Thursday May, 16 2024 05:14:25 PM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 17, 2017)

 • 17:01 PM Wed Aug 17, 2016
1,817
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

AUGUST 17,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ANIM KATAO, kumpirmadong nasawi
dahil sa sakit na Dengue sa Maguindanao.

2. Grade 8 student, patay sa pananaksak
sa Carmen, North Cotabato.

3. TATLUMPONG MGA KAWANI ng South
Cotabato Provincial Government, nagpositibo sa iligal na droga

4. Isa patay, 1 naaresto sa anti-drug operation sa Tacurong at Sultan Kudarat. 5. Granda, sumabog sa bahay sa Surallah, South Cotabato and//southseasmall.com/img/southseastrdg_collapse_bldg.jpg (The old Southseas Department Store on Raja Tabunaway Street, Cotabato City after the 1976 earthquake -courtesy of southseasmall.com) UMAABOT NA sa anim katao ang nasawi
dahil sa sakit na Dengue mula sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Sultan
Kudarat, Raja Buayan, Datu Anggal Midtimbang, at sa Parang, sa lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi ni Integrated Provincial Health
Office o IPHO-Maguindanao Provincial health officer Dr. Tahir Sulaik na patuloy
ding tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit nito sa lalawigan.

Sa ngayon, abot na sa 428 ang kabuuang
bilang ng Dengue cases na naitala sa probinsya mula pa noong August 7.

Sa naturang bilang, 225 ay mga babae
habang 203 naman ay mga lalake.

Ayon kay Sulaik, mas mataas ng anim na
porsyento ang naturang bilang kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon
na may naitala lamang na 402 Dengue cases.

Marami sa mga nagkakasakit nito ay nasa
edad isa hanggang sampung taong gulang.

Sabi pa ni Sulaik, kadalasan nagkakaroon
ng kritikal na kondisyon ang isang pasyente na may Dengue dahil hindi agad sila
dinadala sa ospital para masuri ng mga doktor.

Madalas ay binabalewala lamang ang mga nararamdaman
sintomas ng Dengue kaya’t hindi agad natutugunan.

Sa ngayon, puspusan ang ginagawang
inisyatiba ng IPHO-Maguindanao para pigilan ang pagdami pa ng mga nagkakasakit
ng Dengue sa lalawigan.

Samantala, nagsagawa naman ng
bloodletting activity ang IPHO-MAGUINDANAO kahapon upang mas madali nilang
matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pasyente na nangangailangan
ng dugo, lalo na ang mga biktima ng sakit na Dengue at mga pasyenteng
sumasailalim sa surgical procedure.

SHOOT-TO-KILL
ang iniutos ni Midsayap Mayor Romeo Araña sa mga otoridad laban sa mga drug
pusher at mga miembro ng grupo ng sindikato na sangkot sa illegal drug trade sa
bayan.

Payo ni Araña
sa mga pulis, kapag lumaban ang mga suspek habang inaaresto ay dapat unahan na ang
mga ito.

Una nang
iniulat na siyam ang nasawi at 16 ang nasugatan nang magsagawa ng drug raid ang
mga otoridad sa Sitio Ipil-Ipil, Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato
laban sa grupo ni Moks Masgal alyas Kumander Mabrooks mula sa tinaguriang MILF
lost command.

Bigo naman
ang raiding team na madakip si Kumander Mabrook na ngayon ay tinutugis pa rin
ng mga otoridad sa boundary ng Midsayap, North Cotabato at Datu Piang,
Maguindanao.

Nabatid na
abot na sa anim na drug pusher ang nasawi sa anti-drug operations ng mga
otoridad sa Midsayap habang nasa 134 suspected drug pushers na ang nahuhuli.

Umaabot naman
sa 2, 500 ang mga lumutang na drug user at nangakong magbabagong buhay na.

DESIDIDO
PA RIN si Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang usaping pangkapayapaan sa
mga rebeldeng komunista sa kabila ng pakikipag-batuhan nito ng matatalim na
salita sa mga lider nito.

Katunayan,
pinulong ni Duterte ang mga miyembro at kinatawan ng National Democratic Front
of the Philippines o NDFP peace panels sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

Doon, tiniyak
ng pangulo sa NDFP na makakalipad patungong Oslo, Norway ang mga pinalayang
consultants nila na kasama sa formal peace talks sa susunod na linggo.

Kabilang
sa mga pumunta ay sina NDFP consultant at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo,
panel member Fidel Agcaoili at Atty. Edre Olalia.

Sa
panig naman ng pamahalaan, naroon sina Executive Sec. Salvador Medialdea at
Immigration Commissioner Jaime Morente.

Kaugnay
nito ay tiniyak naman ni peace process adviser Jesus Dureza na hindi niya
hahayaang mahadlangan ng ‘word war’ sa pagitan nina Duterte at Communist Party
of the Philippines o CPP founder Jose Maria Sison ang pagsusulong ng kapayapaan.

Ani
Dureza, bagaman nasasaktan rin ang pangulo sa masasakit na salita, handa itong
magtiis sa ngalan ng kapayapaan sa bansa.

Samantala,
inatasan naman ni Pangulong Duterte ang Bureau of Immigration o BI at
Department of Foreign Affairs o DFA na tiyaking makaka-biyahe patungong Oslo,
Norway ngayong weekend ang labingwalong consultants ng NDF.

Ito ay
para makaupo ang NDF consultants sa peace talks na gaganapin sa Oslo ngayong
August 20.

Kabilang
sa mga magtutungo sa Oslo ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na una nang
pinayagan ng korte na makapag-piyansa sa kasong murder.

Pinakilala
na rin kahapon ang pinakabagong miyembro ng Government Peace Panel na si Atty.
Antonio Arellano na retiradong State Prosecutor ng Region 11. NAKUBKOB
NA ng mga sundalo ang isa sa mga malalaking kuta ng Abu Sayyaf Group o ASG, ang
‘Hill 355’ na nasa Barangay Silangkum, Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon
kay Army’s 4TH Special Forces Battalion commander Lt. Col. Andrew Bacala, Jr.,
tuluyang nang naagaw ng militar ang mga natitirang stronghold ng Abu Sayyaf
dahil sa combined assault na isinagawa ang mga kasapi ng Special Forces, Light
Armor Cavalry Troops kasama ang iba pang mga elite counter terrorism unit sa
tulong na ring ng artillery fires.

Ito anya
ang dahilan kaya napilitang ang ASG na iwan ang kanilang kampo.

Sa naturang
kampo ay kayang magkanlong ng hanggang 80 mga miyembro ng ASG.

Narekober
naman sa lugar ang dalawang improvised explosive devices o IED na binubuo ng
60mm mortar, plastic bottle na naglalaman ng ammonium nitrate, mga pako, barya,
isang 9-volts battery, isang plastic box, wire, switch, at ang improvised
electric blasting cap.

Makikita
rin sa loob ng kuta ang sampung bunkers, apat na tunnels, mga foxhole, kitchen
hut at ang isang exit post.

Una
rito, pasado alas dos ng hapon kamakalawa nang magdeklara ang Explosive
Ordnance Disposal team na clear na ang nakubkob na kampo.

Kasunod
nito, kaagad na ring nagpalagay ng defensive position ang tropa ng pamahalaan
sa may Barangay Baguindan, Tipo-Tipo.

MAGSASAGAWA
ngayong araw ng isang Multi-Hazard Simulation drill ang tangapan ng Civil
Defense ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o OCD ARMM sa pakikipagtulungan
ng Humanitarian Emergency Action and Response Team o ARMM HEART at Civil Aviation
Authority of the Philippines sa Awang Airport, sa Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Ang
aktibidad ay bilang pag-alala sa ika-40 anibersaryo ng mapaminsalang 7.9 Moro
Gulf earthquake at tsunami noong 1976.

Tampok
sa aktibidad ang isang kampanya hinggil sa disaster-preparedness sa rehiyon at
isang orientation na nangyari noong linggo August 14 sa Awang Airport.

Ang
mga inaasahang dadalo sa aktibidad ay mga kinatawan ng ibat ibang ahensya sa
ARMM, mga stakeholder at ilang mga kagawad ng media.

Ang mga
dadalo ay bibigyan ng kaalaman kung papaano maging handa sa mga darating na
sakuna katulad ng 7.0 to 7.9 magnitude earthquake, sunog, aviation mishap at
civil disturbance. and//www.drgeorgepc.com/tsu1976PhillipinesCotabato.jpg (Quirino Bridge in Cotabato City after the 1976 earthquake.Photo from sand//www.google.com.ph/url?sa=iandamprct=jandampq=andampesrc=sandampsource=im... www.drgeorgepc.com ) Magsasagawa ng entrance examination para sa Philippine Military Academy o PMA ang Provincial Capitol sa darating na August 21, 2016. Ayon kay Provincial Human Resource Management Office OIC Erlinda Catalan, kabilang ang provincial capitol ng Cotabato sa 37 mga examination centers ng PMA sa buong bansa. Kaugnay nito, inilahad naman ng PHRMO ang requirements para sa admission ng PMA at kabilang rito ang natural-born Filipino Citizen 5 feet minimum height for male and female physically fit and good moral character single at hindi pa naikasal high school graduate at para naman sa mga Grade 12 Senior High ay pwede silang kumuha ng exam basta tiyak nag a-graduate sila bago sumapit ang April 1, 2016 at no administrative/criminal case makapasa sa PMA Entrance Exam at naipanganak sa pagitan ng Aril 1, 1995 hanggang April 2000. Inilahad din ng PHRMO ang schedule ng examinations at ito ay mga sumusunodand para sa mga aplikante mula sa University of Southern Mindanao o USM-KCC ay Aug 17, 2016, ngayong araw ay alas otso ng umagaNotre Dame of Kidapawan College o NDKC (1:30PM), Central Mindanao College (3:30PM) Aug 18, 2016 para sa mga aplikante mula sa North Valley College Foundation, INC (8AM), Kidapawan Doctors College (10AM), Colegio de Kidapawan o CMC (3:30PM) Aug 19, 2016 naman para sa mga aplikante mula sa Southern Christian College o CSC Midsayap (8AM) at Notre Dame of Midsayap College o NDMC (1:30PM). Tatanggap naman ng application ang PHRMO sa Aug 20 sa Provincial Capitol rooftop, Brgy. Amas,Kidapawan City kung saan dapat dalhin ang Form 137 na may minimum GPA na 85% NSO birth certificate at 2 pcs 2x2 ID picture. Maaaring i-download ang application sa and//www.pma.ph/ www.pma.ph o on-line application. Gagawin naman ang entrance examination sa Provincial Capitol gymnasium sa Aug 21, 2016 ganap na alas otso ng umaga. Hindi na nakayanan pa ng isang fruit vendor ang ilang tama ng bala na natamo niya sa kanyang katawan matapos silang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa barangay Bual, Tulunan, North Cotabato, pasado alas nuebe ng umaga kahapon.Ayon kay Sr. Ins.Felix Fornan binawian ng kanyang buhay kahapon ng hapon ang biktimang si Bagondang Makaspi na taga Datu Paglas, Maguindanao, habang swerte namang daplis lang ang tama ng kanyang kasamang si Losen Kintungan.Ayon sa report sakay ang dalawang biktima sa kanilang motorsiklo galing sa barangay New Rizal, Mlang para mamili ng prutas pero di nila alam na sinusundan na pala sila ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo.Pagdating sa pinangyarihan ng krimen ay doon na sila pinaulanan ng bala ng mga suspek gamit ang 38 revolver.Naisugod pa si Makaspi sa pagamutan na tinamaan sa kanyang ulo at inilipat naman sa Davao City pero kahapon ng hapon ay binawian rin ito ng buhay.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang nabanggit na insidente.Samantala, ikinaalarma naman ni Fornan ang sunod sunod na pamamaril sa kanyang lugar na una nang maynaitala nitong lunes ng umaga kung saan nasawi rin ang biktima na si Chalmer Cabrera, 46-anyos na taga Zone 1, Tagnanan, Mabini, Compostella Valley Province.Dahil dito, plano ngayon ng Tulunan PNP na palakasin pa ang kanilang pagpapakalat sa kanilang mga tauhan lalo na sa mga lugar na posibleng lagusan at daanan ng mga masasamang loob. Paiigtingin din nila ang kanilang Check point operation sa mga Highway pati na ang visibility Patrolsa buong bayan. Disyamado si Board Member Socrates Piñol matapos na hindi nailusot sa Sangguniang Panlalawigan ang panukalang inihain nito na umaapela sa Commission on Higher Education o CHED na bumuo ng Fact-finding Committee na mag-sisiyasat sa mga nangyayaring katiwalaan at paglaganap ng illegal na droga sa loob ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST sa bayan ng Arakan, North Cotabato.Ayon kay Piñol hindi sinang-ayunan ng ilang mga kasamahan nito sa SP ang nasabing panukala sapagkat may ginawa ng imbestigasiyon ang pamunuan ni Cotabato Gov. Emmylou ‘Lala’ Taliño Mendoza katuwang ang PNP hinggil sa pag-imbestiga sa nangyaring pamamaril kay Dr. Harris Sinolinding.Baka raw kasi ay maapektuhan ang ginagawang imbestigasiyon ng mga pulis tungkol dito.Bukod pa rito ay wala ding hawak na mga papeles o anumang ebedensiya ang Sanggunian para isalang sa deliberasiyon ang nasabing panukala.Sa panig naman ni Pinol, ginawa nito ang hakbang matapos na pinadalhan siya ng sulat ni Dr. Kadil Sinolinding, ARMM Health Secretary na umaapela na paimbestigahan ang nangyaring pamamaril sa kapatid nito na si Dr. Harris in ‘aide of legislation’ dahil din sa mga umano anumalya at diumano’y laganap na bentahan ng illegal na droga sa nasabing paaralan.Noon pa umanong nakaraang taon, nagpaabot ng sulat si Dr. Kadil pero tila walang aksiyon na ginagawa ang pamunuan ni Commissioner Patricia Licuanan.Sinang-ayunan naman ni Board Member Shirlyn Macasarte bilang presiding Officer ng 7th Regular na Session ng SP ang pag-defer ng naturang panukala dahil ilan sa mga mambabatas ay walang background sa inihaing resolusiyon.Ipinanukala din ni BM Dina Espina-Chua na magkaroon ng closed Door meeting upang pag-usapan ang mga nabanggit na anomaly na kinasasangkutan ng management ng CFCST, pero umayaw dito si Pinol.Sa halip nais niyang magpulong sa Committee level nila at ipatawag sina Dr. Samson Molao at Dr. Harris Sinolinding. Hinihintay na rin ngayon ang pahayag ng mismong principal ng Muan Integrated School sa brgy. Muan Kidapawan City matapos itong pumayag sa isinagawang Horse Fight sa loob ng eskwelahan nitong nakaraang Biyernes hanggang linggo.Una nang sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista na kelangan ring marinig ang kanyang pahayag hinggil sa naturang issue.Inamin naman ni IMPR George Ando ng barangay Muan, na nagkaroon sila ng verbal lamang na kasunduan ng principal ng naturang eskwelahan para isagawa ang Horse Fight.Samantala, aminado rin siya na natanggap nila ang cease and desist order mula kay Mayor Evangelista.Ang paliwanag naman nito na nakompromiso na umano siya at hindi na nila maaring pauwiin pa ang mga may-ari nang kabayo na nag mula pa sa ibang bayan sa lalawigan kaya natuloy pa rin ito.Humihingi ngayon ng dispensa si Ando kay Mayor Evangelista sa pangyayari dahil sinunod lang din umanonila ang kanilang kultura at paniniwala.Pero iginiit naman ni Mayor Evangelista na maaari pa ring kasuhan ang sinumang sangkot sa nabanggit na aktibidad.At handa ngayong ang alkalde na marinig din ang panig ng principal habang patuloy na iimbestigahan ang nabanggit na usapin. Nabiktima din ng sakit na na dengue fever maging ang ilang mga staff ng South Cotabato Provincial Hospital.
Ayon kay Chief of Hospital, Dr. Conrado Brana, kabilang sa mga nagkasakit ng dengue ang incharge ng Hospital Management Information System o HOMIS na siya komokolekta ng mga datus hinggil sa dengue.Inihayag ni Brana na maging ang ilang mga nurse sa provincial hospital ay nagkasakit din ng degue fever.
Ito ayon kay Brana ay patunay lamang na kahit sino ay maaring mabiktima ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Kaya payo Brana sa mga mamamayan, ngayon dumadami ang nagkakasakit ng dengue sa South Cotabato huwag balewalain ang mga sintomas nito.Ayon kay Brana, kapag tumagal na ng dalawang araw ang lagnat,huwag nang magaksaya pa ng panahon at agad na magpatingin sa doctor.
Sinabi ni Brana na isa sa pinaka epektibong gawin upang di madale ng dengue ang maagang pagpapatingin sa doctor.Ipinahayag din ni Brana na bagama’t hindi rin nito binabalewala ang benpisyo ng mga herbal medicine, pinakamainam pa rin maaring gawin sa mga may sintomas ng dengue ang magpakonsulta sa doktoor at iwasan din ang magpagamot sa albularyo.Umaabot na sa mahigit 30 mga empleyado ng provincial government ng South Cotabato ang nagpositibo sa iligal na droga.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, lahat ng mga job order employee na nagpositibo sa illegal drugs ay tinanggal na sa trabaho habang ang nalalabing 10 regular employee ay isinailalim pa sa confirmatory test.
Sinabi ni Fuentes na dahil random drug testing lamang ang ipinatupad sa provincial capitol, hindi lahat ng mga kawani nito ang sumalang sa drug test.
Binigyan diin ni Fuentes na maari pa ring irekomenda ng kanilang Department Head na muling isalang sa drug test isang kawani na pinagdududahang gumagamit ng iligal na droga.
Binigyan diin ni Fuentes na kung paninindigan ng provincial health office ang resulta ng kanilang drug test, mas magiging mabilis ang pagtanggal sa pwesto maging sa mga regular employees ng provincial government na lulong sa illegal drugs.
Umaabot na sa 330 ektarya ang mangrove cover ng Sarangani Bay ngayong 2016, ito ay mas malawak kumpara sa 293 hectares noong 2009.
Ito ang lumabas sa Coastal Zone Profiling ng Sarangani Bay Protected Seascape o SBPS Project.
Ayon kay SBPS Project Manager Rosalinda Cortez ang unti unting paglawak ng mangrove cover sa Sarangani Bay ay resulta ng pagtutulungan ng mga komunidad sa paligid nito.
Ipinahayag ni Cortez na sa pamamagitan ng SBPS project madaling matukoy ang lugar para sa rehabilitation at reforestation ng mga mangrove areas sa tulong ng mga mamamayan.
Ayon kay Cortez, mahalaga ang mangrove sa mga coastlines dahil ginagawa itong breeding ground ng mga isda at iba pang marine resources.
Pinoprotektahan din ng mga mangrove laban sa soil erosion , malalakas na alon at pagtaas ng tubig dagat ang mga baybayin at nga residente malapit dito.
Sakop ng Sarangani Bay ang mahigit 200,000 ektaryang coastline sa mga bayan ng Maitum,Kiamba, Maasim, Alabel, Malaban,at Glan sa Sarangani at General Santos City.
Pinaghahanap pa ng mga pulis ang isang suspek na umano ay nagpasabog ng granada sa isang compound sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kinilala ang suspek na si Al Regyn Balajada, 23 anyos at residente ng Purok Mawa, Barangay Lambontong, Surallah.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ang granada ay sumabog sa labas mismo ng bahay ng kapatid ng mg suspek na nakaalitan nitong si Donna Yesa Balajada .
Nabatid na habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagtatalao, umuwi umano ang suspek sa kanilang bahay at bumalik dala ang isang granada at pinagbantaan ang kapatid.
Makalipas ang ilang sandali isang malakas na pagsabog ang narining na nagresulta naman sa pagkasira ng bahagi ng pader at bubong ng bahay ng pamilya Yesa.
Pinatunayan naman ni Senior Police Officer 2 Roslee Mahawan ng Explosive Ordnance Division ng South Cotabato PNP na granada ang sumabog matapos matuklasan sa lugar ang fragmentation at safety lever nito.
Di pa batid ng pulisiya kung ano ang motibo ng suspek sa umano ay pagpapasabog ng granada.
Kinilala ni Police Regional Office 12 Information Officer Police Superintendent Romeo Galgo ang nasawi na Russel Hamid Piang alyas Tsukay” .Kinukumpirma pa ng mga pulis kung si Piang ay totoong incumbent municipal councilor ng Buluan, Maguindao.
Ayon kay Galgo si Piang ay nasawi matapos umanong paputukan ang mga pulis na maghahain sana ng search warrant sa kanya kahapon sa Yellow Village, Barangay New Isabela, Tacurong City.Ipinahayag ni Galgo n narekober ng mga pulis mula kay Piang ang isang 45 pistol, at fired cartridges ng matataas na kalibre ng armas.Kabilang din sa mga sinalakay ng pulis ang bahay ng magasawang sina Bai Nora at Ismael Mangudadatu sa barangay San Pablo, Tacurong,kung saan nakakuha ang mga ito ng 2 maliliit sachet ng suspected shabu at isang rifle grenade.Bigo naman ang mga pulis na mahuli ang kanilang target.
Nakuha din sa bahay ng isang Senior Police officer 2 Sueb Mangelin na pinasok din ng mga otoridad sa New Isabela, Tacurong ang isang caliber pistol, mga babala.Ayon kay Galgo si Mangelin na nakatalaga sa PRO-ARMM ay pinaghahanap din dahil umano sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.
Ang pagsalakay sa naturang mga lugar ay pinangunahan ng Regional Special Investigation and Detection Team o RSIDT at Regional Public Safety Batallion o RPSB ng Police Regional Office 12.Samantala, bibit ang search warrant arestado naman sa kasunod na operasyon ng mga pulis sa Barangay Estrella, President Quirino si Leopolodo Mangi.
Nakuha mula kay Mangi ang isang 9mm na baril na may PNP property marking at 12 dalawang bala nito, isang 45 pistol na may magazine,mga abala nito at 16 na motorsiklo.Sinalakay ng mga pulis ang naturang mga lugar sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Kabacan North Cotabato, Regional Trial Court Branch 16 Judge Alexandrex Betoya.

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...

OPAPRU: IRR of amnesty grant to fast-track ex-rebels' integration

MANILA – The release of the implementing rules and regulations (IRR) of amnesty proclamations issued by President Ferdinand R. Marcos Jr. would...