Friday May, 03 2024 03:34:17 PM

NDBC BIDA BALITA (7.7.17)

 • 21:22 PM Fri Jul 7, 2017
648
By: 
ndbc nca

NEWSCAST

JULY 7, 2017 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGUINDANAO AT SULTAN KUDARAT governors,
walang pagtutol sa desisyon ng Napolcom na tanggalan sila ng police powers at
ang iba pang mga local government official.

2. PANGAKO na bayad sa mga recruit ng BIFF,
kinumpirma ng militar.

3. ILIGAL na droga, dahilan daw ng
paglobo ng bilang ng mga preso sa South Cotabato provincial Jail, ayon sa
Provincial Warden

4. BIFF nangangalap ng mga miembro kapalit ng P100 cash, ayon sa rmy

TANGGAP ni Maguindanao Governor Esmael
‘Toto’ Mangudadatu ang desisyon ng National Police Commission o Napolcom na
tanggalan sila ng police powers at anim pang mga gubernador at mga local chief
executive sa bahaging ito ng Mindanao.

Ayon sa gubernador, ang naturang
desisyon ng Napolcom ay wala naman kasing epekto sa kanyang pamumuno bilang
gubernador ng Maguindanao.

Dagdag pa ni Mangudadatu, hindi niya
kailanman dinektahan ang kapulisan sa lalawigan mula nang maupo siya bilang
gubernador ng probinya noong 2010 kaya hindi siya apektado ng naturang Napolcom
resolution.

Gayunman, aniya, pinapanatili niya ang
koordinasyon sa law enforcers at maging sa militar laban sa mga kriminal sa
lalawigan at kaugnay din ng kampanya laban sa iligal na droga at terorismo.

Sa kabila nito, sinabi ni Governor Mangudadatu
na posible silang maghain ng motion for reconsideration sa Napolcom.

Dahil aniya, hindi katanggap-tanggap
ang mga dahilang binanggit ng Napolcom hinggil sa pagtanggal ng kanilang police
powers.

Aniya, naging matagumpay ang Maguindanao
peace and order council sa pagresolba ng mga rido at iba pang security issues
sa lalawigan.

Naging aktibo rin ang lalawigan sa
pagsugpo ng iligal na droga at iba pang kriminalidad bagay na tila hindi nakita
ng Napolcom noong maglabas ito ng nabanggit na desisyon.

Kulungan ang
bagsak ng isang binatang pulis matapos magpaulan ng bala sa labas ng kanilang
bahay na nasa tapat lang ng PNP ARMM Camp SK Pendatun sa Brgy. Making, Parang,
Maguindanao.

Kinilala ni
Parang PNP chief, police chief insp. Erwin Tabora ang suspek na si P02 R0MEO
MESIAS, 41 anyos, binata at miyembro ng PNP na nakabase sa Regional Logistics
Resources Development Division PNP ARMM.

Ayon sa
inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, mula umano sa inuman si Mesias at nang
umuwi ito pasado alas nuebe ng gabi kamakalawa ay matagal na napagbuksan ng
kanyang ina dahilan para magpaputok ito ng baril at binulabog ang mga natutulog
na nilang kapitbahay

Narekober ng
pulisya sa lugar ang 11 empty shells ng 9mm pistol.

Sa ngayon ay
nahaharap sa kasong indiscrimnate firing ang at alarm in scandal nasabing
suspek.

Samantala
kasalukuyang nasa kustodiya naman ng Parang PNP ang service Firearm ni Mesias
na GLOCK 17 PISTOL W/ Serial No. PNP 62650

TUTOL si Defense
Secretary Delfin Lorenzana at ilan pang mga lokal na opisyal sa deployment ng
mga bad cops sa Marawi City.

Ayon kay
Lorenzana, kailangan ng mga magagaling at mabubuting pulis sa Marawi at hindi
yung mga ‘problematic’.

Sinabi rin ni
Assemblyman Zia Alonto Adiong, spokesperson ng Provincial Crisis Management
Committee na hindi niya nais na maging basurahan o tapunan ng mga scalawags
cops ang lungsod.

Ayon kay
Adiong, isang kawalan ng respeto ang pagpapatapon ng mga ‘bad cops’ sa Marawi City.

Una rito,
umalma ang lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur kaugnay sa pagpapatapon ni PNP
Chief Gen. Ronald dela Rosa sa Marawi sa dalawang yantok cops ng Mandaluyong.

Sinabi naman
ni dela Rosa na nirerespeto niya ang opinyon ng mga opisyal pero tinitiyak
niyang titino ang mga ipinatapon niyang pulis sa lungsod ng Marawi.

Nabatid na
nag-report na sa Marawi sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez
matapos manghagupit ng yantok sa dalawang sibilyan na nahuling nag-iinuman sa
kalye na isang paglabag sa ordinansa ng Mandaluyong City.

Ayon naman
kay PNP Spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, ang deployment sa tinaguriang
yantok cops ay bahagi ng regular na aktibidad sa kanilang hanay.

Sinabi ni
Carlos na kung hindi man ito nagustuhan ng lokal na pamahalaan ng Marawi at
Lanao del Sur, kailangan din nilang tingnan na maraming pulis sa Mindanao ang
naililipat sa Visayas at Luzon.

Bukod sa
dalawang pulis na nambugbog sa mga naaresto sa Mandaluyong na nalipat sa
Marawi, marami ring pulis na mula sa Region 4-A at Region 3 ang naipadala rin
doon.

Magugunita na
binalaan nina dela Rosa at NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde na ipatatapon
ang mga scalawags sa Metro Manila sa Marawi City para isabak sa Maute.

NAKATAKDANG
i-deploy ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang Engineering Brigade
para sa rehabilitasyon alinsunod sa Bangon Marawi’ program ng pamahalaan.

Ayon kay AFP
Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., agad na pasisimulan ang
rehabilitasyon sa sandaling malipol na
ang nalalabi pang Maute-ISIS terrorists kaugnay ng krisis sa lungsod ng Marawi na nasa ika-45 araw na kahapon.

Kabilang sa
mga ide-deploy ay ang 52nd at 54th Engineering Brigade ng AFP na makakatuwang
ng engineering units ng Philippine Air Force at Philippine Navy.

Sinabi ni
Padilla na ang nasabing specialized military units ay orga­nisado at may sapat
na kapabilidad para magsagawa ng rehabilitation program sa lungsod ng Marawi.

Nabatid na
ang naturang mga Engineering units ay nakapagsagawa ng dalawang libong community
projects sa buong kapuluan simula pa noong 2007.

Samantalang
kabilang dito ay mga gusali sa eskuwelahan, farm to market roads, rural
electrification projects, water systems, day care at health centers.

Samantala, hinikayat
naman ng Department of Finance ang mga bangko sa Marawi City na magbukas sa
sandaling simulan na ng gobyerno ang rehabilitation ng lungsod.

Sinabi ni
Finance Sec. Carlos Dominguez na kailangan ng mga taga-Marawi ang pagbubukas ng
bangko para sa kanilang negosyo kapag nanumbalik na ang normalidad sa lungsod. GAGAWIN simula
sa darating na July 18 hanggang July 21 ang Gamutang Pangkalahatan, Harirayang
Handog ng Maguindanao Provincial Hospital sa Datu Hoffer, Maguindanao.

Sinabi ni
Health Officer 2 Dr. Tahir Sulaik na nagpapatuloy ang kanilang screening sa
lahat ng mga nais sumailalim sa libreng medical check-up, libreng minor at
major operations.

Aniya,
namimigay din sila ng mga libreng gamot para sa mga nangangailangan nito.

Taon-taon ay
ginagawa ang aktibidad bilang pasasalamat at paghikayat sa mga pasyenteng ayaw
magtungo ng ospital kahit na may iniindang karamdaman.

Sanib puwersa
ang medical experts mula sa Maguindanao, Cotabato City, South Cotabato, at
Davao City para sa pagpapatupad ng naturang programa. Makakaapekto sa kanilang kampanya kontra krimen ang pagtanggal ng National Police Commission o Napolcom ng supervisory powers sa mga local police ng ilang mga local chief executives sa bansa.
Ito ay ayon kay Kalamansig, Sultan Kudarat Mayor Ronan Eugene Garcia.
Ayon kay Garcia tila nabalewala ng Napolcom ang mga ginawa nila para sa katiwasayan.
Sinabi ni Garcia na dahil sa kautusan na ito ng Napolcom maari ring malagay sa peligro ang buhay ng mga Local Chief Exeutives na agresibo sa pagsunod sa mga utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dinagdag din ni Garcia na hinihintay pa nito ang guidelines ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa usapin
Kabilang sa mga tinanggalan ng supervisory powers sa PNP ng Napolcom ang mga local chief executives sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Napolcom 12 Regional Director Veronica Hatague ito ay dahil sa kabiguan umano ng mga ito sa pagresolba ng krimen at kampanya kontra iligal na droga ng mga ito. Inaasahang aabot na sa mahigit 1,800 ang mga preso sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Centre o SCPRDC bago magtapos ang taon.
Ayon kay South Cotabato OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas umabot na kasi sa 1,451 ang mga inmate sa SCPRDC Hulyo pa lang nitong taon.
Ito ayon kay Lanzaderas ay mas mataas sa 1,318 na mga preso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nabatid na 1, 343 na mga preso sa pasilidad ay mga lalaki at 109 naman ang mga babae.
Ayon kay Lanzaderas, ang congestion rate sa SCPRDC o provincial jail ay tumaas ng 185% sa unang quarter ng 2017 at 212 % naman sa ikawalang quarter.
Sinabi ni Lanzaderas na ang piitan ay kaya lamang tumanggap ng 1,500 na mga preso.
Kinumpirma ni Lanzaderas na ang biglaang pagdami ng mga preso sa provincial jail ay resulta ng pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng pulisiya at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Sinabi ni Lanzaderas na para kahit papano ay matugunan ang pangangailangan ng mga preso humiling ng dagdag na lighting system at personnel ang SCPRDC sa pamahalaang panlalawigan.
Nais din ni Lanzaderas na magkaroon ng infirmary o lugar na maaring regular na makapagpa-check up ang mga preso sa provincial jail.
Ito ay kasunod ng pagpositibo sa HIV ng dalawa nilang mga inmate.
Sinabi ni Lanzaderas na pinakamaraming mga preso sa provincial jail ay sangkot sa iligal na droga, pumapangalawa naman ang mga kinasuhan ng murder at pangatlo ang rape.
Nagpalabas na ng module para sa mga grade 10 students ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth
Ayon kay Philhealth 12 Field Operations Division Chief, Eugenio Donatos II, ito ay bilang kabahagi ng paglakip ng social health insurance education sa basic curriculum sa high school, tulad ng Music, Arts,Physical Education, Health at MAPEH.
Sinabi ni Donatos na ang MAPEH Coordinators ng siyam na division ng Deped sa SOCCKSARGEN ay sinanay ng Social Health Insurance Academy of Philhealth noong Mayo.
Ang mga MAPEH Coordinators na ito ayon kay Donatos ang siya ring magsasanay sa mga guro na magtuturo ng mga programa ng Philhealth sa kanilang areas of responsibility.
Ituturo sa mga grade 10 students ang classification ng membership, premium na babayaran,at mga benipisyo ng isang Philhealth member.
Ayon kay Donatos mahalaga ang pagtuturo ng social insurance program sa mga high school students dahil hindi na maaring maging benepisyaro ng kanilang mga magulang ang mga ito paglagpas ng 21 anyos.
Ayo kay Donatos matapos ipatupad sa Rizal High School sa Pasig city noong nakaraang taon, itinuturo na sa mga paaralan sa buong bansa ngayong taon ang mga programa ng Philhealth.
Sinabi naman ni Philhealth 12 Regional Vice President Miriam Grace Pamonag na ang sinimulan nilang pagtuturo ng philhealth programs sa nursing at midwifery curriculum sa ilang kolehiyo sa lalawigan ng Sultan Kudarat ay ipinatutupad na rin sa buong bansa.
Bumalangkas ng resolusyon ang Regional Nutrition Committee ng National Nutrition Council o NNC 12 na humihikayat sa mga government line agencies at LGU na isulong ang mabuting nutrisyon.
Ito ay ayon kay NNC 12 Regional Program Coordinator Arceli Latonio.
Ayon kay Latonio layon ng resolusyon na masigurong tanging mga masustansyang pagkain lamang ang ihanda ng mga ahensya ng gobyerno at LGU sa mga meeting, conferences at iba pang aktibidad.
Ipinahayag ni Latonio na mahalaga na gawing parte ng pang araw araw na pamumuhay ang pangangalaga sa Nutrisyon at hindi lamang tuwing Nutrition Month Celebration.
Sinabi ni Latonio na sa kabila kasi ng kasaganahan ng region 12 sa mga masustansiyang pagkain tulad ng mga gulay at prutas marami pa rin ang hindi tumatangkilik sa mga ito.
Binigyan diin ni Latonio na para sa mas malusog na pangangatawan kailangan ang healthy diet. Si Latonio ay nanguna sa regional launching kahapon sa Koronadal ng 43rd National Nutrition Month Celebration.
Ang selebrasyon ngayong taon ay naka-angkla sa temang Healthy Diet Gawing Habit for Life.

Ni-reactivate ng Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato ang kanilang Committee on Proper Solid Waste Management o CPSWM.
Layon nito na mapanatili ang kalinisan sa mga venue ng mga aktibidad sa nalalapit na 18th T’nalak Festival at 51st Foundation Anniversary ng lalawigan.
Ayon kay PEMO Environment Management Division Chief at CPSWM Co-Chair Elbe Balucanag, magtatalaga sila ng 40 mga street sweeper at 10 enforcer sa national highway at mga kalye ng Koronadal na pagdausan ng mga aktibidad sa selebrasyon.
Ayon kay Balucanag tutukan ng CPSWM ang Alunan Avenue, na sentro ng mga daily events tulad ng live band, T’nalak Food Garden, Bahay Kubo, Trade Fair andamp Exhibits ,Fun Rides at PROTECH Center
Sinabi ni Balucanag na maaring tatagal pa ang kanilang deployment hanggang sa pagtatapos ng mga continuing event sa katapusan ng Hulyo.
Umapela din si Balucanag sa mga mamamayan na makisaya sa isang linggong selebrasyon na maging responsable sa kanilang mga basura upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Koronadal.
Ang T’nalak Festival at Foundation Anniversary ng South Cotabato ay gaganapin sa July 12 hanggang 18.
Pero ngayon pa lamang ay nakapag display na ng kanilang mga produkto malapit sa Rizal park ang mga kalahok sa Agri-Trade Fair na isa sa mga continuing events sa selebrasyon. Tuloy pa rin ang suporta nito sa mga programa kontra iligal na droga at iba pang krimen ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tiniyak ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu sa kabila ng pagkakasama nito sa talaan ng mga opisyal na tinanggalan ng supervisory powers sa local police ng national police commission o NAPOLCOM.
Umaasa si Mangudadatu na ang kautusan na ito ng Napolcom ay maaring makabubuti pa sa kanilang lalawigan.
Paliwanag nito kapag mula mismo sa higher command ng PNP ang mandato, maaring mas magagawa pa ng mga pulis sa Sultan Kudarat ang matagal na nitong iniutos sa kanila.
Aminado si Mangadadatu na hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nalilipol ang mga drug personalities at iba pang masasamang loob sa Sultan Kudarat kahit kabilang ang mga ito sa mga pinatutukan niya sa PNP.
Sinabi ng gobernador na ang pagtanggal ng supervisory powers ng mga local chief executives sa PNP ay hindi naman makaapekto sa pagpapatupad ng mga proyektong pang imprastraktura at kaunlaran sa lalawigan. Kinumpirma ni Lieutenant Colonel Harold Cabunoc,
commanding officer ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, ang ulat na
nag-aalok ng tig-i-isang daang libong piso sa bawat recruit nila ang Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ginawa ni Cabunoc ang pahayag matapos nagkabakbakan
nito'ng Martes ang kanilang tropa sa mga miyembro ng BIFF sa may Sitio Magisa,
Barangay Mangadeg sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao.

Sa naturang enkwentro, patay ang dalawang BIFF
member at huli ang anim pa nilang mga kasama.

Di naman naniniwala si Cabunoc sa kakayahan ng BIFF
magbigay ng cash sa kanilang mga recruit.

Ibinatay ng Army official ang kanyang pahayag sa mga
ikinukwento rin sa kanila ng ilang mga residente ng Datu Paglas.

KINILALA ang nasawi'ng preso na si Dario Gascon na
edad saysenta'y uno.

Sakit na tuberculosis ang sanhi umano ng kamatayan
ni Gascon, ayon kay provincial jail warden, Superintendent Simeon Dolojo Jr.

Ayon kay Dolojo, ilang araw din na na-confine sa
Cotabato Provincial Hospital sa Barangay Amas, Kidapawan City ang preso bago
ito tuluyang binawian ng buhay.

Batay sa record, namatay si Gascon dahil sa cardio
pulmonary arrest secondary to respiratory failure at TB.

Si Gascon ang ikalawang preso na nasawi dahil sa
sakit, simula nang manungkulan si Dolojo bilang warden ng provincial jail.

Heavy congestion at di maayos na mga pasilidad sa
presuhan ang ilan sa mga dahilan na binanggit ni Dolojo kung bakit mabilis sa
pagkalat ang mga nakakahawang sakit, tulad ng TB.

Pero ang mga ito ay pinagsisikapan ng Bureau of Jail
Management and Penology na mabigyan ng solusyon, ayon pa kay Dolojo.

Samantala, tiniyak ni Dolojo na walang preso sa
district jail ang positibo sa human immuno deficiency o HIV. NDBC BIDA BALITA

NAGSAMPA na ng reklamo sa Prosecution Office sa
Kidapawan City ang ilang mga may-ari ng bahay at istruktura na apektado ng
demolition ng Cotabato provincial government.

Ayon kay Jonathan Aballe, ang taga-pagsalita ng
grupo, paraan nila ito para makamit ang hustisya at katarungan sa kanilang
sinapit.

Kwento niya sa NDBC Kidapawan, walang sapat na
batayan at dahilan ang Cotabato provincial LGU para palayasin sila sa
kinatitirikan nila’ng lote sa Barangay Amas.

Una na raw ang kawalan ng court order para sa
demolition.

May pag-iimbot rin umano sa panig ng provincial LGU
nang sabihin nila sa mga ginanap na mga konsultasyon na ang sakop lamang ng
road widening ay ang walong metro mula sa kalsada.

Ang di raw nila inakala ay aabot sa 43 hanggang 50
meters mula sa kalsada ang lawak ng widening project ng provincial LGU.

Tumanggi si Abella na banggitin pa ang mga legal
move na gagawin nila dahil nasa prosekusyon na ang kanilang reklamo. Ang
demolition ay sinimulan nito pang June 13. Nagpatuloy ito hanggang Miyerkules.
NDBC BIDA BALITA

NAKATAKDANG gawin ng Blood Bank ng Health Office sa
Kidapawan City ang mga blood letting activities ngayong buwan ng Hulyo.

Layon nito na makalikom ng sapat na suplay ng dugo
para sa blood bank, lalo pa’t kapag buwan ng Hunyo at Hulyo ay mataas ang kaso
ng dengue.

Ang dengue, kapag lumala, ay nangangailangan ng
blood transfusion, partikular ng platelet.

Kaugnay nito, nanawagan ang Kidapawan LGU sa mga
mamamayan na mag-donate ng dugo para madagdagan ang kasalukuyang suplay sa
blood bank. NDBC BIDA BALITA

HIGIT dekada na ang grupo’ng, Manobo Apo
Descendants Ancestral Domain of Mt. Apo o MADADMA .

Ang grupo’ng ito ng mga katutubo ang apektado noon
nang itayo sa Mount Apo, particular sa Barangay llomavis sa Kidapawan City, ang
dalawang mga planta ng geothermal na pag-aari noon ng Philippine National Oil
Company o PNOC Sila rin ang mga benepisyaryo sa mga proyekto mula sa kita ng
geothermal power plant.

Noong Martes, ipinagdiwang ng MADADMA ang pagkilala
ng Registry of Deeds sa kanilang mga lupain, labing-dalawang taon na ang
nakalilipas.

Katunayan, nabigyan na sila ng titulo para sa
tatlong libong ektaryang lupain sa may Barangay Ilomavis.

Nakamit umano ng MADADMA ang tagumpay sa kanilang
pakikibaka, sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP.

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...