Friday Dec, 13 2019 03:36:59 PM

NDBC BIDA BALITA (6.7.19)

NDBC BALITA • 15:00 PM Fri Jun 7, 2019
568
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 07, 2019 (FRI)
7:00 AM

 

HEADLINES:

1. Apat na mga silid-aralan sa Talitay Maguindanao, nasunog.

2. South Cotabato Comelec director, nagpaalala sa mga kandidato na magsumete ng SOCE bago ang June 13 deadline.

3. Laborer na nagnakaw ng motorsiklo sa Makilala Cotabato naharang ng mga awtoridad sa Mlang North cotabato.

4. Kidapawan city health officer, nagpaalala kontra mga sakit tuwing tag=ulan.

 

 

-0-

Local………………..

Tinupok ng apoy ang apat na mga silid-paaralan ng Pegeda Elementary School sa Talitay, Maguindanao.

Naganap ang insidente, alas 3:10 ng hapon kahapon sa nasabing lugar.

Nagsilabasan naman ang mga estudyante at guro ng naturang paaralan patungo sa ligtas na lugar at maswerteng walang nasaktan.

Sinubukan pa ng mga guro at mga residente na apulahin ang apoy ngunit hindi na ito naagapan pa.

Ayon kay Talitay District Supevisor Edres Kasan na may 200 na mga estudyante at apat na guro ang Pegeda Elementary School.

Kabilang din sa mga nasunog ay ang mga mahahalagang kagamitan ng mga guro sa loob ng paaralan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP-Maguindanao sa nangyaring sunog.

-0-

Local………………….

Halos hindi maka hinga at namimilipit sa sakit ng isugod sa pagamutan ang isang Senior Citizen makaraang aksidenteng matinik umano sa kinain nitong isda.

Base sa kwento ng kaanak ng anim na pung taong gulang na Lolo na sadyang di kinilala ang pangalan, magsasaka at residente ng Brgy. Tambak sa nasabing bayan, habang nananghalian kamakailan ang kanilang Lolo ng bigla itong humingi ng saklolo matapos umanong matinik sa lalamunan ng isang uri ng isda na kanyang inulam.

Agad itong isinugod sa pagamutan upang mabigyan ng paunang lunas at nanatili sa ospital dahil sa maselan nitong kondisyon, ngunit kahapon ng hapon tuluyan ding binawian ng buhay ang nasabing lolo.

 

-0-

 

 

 

Isinugod sa pagamutan ang dalawang magsasaka matapos kapwa magtamo ng sugat sa katawan makaraang maaksidente ng iwasan nilang mabangga ang isang baka na biglang tumawid sa kalsada sa may Magelco, Datu Odin Sinsuat Maguindanao alas tres ng hapon kahapon.

Nakilala ang mga Farmer na biktima na sina RASUL SAPAL at DATU NOT OSMENA, parehong nasa tamang edad at kapwa residente ng Crossing Salbu,Maguindanao.

Nabatid sa ulat na papauwi na sana ang mga biktima ng maganap ang nasabing aksidente.

Makalipas ang isang oras sunod namang dinala sa ospital ang tatlo katao makaraan namang masangkot ang mga ito sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Natl Highway sa Sultan Mastura,Maguindanao.

Papauwi na umano kapwa sa kani kanilang mga tahanan ang mga biktima na sina DEN PENDALIDAY,24anyos at ang mag asawang magkaangkas na nakilala lamang sa kanilang apilyedo na ABAS, ng mag kasalubungan ang kani kanilang mga menamanehong motorsiklo at magbanggan.

Sa lakas ng salpukan kapwa nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan ang tatlong mga biktima.

SAMANTALA, Isinugod din sa pagamutan ang isang pitong taong gulang na batang lalaki na residente ng Purok Islam Poblacion 3 dito sa lungsod matapos na mabangga naman ito ng payong payong alas sais ng gabi kagabi.

Umano ayon sa kwento ng kaanak ng biktima,patawid ang bata patungo sana sa  masjid sa kanilang lugar ng mabundol ng isang napaka bilis na payong payong.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa bata tumilapon sanhi upang magtamo ng sugat sa ulo at sa kanyang katawan,patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktima.

 

-0-

 

Bumaba ng 55% ang mga insidente ng Election Related Incidents (ERIs) o mga karahasang may bahid ng pulitika kaugnay ng ginanap na midterm elections  sa bansa.

Ayon kay PNP spokesman Police Col. Bernard Banac, simula Enero 13 sa pagsisimula ng election period hanggang Hunyo 6, 2019 ay nakapagtala ng 60 insidente ng ERIs ang kapulisan.

Ang gun ban ay tatagal ng hanggang Hunyo 12 ng taong ito o matapos namang maiproklama ang mga nagwaging kandidato.

Sa ginanap na midterm election ngayong 2019, nasa 85 ang biktima sa pre-election; 16 katao sa mismong araw ng halalan at 12 naman sa post-election o kabuuang 113 biktima na nasugatan at nasawi sa karahasang may kinalaman sa pulitika.

Sa nasabing bilang, 23 ang nasawi, 46  ang nasugatan at 44 ang nakaligtas.

 

-0-

 

Tiniyak ng Malacañang sa publiko na wala dapat ikaalarma sa naging bahagyang pagbilis ng inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin para sa buwan ng Mayo.

Magugunitang pumalo sa 3.2 percent ang inflation rate noong Mayo kumpara sa 3.0 percent noong Abril.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng ilang produktong pang-agrikultura tulad ng gulay, isda, prutas, maging ang housing, tubig at utilities ang dahilan ng pagtaas ng inflation rate noong nakaraang buwan.

Dulot anya ito ng tumaas na presyo ng produktong petrolyo sa world market na pinalala pa ng El Niño phenomenon.

Iginiit naman ni Panelo na pasok ang May inflation rate sa naging forecast ng BSP na 2.8 hanggang 3.6 percent kaya’t wala dapat ikaalarma.

 

-0-

 

 

Resolusyon para maipatupad na sa lalawigan ang Universal Health Law, kinatigan ng Sagguniang Panlalawigan ng South Cotabato

Aprobado na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang resolution na titiyak ng suporta ng pamahalaang panlalawigan para gawing pilot area sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law o UHCL ang lalawigan.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Board Committee on Health Chair Ellen Grace Subere-Albios.

Ayon kay Albios, isusumite nila ang approved resolution sa Department of Health.

Sinabi ni Albios na isusunod naman nila ang pagpinalisa sa Implementing Rules and Regulations o IRR sa nasabing resolution. Nilinaw naman ni Albios na ang pondo na gagamitin ng local health board sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law ay mula sa national government.

Matatandaan na ipinahayag ni South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Dr. Ala Baby Vingno na ang resolution na sumusuporta sa UHCL ay hiniling ng DOH sa provincial government.

Ipinahayag ni Vingno na ang kahandaan ng mga lokal na opisya sa pag-promote sa UHCL ang isa rin sa mga dahilan kung bakit napili ng DOH una itong ipatupad sa South Cotabato.

Ang Special Education Fund na gagamitin sa UHCL ay mula naman sa Philhealth, PAGCOR at iba pang resources ng pamahalaan.

 

-0-

 

Gensan LGU inoobliga ang mga establisemento sa syudad na maglagay ng hiwalay na lane para sa mga produktong halal

Nais ng lokal na pamahalaan ng General Santos na maglagay ng lane para sa mga halal products ang mga supermaket at iba pang mga establisemento sa syudad.

Ayon kay Gensan City Economic Management and Cooperative Development Office Head Leonard Flores, ito ay kanilang nang pinakikiusap sa mga supermarket ng mga mall.

Ito ay bilang pagtalima sa “Halal Ordinance of General Santos City” na nais ipatupad ng local government ngayong taon. Inuutos ng ordinansa sa mga business establishments na nagbebenta ng mga halal na produkto at non-food products na maglagay ng hiwalay na storage area, display section at counter.

Layunin nito na mapanatili ang magandang samahan ng mga Kristyano at Muslim sa Gensan.

Ito ay sa pamamagitan ng promotion, proteksyon at pagrespeto sa paniniwala at tradisyun ng mga Muslim lalong lalo na sa sagradong konsepto ng halal.

Ayon kay Flores unang naglagay ng special lane para sa mga halal products ang Robinsons Mall. Magmomonitor naman sa pagsunod ng mga establisemento sa Ordinansa ang Halal Task Force ng Gensan LGU.

Ayon kay Flores ang nasabing task force ay binubuo ng mga kinatawan ng City Health Office, Committee on Health ng Gensan City Council, City Veterinary Office, Permits and Licensing Division, National Commission on Muslim Filipinos, business at Muslim sector.

Ipinahayag ni Flores na ito ay bilang pagkilala rin sa Gensan bilang pangunahing destinasyon ng mga Muslim mula karatig Muslim Community at maging mula sa ibang bansa.

 

0-

 

Mayroon na lamang hanggang sa June 13 para makapagsumite sa Comelec ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ang mga kandidato noong May 13 midterm at national election.

Ito ang paalala ni South Cotabato Election Supervisor Atty. Duque Kadatuan.

Binigyan diin ni Kadatuan na dapat maisumite na ng mga kandidato sa Comelec ang kanilang SOCE 30 araw pagkatapos ng halalan. Ayon kay Kadatuan ang mga kandidatong bigong makapagsumite ng kanilang SOCE ay maaring mapatawan ng kaukulang penalidad.

Binigyan diin Kadautn na ang sinumang paulit ulit na sumusuyaw dito ay posible ring pagbabawalan na humawak ng anumang katungkulan sa Gobyerno.

 

0-0

 

Bangkay ng lalaki na natagpuan sa Tupi, South Cotabato kinilala na ng mga kaanak nito

Kinilala mismo ng kapatid nitong si Mary Jane Cordero ang bangkay na natagpuan sa Tupi, South Cotabato na si Joel Kipad alias “Jumok” 20 years old at nakatira sa Barangay Talahik, Surallah, South Cotabato.

Ang biktimang si Kipad na isang ring pintor ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Ito ang lumabas sa pagsisiyasat ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Major Andres Sumugat. Natagpuan ng mga napadaang mamamayan ang bangkay nito sa masukal na bahagi ng daan sa Purok Maunlad, Bololmala, Tupi. Palaisipan pa sa mga pulis kung papaano nakarating sa Tupi ang biktima.

Hindi pa batid ng Tupi PNP kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa krimen.

 

0-0

 

 

Upang isulong ang pagtatanim ng abaca , nagsagawa ng Abaca Production and Management Technology Training ang Office of the Provincial Agriculturist o OPAG ng North Cotabato.

Ito ay dinaluhan ng 63 na mga magsasaka mula sa Sitio Marva, Taguranao, ng Matalam at sa Sitio Waterfalls, Bongolanon sa Magpet Itinuro sa mga participant ang makabago at angkop na teknolohiya sa pagtatanim at pagpoproseso ng abaca fiber para sa mas magandang kalidad at mas mataas na kita.

Ang pagsasagawa ng Abaca Production Training ay bahagi ng High Value Crops Development Program ng OPAG-North Cotabato.

Tumanggap naman ng dekalidad na abaca fibers suckers mula sa OPAG ang mga interesadoong magsasaka.

Ayon naman kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis inaasahan ng OPAG-North Cotabato na mas lalawak pa ang lupaing matatamnan ng abaca sa probinsya na magpapataas sa production ng abaca fiber. Ang Abaca fiber sa North Cotabato ay naibebenta ngayon ng mula P60 hanggang P120 kada kilo.

 

-0-

Magnanakaw ng motorsiklo patay sa shootout sa Koronadal City

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa isang magnanakaw ng motorsiklo na binawian ng buhay sa shootout sa Koronadal City.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Police Col Rey Egos na ang nasabing magnanakaw ang tumangay sa Baja Motorcyle na nakaparada sa harap ng South Cotabato Provincial Hospital dakong alas dyes kagabi.

Sinabi sa mga pulis ng driver na ni Reynaldo Bangcaya, 50 anyos ng Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat, na iniwan nito sa tapat ng ospital ang motorsiklo para dumalaw sa naka-admit na kaanak. Nang Makita ni Bangcaya na tinatangay na ang kanyang motorsiklo sinundan niya ito hanggang sa makarating sa Alunan Avenue, patungong General Santos Drive.

Agad namang rumesponde ang mga personnel ng Koronadal PNP at hinabol ang suspek hanggang sa masukol nila ito malapit sa shooting range sa Barangay Morales sa syudad. Pero sa halip na sumuko, iniwan ng suspek ang motorsiklo at patakbong tumakas kaya siya nabaril ng mga pulis.

Ang nasabing magnanakaw ng motorsiklo ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa hita at likod. Narekober ng mga pulis sa kanya ang isang revolver at sling bag na may lamang Granada.

 

-0-

 

Maari ng kunin ng mga Farmers Association beneficiaries na apektado ng El-niño ang kanilang hybrid corn seeds sa Operations center ng Kidapawan City 911.

Ito ay bahagi ng calamity fund na naglalayong tulungan ang mga magsasakang lubhang nasira ang kanilang pananim ng matinding tag-init noong nakaraang buwan.

Ayon kay City Agriculturist Marisa Aton, ang dami ng corn seeds na ipamimigay sa lawak ng mga taniman ng mais na sinalanta ng El-Nino. 120 ektaryang maisan sa Barangay Onica ang pinakamatinding sinira ng halos apat na buwan na walang mga pag-ulan sa lugar.

Sinabi ni Aton ito ay katumbas ng 134 na sako ng binhi ng mais ang matatanggap ng mga magsasaka ng nasabing barangay. Habang sa Kidapawan City ay abot sa 596 na ektaryang maisan ang nasira at 707 corn bags naman ang ibibigay sa kanila.

Ang mga Farmers Association na ang mamamahagi ng corn seeds sa mga magsasaka sa 37 barangay. Samantala, hinihintay na lamang ng City Agriculture Office ang mga palay seeds na ipapamahaging tulong naman sa mga rice farmers.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Wanted person, huli ng PNP sa Magpet, North Cotabato

Hindi na nakapalag pa ang isang wanted person matapos arestuhin ng pulisya sa pangunguna ni Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Dillera sa Purok Malinao, Barangay Magcaalam Magpet Cotabato alas 11 ng umaga kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Armando Panictican Mandayang Jr., 36 anyos at nakatira sa naturang Barangay.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti violence against women and their children.

Dala ng PNP ant warrat of arrest na inisyu ni Hon Judge Arvin Sadiri Balagot ng Regional Trial Court branch 17.

Nakapiit na ang suspek sa lock up cell ng Magpet PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.(Cherry Exim)

 

-0-

Pagtukoy kung fake ang mga ibenebentang abono, isinusulong ng isang kongresista sa North Cotabato

Nais paimbestigahan sa kongreso ni North Cotabato 3rd District congressman Jose Ping-ping Tejada, ang mga ibenebentang abono para matiyak na walang mga pekeng fertilizer na nakakalusot sa merkado. Aniya, wala umanong testing laboratory ang Department of Agriculture para mabatid kung peke o hindi ang fertilizer.

Dahil dito, isinulong ni Tejeda na maponduhan ang nasabing programa para matiyak na ang mga ibenebentang fertilizer ay hindi peke. Sinabi ni Tejada na taong 2016 ay dalawa lamang ang laboratoryo sa buong bansa na nagtutukoy sa mga huwad na abono. 

Samantala, kabilang din sa mga tatalakayin sa pagbubukas ng ika-18 kongreso ay ang paggamit ng Coco Levy Fund, IRR ng Rice Tariffication at iba pa.

Naniniwala si Tejada na mas mainam na gawin na lamang ang subsidy scheme sa magiging kita ng rice tariff, ay ibibigay ng derikta sa mga magsasakang may mga kooperatiba o kaya ay maaring indibidwal, depende sa mapagkasunduan.

Sa pamamagitan ng DXND-Radyo BIDA ay pinasalamatan ni Tejada ang mga sumuporta sa kanya sa kabila ng wala itong kalaban sa pulitika ay mataas pa ring porsyente ng boto ang nakuha nito. (Rhod Benez) NDBC BIDA BALITA

 

0-0-

 

City Health Office ng Kidapawan City, pinag-iingat sa mga ‘usong’ sakit ngayong tag-ulan

Kasabay ng pagdeklara ng state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng rainy season, ay siya ring pagbibigay ng paalala mula sa City Health Office para maka-iwas sa anumang sakit na madalas makuha tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Kidapawan City Hospital Chief Dr. Hamir Hechanova, dumarami ang mga nagkakaroon ng influenza o trangkaso tuwing tag-ulan bunsod ng madaling pagkalat ng flu virus dahil sa halumigmig at pagbaba ng temperatura. Ilan sa sintomas ng trangkaso ang sipon, lagnat at pananakit ng katawan.

Nagiging problema rin tuwing tag-ulan ang mga naiipong tubig o stagnant water na puwedeng pamugaran ng mga lamok na may dalang dengue. Sinabi ni Hechanova na dengue ang may pinakaraming kaso ngayon sa lungsod.

Kabilang naman sa mga sintomas ng dengue ang mataas na lagnat, pagsusuka, at red spots sa mukha at ibang bahagi ng katawan. Dagdag pa nito sundin ang paalala ng DOH tungkol sa 4s: Search and destroy,Self-protection measure,Seek early consultation at Say no to indiscriminate fogging. Ito ay mga paraan para masugpo ang dengue.(Drema Bravo)

 

NPA fighter yields to NoCot gov

COTABATO CITY  -  North Cotabato Governor Nancy Catamco on Thursday afternoon accepted the surrender of a 54-year-old communist rebel who...

RCSU monitoring security agencies, gun stores in Bangsamoro areas

COTABATO CITY --- Members of the police’s Regional Civil Security Unit-Bangsamoro Autonomous Region have been inspecting randomly since last week...

Friday the 13th highway crash claims 6 lives in Tacurong

TACURONG CITY – Six persons were killed on the spot, including a baby and three children, after a highway mishap involving at least five...

NDBC BIDA BALITA (12.12.19)

NEWSCAST

DECEMBER 12, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWA KATAO, patay sa...

Mindanao checkpoints to continue even without martial law

MANILA -- Checkpoint operations in Mindanao will continue despite the lifting of martial law by year-end.

"Well definitely...