Sunday May, 19 2024 10:51:47 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 13, 2016)

 • 19:38 PM Sat Aug 13, 2016
1,337
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST AUGUST 13, 2016 (SAT) 7and00 AM HEADLINESand 1. Babae at 2 iba pa, naaresto sa pinalakas na anti-drug campaign sa Cotabato City2. Mayor ng Maguindanao, nag-alok ng reward money kontra illegal drug users.3. Commander patay, 11 tauhan naaresto saPNP-sultan Kudarat anti-drug operation4. Sunog, naganap na namansa Koronadal City KALABOSO ang dalawang mga indibidwal matapos maaresto ng Cotabato City PNP pasado alas onse kagabi. Nagpapatrolya ang kapulisan sa bahagi ng SK Pendatun avenue, Mother Baranggay Poblacion nang maharang nila ang dalawang mga lalaki na nakaskay sa isang motorsiklong may open pipe. Nang sitahin nila ang mga suspek ay agad silang pinaputukan ng mga ito kaya napilitan silang gumanti ng putok. Tinamaan sa kaliwang paa ang isa sa mga suspek dahilan upang matumba ang kanilang sinsakyang motor. Ang nasugatang suspek ay kinilalang si Reynaldo Sablaw Galagar, 22 years old, may asawa, jobless at taga Sultan Kudarat, Maguindanao habang kinilala naman ang kasama nitong si Aljade Makakena Onsong, 35 at traga- Salimbao, Sultan Kudarat. Nakuha mula sa mga suspek ang isang fragmentation hand grenade, isang caliber 45 pistol na may lamang limang bala at isang sachet ng shabu. Samantala, ARESTADO naman ang isang babae matapos na makuhanan ng ilang pakete ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine drug enforcement agency o PDEA-ARMM kahapon ng madaling araw sa Salamat St. Cotabato City. Kinilala ang suspek na si Rowena Abo Samad, 26-anyos, taga Almonte Extension Poblacion 1 ng lungsod. Sa report ng PDEA -ARMM, target mismo nang kanilang operasyon ang mister ng naarestong suspek na kinilalang si Alias Boy Osmeña. Nagkaroon pa ng pagkakataon na iniabot ni alias boy ang abot sa 0.2 grams ng iligal na droga sa isang operatiba ng PDEA na nagpanggap na buyer. Pero mabilis din itong nakatakas nang matunugan niya ang presensya ng mga operatiba na papalapit sa kanyang tirahan sa Salamat St. ng lungsod. Patuloy namang pinaghahanap ngayon ang naturang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanyang kasama na si Rowena. Sa Pikit, North Cotabato naman, patay ang number 13 sa drug watchlist ng bayan matapos na manlaban sa mga aarestong pulis pasado alas dos ng hapon kahapon. Nakilala ang nasawi na si Abedin Usop Ulangkaya 45 years old at taga barangay Poblacion, Pikit Aarestuhin na sana ng mga pulis ang suspek sa barangay Lampingan, Pikit ngunit nanlaban ito kaya napilitan ang mga otoridad na barilin siya sa dibdib na sanhi ng kanyang agarang kamatayan. SUMISIGAW pa rin ngayon ng hustisya ang pamilya at kaanak ng nasawing radio broadcaster na nabiktima ng hit-and-run sa Cotabato city. Dead on the spot ang biktimang si Datu Abel Mastura, matapos mahagip ng di pa matiyak na uri ng sasakyan habang sakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Sinsuat Avenue. Agad namang inihatid sa huling hantungan si Mastura sang-ayon sa relihiyong Islam kahapon. Hanggang ngayon ay patuloy ang panawagan ng kanyang mga kaanak sa sinumang mga nakasaksi sa insidente na lumantad at magsalita para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima. kilalang Moro announcer sa lungsod si Mastura na naging station manager, photo journalist ng Mindanao Newscast, naging bahagi?ng?Hot FM at programdirector naman ng Voice FM. SA SUSUNOD NA TAO na lamang daw magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front o MNLF founding chairman Nur Misuari matapos na hindi natuloy ang kanilang pagkikita kahapon. Ayon kay Pangulong Duterte, sa susunod na taon na niya balak kausapin si Misuari kapag natapos na ang mga peace talks, nang sa gayon ay mai-konsulta niya ito sa pinuno ng MNLF. Umaasa naman ang pangulo na kapag nakapulong na niya si Misuari ay mas malaki na ang pag-asa na makamit ang kapayapaan sa Mindanao. Una nang sinabi ng pangulo na handa siyang bigyan ng safe conduct pass si Misuari na isang puganteng wanted dahil sa rebelyon. Aniya pa, magkakilala sila ni Misuari at ilang beses na niyang sinabi na dapat nang pag-usapan kung paano magagawan ng paraan na magkaroon na ng kapayapaan sa rehiyon. Samantala, sa kabilang dako naman, ipupursige ng Pangulo ang peace talks sa Communist Party of the Philippines o CPP kahit pa hindi kasali ang kanilang founding chairman na si Jose Maria Sison. Kamakailan ay nagkapalitan ng maaanghang na salita sina Pangulong Duterte at Sison matapos hindi tinapatan ng mga komunista ang unilateral ceasefire na idineklara ng pangulo. Sinabi ni Pangulong Duterte sa pakikipagharap sa mga sundalo sa Jolo, Sulu na trabaho niya bilang presidente na makamit ang kapayapaan at hindi para makipaggiyera. Ayon sa Pangulo, maging sa mga Moro ay pursigido rin siyang mapagtibay ang peace agreement. Sasamantalahin daw nito ang pagiging pangulo para matapos na ang kaguluhan kasabay ng pagdurog sa mga teroristang Abu Sayyaf. ABOT sa limang daang indibidwal ang nakabenipisyo sa medical mission na inilunsad ng iba’t ibang mga ospital sa Cotabato city at mga karatig na mga bayan nito. Ang kauna-unahang convergence mission ay isinagawa sa Cotabato Sanitarium grounds sa Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Hospital Week ngayong linggo. Nabatid ang mga lumahok na ospital sa medical mission ay kinabibilangan ng Cotabato Sanitarium, Cotabato Regional Medical Center, Notre Dame Hospital, Cotabato Puericulture, Cotabato Medical Specialist at Camp Siongco Hospital. Kabilang naman sa mga serbisyong medikal na ibinigay ng libre sa mga benipisyaryo ay Medicine, Pediatrics, Obstetrics-Gynecology, Ophthalmology at Dental.Mayroon ding libreng Electro Cardiograph o ECG, Bone Scanning, Ankle Brachial Index, Random Blood Sugar, Urinalysis, Blood Typing at Digital Rectal Examination o DRE. Marami sa mga benipisyaryo ng programa ay mga mahihirap na mamamayang nagmula sa mga bayan ng Sultan Mastura, Sultan Kudarat at iba pang malalayong barangay. INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines o AFP na beripikahin ang ulat na mayroong mga ISIS indoctrinator na nasa Mindanao, arestuhin sila at saka ipatapon agad palabas ng bansa. Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte nang dumalaw siya sa 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Zambonanga del Sur na may ulat na mga Arab-looking missionaries ang nasa Mindanao na posibleng maging simula ng banta ng ISIS sa bansa. Sinabi ng Pangulo na tatlo hanggang pitong taon simula ngayon ay magkaka-problema ang bansa dahil sa posibleng pagdagsa ng mga miyembro ng teroristang grupo na ISIS. Sinabi ng Pangulo na nakakaalarma ito dahil kinokondisyon ang isipan ng mga mamamayan na gusto nilang irecruit sa kanilang grupo. Samantala, marami namang mga netizen ang nagpahayag ng pagkabahala sa naturang kautusan ng pangulo, partikular yung mga taga Mindanao. Anila, baka kasi magkamali sa pag aresto ang mga otoridad at madakip yung mga misyonaryong tumutulong sa mga Muslim sa rehiyon sa pagpapatayo ng mga Mosque at pagsasagawa ng relief mission sa mga liblib at mahihirap na Muslim communities. Hawak na ng mga pulis ang labinisa katao na naaresto matapos salakayin ang bahay na pinagkukutaan ng mga ito sa Barangay Marquez Esperanza, Sultan Kudarat kahapon ng madaling araw.Kinumpirma ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Senior Superintendent Raul Supiter na matapos manlaban sa mga otoridad nasawi ang lider ng grupo.Kinilala ni Supiter ang nasawi na si Ugalingan Manuel Jr., alyas Commander Boyet.Ayon kay Supiter, ang sugatang tauhan ni Manuel nito ay agad namang dinala sa isang ospital Sinabi ni Supiter na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Sultan Kudarat PNP, Isulan at Esperanza PNP, PNP SAF, militar at Philippine Drug Enforcement Agency ang pagsakalay sa bahay na pinagkukutaan ng grupo ni Manuel sa bisa ng search warrant ng korte.Ayon kay Supiter narecover nila sa lugar ang tatlong garand rifle, dalawang M14, AK 47,45 pistol, M79 garand rifle, at rocket propelled grenade at ilang sachet ng suspected shabu.Ipinahayag ni Supiter na notorious ang grupo ni Manuel dahil ang ito ay sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen sa Esperanza at karatig lugar. Nagpapatuloy pa rin ang imbistigasyon ng pulisiya sa pagkakapaslang sa isang gwardiya sa Koronadal City. Ang biktima ay natuklasan na lamang na nalililigo na sa sariling dugo at wala nang buhay sa bodega na pinagtatrabahuhan nito .Kinilala ang biktima na si Ranie Catas, 51 anyos,at residente ng Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato.Ang bangkay ni Catas ay nadiskubre ng papasok na empleyado ng bodega ng Fast Distribution Corporation, distributor ng Nestle Products sa Dizon Street, Barangay General Paulino Santos, Koronadal alas sais y medya ng umaga kahapon.Ayon sa empleyado ng bodega na si Randy Rasique, posibleng kagabi pa napatay ang security guard dahil sa naninigas na ang bangkay nito nang madiskubre pasado alas sais ng umaga kahapon.Tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng baril sa mukha na tumagos sa batok ang naging sanhi ng pagkasawi ng biktimag security guard. Hindi pa batid ng mga pulis kung ano ang motibo ng salarin sa krimen.Inaalam din ng mga pulis kung kilala ng biktima ang salarin matapos umanong makapasok sa compound ng bodega at makigamit ng comfort room.Pagnanakaw naman ang motibo na tinitingnan ng PNP sa insidente matapos sirain umano ng di pa rin kilalang suspek ang close circuit television camera o CCTV ng bodega at tangkain basagin ang salamin sa opisina nito. Pinaiigting ngayon ng pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato ang kampanya upang makakolekta ng mas mataas na local revenue at di na umasa pa sa Internal Revenue Allotment Fund.Ayon kay Provincial Treasuer Alvin Batol, ang panukala para amyendahan ang Local Government Code ay isusumite sa Sangguniang Panlalawigan sa huling quarter ng 2016 upang maaprubahan sa susunod na taon. Ipinanukala din ng PTO ang pagtatag ng Local Government Enterprise Unit,na tututok sa lahat ng provincial economic enterprise.Tutukoy din ang unit ng iba pang mga proyekto na makapagbibigay ng dagdag na kita sa provincial government.Ilan lamang sa mga economic enterprise ngayon ng South Cotabato Provincial Government ang South Cotabato Gym and Cultural center, 7-falls and Zipline, South Cotabato Sports Complex’s swimming pool, track oval, at stall rentals at Productivity and Technology Center.Maliban sa real property at economic enterprise bahagi ng local revenue ng lalawigan ay mula sa business tax, printing and publication, small scale mining at multa sa sand and gravel. Kailangan ang court order sa mas epektibong kampanya kontra iligal na droga. Ito ang binigyan diin ni Koronadal City Interior and Local Government Operations officer o CILGO Juanito Agullana.Sinabi ni Agullana na mahalaga ang kautusan ng korte upang maipatupad ng maigting ang mga programa para sa mga nagresurface na drug personalities.Ayon kay Agullana kapag mayroon kasing court order, maaring mapatawan ng kaukulang parusa ang mga resurfacing drug personalities na susuway kanilang rehabilitation program.Sa ngayon kasi ayon kay Agullana dahil sa kawalan ng court order tila niloloko lamang ng mga drug personalities ang gobyerno. Ayon kay Agullana dahil walang kaso ,wala ring katiyakan kung tuluyan nang iwaksi ng mga resurfacing drug personalities ang masamang bisyo.Nabatid na sa ngayon abot na sa mahigit 600 ang mga drug personalities ang nag-resurface sa Koronadal City. Abot sa mahigit P500,000 na halaga ng mga ari arian ang tinupok ng apoy nang masunog ang isang bahay sa Koronadal City kahapon.Ayon kay Koronadal City Fire Marshall, Fire Senior Inspector Reginald Legaste, ang bahay na nasunog ay pagaari ng retiradong si Senior Police Officer 4 Elvis Amoloria.Ito ay matatagpuan sa Agreda Subdivision, Barangay Sto. Nino, Koronadal. Nagkataon na walang tao sa bahay nang magkasunog kaya walang naisalbang anumang gamit ang may ari nito.Ayon kay Legaste, rumesponde ang mga bombero nang isa sa mga kapitbahay ng pamilya Amoloria ang tumawag sa City Fire Station.Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga bombero na ang apoy ay maaring nagsimula sa nag-over heat na electric fan sa sala ng bahay.Gayunpaman ayon kay Legaste ito ay iniimbistigahan pa ng BFP. Wala namang nasaktan sa sunog. Ito na ang pangalawang sunog sa Koronadal City nitong lingo.Matatandaan na isa katao ang nasawi habang mahigit P800,000 hanggang P1.2 million pesos na ari arian ang naabo nang masunog ang ancestral house ng pamilya Manuel sa Corner Balmores-Dizon Streets, Barangay General Paulino Santos,Koronadal noong Myerkules.Umaapela naman si Legaste sa mga mamamayan na kahit tapos na ang fire prevention month huwag maging kampante at panatilihin ang ibayong pagiingat para hindi mabiktima ng sunog. Hindi pa rin nakakuha ng Go signal ang 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sangguniang Panglungsod members kaugnay sa kanilang planong pag implenta ng Peace and Development Outreach sa 13 mga barangay sa Kidapawan City.Sa pangalawang pagkakaton, ipinaliwanag ulit ng 39th IB ang pinakalayunin ng PDOP sa mga miembro ng konseho kasabay ng Spesial Session kahapon. Sinabi ni 39th IB Commander Lt. Col. Harold Argamosa walang mangyayaring opensiba kaya walang dapat ipangamba at ikatakot ang mga residente.Ayon kay Argamosa, hindi lamang din ang lungsod ang unang lugar na isasagawa ang PDOP kundi ilang mga bayan na rin sa North Cotabato kagaya ng Tulunan, Makilala at President Roxas pati na sa Davao del Sur at Sultan Kudarat.Nag ugat ang naturang proposal ng militar matapos matanggap ang ilang reports na umano may ilang barangay na sa Kidapawan ang napasukan at naimpluwensyahan ng New People's Army.Ilang mga punto at sentimyento naman ang ipinaabot ng ilang mga councilors kung saan natapos pa rin ito na wala pa pang pormal na sagot mula sa council.Inirekomenda naman City Councilor Francis Palmones, committee chair ng Peace and Order kay Argamosa na magpasa ng kopya ng kanilang programa para masali sa kanilang agenda ng City Peace and order Council sa susunod na pagpupulong. Handa ngayong magbigay ng pabuya o reward money na 50 thousand peos si Datu Montawal Mayor Vickman Montawal sa sinomang makapagtuturo sa mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga sa kanyang bayan.Ito ang tahasang sinabi ng alkalde matapos matanggap ang mga report na karamihan sa mga nahuhuli ng mga otoridad ay mga taga Datu Montawal, Maguindanao.Ang impormasyong ito ay hindi naman umano bago sa kanila dahil sa tuwing may ganitong sitwasyon ay kagad nilang beniberipika at sa kanilang ginagawang imbestigasyon ginagamit lamang umano ang pangalan ng kanilang bayan.Wala raw itong katotohan. Kasabay naman ng pressconferrence na isinagawa nitong nakaraang araw ay tahasan ring itinanggi ng Pamilya Montawal ang kanilang pagkakasangkot sa iligal na droga. Matatandaang isa si Datu Montawal Vice Mayor Ohto ang nasa listahan na binaggit ni Pangulong Duterte na ‘narco officials’.Ayon kay Mayor Montawal, malinis ang kanilang pamilya at handa sila sa anumang imbestigasyon na gagawin sa kanila.Kaugnay nito, agad na tumungo noong Lunes sina Mayor Vicman Montawal at Vice Mayor Otto Montawal kasama ang ilan pang mga punong ehekutibo at humarap kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald Bato” dela Rosa kasunod ng ibi­nabang 24-oras na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal drug trade sa bansa.Agad na sumailalim sa pro­seso ng imbestigasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Chief Supt. Roel Obusan ang mga alkalde.Ipinakita naman sa press conference kahapon ni Mayor Vicman kasama si vice Mayor Montawal ang kanilang sinumpaang judicial affidavit kasama ng kanilang abogado na hinggil sa paglilinis ng kanilang pangalan kaugnay sa pagkakasangkot sa isyu ng illegal na droga. Mas lalo ngayong umangat ang moral ng Philippine National Police sa North Cotabato matapos makatanggap ng parangal ang apat na mga opisyal sa buong Region 12. Iginawad ang nabanggit na mga parangal kasabay ng ika 115th anniversary ng PNP na ginanap sa General Santos City.Nabatid na nakuha ni Cotabato Police Provincial Office Director Sr. Supt Emmanuel Perlata ang Best Senior Officer for Administartion 2016.Nakuha rin ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang award bilang Best Junior Police Commission officer 2016 at isang ring opisyal mula sa Libungan PNP at isa ay mula sa Cotabato Police Provincial Public Safety Force. Mismong si PNP chief Director General Ronald Bato Dela Rosa ang nag-gawad ng parangal sa mga pulis.Binase naman ng mga taga region 12 ang award na nakuha ng mga pulis base sa kanilang performace mula June 15, 2015 hanggang July 1, 2016 kung saan kabilang na rito ang kanilang mga isinagawang operasyon, magandang relasyon sa komunidad, provincial at municipal Government. Sa buong rehiyon apat lamang ang nakakuha ng parangal at sila ay parehong nagmula sa North COtabato.Samantala, maliban kay Cordero sa Kabacan PNP, walo pa sa kanyang mga personnel ang nabigyan ng promotions ito ay sinaand SPO3 German Cua, SPO1 Rowena Licudo, PO3 Amie Lou-Daruca Hinguillo Bacanto, SPO1 Alexander Justan, PO2 Nelson Telesforo, PO2 Jerome Denaga, PO2 Delir Parcon at PO2 Herbert Mariano. Hindi na umabot sa pagamutan ang isang 19 anyos na magsasaka matapos itong masangkot sa pinakahuling aksidente sa Brgy. Katidtuan, Kabacan, North Cotabato particular sa harapan ng Methodist Church.Kinilala ang namatay na biktima na si Richard Agriam, taga Barangay Balo, Matalam, North Cotabato habang kinilala naman ang nakabangga sa biktima na si Police Senior Inspector Basilio P. Parcon Jr. na naka assign sa Carmen PNP at taga Banisilan, North Cotabato. Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na parehong patungong Cotabato area ang dalawa.Nasa gilid lamang ng highway si Agriam pero pagdating sa nabanggit na lugar ay bigla na lamang umano itong lumiko dahil para aksidente itong mabundol ni Parcon. Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang nakabisikletang si Agriam sa highway na agad namang dinala ni Parcon sa hospital.Pero dahil sa sugat at pasa nitong natamo ay ideneklara nang dead on arrival ng mga doktor biktima. Nanatili ngayon sa Villa Jusa Funeral sa Barangay Osias, Kabacan, ang bangkay ng biktima. NDBC BIDA BALITA Sports..Tiniyak ng NBA na magiging kapana-panabik ang match-ups sa Christmas game sa December 25. Sa inilabas na schedule itinuturing na isang rematch ang paghaharap ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.Bukod sa dalawang koponan ay mayroong apat na laro na inilaan na dapat panoorin ng mga basketball fan.Dadayo ang Boston Celtics sa New York Knicks, kakaharapin ng Oklahoma city Thunder ang Minnesota Timberwolves, Chicago Bulls kontra San Antonio Spurs at Los Angeles Lakers kontra sa Los Angeles Clippers

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...