Friday Apr, 26 2024 09:02:33 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 24, 2016)

Breaking News • 16:04 PM Wed Aug 24, 2016
1,479
By: 
NDBC

NEWSCAST

AUGUST 24,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ANIM KATAO biktima nang panghoholdap
sa Cotabato City sa loob ng isang araw Pera at Gadgets, natangay ng mga
kawatan

2. Utility worker ng DPWH-12, nahulihan ng 2 baril at isang granada.3. Governor Fuentes ng South Cotabato
pasok sa honor list” kontra iligal na droga ng DILG

MAGKAKAHIWALAY NA INSIDENTE NG
PANGHOHOLDAP ANG NAITALA ng kapulisan kahapon ng hapon sa Cotabato City.

Biktima rito ang anim katao na nakuhanan
ng pera at gadgets ng mga kawatan.

UNANG nagsumbong sa pulis ang lima sa
mga ito na naholdap sa General Luna Street, Rosary Heights 5, magaalauna ng
hapon kahapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina
Benjie Morta Cobol, 27 anyos Calvin Carino Pabillon, 20 anyos Sarinah
Abdullah Engad, 23 anyos Sittie Merlyn Enriquez 27 anyos at Margarette
Delaserna Udaundo, 22 anyos na pawang mga taga Cotabato City.

Base sa salaysay ng mga biktima,
naglalakad lamang sila sa naturang lugar nang bigla silang harangin ng tatlong
kalalakihan.

Bigla umano silang tinutukan ng baril
at nagdeklara ng holdap.

Hindi na nakapalag ang mga biktima at
tuluyan nang natangay ng mga kawatan ang kanilang pera na umaabot sa 10
thousand pesos, isang Cherry Mobile Flare cell phone na nagkakahalaga ng 5000
pesos, isang Oppo Mirror Cellphone worth 10, 000 pesos, ASUS cellphone,
nagkakahalaga ng 9, 600 pesos, Isang Samsung Basic Phone, 3000 pesos at isang
unit ng Samsung A5 cellphone na nagkakahalaga ng 19,000 pesos.

SAMANATALA, AGad namang tumakas ang tatlong suspek
sakay ng isang kulay pulang Mio Scooter na walang plaka papunta sa diriksiyon
ng Demazenod Avenue.

DUMULOG rin sa pulisya ang isang lalake
na biktima rin ng pang ho-holdap sa bahagi ng Don Abelardo Street, Baranggay
Poblacion 3 ng lungsod pasado ala-una ng hapon kahapon.

Ayon sa biktimang si Adnan Yusop
Bataga, 19 years old at residente ng lugar naglalakad siya pauwi sa kanilang
tahanan ng biglang tumigil sa kanyang harapan ang tatlo ding kalalakihan na
sakay ng isang kulay na Violet Mio scooter na wala ng plaka. Agad siyang
tinutokan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Natangay ng mga suspek ang kanyang Oppo
Cell phone na nagkakahalaga ng 12, 000 pesos. MAGTATAGAL
hanggang sa August 26 ang Gamutan Pangkalahatan na handog ng Integrated
Provincial Health office o IPHO Maguindanao na nagsimula noon pang lunes.

Ayon kay IPHO
Maguindanao Chief of Hospital Dr. Tahir Sulaik, sa mga nakaraang linggo pa lang
ay sumasailalim na sa health screening ang daan-daang mga pasyente upang
mabatid kung anong libreng serbisyo ang kanilang mapapakinabangan sa Gamutang
Pangkalahatan.

Nagbibigay ng
libreng major at minor surgical operation services ang naturang ospital para sa
sinumang mag-qualify na mga pasyente matapos dumaan sa medical screening.

Inihayag
naman ni Sulaik na magbibigay rin sila ng libreng gamot sa mga pasyente na siya
namang nakaugalian na ng IPHO-Maguindanao. HULI
ANG ISANG LALAKE sa patuloy na kampanya ng kapulisan at city government laban
sa kriminalidad sa lungsod ng Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kulongan
ang bagsak ni Riyadin Guiapar Bandala, 30 anyos, may asawa at utility worker ng
DPWH 12 Matapos siyang makuhanan ng isang 9mm pistol na may mga bala, isang
unit ng caliber 45 pistol na may 32 live ammunitions at isang fragmentation
hand grenade na walang mga kaukolang papeles.

Nahuli
ang suspek sa loob ng Kulolots bar sa Sinsuat avenue pasado alas onse ng gabi.

Sinita
ang suspek sa loob ng bar dahil sa kanyang kahinahinalang galaw.

Nahaharap
ngayon sa kasong paglabag sa R.A 10591 at R.A 9516 habang nakakulong sa locked
up cell ng police station number 2.

SAMANTALA,
muli na namang nambiktima ang snatcher-tandem sa Cotabato City.

Pinakahuling
biktima ng mga ito ang isang guro na si Jingkie Castanyaday, 23 anyos,
taga-Ternorio, Awang, Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Ayon
sa biktima, nangyari ang insidente habang nakasakay siya sa isang pampasaherong
payong payong sa bahagi ng Governor Guttierez avenue pasado alas siyete kagabi.

Hinablot
at tinangay umano ng dalawang lalaking nakamotorsiklo ang kanyang bag na
naglalaman ng 7,000 pesos na cash, dalawang gold necklace na nagkakahalaga ng
5,000 pesos at headphone na abot sa 1,000 pesos.

Agad
humarorot ng takbo ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek patungo sa diriksiyon
ng Albert Einstein's School ng lungsod.

BINIGYANG
DIIN ni National Economic and Development Authority Director General Ernesto
Pernia na oras na aprubahan ang wage hike, maari itong magresulta ng pagsasara
ng ilang kompanya o di kaya ay magkakaroon ng tanggalan ng mga manggagawa.

Sa
halip aniya na dalawa, isang pamilya na lamang ang makapapasok sa trabaho dahil
limitado ang kayang bayaran ng mga employers kapag tinaasan ang pasahod.

Paliwanag
ni Pernia, sa halip na taasan ang sweldo, mas makabubuti ng dadagdagan na
lamang ang paglikha ng karagdagang trabaho.

Nauna
nang inihirit ng ilang labor groups na panahon na para magpatupad ang
pamahalaan ng isang legislated wage increase para sa mga arawang obrero.

Kumpiyansa
naman si Pernia na hindi ikakatakot ng mga investors ang mga napapatay sa war
on drugs ng Duterte administration.

Aniya
imbes na ikabahala, dapat ay ito magdulot ng kampante sa mga investors at
maituturing ngang necessary evil ang pagkakapatay ng mga drug
pushers para sa ikabubuti ng higit na nakararami.

Kailangan
lamang aniyang liwanagin o i-counter ang negatibong persepsyon kaugnay sa mga
naitatalang patayan sa anti-drugs campaign. PINURI
ni Communist Party of the Philippines o CPP founder Jose Maria Sison ang magandang takbo ngayon ng usaping
pangkapayapaan sa pagitan nila ng gobyerno.

Sinabi
ni Sison na natapos na ng parehong panig ang limang agenda, kabilang na ang
pagpapatibay sa nauna nang pinirmahang mga kasunduan, pagpapabilis sa proseso
ng mga negosasyon at ang reconstitution ng Joint Agreement on Security and
Immunity Guarantees o JASIG.

Aniya,
Tatlong reciprocal groups na ang tumatrabaho sa iba pang mga kasunduan kabilang
ang agreement on social and economic reforms, political and constitutional
reforms, at pati na ang agreement to end hostilities.

Target
na tapusin ang drafts ng mga kasunduan sa loob ng susunod na anim na buwan.

Muli
ring pinuri ni Sison si Pangulong Duterte dahil sa pagiging bukas nito sa
pagpapabilis ng peace negotiations, at mas nakikitaan niya ngayon ng
determinasyon ang pamahalaan para makabuo ng magagandang kasunduan.

Isasagawa
naman ang sunod na formal talks para sa draft ng mga comprehensive agreements.

Mas
positibo rin ang pananaw nila sa peace talks ngayon dahil kahanay ng paniniwala
ng NDFP ang political will ni Pangulong Duterte. Aminado si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na mas malaking hamon ngayon sa pamahalaang panlalawigan ang pagpapaigting pa ng kampanya kontra iligal na droga.
Ito ang ipinahayag ni Fuentes matapos siyang mapili bilang isa sa sampung local chief executives sa bansa na nalakip sa honor list” ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ang talaan ng ahensya ay kinabibilangan ng mga LGU officials na may pinakamatagumpay na kampanya kontra iligal na droga.
Ang pagkakapili sa kanya ng DILG ayon kay Fuentes ay patunay lamang na matagumpay na kampanya kontra illegal drugs ng mga otoridad sa Koronadal City.
GAyunpaman ayon sa gobernador ang pag-resurfaced ng mahigit 7,000 drug personalities sa South Cotabato ay patunay lamang na malaking problema ang iligal na droga sa lalawigan.
Ang pagtutuok sa illegal drug problem ayon kay Fuentes ay magiging prayoridad pa rin ng provincial government maliban sa iligal na sugal.
Si Fuentes ang kaisa isahang local chief executive sa rehiyon dose na pasok sa honor list” sa iligal na droga ng DILG.
Nakatanggap ng standing ovation sa kanilang mga pagtahanghal sa Mexico ang Hinugyaw Cultural Dance Troup o HCDT ng Koronadal City.
Ito ang ipinahayag ng isa sa mga myembro ng HCDT na si Girlio Dioso.
Ang HCDT ay naging kinatawan ng Pilipinas sa katatapos lang na FOLKLORIADA Festival na dinaluhan ng 54 bansa sa Mexico.
Ayon kay Dioso ikinatuwa ng mga delegado ng Pilipinas ang mainit na pagtanggap sa kanila sa Mexico.
Ang mabigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang kultura sa ibang bansa ay ikinatuwa naman ng mga B’laan performers na sina Joey Gubal, Arlene Benta, Delia Lawian.
Ayon naman sa Koronadal Contingent, sa kabila ng walang patid na performance ng mga ito, hindi sila nakaramdam ng pagod dahil sa papuri sa tuwing silay nagtatanghal.
Isa sa mga naging highlight ng pagdalo ng grupo sa FOLKLORIADA ay ng maturuan nila ng pambansang sayaw ng Pilipinas na Tinikling ang mga Mexican.
Mababantayan ng mas maigi ngayon ng mga pulis ang katiwasayan sa Koronadal City.
Ito ay matapos mabigyan ng bagong sasakyan ng lokal na pamahalaan ang city Police Station.
Ang 4 by 4 pick up ay tinaggap mismo ni Koronadal Chief of Police Superintendent Barney Condes mula kay City Mayor Peter Miguel.
Ang sasakyan ay nagkakahalga ng mahigit P1.4 million.
Maliban sa PNP nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng topdown vehicle sa Civil Security Unit CSU.
Tinanggap na rin ni City Fire Marshall, Fire Senior Inspector Reginald Legaste ang may P4 million na Fire Tanker na bigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Habang ang mahigit 400 mga silya at mesa para sa mga Day Care Center ay nai-turn over na rin sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO.
Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, sisikapin ng lokal na pamahalaan na makumpleto ang lahat na gamit ng SWAT team ng PNP.
Ipinahayag ng alkalde na ipatatayo din ang bagog fire station sa likod ng City Hall.
Umapela naman si Miguel sa mga mamamayan mismo na ingatan ang mga gamit na bigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Pinapaganda pa ngayon ng Provincial Environment and Management Office o PEMO ang mga alahas na gawa sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ayon kay PEMO Officer Seigfred Flaviano, layon nito na lalo pang maisulong ang industriya ng alahas sa bayan.
Ipinahayag ni Flaviano na para sa mas magandang kalidad ng alahas, bibili ang PEMO ng mini tumbler para sa polishing, gemstone cutter, at gemstone para sa finishing touches ng mga alahas.
Ang mga ito ayon kay Flaviano ay ibibigay nila sa taga gawa ng mga alahas na T’boli Jewelers Association.
Umaapela din si Flaviano sa publiko na tangkilikin ang mga alahas na gawa sa T’boli,dahil bukod sa mas mura ay mas maganda din ang kalidad nito.
Ayon kay Flaviano isa ngayon sa kanilang pinagtutuunan ang paggawa ng silver pen na nakalagay sa engineered bamboo box na may T’nalak Cloth.
Ito ayon kay Flaviano ay inaasahan nilang maging trademark ng South Cotabato.
Sumailalim sa katatapos lang na tatlong araw na training ang 25 myembro ng Volunbteer Fire Brigaide ng South Cotabato Provincial Capitol.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Layon ng training na agad na makapag-responde sakali mang magkasunog sa Provincial Capitol Compound.
Ang mga nagsanay na fire volunteer ay maari ring magsilbing unang responder sa oras ng emergency.
Itinuro sa mga ito ang mga unang dapat gawin sakali mang magkasunog lalong lalo na ang pagligtas sa mga mamamayan.
Gayunpaman ayon kay PDRRM Officer Mila Lorca ang 40 oras na training ay unang bugso pa lamang sa mga pagsasanay na dapat kumpletuhin ng mga fire volunteer ng provincial capitol.
Ayon kay Lorca maliban sa provincial capitol pinalalakas din ng PDRMO ang kanilang kampanya kontra sunog sa mga lugar na madalas magkasunog sa South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Lorca nakapagbigay na sila ng Self-contained breathing apparatus o SCBA sa mga bayan ng Surallah, Tantangan at Polomolok.
Nakatanggap din ng kahalintulad na apparatus mula sa PDRRMO ang Koronadal City.

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...