Wednesday May, 15 2024 12:37:48 PM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 15, 2016)

 • 15:52 PM Mon Aug 15, 2016
1,451
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

AUGUST 15,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SIYAM patay, sa anti-drug operation saMidsayap, North Cotabato.

2. Cotabato City anti-drug chief patay
sa pamamaril sa Tacurong City

3. Sundalo, kritikal matapos barilin sa Cotabato City4. Mga dinamita, na-recover ng PNP at Army sa abandonadong mining site saSultan Kudarat5. Pagpapatupad ng BBL, tiniyak ng govt peace panel sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13876625_526144664258682_1172963355894191879_n.jpg?oh=5d38671ca9b83c9c1944139194b16a14:ampoe=581054D6 (6th Infantry Division initiated 1st Islamic Symposium inside ARMM compound - 6th ID photo) NAGPAPATULOY ngayon ang operasyon ng
mga pulis at sundalo sa Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato.

Ito ay matapos na masawi ang tatlong
mga miembro ng raiding team na magsisilbi sana ng 12 mga warrant of arrests sa
tahanan ng mga suspek na kinilalang sina

Moks Masgal alayas Commander Mabrook,”
dating Moro Islamic Liberation Front o MILF sub-leader at isang Pings Lakiman
kahapon.

Sinabi Midsayap PNP chief, police Sr.
Insp. Relan Mamon na nagsasagawa sila ng operasyon pasado alas kwatro ng
madaling araw kahapon kasama ang mga sundalo ng Army’s 6th Infantry Division
Recon Company, mga pulis mula sa North Cotabato PNP at operatiba ng Philippine
Drug Enforcement Agency o PDEA 12 nang paputukan sila ng mga tauhan ni Mabrook.

Kinilala naman ni Mamon ang mga nasawi sa
shootout na sina PO3 Darwin Espallardo ng Philippine Navy, Corporal Jose
Miravalles at Pfc. Jayvee Duran mula naman sa Division Reconnaissance Company.

Nabatid na walong mga sundalo rin ang
sugatan sa naturang insidente na nakilalang sina Sgt. Arinio Grafil, Cpl.
Diocesar Espanola, Pfc. Romnick Clerigo, Privates Normel Grande at Edgar
Gegone, mula sa 6th Division Reconnaissance Company.

Samantala, sinasabing apat na mga
tauhan din ni Commander Mabrook, kabilang na ang kapatid nito, ang nasawi sa
naturang engkwentro. Pero ito ay patuloy pa ngayong binibiripika ng mga
otoridad.

Isang sibilyan naman na nakilalang si Daib
Malimbas, resident eng barangay Nabalawag, ang nasawi sa shootout matapos
mahagip ng mga ligaw na bala.

Sabi ni Mamon, matagal na nilang target
si Mabrook na sinasabing nagbebenta ng iligal na droga sa sa boundary ng North
Cotabato at Maguindanao.

Nabatid na gumamit ng dalawang MG-520
attack helicopters ang mga otoridad dahilan para umatras ang kanilang mga
kalaban.

Nakuha naman sa lugar ang ilang mga
pakete ng Shabu, drug paraphernalia at iba pang mga ebidensya.

Tiniyak ni
Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na ipatutupad agad ang mga
napagkasunduan sa peace agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF na binuo pa sa Malaysia.

Sa ipinalabas
na pahayag ni Dureza sa paglulunsad ng implementing phase ng Bangsamoro Peace
Accord, sinabi nito na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, ang kauna-unang
presidente ng bansa na nagmula sa Mindanao ang nag-utos na ipatupad na kaagad
ang maaari ng gawin habang binubuo ang isang incluside ena­bling law”

Iginiit ni
Dureza na ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghintay kaya agad itong
ipatutupad habang binabalangkas ang inclusive enabling law.

Sinabi ni
Dureza na seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng nalagdaang peace agreements
at magkasundo ang executive at legislative branches sa pagpapatupad ng peace
agreements na naaayon sa ipinapanukalang
federal system.

Idinagdag pa
ng kalihim na ang bagong Bangsamoro government entity ang posibleng maging
pilot ng isang federal state.

Kinilala rin
ni Dureza ang malaking naiambag ng Malaysia sa Bangsamoro peace process. PATAY matapos
manlaban sa mga otoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga,
nang matunugan niya na mga pulis pala ang kanyang kaharap na kliyente.

Kinilala
ang napatay na suspek na si Samsodin Maki, taga- Baranggay Gang, Sultan Kudarat
habang kulongan naman ang bagsak ng kanyang kapatid na si Tato Maki.

Napagalaman
na mag aa-alas kwatro ng hapon kamakalawa nang magsagawa ng buybust operation
ang kapulisan ng Sultan Kudarat sa pangunguna ng Criminal Invistigation and
Datection Group o CIDG- ARMM kasama ang tropa ng Regional Public Safety Battalion
ARMM na galing pa ng Parang, Maguindanao.

Nakuha
mula sa mga drug suspek ang ang tatlong heat sealed sachet ng pinaniniwalaang
shabu, isang unit ng caliber 22 revolver at isang 500 peso bill ng ginamit na
marked money.

Agad
namang kinuha ng kanyang pamilya ang labi ni Samsodin habang nasa kustodiya
CIDG ARMM sa PC Hill sa lungsod ng cotabato ang kanyang kapatid na si Tato Maki
para sumailalim sa imbestigasyon. Patuloy
ang ginagawang imbistigasyon ngayon ng kapulisan sa pinakabagong insidente ng
pamamaril na naitala sa lungsod kahapon.

Pasado
alas singko ng hapon nang makatanggap ang ng report ang City PNP na may
shooting incident umano sa loobang bahagi ng Barangay Rosary Heights 10 ng
lungsod.

Kinilala
ang biktima na si Senior Sgt. Ludivico Lustina Aguilar, 42 years old, miyembro
ng Philippine army at naka distino sa 6th Infantry Division, Awang Dos,
Maguinao.

Nagtamo
ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima mula sa
hindi pa matukoy na uri ng baril.

Sa
ngayon ay nasa kritikal na kondisyon ang sundalong biktima at patuloy na
ginagamot sa ospital.

Inaalam
pa ngayon ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima at malaking tulong
kapag nagising at naging maayos ang kalagayan ni Aguilar para siya mismo ang
makapagbigay ng salaysay hinggil sa insidente. Tinitiyak pa ng mga pulis kung may kaugnayan sa trabaho nito ang pagkakapatay sa Tacurong City sa hepe ng Cotabato City anti illegal unit noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni Tacurong City Chief of Police, Superintendent Rannie Hachuela ang biktima na si Senior Inspector Orlando Guira, 46 anyos, deputy chief ng Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force ng Cotabato City.
Ayon kay Hachuela si Guira ay binaril ng dalawang suspek na nakasakay sa hiwalay na motorsiklo habang papauwi sa Tacurong City.
Nabatid na ang biktima ay sinundan na mga suspek mula sa karatig bayan ng Isulan, at binaril pagdating sa Barangay ECJ Montilla, Tacurong.
Ayon kay Hachuela sinundo ni Guira ang misis nitong doctor sa Isulan, ngunit dahil sa masamang pakiramdam sumakay na lamang ito ng tricyle sa halip na umangkas sa kanyang motorsiklo.
Sa katunayan ayon kay Hachuela sinusundan ni Guira ang tricyle na sinakyang ng misis nang siya ay pagbabarilin ng mga salarin.
Ang biktimang si Guira nasawi dahil sa mga tama ng bala ng 45 pistol.
Umaapela si Sultan Kudarat PNP, Provincial Director Senior Superinendent Raul Supiter sa mga magsasaka ng Sitio Kaloloy, Barangay Bai Saripinang, Sultan Kudarat na nagtatago ng dinamita na sumuko na.
Ito ang ipinahayag ni Supiter bunsod ng pagkakatuklas ng PNP at 57th Infantry Batallion ng militar sa mahigit 35,000 dinamita sa abandonadong minahan ng copper at gold sa lugar.
Binigyan diin ni Supiter na kesa makasuhan at hindi makapagpyansa, mas makabubuting makipag ugnayan na sa mga pulis ang sinumang nagtatago ng naturang mga pampasabog.
Ayon kay Supiter ang mga dinamita ay aksidenteng natuklasan ng mga residente sa abandonadong minahan ng Ippo China Mining Company sa Barangay Saripinang noong Sabado.
Sinabi ni Supiter na bagama’t narekober nila ang mga dinamita, posibleng iba sa mga ito ay nakuha na ng mga magsasaka bago pa man dumating ang mga otoridad.
Ayon kay Supiter kabilang sa mga narekober sa abandonadong mining site ang 60 box na naglalaman ng tig 300 daang dinamita.
Natagpuan din ng mga police at bomb experts sa laboratory ang chemical na ginamit sa paggawa ng pampasabog.
Kasama ng mga pulis sa pagkuha sa mga ito ang militar at kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Makapapasok na ng ligtas sa kanilang eskwelahan ang mga bata sa liblib na Barangay ng Tablao sa bayan ng Kiamba, Sarangani Province.
Kung noon ay kailangan pa ng mga magaaral na suungin malalim at malakas ng agos ng tubig sa Pangi River, hindi na nila ito dadanasin pa matapos buksan sa publiko ang isang hanging bridge.
Ayon kay DSWD 12 Regional Director Zorahayda Taha, ang tulay ay isa sa pinakamahalagang proyekto na naipatayo ng Kalahi-CIDSS dahil ito ay mapapakinabangan ng mas maraming mamamayan.
Ang 30-meter hanging bridge na pinakamahaba sa Sarangani ay nagkakahalaga ng mahigit P3.58 million pesos.
Katuwang ng DSWD sa pagpapatayo nito ang lokal na pamahalaan at mga residente mismo. Ayon sa volunteer na si Mylene Damgasen, na siya ring pinuno ng project management committee ng Kalahi-CIDSS, noong wala pang tulay sa lugar, ang mga estudyante ng Tablao ay pinauuwi na ng kanilang mga guro bago pa man tumaas ang tubig sa Pangi River tuwing umuulan.
Sinabi ni Damgasen na dahil sa tulay hindi na kailangan pa ng mga magsasaka ng Tablao na dumaan pa sa karatig bayan ng Maitum para madala sa bayan ang kanilang mga produkto.
Pinasalamatan naman ni Kiamba Mayor Raul Martinez ang mga residente ng barangay dahil sa aktibong pakikipagtulungan ng mga ito upang maipatayo ang naturang tulay.
Makikinabang sa plastic densifiers at shredders na ibibigay ng pamahalaang panlalawigan ang sampung bayan sa South Cotabato.
Ayon kay Provicial Environment and Management Officer Seifgred Flaviano, layon nito na mabawasan ang mga basura lalong lalo na ang mga itinatapon sa Sanitary Landfill sa bayan ng Surallah.
Nabatid na ang mga plastic waste tulad ng water bottle , plasctic wrapper at basag na salamin ay dadaan muna sa shredder bago lutuin sa densifier upang gawing tiles at muling mapakinabangan.
Ayon kay Flaviano ang pagbili ng pamahalaang panlalawigan ng tig P150,000 na plastic densifiers at shredder ay bilang kabahagi ng Solid Waster Management Program PEMO.
Ang mga ito ay ipamimigay naman sa mga iba’t ibang lokal na pamahalaan ngayong araw.
Bumaba ng hanggang 51 percent ang bilang ng krimen sa region 12 nitong mga nakalipas na buwan.
Ayon kay Police Regional Office 12 Information Officer, Superintendent Romeo Galgo, ito ay pinakamataas na crime reduction rate sa buong bansa.
Sinabi ni Galgo na ang pagbulusok ng crime rate sa rehiyon dose ay resulta ng matagumpay na kampanya kontra iligal na droga .
Binigyan diin ni Galgo na ang pagnanakaw, murder at iba pang krimen ay madalas may kaugnayan sa iligal na droga.
Kaya hindi na kataka taka ayon kay Galgo ang pagbaba din ng mga ito kasabay ng pagusuko ng libo libong mga drug personalities sa rehiyon. Samantala, kinumpirma ni Galgo na maliban sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterto, may sarili ring talaan ng mga pulis na umano ay sangkot sa iligal na droga ang PRO 12.
Ayon kay Galgo ito ay bilang kabahagi ng cleansing sa hanay ng PNP ng PRO 12 maliban pa sa pagsailalim sa drug test ng mga pulis.
Sinabi din ni Galgo na mahigit 50 percent ng mga pulis sa region 12 ay sumailalim na sa drug testing Nanatili pa rin ngayon sa Intensive Care Unit sa isang pagamutan sa Kidapawan City ang isang lalaki habang nakalabas na ang kasama nito matapos

na araruhin ng Minadanao Star bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa National Highway ng Barangay Kisante, Makilala, North Cotabato

partikular sa harap ng Kisante Central Elem. School pasado alas syete ng gabi nitong Biyernes.
Kinilala ni Rev. Jaime Calibay ng Kisante Alliance Church ang driver ng motorsiklo na si Roland Jumayaw, 22 anyos at backrider nitong si Richard

Amoy, 20, parehong taga brgy. Batasan, Makilala.Ayon sa report dadalo sana sa isang Overnight Prayer sa barangay Kisante ang mga biktima sakay ang kanilang XRM 125 na may license plate na 3357

OL.

Habang patungo ring Davao area ang Mindanao Star Bus na minamaneho ni Abas Nakan Kalid, 28-anyos na taga Pagalungan, Maguindanao.Salaysay naman ng mga nakakita sa pangyayari sa Radyo Bida, na malayo palang raw ang bus ay pumutok na ang break nito at nang paparating na sa

bahaging crossing ng nabanggit na lugar ay nawalan na ito ng kontrol kaya ideneretso na lang ng driver sa isang waiting shed sa kabilang lane

para walang maraming madamay na tao.Pero hindi naman napansin ni Kalid ang kakaliko lang na motorsiklo nang dalawangbiktima at doon na sila inararo ng bus.

Sugat at pasa ang tinamo ng mga biktima na agad namang isinugod sa pagamutan habang wasak ang salamin ng bus at nasira rin ang waiting shed sa

lugar.Kahapon ay nakalabas na ng ospital si Amoy habang nanatili naman sa ICU sa Jumayaw.

Agad namang nakipag areglo ang kompanyang Mindanao Star sa pamilya ng mga biktima at inako ang kanilang mga babayarin at iba pang kakailanganin.
Patay ang isang suspected drug pusher matapos pagbabarilin sa National Highway ng Barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao, pasado alas onse ng

umaga kahapon.Kinilala ni Police Senior Ins. Razul Pandulo, ang tagapagsalita ng Maguindanao Police Provincial Office ang biktima na si Dante Barnacha

Mangasar, 32-anyos, may asawa at residente ng Malvar St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato.Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Lumabas sa report na sakay ang biktima sa kanyang minamanehong tricycle at posible umanong ang kanyang pasahero ang bumaril sa kanya.Hindi rin batid sa report kung bakit nakarating ang biktima sa pinagyarihan ng krimen dahil sa Kabacan naman ito bumbyahe pero narekober lamang

sa kanya ang isang sachet ng pinaniniwaalng shabu.Narekober din sa crime scene ang basya ng kalibre .45 na pistola na ginamit ng mga suspek sa pamamaril.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang nabanggit na insidente.
Pinarangalan bilang mga Entrepreneur of the Year 2016 sina Jerry John Taray at Jocelyn Taray ng Carmen, North Cotabato sa katatapos lamang na

Gawad Entrepreneur 2016 Awards ng Land Bank of the Philippines na ginanap sa Kalakhang Maynila.Napili ang mag-asawang Taray dahil sa kanilang natatanging performance at kontribusyon sa larangan ng negosyo partikular na ang kanilang

produktong Tree Life Coco Sugar na 100% organic.Naging basehan din sa parangal ang malaking nagawa ng dalawa sa pag-angat ng ekonomiya ng kanilang bayan at ang trabahong nilikha nito para sa

komunidad.

Tinanggap ng dalawa ang trophy at iba pang awards mula mismo sa mga opisyal ng Land Bank kasabay ang iba pang mga napili sa Gawad Entrepreneur

Awards 2016.

Matatandaang binigyang parangal din ang Tree Life Coco Sugar bilang Global Brand Award, Global Excellence Award nitong nakaraang mga taon at

dalawang beses na napabilang sa mga organic foods na itinampok sa Biofach Organic Food Expo sa Germany.Naging partner ng Provincial Government of Cotabato ang mag-asawang Taray sa naturang expo kung saan tinangkilik ng mga Pinoy at banyaga ang Tree

Life Coco Sugar.
Simula pa noong nakaraang linggo, nakaalerto na ang buong hanay ng Kabacan PNP kaugnay sa kanilang weeklong celebration ng 69th Founding

Anniversary ng bayan na nagsimula na kahapon.Sinabi ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, higit dalawang daang PNP personnel ang kanila nang ipanakalat sa buong bayan

para tiyakin ang seguridad ng lahat na bibisita at dadalo sa mga aktibidad.Kabilang na rito ang RPSB 12, POlice Public Safety Force, BPAT, at 39th IB ng Phi. Army.

Nilinaw naman ni Cordero na sapat ang bilang ng mga PNP personnel at force multipliers na siyang tutuok at magbababantay 24 oras sa mga residente

maging ang mga opisyal na bibisita sa lugar.Hiling lamang ni Cordero sa publiko na huwag nang magdala ng backpacks sa atvitity place para hindi na maantala sa mga gagawing inspeksyon at

para hindi na rin pagmulan ng takot ng iba.Tiniyak naman ni Cordero na magiging ligtas ang lahat dahil lahat aniya ng mga sektor ay may nakatokang mga personnel na magbabantay, at maging

ang papasok at palabas ng Kabacan ay may mag babantay din.Hihigpitan rin nila ang mga checkpoints at highway inspections.

Handa rin ang mga personahe sa kanilang command center na maaring malapitan, ma mahingan ng tulung ng publiko sakaling may mapansing kahina

hinalang tao o bagay sa kanilang paligid.Tampok naman sa mga aktibidad na aasahan ng mga taga Kabacan ngayong linggo ay ang Agro Trade Fair, Liga Day, Medical andamp Dental, HPG Motocross

Challenge, Drum and Lyre Competition, Senior Citizen's Day, HPG Badminton, Search for Miss Kabacan 2016, Kasalan ng bayan at iba.Umaasa ngayon ang opisyal ng kooperasyon sa publiko para maging mapayapa at tahimik ang isang linggong selbrasyon sa nabanggit na bayan.
Mas Magiging maliwanag na ngayon ang buhay libu-libong pamilya sa ilang barangay sa Kidapawan City matapos simulan ng City Government ang

implementasyon ng 7-Million peso National Intensified Household Electrification (NAYHE) program.

Ito makaraang maidownload ng Dept of Energy o DOE ang pundo noong nakaraang linggo.Ang Kidapawan city ang pinakauna at ang natatanging LGU sa buong Pilipinas ang nagqualify sa nabanggit na programa.

Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, indikasyon ito ng matatag na tiwala ng DoE sa performance at project implementation ng LGU.Ang NIHE (NAYHE) program ay iilaw sa higit 2,000 indigent households mula sa 39 na mga brgy sa Kidapawan City.

Libre ang electrical installations na pangangasiwaan ng Cotelco, habang aakuin naman ng LGU ang bayarin sa permits.Ang NAYHE ay unang nakapag energize ng higit 300 mga bahay sa brgy Manongol at Nuangan sa unang bagahi ng tao bahi ito temporaryong nahinto dahil

sa Election Ban ng nagdaang halalan.Sinabi ni Evangelista, isa lamang ito sa programang aasahan ng mga taga Kidapawan na bunga ng malinaw at matatag na pamamahala.

Secretary Galvez lauds BARMM accomplishments, priority codes passage

COTABATO CITY — “The Bangsamoro Parliament has done more than enough,” said Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., commending them...

GSIS offers emergency loan to members affected by rabies, El Niño

MANILA – Around 77,000 members and pensioners of the Government Service Insurance System (GSIS) from 13 areas in the country affected by rabies...

BARMM youth nanawagan ng BTA extension

COTABATO CITY - Nagtipon ngayong umaga sa Gutierrez Avenue papasok ng Bangsamoro Government Center ang grupo ng mga kabataan para ipanawagan ang BTA...

Son stabbed dead, daughter wounded by father in MagNorte rampage

COTABATO CITY - A man stabbed his 11-year-old son dead and seriously wounded her adolescent daughter in a rampage at about midnight Sunday in...

Shiek Guiamaden named Bangsamoro 'Wali'

COTABATO CITY — The Bangsamoro Parliament convened in a special session on Monday, May 13, to officially appoint Sheikh Muslim Guiamaden as the new...