Wednesday May, 15 2024 09:37:32 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 16, 2016)

 • 15:55 PM Tue Aug 16, 2016
1,261
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

AUGUST 16,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Bangkay ng pinaslang na habal-habal driver sa Sultan Kudarat, 2 linggo na sa morgue2. Field Supervisor ng Banana Company
sa Mlang, North Cotabato, patay sa pamamaril.

3. BINATILYO, patay matapos magbigti sa
T’boli, South Cotabato

4. Contractualization, igigiit ng DOLE-125. 300 marijuana plants, nakumpiska sa Tampakan, So. Cotabato sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13912772_1122287484558745_7881939249931142477_n.jpg?oh=d0158a7a12553b7ce14c879be9d12516:ampoe=581C7801 (Agriculture Sec. Manny Pinol speaks to local officials of Kidapawan City on government agriculture programs - RAdyo Bida Kidapawan) MAGDADALAWANG LINGGO na mula ng mabaril
at mapatay sa isang insidente ng robbery hold-up ang habal-habal driver na si
Glenn Apolinar Rasonable, 26 years old at taga-Midsayap North Cotabato.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin
kinukuha ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay nito na nasa morgue ng Cotabato
Regional Medical Center sa Cotabato city.

Kaya naman muling nanawagan ang Sultan
Kudarat PNP sa mga kamag-anak ni Rasonable na kunin na ang bangkay ng biktima
para mabigyan ng maayos na libing.

Naganap ang pamamaril at pagpatay kay Rasonable
noon pang August 3 kung saan pinakyaw siya ng dalawang mga lalaki mula sa isang
terminal sa Midsayap at pagdating sa Baranggay Alamada, Sultan Kudarat,
Maguindanao ay nagdeklara ng hold up ang mga di pa nakikilalang suspek.

Tinangay ng mga suspek ang motorsiklo
ni Rasonable pati ang kanyang mahahalagang gamit.

Ngunit hindi pa nakuntento ang mga ito
at binaril pa ng dalawang beses sa likod ang biktima.

Naisugod pa sa pagamutan si Rasonable
ng gabing iyon ngunit binawian din ito ng buhay kinabukasan.

KAKASUHAN NA ng
Department of Justice o DoJ ang walumpo't walong mga miyembro ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF at iba pang grupo na sangkot umano sa pagkasawi ng 44
na miyembro ng Special Action Force o SAF ng PNP noong 2015.

Ayon sa DoJ,
kasong direct assault with murder ang kahaharapin ng mga respondent na pawang
mga miyembro ng MILF, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at ilan pang
Armed Groups na nakabase sa Maguindanao.

Nabatid na
ang mga kinasuhan ay pawang mga miyembro ng 118th based command ng MILF.

Pero sabi ng DoJ
sakop lamang ng paghahain ng mga kasong direct assault with murder ang 35 sa
mga nasawing miembro ng PNP-SAF.

Wala pa raw
kasing mga testigo na makapagtuturo sa mga suspek sa pagkamatay ng siyam na iba
pang SAF troopers na nasawi sa Brgy. Pidsandawan, Maguindanao.

Maalalang
January 25, 2015 nang lusubin ng mga miyembro ng SAF ang isang kubo sa Brgy.
Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao kung saan nagtatago ang International
Terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan pero naipit ang tropa ng
pamahalaan sa lugar matapos maka-engkwentro ang MILF at BIFF. Nahalal
kahapon, August 15, si Cotabato City 1st Councilor Graham Dumama bilang bagong
pangulo ng Philippine Councilor's League-Cotabato City Chapter.

Sa
halalan, napili naman bilang Vice President ng samahan si Councilor Bruce
Matabalao.

Nahalalal
din bilang Secretary si Councilor Butch Abu, Treasurer si Councilor Michael
Datumanong, Auditor si Councilor Freddie Ridao, PRO si Councilor Enggay Chua at
Business Manager si Councilor Hassan Biruar.

Habang
napili bilang mga miembro ng Board of Directors sina Councilors Abdillah Lim,
Suk Sema, Ed Rabago, ABC President Tony Ross at IP Representative Jean Zoilo.

Ang
Philippine Councilor's League o PCL ay samahan ng mga lokal na mambabatas na
nagnanais mapanatili ang maayos na pamamalakad sa lehislatibong sangay ng pamahalaan.

SUGATAN
at patuloy na ginagamot ngayon sa ospital ang tauhan ng dating alkalde ng Pres.
Quirino, Sultan Kudarat matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa
Purok Kwatro, Brgy. Tinaungan,sa naturang bayan.

Kinilala
ang biktima na si Roy Lumatao, 35 years old, may asawa at tauhan ni dating Pres.
Quirino Mayor Emilio Salamanca.

Base
sa paunang imbestigasyon ng Pres. Quirino PNP, posibleng nakaw-motorsiklo ang motibo ng mga
suspek sa pamamaril sa biktima.

Naaktuhan
daw kasi ni Lumatao ang isa sa mga suspek na ninanakaw ang kanyang motorsiklo
habang ang isang suspek naman ang nagsilbing look out.

Nang
sitahin ng biktima ang mga suspek ay agad siyang pinaputukan ng mga ito gamit
ang cal. 45 pistol.

Nagtamo
ng isang tama ng bala sa kanyang tagiliran ang biktima sanhi para agad siyang
isugod sa pagamutan sa sa Tacurong city.

SUGATAN
at patuloy na ginagamot ngayon sa ospital ang tauhan ng dating alkalde ng Pres.
Quirino, Sultan Kudarat matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa
Purok Kwatro, Brgy. Tinaungan,sa naturang bayan.

Kinilala
ang biktima na si Roy Lumatao, 35 years old, may asawa at tauhan ni dating Pres.
Quirino Mayor Emilio Salamanca.

Base
sa paunang imbestigasyon ng Pres. Quirino PNP, posibleng nakaw-motorsiklo ang motibo ng mga
suspek sa pamamaril sa biktima.

Naaktuhan
daw kasi ni Lumatao ang isa sa mga suspek na ninanakaw ang kanyang motorsiklo
habang ang isang suspek naman ang nagsilbing look out.

Nang
sitahin ng biktima ang mga suspek ay agad siyang pinaputukan ng mga ito gamit
ang cal. 45 pistol.

Nagtamo
ng isang tama ng bala sa kanyang tagiliran ang biktima sanhi para agad siyang
isugod sa pagamutan sa sa Tacurong city.

Hindi na tumanggap ng application para sa mga bagong contractor at sub contractor ang Department of Labor and Employment o DOLE 12.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, ito ay ipinagutos mismo ni labor Secretary Silvestre Bello III.
Layon nito ayon kay Gutib na maprotektahan ang mga mangagawa sa rehiyon laban endo” practice o kontraktwalisasyon.
Ayon kay Gutib, plano nilang ipatawag ang kanilang mga stakeholdes upang maipaliwang sa mga ito ang bagong kautusan ng DOLE at hilingin ang suporta ng mga ito para labanan ang contractualization.
Nilinaw naman ni Gutib na ang certificates of registration na ibinigay ng ahensya sa mga contractor at sub contractors bago ipinalabas ang Department Order ay igagalang ng DOLE.
Gayunpaman kung may mga paglabag maari pa ring itong bawiin ng ahensya.
Bumuo ng Municipal Anti-illegal Logging Task Force ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay DENR 12 Regional Director Datu Tungko Saikol layon nito na matiyak ang proteksyon sa mga natitira pang kagubatan ng rehiyon.
Ang task Force ay binuo sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement ng DENR , Community Environment and Natural Resources Officer, PNP, Philippine Coast Guard, militar, at Landing Team ng Department of National Defense sa mga bayan ng Lebak at Kalamansig.
Ayon kay Kalamansig CENRO Bajury Mustapha nakipag tulungan ang lokal na pamahalaan sa militar, PNP at iba pa nilang stakeholders matapos mahuli ang isang sasakyang pandagat na lulan ng mga iligal na troso.
Umapela din si Mustapha sa mga mamamayan ng kanilang lugar na maging mapagmatyag at tumulong sa pangangalaga sa kanilang likas yaman.
Ayon naman kay DENR 12 Assisant Regional Director for Technical Services Hadja Didaw, bago lumagda sa kasunduan ang mga myembro ng task force ay isinailalim muna sa Para-legal orientation.
Ito ayon kay Didaw ay upang maituro sa mga ito ang kanilang tungkulin at mga batas kaugnay sa kalikasan.
Ang Anti-Illegal Logging Task Force ay bubuin din ng DENR sa Palimabang Sultan Kudarat sa August 16.
Nabatid na tungkulin ng Task Force na tiyaking naiputad ang moratorium o pansamantalang pagpapatigil sa pamumutol ng mga puno sa mga kagubatan.
Nakinabang sa mahigit P1.4 million na tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 122 na mga skilled workers at vendor sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib ang pondo ay gagamitin para sa pagpapalawak ng kasanayan ng mga nasa informal sector.
Sinabi ni Gutib na dahil sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan mas maraming mga mahihirap ang natulungan at nabigyan ng kabuhayan ng ahensya.
Tintutukan ngayon g DOLE ang pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga mamamayan na nasa malalayong lugar.
Maliban sa mga vendor at skilled workers nauna na ring nakapagbigay ng mahigit P800,000 na halaga ng livelihood assistance ang DOLE sa 84 magulang ng mga child laborer sa Barangay Mayo, Columbio.
Layon nito na maprotektahan ang mga bata sa lugar laban sa child labor at iba pang uri ng exploitation.

Walang foul play nakita ang mga pulis sa pagkamatay ng isang 14 anyos na binatilyo sa T’boli, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Julius Kilyago, residente ng Sitio Tayabas, Barangay Afus, T’boli.
Ayon sa salaysay ng ama ng binatilyo na si Vicente Kilyago sa mga pulis natagpuan na lamang nito ang anak na nakalambitin sa trusses sa loob ng kanyang kwarto.
Ang binatilyo ay dead on arrival sa Moorehuse Hospital sa Barangay Edwards T’boli matapos umanong magpatiwakal gamit ang pinagdugtong na pisi at sinturon..
Ayon kay T’boli Chief of Police, Chief Inspector Josemarie Simangan, lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na a depression ang dahilan ng pagbigti ng biktima.
Dinala na sa himpilan ng pulisiya ang mahigit 300 fully grown marijuana hills na nadiskubre sa liblib na Sitio ng Datal Biao sa Barangay Danlag, bayan ng Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay Tampakan Chief of Police, Senior Inspector Harold Cornel, matapos makatanggap ng tip, hindi na nag-aksya pa ng oras ang mga pulis at agad na inakyat ang lugar kahapon ng umaga.
Sinabi ni Cornel na ang mga marijuana plants ay itinanim sa masukal na bahagi ng bundok.
Ipinahayag ni Cornel na bagama’t matagumpay na nakumpiska ang mga marijuana plants, hindi naman naabutan ng mga pulis ang may ari nito.
Ayon kay Cornel, dahil sa layo ng lugar, marahil ay nakita na ng suspek ang paparating na mga pulis kaya siya nakatakas.
Kinumpirma ni Cornel na natuklasan ang marijuana plantation matapos itong isumbong ng isang concerned citizen sa isang barangay Kagawad ng Barangay Danlag na siya namang nagsumbong nito sa mga pulis.
Ito na ang ikalawang Marijuana Plantation na natuklasan sa Sitio Datal Biao.
Matatandaan na abot sa 278 na fully grown marijuana plants na itinamin sa gitna ng maisan ang nadiskubre din ng mga pulis sa lugar noong August 10. Dead on the spot ang isang Senior Field Supervisor ng Delinanas Del Monte Company nang pagbabarilin ito ng riding tandem criminals sa Purok 4, barangay La Esperanza, Tulunan, North Cotabato pasado alas dyes ng umaga kahapon.
Kinilala ni Police Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Chalmer Cabrera, 46-anyos na taga Zone 1, Tagnanan, Mabini, Compostella Valley Province.
Sinabi ni Fornan, lumabas sa kanilang imbestigasyon na galing sa isang meeting ang biktima sa kanilang sattelite office sa barangay Sibsib, Tulunan at papauwi na sana ito ng Barangay Gaunan, Mlang sakay ang kanyang motorsiklo, kung saan siya naka-assign.

Pero pagdating nito sa pinangyarihan ng krimen ay doon na siya pinagbabaril ng di pa kilalang suspek.

Maliban sa bilis na pangyayari hindi na rin namukhaan pa ng mga nakakita sa krimen ang mga suspek dahil nakatakip rin ang kanilang mga mukha gamit ang bonnet.
Apat na tama ng bala mula sa caliber .45 pistol ang tinamo ng biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na mabilis namang binawian ng buhay.

Nabatid sa report na hindi pa nag-isang taon nang madestino sa Mlang ang biktima.
Problema naman sa trabaho ang sinusundang anggulo ngayon ng PNP na posibleng motibo sa krimen.

Ilang mga nakatrabaho rin raw ng biktima ang hindi nagustuhan ang pamamalakad nito sa kanilang kompanya at may ilang empleyado na rin itong nakaalitan doon.
Agad namang tinawagan ng Tulunan PNP ang pamilya ng biktima para iparating ang sinapit ni Cabrera.
Mas magiging madali na ngayon para sa City Disaster Risk Reduction and Management Council o (CDRRMC) na matugunan ang mga pangagailangan ng mga taga Kidapawan lalo na sa panahon ng emergency.
Ito matapos pormal na itun-over ng Department of Social Welfare and Development office-12 ang 3.5Million evacuation facility project sa CDRRMC kahapon, na ginanap sa City Gymnasium.Sa pamamagitan ng isang maikling programa na pinangunahan naman ni Lorna Morales ang CSWD officer, ay ibinigay nito kay CDRRMC Head Psalmer Bernalte ang susi at responsable at pa rin sa pagkustodiya ng naturang mga gamit.Ayon kay Morales ang naturang proyekto ay naimplementa sa ilalim ng Bottoms-up Budgeting may inilaang pondo na abot sa dalawang milyong piso habang nagmula rin ang isang milyong piso sa City government.

Kinabibilangan naman ito ng 39 sets of portable shelter na may banyo multicab at sampung 10KV portable generator set.Pansamatala naman itong magagamit at matitirhan ng halos isang libong indibidwal lalo na yaong mga sinalanta ng bagyo, baha, sunog, armed conflicts at iba pa.Iginiit din ni Morales na ang proyekto ay bunga lamang sa kanilang sunod sunod na konsultasyon mula sa civil society organizations sa lungsod para tiyaking matugunan ang pangangailangn at kapakanan ng mamamayan ng Kidapawan sa panahon ng kalamidad.
Nagbabala ngayon ang alkalde ng Digos City na sasampahan niya ng kaso ang lahat ng kanyang mga empleyado na naglalaro ng Pokemon Go.Sinabi ni Digos City Mayor Joseph Peñas posibleng mahaharap sa kasong administratibo ang kaniyang mga kawani na mamahuhuling maglalaro ng Pokemon Go sa oras ng trabaho.Mariin ring ipinagbawal ng opisyal ang paggamit sa kanilang mga computer para mag facebook at pati na ang paggamit sa kanilang mga cellphone sa oras ng trabaho.

Ang pahayag na ito ni Peñas ay kanyang isinagawa matapos magsilabasan ngayon ang mga bagong applications on line at marami na ring nagkaka Smart Phones sa loob ng City Hall.Kaugnay nito, nagbabala rin ni Davao del Sur Provincial Police Office Director Senior Supt. Samuel Gadingan sa pubiko na mag-ingat, dahil aniya mas iniengganyo lamang umano ng tao ang mga magnanakaw dahil mas madali na lamang mahablot ang kanilang mga cellphone sa kalalaro ng POKEMON GO.Pinaalalahan rin ng opisyal ang mga POKEMON TRAINERS na huwag maglaro lalong lalo na kapag nagmamaneho para makaiwas sa aksidente.
MARIING itinanggi ni Kidapawan City Vice Mayor Jun Piñol na hindi siya ang nagbigay ng permit sa mga opisyal ng barangay Muan, Kidapawan City para magsagawa ng Horse Fighting sa lugar.Para kay Piñol, suportado niya ang naturang laro bilang respeto sa kultura ng mga Manobo, pero ang pagbibigay umano ng permiso sa pagsasagawa nito ay hindi niya ginawa.Nag-ugat ang paglilinaw ng bise alkalde matapos na idinawit ang kanyang pangalan sa pagbibigay umano ng permit sa naturang laro pero aniya, wala raw siyang karapatan na magbigay ng permit at tanging ang Chief executive lamang ang makakagawa nito. ANG horse fight ay isinagawa mula August 12 hanggang August 14 sa loob mismo ng eskwelahan sa barangay. Abot sa 25 pares ng kabayo ang sumabak sa laro.Sa panayam ng Radyo Bida kay Barangay Muan Chair Azer Perez kung saan nilinaw din nito na sinuportahan niya ang aktibidad na inorganisa ng kanyang IP mandatory Representative bilang bahagi ng selebrasyon ng IP day sa kanilang barangay.Ayon kay Perez, nagsagawa muna ng PAMAAS ang tribu bago ang naturang laro.

Pero bago raw ito nangyari, tiniyak muna ni Perez na may approval sa taas ang naturang aktibidad. Inamin rin ni Perez na nakarating sa kanya ang cease-and-desist order mula kay City Mayor Joseph Evangelista. PARA sa isang animal welfare advocate, ilegal ang horse fight.Ayon sa isang veterinarian na si Dr. Dino Yebron, maaaring kasuhan ng paglabag sa Animal Welfare Act ang mga organizer ng laro.Maging ang mga opisyal na nagbigay ng approval sa naturang ilegal na laro.Di raw maaaring gamiting batayan ng horse fight ang kultura ng mga katutubo, lalo pa’t may kasabay na ito’ng malaking sugal.

Secretary Galvez lauds BARMM accomplishments, priority codes passage

COTABATO CITY — “The Bangsamoro Parliament has done more than enough,” said Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., commending them...

GSIS offers emergency loan to members affected by rabies, El Niño

MANILA – Around 77,000 members and pensioners of the Government Service Insurance System (GSIS) from 13 areas in the country affected by rabies...

BARMM youth nanawagan ng BTA extension

COTABATO CITY - Nagtipon ngayong umaga sa Gutierrez Avenue papasok ng Bangsamoro Government Center ang grupo ng mga kabataan para ipanawagan ang BTA...

Son stabbed dead, daughter wounded by father in MagNorte rampage

COTABATO CITY - A man stabbed his 11-year-old son dead and seriously wounded her adolescent daughter in a rampage at about midnight Sunday in...

Shiek Guiamaden named Bangsamoro 'Wali'

COTABATO CITY — The Bangsamoro Parliament convened in a special session on Monday, May 13, to officially appoint Sheikh Muslim Guiamaden as the new...