ang
tahanan ni Willie Akil Utto na miyembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF).

Papalapit pa lamang ang mga pulis at
sundalo ay pinaputukan na sila ng mga grupo ng mga drug syndicate.

Dito umano napilitan ang raiding team
na gumanti ng putok sa mga suspek dahilan nang nangyaring ilang minutong
palitan ng bala sa magkabilang panig.

Nabatid na ang mga target na
suspek ay mga kasapi ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters.Narekober sa encounter site ang
tatlong plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, arms cache, ammunition
at apat na motorsiklo.Kabilang sa target ng ope­rasyon
ay ang mga suspek na sina Wally Akung Akil Utto, Ruben Balintutik, at si
Kandaw Utto.

Dead on arrival sa Cotabato Regional and
Medical Center o CRMC dito sa lungsod ang isang kasapi ng Regional Public
Safety Battalion ng ARMM makaraang pagbabarilin ng riding in tandem criminals,
ala-1:30 kahapon ng hapon.

Nangyari ang insidente sa Sitio Lamsan,
Brgy. Simuay, sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang
nasawi na si PO2 Jonard Clarino na residente ng bayan ng Midsayap, North
Cotabato.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa
minamanehong motorsiklo nito mula sa bayan ng Midsayap suot ng kanyang uniporme
at patungo na sa kanilang headquarters sa Camp SK Pendatun nang sundan ng mga
suspek at pagbabarilin pagsapit sa Simuay junction.

Nagtamo ng pitong tama ng bala sa likod
ng kanyang katawan ang biktimang si Clarino habang isang myembro ng PNP Sultan
Kudarat ang mabilis na nakaresponde at nagawang paputukan ang mga salarin.

Sa pahayag ng mga nakasaksi, tinamaan
umano ang mga suspek ngunit hindi umano sila tinablan at tuloy-tuloy sa
kanilang pagtakas habang ang biktima ay mabilis na isinugod sa ospital ngunit
hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon blangko pa ang mga otoridad sa
motibo ng krimen habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Sultan
Kudarat Municipal Police Station.

Hustisya naman ang sigaw ng mga kaanak nito mula sa bayan ng Midsayap
hinggil sa pagkakapaslang sa bagitong pulis. Patay ang isang lola matapos na pagsasaksakin ng mismong anak
nito sa nangyaring krimen sa Purok Ambo, Brgy. Sarmiento sa bayan ng Parang,
Maguindanao alas 3and00 ng madaling araw nitong Martes.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Estrella Borres, pitumput-isang
taong gulang (71), residente ng nasabing lugar.

Suspek naman sa insidente ang kanyang anak na si Romanito Caay
Borres 34, walang asawa at nakatira rin sa kanyang nanay.

Napag-alaman na nagtamo ng maraming sugat ang biktima mula sa
pananaksak na dahilan ng agara nitong kamatayan.

Nahuli naman ang suspek ng 1st Maneuver, Regional Public Safety
Battalion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (RPSB-ARMM) at kasalukuyang
nasa kulungan ng Parang Municipal Police Station.

Hindi pa natutukoy ang dahilan ng pananaksak ngunit
pinaghihinalang may problema sa pag-iisip ang suspek na si Romanito Borres. Magagamit na
ngayong pasukan ang ilang itinayong school building para sa senor high school
sa Maguindanao first district.

Ayon kay
District engr. Nasrodin Ibrahim ng Department of Public Works and Highways o
DPWH-Maguindanao first district, tatlo mula sa labinlimang school building na
itinatayo ay bago lamang natapos ngayong buwan o 90 percent ng tapos at handa
na para sa darating na pasukan.

Ang tinig ni
District engr.Nasrodin Ibrahim ng Department of Public Works and Highways o
DPWH-Maguindanao first district sa programang Madam public service.

Samantala,
ayon naman kay DPWH-ARMM secretary Don Mustapha Loong, 80 percent ng tapos ang
konstruksyon ng mga school building ng senior high school sa buong rehiyon.

Akma umano
para sa kanyang posisyon bilang kalihim sa DENR si Gina Lopez.

Ito ang
reaksiyon ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa isinagawang Tapatan sa ARMM kahapon ng
umaga sa ORG compound, Cotabato City, ilang oras bago ni-reject ang appointment
ni Lopez.

Ayon kay
Hataman, karapat dapat sanang mailuklok bilang kalihim ng nasabing ahensiya si
Lopez dahil sa kanyang prinsipyo, adbokasiya at pasiyon sa environment.

Bagama't
aminado ang opisyal na sa pangkalahatan ay ayaw din nito sa mining, minsan kasi
may mga adbokasiyang ipinaglalaban na hindi natutugma sa batas na una ng
nagawa.

Hindi naitago
ni DENR Secretary Gina Lopez ang pagkadismaya sa pagkakabasura ng Commission on
Appointments sa kanyang appointment.

Ayon kay
Lopez, naniniwala siya na ang kinahantungan ng kanyang appointment ay dahil
umano sa business interests .

Pero sa
kabila nito, todo ang pasasalamat ni Lopez sa mga mambabatas na sumuporta at
naniwala sa kanyang ipinaglalaban na mga adbokasiya.

Binanggit ni
Lopez na batay sa kanyang kaalaman, walo ang pumabor sa kanya at labing anim
naman ang bumoto laban sa kanya.

Nilinaw ni brgy Tamped, Matalam Chairman Zaldy Almarines na hindi niya inoobliga ang kanyang mga constituents

na magduty sa kanilang outpost para magbantay 24-oras.
Ayon kay Almarines boluntaryo lamang ang kanyang hiling at katunayan aniya, dumaan sa General Assembly ang

nabanggit na usapin bagay naman na sinang-ayunan ng lahat.Isang reklamo kasi ang nakarating sa Radyo Bida kaugnay rito na umano hindi patas para sa mga sibilyan na

magbantay dahil wala naman silang sahod habang ang mga barangay Tanod ay may tinatanggap na honorarium.

Pero para kay Chairman Almarines kooperasyon lamang ang kanyang hiling sa mga residente dahil nasa kritikal na

sitwasyon umano ang kanilang barangay sa ngayon.Matatandaang magkatabi lamang ang Sitio Maligaya, brgy Tamped at Sitio Imelda brgy. Taguranao kung saan

nangyari ang bakbakan noong Pebrero ng mga armadong grupo.

Kadalasan ring dumadaan sa kanilang area ang mga lawless armed group.Dahil dito nais lamang masiguro ni Almarines ang kanyang mga contituents lalo pa't 20 brgy. Tanod lamang ang

kanilang On-Duty at hindi nito kayang protektahan ang nasa 2,500 indibidwal mula sa apat na Sitio ng baranggay.

Ang nasabing hakbang din ng brgy. Council ay may go Signal mula sa militar at pulisya ng Matalam.
Daan-daang mga babaeng inmates ngayon ang libreng makakabenipisyu sa skills training na pangungunahan ng

Technical Education Skills Development Authority o TESDA North Cotabato.Ayon kay El Cid Castillo, Provincial Director ng TESDA North Cotabato, tatlong mga livelihood training program

ang kanilang iaalok sa mga inmates.

Kabilang na rito ang Meat Processing, Soap Making at Basic Hair Cutting.Gagawin naman ang nasabing pagsasanay sa darating na May 17 kasabay ng kanilang Mother’s Day Celebration kung

saan tatlong mga trainers mula sa TESDA ang mangunguna rito.

Layunin nito na maturuan ang mga preso para magamit din nila sakaling mabigyan na sila ng release order ng

korte.Pagkatapos ng nasabing training agad ibibigay ang certificates sa 146 babaeng preso sa pamamagitan naman ng

Alternative Learning System o ALS ng Department of Education.
Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang mga lalaki matapos pagsasaksakin sa Gymnasium ng Brgy.

Malabuan, Makilala, madaling araw kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jumer Banan, 25-anyos, DOLE employee, at Reymond Raydan, 24, laborer na

parehong taga Brgy. Guangan ng nabanggit na bayan.

Habang kinilala naman ang suspek na si Jayson Cabalhog, 23-anyos, helper na taga Sitio Basak, Brgy. Malabuan,

Makilala.
Sa report ng PNP nag-iinuman lamang ang dalawa sa nabanggit na lugar kasabay rin ang kapyestahan ng barangay.Pero habang pauwi na ang dalawa bigla na lamang silang nilapitan ng suspek at unang sinaksak si Raydan.

Nang makita naman ng kasama nitong si Banan sinubukan pa niyang tulungan si Reymond pero sinaksak din siya ng

suspek matapos niya itong suntukin.Dahil sa kalasingan ay di na nagawang manlaban ng mga biktima na agad namang isinugod sa ospital habang mabilis

ding tumakas ang suspek na si Cabalhog.

Kinaumagahan sa tulong ng mga barangay Officials nahuli nila ang suspek at dinala ni Brgy. Malabuan Chairman

Alex Lalaguna sa Makilala PNP para sa kakaharapin nitong kaso.
Hustisya pa rin ngayon ang sigaw ng Pamilya Lumayag ng Brgy. Malasila, Makilala matapos pagbabarilin ang

kanilang kaanak noong April 28 sa brgy. Batasan, Makilala.Personal na humingi ng tulong ang adopted child ng biktimang si Rosalio Lumayag na si Kristelle Abad sa Radyo

Bida para ipanawagan sa kung sino man ang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanyang ama ay makipatulungan sa

kanila.Hanggang ngayon kasi ay blanko pa ang pamilya sa mga nasa likod ng nasabing pagpatay.

Matatandaang natagpuan na lamang patay si Rosalio noong nakaraang Sabado sa bahagi ng brgy. Batasan na may

limang tama ng baril at nakatali pa ang mga kamay nito.Kwento pa ni Kristelle, anim na mga lalaki umano ang nakita sa kanilang pagmamay-aring lupa kung saan nandoon

din ang ama habang nag-aacid ng kanilang goma.

May nakaaway din ang ama sa brgy Malasila at Brgy San Vincente, Makilala kung saan siya naka burol sa ngayon

bago ang nangyaring pagpatay sa kanya.Duda naman ang PNP na posibleng awayan sa lupa ang sanhi ng insidente bagay naman na patuloy ding

iniimbestigahan ng PNP.
Inaprubahan na ng Department of Social Welfare and Development O DSWD Main Office ang mga papeles ng isang

Senior Citizen na taga bayan ng Magpet.

Dahil dito makatatanggap ng abot sa 100,000 cash ang isa sa mga Centenarian sa North Cotabato.Kinilala ito na si Maria Dequiña, residente ng barangay Poblacion, Magpet.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Antonia Fernandez, ipinanganak si Mrs. Dequiña noong

May 12, 1917.Una rito, dumaan pa sa matinding validation sa DSWD ang mga dokumento ni Dequiña kagaya ng kanyang birth

certificate at ang birth certificate din ng kanyang panganay na anak.Sa ngayon, hinihintay na lamang na mai-download ng Main Office ang Tseke ng nasabing centenarian para magamit

na rin ito lalo na sa kanyang mga gamot.

Nabatid na isa pang Centenarian sa nabanggit na bayan ang inaayos ngayon ng MSWDO na makakatanggap din ng

nasabing cash incentives oras na maaprubahan ng DSWD Main Office. Pinagaralan ng mga nakilahok sa katatapos lang na Information, Education , Advocacy, Communication o IEAC Workshop ng South Cotabato Provincial Environment and Management Office o PEMO ang Mt. Matutum Protected Landscape o MMPL.Ayon kay PEMO Forest and Inland Water Management Division Chief at workshop convenor Mary Jane Manlisis, ito ay bilag paghahanda sa brochure o babasahin na magdadagdag sa kaalaman ng publiko sa Mt. Matutum.Sinabi ni Manlisis na sa pamamagitan nito ay lalo pang maipalam ang bio-diversity at kahalagahan ng Mt. Matutum bilang isang watershed area sa South Cotabato.
Ayon kay Manlisis mababasa sa walong pahinang ‘Mt. Matutumand Our Heritage, Our Bio-Diversity, Our Life ang mayamang kasayasayan ng Mt. Matutum lalong lalo na ang mga indigenous people na nakatira sa paligid nito at kanilang kultura.
Magbibigay din ito ng dagdag na kaalam sa mga endangered flora at fauna sa lugar.Ipapakita din sa brochure ang kahalagahan ng Mt. Matutum bilang supplier ng tubig sa mga bayan ng Tupi, Tampakan, Polomolok at General Santos City.
Ayon kay Manlisis ang brochure ay ibibigay sa mga esklwelahan, turista at mga stakeholders.Nakibahagi sa workshop ang mga kinatawan ng National Commission on Indigenous Peoples, Department of Environment and Natural Resources, Protected Area Superintendent at, Municipal Environment and Natural Resources Officers at Provincial Information Office.
Mas madali na ngayon sa mga mamamayan ng liblib na barangay ng Malapatan, Sarangani Province ang pagpunta at pagdadala ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan.Ito ay matapos makatanggap ng kabayo mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD .
Ayon kay DSWD 12 Assistant Regional Director Gemma Rivera ang 200 mga kabayo ay napapakinabangan ngayon ng mga mamamayang B’laan sa Barangay Daan Duyan, Maasim.Sinabi ni Rivera na dahil sa layo ng kanilang lugar, mas kailangan ng mga mamamayan doon ang kabayo kesa sa sasakyan upang makapaglakbay.Ayon kay Rivera ang B’laan Communities sa Daan Duyan ay benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer o MCCT Program, na expansion ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD.Ang programa ay mayroon ang mahigit 22 thousand na mga benepisyaryo sa buong region 12.
Nagsagawa ng assessment sa Hidak Falls sa barangay Kematu sa bayan ng T’boli, South Cotabato ang Municipal Tourism office, Disaster Risk Reduction and Management Office, PNP, at search and rescue team.
Ito ay ayon kay T’boli Chief of Police, Chief Inspector Ramil Villagracia.Ayon kay Villagracia, layon nito na alamin kung ano pa ang maaring gawin upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista sa lugar.Kasunod ito ng pagkasawi ng BJMP member na si Leo Solinap na nalunod matapos madulas at tangayin ng malakas na agos ng tubig sa talon.Ipinahayag ni Villagracia na nais matiyak ng lokal na pamahalaan na hindi na maulit pa ang insidente.
Sinabi din ni Villagracia na bilang respeto na rin sa pagkamatay ng biktima, at pra bigyan daan ang posibleng mga pagbabago isinara muna sa loob ng isang lingo ang Hidak Falls.
Inamin ni South Cotabato Provicial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. na problema na rin ngayon ang siksikan sa Allah Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah.Ayon kay Aturdido, kada araw abot na kasi sa 60 pasyente ang naka-admit sa ospital.
Ito ayon kay Aturdido ay sobra sa 18 bed capacity nito.Ipinahayag ni Aturido na para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente, kailangang dagdagan ang kapasidad ng ospital na inaplayan ng lalawigan sa Department of Health.Gayunpaman ayon kay Aturido, kapag ito ay naipatupad kailangang ding dagdagan ang staff ng ospital.
Sinabi naman ni Aturdido na kapag natapos na ang buong ospital, mas marami na ang paglalagyan ang mga pasyente.Nilinaw ni Aturdido na kahit hindi pa tapos ang konstruksyon nito, fully operational na ang upper valley community hospital.
Mayroon na rin itong accreditation sa Philhealth.Ang Upper Valley Community Hospital ay ipinatayo para maibsan ang siksikan ng mga pasyente sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Voice Clip.... Si South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.
Abot lamang 128 katao ang nakapagpatala sa Comelec Koronadal sa huling araw ng registration of voters noong Abril 29.
Ito ay ayon kay Koronadal City Election Officer Atty. Richard Opinion, ay kanyang ipinagtataka.Sinabi ni Opinion tulad noon, inaasahan na kasi nila ang pagdagsa ng mga mamamayan sa huling lingo ng voters registration.
Ayon kay Opinion maaring marami sa mga botante ay nakapagparehistro na noong nakaraang taon.Naniniwala din si Opinion a posible ring naging dahilan ng mababang turn out ng mga registrants ngayon ang wala pang kumpirmasyon na pagpaliban sa Barangay Election sa Oktobre.Binigyan diin ng election officer na hangga’t hindi pa naamyendahan ng Kongreso ang batas, paghahandaan pa rin ng Comelec ang eleksyon.
Sinabi ni Opinion na wala ring extension sa registration of voters ang Comelec.

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...