Saturday Sep, 19 2020 12:53:40 AM

NDBC BIDA BALITA (8.27.19)

NDBC BALITA • 09:45 AM Tue Aug 27, 2019
579
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. LGU Sultan Kudarat, naglatag ng panuntutuan sa operasyon ng motorized banca kasunod ng trahedya na ikinasawi ng 5 katao

2. ABOT sa 15 sachets ng pinaniniwalaang shabu, natagpuan sa loob ng isang selda sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Facility.

3. Nagpakilalang MNLF leader, arestado matapos makuhanan ng armas at illegal drugs sa Magpet, North Cotabato

4. NIA employee huli sa drug buy bust operation sa Kidapawan City

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA.

 

 

-0-

NASA 200 mga Pump Boat Operator sa Sultan Kudarat, Maguindanao ang pupulungin ni Sultan Kudarat mayor Datu Shameem Mastura para maglatag ng mahahalagang panuntunan.

Ito ay upang maiwasang maulit pa ang nangyaring banggaan ng dalawang mga bangka na ikinasawi ng lima katao.

Sinabi ni Mastura na ipinatawag niya ang mga pump boat operator para ipaalam sa mga ito ang mga sumusunod na panuntunan;

> Kailangang may suot na “Life jacket” ang lahat ng mga sasakay ng pampasaherong pump boat.

> Kailangan ding may ilaw ang mga pump boat na bumibyahe sa gabi.

> Dapat din aniyang may manifesto o dokumentado ang lahat ng mga sasakay sa pampasaherong pump boat.

Mahigpit na rin ipatutupad ang curfew hour sa biyahe ng mga pump boat na hanggang alas siyete ng gabi lamang maliban na lamang sa emergency situation.

Sabi pa ni mayor Mastura, magkakaroon na rin ng “Bantay Pulangi” na magmo-monitor ng lahat ng mga bumibyaheng pampasaherong pump boat sa ilog na bahagi ng Sultan Kudarat.

Una rito, lima katao ang nasawi sa salpukan ng mga pampasaherong bangka sa Brgy. Bulibod ng naturang bayan nitong Sabado ng gabi.

Unang natagpuan noong Linggo ang mga bangkay nina Jomar Ugak, Johaina Salem at Ustadz Helmi Nurodin.

Sunod namang natagpuan ng search and retrieval team kahapon ng umaga ang bangkay ni Sidik Esmael at panghuling na-recover ang bangkay ng pump boat operator na si Pude Guiarel.

Ang lima ay agad ding binigyang ng maayos na libing na naayon sa paraan ng Islam.

Samantala, bukod sa pamilya ng mga namatayan, nagbigay din ng tulong pinansyal si ang Sultan Kudarat LGU sa mga nasugatan sa aksidente na sa ngayon ay patuloy na nagpapagamot sa ospital.

 

-0-

 

UMAABOT sa 15 sachets ng pinaniniwalaang shabu ang nadiskubre sa loob ng isang selda sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Facility.

Sinabi ni South Cotabato provincial Jail Warden Felicito Gumapac na sa pagpapatuloy ng kanilang mas pina-igting na greyhound operation ay natagpuan sa Jail 16 ang 15 mga pakete ng shabu na isinilid pa ng mga inmate sa loob ng tubo.

Ayon kay Gumapac, nasa 118 inmates ngayon ang isinasailalim sa imbestigasyon matapos ang insidente.

Una rito, nasa mahigit 40 mga inmate din ng naturang bilangguan ang nagpositibo sa pagggamit ng iligal na droga matapos ang isinagawang surprise at random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.

 

-0-

 

NILINAW ngayon ni BARMM Bangsamoro Transition Authority o BTA Majority Floor leader Atty. Lanang Ali Jr. na ang decommissioning process ng MILF combatants ngayong September 7, 2019 ay hindi maihahalintulad sa pagsuko o pag-surrender ng mga ito.

Ayon kay Ali, hindi umano nakalagay sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ang salitang SURRENDER ng mga armas bagkus ay ilalagay ang mga ito sa isang lugar na babantayan naman ng Joint Peace and Security Teams o JPST na nakabase sa Camp Abubakar.

Sa ngayon aniya, ay pag-uusapan pa ng gobyerno at MILF kung ano ang dapat na gawin sa mga armas na ito ng organisasyon.

Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ng Sultan Kudarat LGU, PNP at AFP ang isasagawang “Decommissioning Process” na gagawin sa Old Provincial Capitol sa bayan na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Duterte.

Bukod sa PNP at AFP checkpoints papasok at palabas ng Sultan Kudarat ay mahigpit din seguridad sa loob at labas ng venue.

Sa panig ng LGU, titiyakin din nito na may sapat na mekanismo para sa maayos na daloy ng trapiko sa national highway.

 

-0-

 

ARESTADO ang 27-taong gulang na lalaki matapos na habulin nito ng palakol ang kanyang sariling ama sa Barangay Poblacion 7, Cotabato city.

Nakilala ang suspek na si Nasrudin Malang, 27 years old, may asawa, driver na residente ng Purok Usman ng naturang baranagay.

Sa report ng City PNP, pasado alas otso ng umaga kahapon nang habulin ni Malang ng palakol ang ama.

Pinaniniwalaan namang lango sa iligal na droga ang suspek na agad namang dinakip ng mga opisyal ng barangay at inihatid sa Police Station 1.

Sa himpilan ng pulisya nadiskubre ng mga otoridad ang isang sachet ng suspected shabu sa garter ng kanyang suot na shorts ni Malang.

Magsisi man ang suspek sa ginawa sa ama, sasampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa RA 9165 ng mga otoridad.

 

-0-

 

SUGATAN ang isang miembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU nang aksidenteng pumutok ang kanyang baril sa Barira, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Insuh Sandiali, 35 anyos, CAFGU member sa ilalim ng Army’s 38th Infantry Battalion Philippine.

Sa report ng mga otoridad, nagmamadali umanong umalis ang biktima at patungo sana sa kanilang detachment nang aksidenteng pumutok ang baril nito at tumama sa kanyang binti.

Agad namang isinugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa ospital sa Cotabato city.

 

-0-

 

Abot sa higit anim na raan ang lumahok sa panawagan ng Philippine Military Academy o PMA na kumuha ng admission test sa Kidapawan City kamakailan.

Ang PMA admission test ay isinagawa sa City gymnasium noong sabado na pinangunahan mismo ng mga opisyal ng PMA.

Pero marami din ang na “disqualify” dahil hindi nakapasa sa mga requirements ng PMA tulad ng dapat ay edad 17 anyos hanggang 21 years old lamang at ang iba ay hindi umabot ng 5’5 ang taas kapwa sa babae at mga lalaki.

Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ng pagkakaon ang taga Mindanao lalo na ang mga taga North Cotabato na makapasok din sa akademya. Ito ay bukas kahit sa mga highschool graduates na may 85 percent na general average. Ilalathala ng PMA sa mga National Newspapers ang mga pumasa sa Admission Test o di kaya ay ipapadala ang notices sa pamamagitan ng mail.

Marami ang kumuha ng pagsusulit na mula sa lungsod dahil may magandang oportunidad na naghihintay sa mga graduates ng PMA para maging opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Ito ay maliban pa sa pagiging iskolar sa akademya sa loob apat na taon na may kalakip na libreng monthly allowances habang nag-aaral.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Arestado ang isang 29 anyos na lalaki na empleyado ng National Irrigation Authority Employee o NIA sa isinagawang search warrant operation ng PNP alas 2:00 ng madaling araw kanina sa Mendoza Subdivision Kidapawan City.

Kinilala ang suspek na si Ares Mendoza Tiway Jr., isang project techncian na nakatira sa nasabing lugar.

Dala ng pulisya at PDEA region 12 ang searh warrant na inisyu ng isang hukom sa Kidapawan City na may paglabag sa Section 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangeous Drugs Act of 2002.

Sa paghalughog sa bahay ng suspek ang tatlong mga sachet ng iligal na droga na nagkakalaga ng 1,500. Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Kidapawan City PNP at nakatkdang sasampahan ng kaukulang kaso ngayong araw.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Hinikayat ni Acting Governor Shirlyn Macasarte-Villanueva ang mga mamamayan sa North Cotabato na magkaisa sa kabila ng nararasanang pagsubok ng probinsya ngayon.

Ito ang laman ng kanyang mensahe sa pagbubukas ng Kalivungan Festival at Market-market sa kapitolyo kahapon sa 105th Founding Anniversary ng Cotabato Province.

Iginiit nito na bagaman ay may nararanasang pagsubok ang probinsya lalo’t katatapos lamang ng eleksyon ay hindi dapat magkawat-watak ang Cotabateños lalo na sa hangaring makamit ang tagumpay ng selebrasyon.

Dagdag pa nito dapat magtrabaho lamang na hindi batid ang partidong pinanggalingan noong nakaraang eleksyon at sa ganitong paraan ay makakamit ang maayos na paggunita ng Kalivungan Festival. Inimbitahan din ng opisyal ang mga taga North Cotabato na makiisa sa nasabibg selebrasyon na magtatagal hanggal Setyembre a-uno. 

Samantala naging matiwasay naman ang pagbubukas ng nasabing okasyon kung saang sinaksihan ng publiko ang mga exhibits at booth display na naglalaman ng natatanging produkto ng bawat bayan sa lalawigan, small and medium enterprises at cooperative display.

Ang market-market sa kapitolyo ay isang linggong aktibidad na nagbukas kahapon at magtatagal hanggang September 1 kasabay ng culmination program at awarding ng best dressed booth ang lead. Tema ng Kalivungan Festival ngayon taon “Masaganang Cotabato: Dumaki.”(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Wala ng buhay nang madiskubre ng Kidapawan City PNP ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa loob ng custodial facility alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala itong si JAMEL AYON FUERTE, 47-anyos, single, isang helper na residente ng Brgy Singao, Kidapawan City.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay City PNP Chief Police Lt. Col. Rammel Hojilla, tie-box na tinali sa damit ang ginamit ni Fuerte para kitilin ang kanyang buhay.

Dagdag pa ni Hojilla na sa kanilang inisyal na pagsisiyasat ay wala namang foul-play sa nasabing insidente. Nabatid na si Fuerte ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Act of Lasciviousness.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP hinggil sa nasabing insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Nagpakilalang MNLF Leader, arestado matapos makuhanan ng armas at hinihinalalang droga sa Magpet North Cotabato

Arestado ang mag-asawa na nagpakilalang mga miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF matapos na makuhanan ng iligal na armas, pampasabog at hinihinalang droga sa isinagawang operasyon ng Magpet PNP.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lito Andi, 44 anyos at asawa nitong si Michelle Baya Andi na residente ng Purok Mahayahay Poblacion, Magpet Cotabato.

Dala ang search warrant na ipinalabas ng korte ay pinasok ng team ng Magpet PNP katuwang ang 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang bahay ng mga suspek.

Sa paghaloghug sa kanilang bahay ay nakuha ang isang homemade na 5. 56 na baril at may siyam na bala, isang m203 grenade at isang maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Matatandaang una ng ipinatawag ng LGU si Andi dahil sa pangre recruit umano nito sa mga residente ng bayan para maging kasapi ng MNLF na pinangakuang makakatanggap ng sahod.

Sa hiwalay na panayam kamakailan kay Magpet PNP Police Captain Rolando Dillera, umabot na sa 200 ang kanilang na recruit sa bayan. Nangungolekta rin ang mga ito ng pera na para umano sa ID.

Nang hingan sila ng dokumento ay wala maipakita ang mga ito at sinabihan mismo ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga na ipatigil ang kanilang recruitment activity sa bayan.

Sa operasyon kagabi ay nakita din sa katabi ng kanilang bahay ang kanilang pansamantalang kampo na may nakasabit na mga flag ng MNLF. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Magingat sa pagmamaneho lalong lalo na ang mga nakamotorsiklo para iwas disgrasya. Ito ang panawagan sa mga mamamayan ni Koronadal City PNP Traffic Section Head Police Staff Sergeant Leo Dimaculangan.

Ayon kay Dimaculangan, mahalaga sa mga nagmomotrsiklo na sumuot ng helment bilang proteksyon. Dapat din ayon kay Dimaculangan na iwasan ang overloading. Ipinahayag ito ng Dimaculangan kasunod ng pagkamatay ng tatlo katao sanhi ng vehicular crash sa Koronadal City kamakalawa.

Kinilala ni Dimaculangan ang mga biktimang na sina Ariel Cuenca, 31 years old , live-in partner nitong si Anabele Pizon at ang kanilang anim na taong gulang na anak na si Aryan Cuenca.

Ayon kay Dimaculangan nabangga ng motorsiklo na minamaneho ng biktimang si Ariel ang kasalubog ng itim na Toyota pick up.

Ito ay matapos magtangkang mag-overtake sa sinusundang sasakyan sa national highway Barangay Saravia, Koronadal City. Ayon kay Dimnaculangan overloaded din ang motoriskoong sinakyang ng mga biktima dahil may lulan pa itong isang sako ng lansones.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok nito sa pick up truck ang mga biktima na tumilapon sa highway ay nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo. Sila ay ideneklarang dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Ang driver naman ng Ford Ranger Pick up na nabangga ng mga ito na si Jadessa Autor, 44 years old, ng Glan Sarangani ay ikinustodya ng Koronadal PNP. ] Ito ay hapang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

 

-0-

Naglagay ng apatnapung sampling stations ng Water Quality Management Area o WQMA ang Department of Environment and Natural Resources sa mga coastal towns ng Sarangani Bay. Matatagpuan ito sa mga bayan ng Maasim, Alabel, Malapatan, Glan at General Santos City.

Ang WQMA sa nasabing mga lugar ay mariing minomonitor ng DENR 12 sa pamumuno ni Regional Director Sabdullah Abubacar. Ito ay sa pamamagitan ng Environment and Management Bureau o EMB 12 ng nasabing ahensya na pinamumunuan naman ni Regional Director Alex Jimenez.

Ipinahayag ni EMB 12 Senior Environment Specialist Willie Loyola na kailangan na maipatuloy ang mga proyekto sa pangangalaga sa Sarangani Bay.

Ayon kay Loyola base sa kanilang pinakahuling monitoring kailangan masolosyonan kaagad ang labis na Fecal Coliform, Dissolved Oxygen, Oil o grasa at Total Suspended in Solid sa Sarangani Based Protected Area.

Kaugnay nito sinabi ni Loyola na para maresolba ang nasabing mga problema inirerekomenda ng DENR ang mga sumusunod: Pagtuturo sa mga komunidad ng proper hygiene at solid waste management sa pakikipagugnayan sa Department of health at lokal na pamahalaan, industry monitoring, at malawakang information education campaign.

Ayon kay Loyola kailangan din ang maigting na monitoring sa mga quarry sites sa mga ilog at iba pang anyong tubig na dumadaloy sa Sarangani Bay.

 

-0-

 

Namimili na ng 100 mga mahihirap na kabataan para sa Jobstart Philippines Program ng Department of Labor and Employment ang mga Public Employment Services Office o PESO sa region 12.

Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano prayoridad nilang sanayin para mas madaling makahanap ng trabaho ang mga mahihirap. Ang mga benepisyaryo ng Jobstart Philippines Program ay sasailalim sa sampung araw na day-life skills training, at tatlong buwang technical training.

May pagkakataon din ang mga ito na magkaroon ng internship sa walong mga kompanya na pinili ng DOLE. Layun ng Jobstart na matulungan na makapagtrabaho ang mga nasa 18 hanggang 24 years old na nakatapos ng high school.

Ipinatutupad ito ng Bureau of Local Employment ng DOLE at pinondohan ng Canadian government at Asian Development Bank. Ayon kay Cano ang Jobstart program ay napakinabangan ng mahigit 200 mahihirap na kapabataan sa region 12 noong nakaraang taon.

 

-0-

 

Gunban kaugnay sa special election sa Oktobre ipinatutupad na ng Comelec sa South Cotabato

Sinimulan na kahapon ang Comelec gunban at checkpoint sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ay bilang paghahanda sa special election sa pagka-kongresista sa General Santos City at unang Distrito ng South Cotabato.

Kaugnay nito, ipinahayag ni South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Gerada, na nire-activate na rin ng Comelec ang kanilang security at working committees.

Nilinaw naman ni Gerada na sakop lamang ng Gunban ang mga bayan sa unang distrito ng South Cotabato kung saan gaganapin ang special election.

Ang mga ito ay ang mga bayan ng Tupi, Polomolok at Tampakan na pipili ng kanilang magiging kinatawan sa Kongreso. Saklaw din nito ang General Santos City.

Ayon kay Gerada magsisimula naman ang campaign period sa September 11. Ito ay magtatapos naman dalawang araw bago ang Special Elections sa October 26. Matatandaan na hindi natuloy ang pagpili ng kinatawan sa kongreso sa unang distrito ng South Cotabato noong Mayo matapos itatag ang hiwalay na distrito mula dito ng General Santos City.

 

-0-

 

Malasakit Center para sa mga mahihirap na pasyente balak ilagay ng Office of the President sa South Cotabato

Makapagbigay ng mura at dekalidad na serbisyong pangnakalusugan sa mga mamamayan ang Malasakit Center na planong ilagay ng Office of the President sa South Cotabato.

Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Ayon kay Tamayo sa ngayon ay humihiling ito ng authority sa Sangguniang Panlalawigan. Ito ay para makapaglagda ng kasunduan hinggil sa nasabing pasilidad sa Office of the president.

Ang usapin ay nasa Committee level na ng konseho. Ang Malasakit Center ay ilalagay sa Provinical Hospital ng South Cotabato.

Ito ay isang one-stop shop kung saan matatagpuan ang mga kinatawan ng Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, Philhealth at Department of Social Welfare and Development office.

Layun ng Malasakit Center na mapabilis ang pagbibigay ng tulong ng nasabing mga ahensya ng pamahalaan. Mayroon itong P5 million na pondo kada buwan na laan para sa mga hospital fees, at iba pang pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente.

Fire hits printing office near Koronadal Cathedral

Printing Press malapit sa Christ The King Cathedral sa Koronadal City, nasunog. Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi, alas 5:45 ng hapon nagsimula...

Cotabato Light's accredited payment center remains open until 1 p.m. on Saturday Sept. 19

Please be informed that our Accredited Service Center at Alnor Commercial Complex is OPEN every Saturday from 7:30 AM to 1:00 PM while No Movement is...

Maguindanao farmers lose millions of agri-crops to floods

COTABATO CITY – As the proverb saying goes “Don't count your chickens until they are hatched.” This is how a farmer described his fate while...

NDBC COVID WATCH: 9 recover, 20 new cases in Region 12

COTABATO CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today reported that nine patients have recovered from the coronavirus disease...

READI reaches out to flood-stricken communities

COTABATO CITY --- The Bangsamoro government is now reaching out to villagers hit by floods that swept through several towns in Maguindanao and...