Thursday May, 16 2024 10:26:04 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 12, 2016)

 • 16:05 PM Fri Aug 12, 2016
1,405
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 12,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. GOBYERNO at MILF, mag-uusap ukol sa CAB2. DALAWA patay, 3 iba pa kritikal sa vehicular accident sa North Cotabato3. TULONG sa mga nasunugan sa Koronadal
city, tiniyak ng LGU.

4. Warm welcome kay Pinay Olympic silver medalistHidilyn Diaz and//aboutcagayandeoro.com/wp-content/uploads/2016/08/Hidilyn-Diaz.jpg (courtesy of sand//www.google.com.ph/url?sa=iandamprct=jandampq=andampesrc=sandampsource=im... aboutcagayandeoro.com ) MAGPUPULONG ang mga kinatawan ng
gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Kuala
Lumpur, Malaysia ngayong weekend para pag-usapan ang implementasyon ng
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.

Sinabi ni Presidential Adviser on the
Peace Process Jesus Dureza na tapos na ang negosasyon ng GPH at MILF peace
panels kaya nakatakda nang ilunsad bukas ang ‘implementation stage’ ng Bangsamoro
enabling law na napagkasunduan ng magkabilang panig noong 2014.

Ang pagpupulong bukas ng peace panels
ng gobyerno at MILF ay kauna-unahan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo
Duterte.

Nabatid na kabilang sa mga agenda ng
naturang pagpupulong ay ang mga mekanismo sa bubuuhing enabling law na hahalili
sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Pag-uusapan din ang mga mahahalagang
probisyon ng CAB na pwede nang ipatupad gaya ng implementasyon ng mga socio-economic
development programs sa Mindanao.

Rerepasuhin din ng peace panels ang
komposisyon ng mga miembro ng Bangsamoro Transition Commission o BTC, ang
grupong inatasan bumalangkas ng bagong BBL.

Ayon kay Dureza, kailangan kasing
magkaroon ng kinatawan sa BTC ang Moro National Liberation Front, Autonomous Region
of Muslim Mindanao officials, at iba pang sector sa Mindanao.

Sa ngayon kasi, ang BTC ay binubuo
lamang ng walong kinatawan mula sa MILF at pitong appointees mula sa
pamahalaan.

Samantala, sa naturang pagpupulong din
bukas ipapaalam sa mga Malaysian facilitator ang Peace and Development
Roadmap” ng pamahalaang Duterte.

Si Secretary Dureza ang mangunguna sa
deligasyon ng gobyerno sa naturang meeting kasama si GPH peace panel chair
Irene Santiago at mga miembro nitong sina Office of the Presidential Adviser on
the Peace Process Undersecretaries Diosita Andot at Nabil Tan, at Assistant
Secretaries Dickson Hermoso at Rolando Asuncion. SUGATAN ang isang ginang nang aksidenteng makalabit ng isang
gwardya ang kanyang service firearm habang nagbabantay sa isang department store
sa Cotabato city.

Nakilala ang biktima na si Pahima Ibay, 36 years old, at taga- Parang,
Maguindanao.

Kwento pa ni Ibay, pasado alas otso ng umaga kahapon habang
nakatayo siya sa harap ng isang department store sa Bonifacio Street ng lungsod
nang mapansin niya ang grupo ng mga gwardya na pinaglalaruan ang kanilang mga
dalang baril.

Maya-maya pa ay umalingawngaw na ang isang malakas na putok mula
sa hindi natukoy na uri ng armas.

Pagkatapos ay napansin na lamang ni Ibay na duguan na siya dahil
sa tama ng splinter sa kanyang likod at sa kaliwang hita.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng City PNP
kaugnay ng pangyayari para matukoy kung kaninong baril ang pumutok at kung
totoong aksidente ang naturang pangyayari.

Bunsod
ng nagpapatuloy na operasyon ng mga pulis kontra iligal na droga at patuloy na paglobo
ng mga nahuhuling drug personalities sa Cotabato city, ay mas lalong tumindi
ang pangangailangan ng karagdagang lulungan para sa mga nahuhuling drug suspect.

Nagsisiksikan
ngayon ang mga bilanggo sa mga kulungan sa lungsod habang nililitis pa ang kanilang
mga kinakaharap na kaso.

Sa
sobrang sikip at init na nararamdaman ng mga preso ay hindi maiwasan na malagay
sa alanganin ang kanilang kalusugan.

Nabatid
na sa halip na sampung tao lamang dapat ang laman ng isang selda, sa ngayon ay
abot sa 20 o higit pa ang mga nakakulong doon.

Sa
eksklusibong panayam ng DXMS AM - RADYO BIDA sa mga preso, ipinaabot nila ang
kanilang hinaing at panawagan sa lokal na pamahalaan ng lungsod at maging sa national
government.

Hindi
lang ang Cotabato city ang may ganitong senaryo sa mga kulongan, kundi maging
sa buong bansa.

Sa
panig naman ng pamahalaang lokal ng lungsod, may inilaan na itong pondo para sa
expansion at karagdagang selda na ilalagay sa Police Station Number 1 habang
hinihintay ang pagtatayo ng mas malaking presohan ng BJMP dito sa lungsod. PATAY
na nang madatnan ng Midsayap PNP ang isang duck raiser sa barangay Tumbras,
Midsayap, North Cotabato.

Pasado
alas dos ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Midsayap PNP hinggil sa
narinig na mga putok ng baril sa naturang barangay kaya agad rumesponde ang mga
otoridad.

Sa
lugar natagpuan na lamang nilang nakabulagta sa loob ng isang kubo at wala ng
buhay ang biktimang si Anwar Bukong Tubog, 35 years old at taga barangay Malatimon,
Ampatuan, Maguindanao.

Ang
biktima ay may mga tama ng bala sa kanyang dibdib, likod at balikat mula sa
M-16 rifle.

Ito na
ang ikalawang kaso ng pamamaril sa lugar.

Una
nang nabaril at napatay sa lguar ang payong payong driver na si Brenda Albarico
at sinasabing pagnanakaw ang motibo sa naturang krimen.

ISINAGAWA sa Cotabato city ang kauna-unahang Drug Summit kahapon
ng umaga sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ito ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal ng lungsod sa pamumuno
ni Cotabato City Administrator Dr. Danda Juanday, mga Baranggay chairman at
Baranggay Kagawad mula sa 37 Baranggay ng lungsod at mga law inforcers na
kinabibilangan ng kapulisan ,PDEA, CIDG, DILG at iba pang mga stakeholder.

Bunsod ito ng patuloy na kampanya ng gobyerno kontra iligal na
droga na isa sa prayoridad ng administrasyong Duterte.

Tinalakay sa Naturang Summit ang masamang epekto ng droga sa mga
mamamayan ng lungsod na dahilan ng pagtaas ng kriminalidad sa nakalipas na mga
taon.

Napag usapan din sa naturang pagtitipon ang kahalagahan ng
suporta ng bawat sektor para tuluyang wakasan ang giyera kontra iligal na
droga.

Ipinaliwanag naman ng kapulisan ang tamang protocol sa
pagpapatupad nila ng Project double barrel kung saan nakapaloob dito ang oplan
TOKHANG.

Nilinaw ng PNP na hindi ibig sabihin na kapag kinatok ka ng
kapulisan sa iyong pamamahay ay drug suspek ka na.

Ang tokhang umano ay isang paraan din ng kapulisan upang
magpalaganap ng tamang impormasyon sa mamamayan hinggil sa masamang dulot ng iligal na droga.

Pagaaralan ng technical Working group ng traffic management office ng Koronadal kung papaano maipatupad ang 1994 traffic ordinance ng lungsod.
Ito ay upang maipatupad ng walang sablay ang Non-Pila/No Parking Policy sa Alunan Avenue, General Santos Drive at iba pang ma-trapik na kalye na pagaari ng gobyerno sa Koronadal City.
Ang pag-revisit sa ordinansa ay napagkasunduan ng mga opisyal ng iba’t ibang grupo ng tricyle operators at drivers sa Koronadal na dumalo sa consultation dialogue ni City Councilor Francis Ross Dideles.Ayon kay Dideles na siya ring Chairman ng Committee on Public Order and Safety ng konseho, habang pinagaaralan pa ang ordinansa, inirekomdenda nito sa city traffic division na maglagay ng sinage ng city traffic ordinance at kaakibat na parusa sa mga lalabag dito Ipinahayag ni Dideles na hihilingin din nito ang tulong ng mayari ng mga mall at iba pang malalaking commercial establishments upang maresolba ang problema sa trapiko.Ito ay matapos kwestyunin ng mga tricyle drivers at operator sa Koronadal City ang pagbabawal ng pila sa Aquino at Osmena Streets ng mula alas sais ng umaga alas sais ng gabi.
Layon nito na maiwasan ang problema sa trapik sa lugar na matagal nang dinaring ng mga mamamayan sa Koronadal City.Ang naturang mga kalye kasi ay napapagitnaan ng dalawang mga mall sa lungsod.
Plano na lokal na pamahalaan ng South Cotabato na i-institutionalized o gawan ng ordinansa ang mga programa para sa mga Surfacing Personalities Involved in Drugs o SPID.Ayon kay Board Member Agustin Dema-ala,na siya ring Chairman ng Pubic Order and Safety ng konseho, kapag natuloy ang programa, ito ay kauna unahan sa buong bansa.Ipinahayag ni Dema-ala na maging si Department of Interior and Local Government o DILG Secretary at dating South Cotabato Governor Mike Sueno ay pabor na gawing pilot area ang lalawigan sa programa upang matulungan ang mga drug personalities na nais magbagong buhay.Ayon kay Dema-ala, bilang paunang hakbang, bubuo ng Techniwal Working Group o TWG ang Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC upang makipag ugnayan sa Provincial Social Welfare and Development Office, PNP, Parol and Probation Office, Integrated Provicial Health Office at Municipal Anti Drug Abuse Councils.Ito ay upang makapagbalangkas ng angkop na mga programa sa pagtulong sa mga resurfacing drug personalities.
Ang pag-institutionalized ng programa sa mga SPID ay hiniling mismo ni South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes.Ayon sa Gobernador ito lamang kasi ang tamang paraan upang mapabilis ang pagtulong sa mga resurfacing drug personalities na nais magbagong buhay.Sinabi ng gobernador na ang paglitaw ng mahigit 6,700 drug users at pushers sa South Cotabato ay patunay ng nababahalang problema ng illegal drugs sa lalawigan na dapat masolosyonan sa lalong madalong panahon.
Kailangan naman ng lalawigan ng mahigit P3 million sa unang bugso ng pagpapatupad ng programa .Ang pondo ay gagamitin sa pagsasanay ng mga health personnel at pagbuo ng TWG.
Saklaw naman ng P13 million budget sa pangmatagalang plano ang training ng walong mga doctor para maging accredited Drug Dependent Physicians.Gagamitin din ang pondo sa pagbili ng mga detoxification medicines, drug testing kits at pagtatayo ng Barracks type acute psychiatric unit o rehabilitation facility at pagtatag ng mga Care Center sa bawat Local Government Unit. Nanatili ngayon sa custody ng Highway Patrol Group o HPG South Cotabato ang 46 anyos na si Dodong Tocbas, residente ng Sultan Dimapuro,Lanao Del Norte.Ayon kay HPG Chief, Police Chief Inspector Arnold Carino, inaresto nila si Tocbas matapos mahulog sa wallet nito ang isang sachet ng suspected shabu habang kinukuha ang lisensya na hiniling ng mga pulis.
Hinarang ng mga pulis ang ang van na minamenho ng suspek sa national highway barangay Morales, matapos mabatid na ito ay colorum.
Nadiskubre din ng mga pulis sa loob ng pampasaherong van ang ilang pang sachet ng umano’y shabu.Ayon kay Carino, hinigpitan ng HPG ang pagbabantay sa national highway bunsod ng tip na natanggap nilang isang colorum na van na may dalang droga papuntang General Santos City ang dadaan sa Koronadal.Samantala, inihahanda na rin ng mga pulis ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa tatlong drug courier na naaresto sa Sitio Sto. Nino, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.Kinilala ni Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte ang mga suspek na magkakapatid na sina Jimmy Perong 32 anyos, massage therapist at Jaire Perong laborer na dadalhin sana ang iligal na droga sa kanialng lugar sa bayan ng T’boli.Kasama din ng magkapatid na Perong na naaresto ang 42 anyos na technician na si Morte Pineda, residente ng Pantual Village, Koronadal City.Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang may 3.93 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P30,000.Ayon kay Fuerte ang kontra bando na nakumpiska ay kinuha pa ng mga suspek sa Barangay Ambalgan, Sto. Nino na kilalang bagsakan ng iligal na droga.
Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang pagbibigay ng shelter o finanacial assistance sa mga pamilyang nasunugan sa Koronadal City.Ito ayon kay City Social Welfare and Development Officer Mary Jane GAbucan ay matapos makapagbigay ang kanilang tanggapan ng paunang relief assistance sa mga biktima.
Nilinaw ni Gabucan na ang matatanggap ng bawat nasunugang pamilya ay depende sa magiging resulta ng assessment ng CSWDO.Matatandaan na isa ang patay habang anim na pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang ancestral house ng pamilya Manuel sa corner Balomres at Dizon Streets, General Paulino, Santos Koronadal noong Myerkules.Sinabi naman ni City Fire Marshall, Fire Senior Inspector Reginald Legaste na natupok sa sunog ang mula P800,000 hanggang P1.2 million na halaga ng mga ari arian.
Di pa makumpirma ng mga bombero kung ano ang naging sanhi ng sunog. Hiniling ni Koronadal City PNP, Chief of Police, Superintendent Barne Condes sa korte na madaliin ang pagisyu ng commitment order sa mga inmate na nasa kanilang lock up cell.Ito ayon kay Condes ay upang tuluyan nang mailipat ng kulungan at mabawasan ang siksikan ng mga preso sa lock up cell ng City PNP.
Nabatid na sa ngayon ay 35 mga inmate ang nagsisiksikan sa custodial facility ng PNP gayong 20 lang ang capacity nito.Tumaas ang bilangbunsod ng mas pinaigting na pagtugis sa mga drug personalities.Matatandaan na dahill sa siksikan ng mga preso, hindi na rin tumatanggap ng bagong mga inmate maging ang South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Center.Ayon naman sa isang taga Bureau of Jail Management and Penology o BJMP 12 na nakausap ng Radyo Bida Koronadal, maari ring paglagyan ng mga drug personalities na maaresto ang kanilang mga pasilidad sa iba pang bayan ng South Cotabato. Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang isang CAFGU member sa ilalim ng 38th Infantry Batallion matapos siyang makuhana ng ililgal na

droga sa isinagawang highway inspection ng Pikit PNP sa barangay Hinatilan, Pikit North Cotabato.Kinilala ni Chief Ins. Bryan Placer, hepe ng Pikit PNP ang suspek na si Arnold Lapinid, 34 anyos, na naka-asayn sa brgy. Dalengawen at nakatira

naman sa brgy. Silik, Pikit.Nahuli ang suspek matapos maharang ang kanilang sinasakyan motorsiklo sa nabanggit na lugar.

Nabatid na kabilang rin pala sa drug watchlist si Lapinid at matagal nang minamanmanan ng PNP.Samantala kaparehong kaso rin ang isinampa kina Frederick Rasinis ng Brgy. New Cebu, President Roxas at isang Apolinario Mendoza Ambag ng

Kidapawan City nang mahulihan rin ng ilang sachet ng shabu.Ang dalawa ay naaresto nitong nakaraang martes ng umaga at pagsapit naman nang hapon ay nasakote rin ang isa pang suspek na si Kusain Sundong na

nakuhanan rin ng iligal na droga.Nitong miyekules naman isang Norhana Maliling, at Borhan Batuwa parehong taga Poblacion Pagalungan, Maguindanao ang ikinulong ng mga otoridad

matapos makuhanan ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nakakakulong na rin ngayon ang dalawa habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.Sa ngayon, tuloy tuloy pa rin ang kampanya ng Pikit PNP kontra iligal na droga sa bayan at tiniyak ni Placer na hihigpitan pa nila ang kanilang

ginagawang monitoring dahil ilan na rin sa kanilang mga nahuling suspek ay una nang nag surface sa PNP.
Pinaalalahanan ngayon ng mga otoridad ang lahat ng mga motorista na mag-iingat sa pagmamaneho lalo na kapag gabi.Ito matapos na masawi ang isang mekaniko at sampung taong gulang na bata sa nagyaring vehicular accident sa National Highway ng Purok Dos,

barangay Labuo, President Roxas, North Cotabato nitong martes pasado alas otso nang gabi.Ayon sa report ng PNP tatlong mga motorsiklo ang sangkot sa naturang aksidente.Sa imbestigasyon ng pulisya binabaybay ng tatlong sasakyang ang magkasalungat na daan kung saan minamaneho ni Loreto Eroela, 56, ang kanyang

Honda TMX 155 kasama ang angkas nitong si John Rex Manuel Eroela, 10, patungong Kidapawan City galing bayan ng Arakan karga ang dalawang malaking

basket na puno ng rattan na saging.Habang patungo namang Antipas area ang dalawang motorsiklo na minamaneho nina Sonny Sabado Mendoza, 25, kasama ang backrider nitong si Wellalyn

Atabelo 17 at isang Jamer Masola 29.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na nagtangkang mag overtake si Mendoza kay Masola, pero hindi nito napansin ang kasalubong na si Eroela at dahil

madilim ang daan at flashlight lang ang gamit na ilaw sa mga sasakyan ay doon na sila nagsalpukan dahilan naman para mahagip rin ni Mendoza si

Masola.Dahil sa lakas ng pagkakabangga, limang mga biktima ang tumilapon sa daan at mabilis na naisugod sa pagamutan.

Pero pagsapit ng alas onse ng gabi ay binawian na ng buhay Mendoza habang nanatili naman sa Intensive Care unit ang angkas nitong si Atabelo.Naka ICU rin si Loreto Eroela, pero kinabukasan ay hindi na rin nakayanan ng sampung taong gulang na si John Rex ay binawian rin ito ng buhay.

Inilipat na rin si Masola sa Provincial Hospital na ngayon ay patuloy pang nagpapagaling.
Tatlo kaagad ang nasampolan ng President Roxas PNP na mga drug personalities at ngayon ay nakakulong na at nasampahan ng kaso sa bayan.Sinabi ni Police Chief Ins. Romy Castañares, hepe ng President Roxas PNP, hindi sila nagbibiro sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang pahayag ng opisyal matapos na matimbrehan ang tatlong kalalakihan sa bayan na bumalik sa kanilang masamang gawain ilang araw matapos mag-

surface sa PNP.Samantala pinasalamatan naman ni Castanares ang lahat ng mga barangay sa bayan sa suportang kanilang binibigay sa lahat ng mga programa ng PNP.

Ayon pa sa opisyal matapos nilang i-activate ang Barangay Anti-Drug Abuse Caouncil sa buong bayan, patuloy na ang koordinasyon ngayon ng mga

barangay officials sa PNP maging sa mga matataas na opisyal ng President Roxas.

Inako rin nila ang responsibilidad sa gagawing monitoring sa lahat ng kanilang mga contituents na nagsurface sa PNP.Sa ngayon tuloy tuloy ang pagtanggap ng PNP sa mga nais mag surface sa bayan kung saan nasa higit 200 indibidwal na ang kanilang nasa listahan. Pinag-aaralan na rin ng LGU kung anong tulong at programa ang kanilang maaring ialok sa mga sumukong indibidwal.
Ikinatuwa ng Kidapawan City Schools Division Office at nang Kidapawan City LGU ang higit tatlong indibidwal at mga out of school youth na

nagtapos sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS ng DepEd kahapon ng ahapon.Ito na ang pinakamalaking bilang ng nagtapos sa ilalim ng ALS sa Kidapawan City kung saan 47 percent ang naging pagtaas ng bilang ng graduates ng

ALS ngayong 2015-2016 kumpara sa bilang noong 2014-2015Sinabi ni Kidapawan Cty Schools Division Shirley Dua, malaking pakinabang ang programa sa mga nagtapos na mabigyan sila ng edukasyon na

makapagtapos ng elementary at high school sa ilalim ng ALS.Sa bilang na nabanggit, 279 dito ay mga nagtapos sa high school samantalang 22 naman sa elementary, ayon pa sa pamunuan ng DepEd.

Ginawa ang kanilang graduation sa covered court ng KCPES na sinaksihan ng kanilang mga magulang at ang iba ay ang kanilang mga asawa.Nabatid na Community based at school based ang pagtuturong ginawa ng DepEd sa mga mag-aaral.

Ilan lamang sa mga academic subjects ay naka sentro sa Science, Mathematics, English, Filipino at iba pa.

Kaugnay nito, pinasalamatan nam ni Dua ang mga naging kontribusyon ni Jane Sullivan na dating coordinator ng ALS sa malaking bilang ng graduates.Si Binibining Sullivan ay binawian ng buhay ng magkasakit habang nanunungkulan na ALS Coordinator noong buwan ng Hulyo.

Ang tagumpay ng ALS ay resulta na rin ng dedikasyon ni Binibining Sullivan na tulungang makapagtapos ang mga mag-aaral nito kung kaya ay

nararapat lamang na bigyang halaga ang kanyang mga nagawa, pagtatapos pa ni Ginang Dua.
Anumang araw mula ngayon sisimulan na ng Kidapawan city government ang pagsasaayos ng drainage canal na una ng inireklamo ng mga reisidenteng

nakatira malapit sa public cementery ng barangay Poblacion, Kidapawan city.Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, naglaan ang city givernment ng abot sa halos 700 thousand pesos na pundo para ayosin ang nasabing canal.Isa sa nakikitang problema sa proyekto ay pantay ang dinadaanan ng tubig dahilan ng hindi pagbaba nito.

Ngayong Lunes, paaprubahan na sa City Development Council ang budget na mula sa 20 percent Economic Development Fund ng Internal Revenue

Allotment at sa darating na huwebes ay paaprubahan naman sa Sangguniang Panglungsod. SPORTS...NASA Pilipinas
na ang Rio Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz.

Pasado
alas-singko na ng hapon nakalapag ang sinakyang eroplano na Emirates Flight EK
332 ni Diaz sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dahil sa air
traffic.

Pero
baliwala ito sa mga tao na nag-abang sa kanya sa paliparan para igawad ang
hero's welcome.

Maaga
pa ay nasa NAIA na ang kanyang mga magulang na sina Emelita at Edwardo Diaz
para salubungin siya at isorpresa.

Kasama
rin ang maliit na entourage ng ilang lokal na opisyal mula sa Zamboanga at
malalapit na kaanak.

Pumuwesto
rin ang contingent ng Philippine Air Force kung saan bahagi si Hidilyn, bitbit
ang mga tarpaulin na nagpapaabot ng pagbati sa kanya.

Bahagi
pa sa pagsalubong sa Pinay athlete ay ang banda at pagbibigay ng boquet ng
bulaklak.

Hindi
rin nagpahuli sa pagsalubong ang sports enthusiast na si Sen. Sonny Angara na
kabilang sa nag akda ng panukalang-batas sa Kongreso na naglalaan ng insentibo
sa mga atletang Pinoy na nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa.

Ang
pamunuan ng PAF ay nangako naman na bibigyan siya ng meritorious
promotions dahil sa malaking karangalan na dala niya para sa bansa.

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...