Sunday May, 26 2024 09:37:01 AM

NDBC BIDA BALITA (Aug. 8, 2016)

Breaking News • 15:58 PM Mon Aug 8, 2016
1,955
By: 
NDBC-NCA

NEWSCAST

AUGUST 08,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Walong Maguindanao officials, sumuko sa PNP pinasungalingan ang alegasyon silay mga drug lords.2. Sampung kawani ng Surallah LGU,
positibo sa illegal na droga

3. Pilipinas, nanalo ng silver sa Rio Olympics.4. P. Duterte, maghahayag pa ng dagdag namga pangalan ng drug lords sa bansa. sand//ssl.gstatic.com/onebox/media/olympics/photos/o16/archive/MTZSPDEC7FCYP8GT_768x432.JPG PINANGALANAN na
ni President Rodrigo Duterte ang mga narco-politician sa bansa kahapon ng
madaling araw sa Davao City.

Kung saan ilan
rito ay mula sa lalawigan ng Maguindanao.

Dahil dito,
pagsapit ng alas-9 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon kahapon, agad na nagtungo
ang WALONG alkalde at bise-alkalde sa Maguindanao Provincial police office.

Humarap ang mga
opisyal kay MAGUINDANAO PPO Director Sr. Supt. Nickson Muksan, kung saan
mariing itinanggi ng mga ito na sangkot sila sa pagooperate ng iligal na droga
sa lalawigan.

Kabilang sa mga
sumuko ay sina Mayor Montasir Sabal ng Talitay Mayor Vicman Montawal ng Datu
Montawal Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan at Mayor Norodin
Salasal ng bayan ng Datu Salibo.

Sumuko rin si
Talitay Vice Mayor Abdulwahab Sabal, Datu Montawal Vice Mayor Otto Montawal AT
Datu Saudi Ampatuan Vice Mayor Anida Dimaukom.

Habang nauna ng
sumuko si Mayor Rasul Sangki, ng bayan ng Ampatuan kay ARMM PNP Director Chief
Supt. Agripino Javier.

Si Vice Mayor
Otto ay ang ama ni Mayor Montawal habang si Vice Mayor Anida naman ang misis ni
Mayor Dimaukom.

Nang makapanayam
ng DXMS Radyo bida si Vice Mayor Abdulwahab Sabal na nakatatandang kapatid ni
Mayor Sabal sinabi nitong handa silang harapin ang anumang isyung pinupukol sa
kanila lalo na ang naninira sa kanila.

Nasa Maynila
naman si Mayor Dimaukom para tumugon sa pahayag ng Pangulo na humarap sa hepe
ng PNP.

Inihayag ni
Muksan na agad niyang binalaan ang naturang mga opisyal na tumugon sa pahayag
ng Pangulo dahil hindi niya kontrolado ang ipinagutos nito na SHOOT-TO-KILL sa
mga pinaniniwalaang narcopolitician.

NGAYONG ARAW,
inaasahang darating ang naturang sumukong mga opisyal sa Camp Crame sa Quezon
City para humarap mismo kay Director General Ronald dela Rosa matapos silang
bigyan ng ultimatum ng Pangulo sa loob ng bente kwatro oras mula ng ginawa niya
ang paganunsyo.

SAMANTALA,
maliban sa walong mga opisyal, marami pang ibang mga opisyal, hukom at miyembro
ng kapulisan mula sa Luzon at Visayas ang pinangalanan ng pangulo na
narco-politicians.

SA MINDANAO,
kabilang sa narco-list ng Pangulo ay sinaand

Ex-Mayor Abubakar Abdul Karim Afdal ng Labangan, Zamboanga del
Sur,Mayor Gamar Ahay Janihim ng Sirawai,Zamboanga del Norte

David Navarro ng
Pagadian City, Zamboanga del Sur

Bobby Alingan ng
Kolambugan, Lanao del Norte

Yusofa Monder
Bugong Ramin ng Iligan City, Lanao del Norte

Jessie Aguilera
ng Alegria, Surigao del Norte

Mayor Fahad Salic
ng Marawi City

Mayor Mohammad
Ali Abenal ng Marantao, Lanao del Sur

Jamal Dadayan ng
Buadiposo-Buntong, Lanao del Sur

Sabdullah
Macabago ng Saguiaran, Lanao del Sur

Muslim Aline
Macadatu ng Lumbatan, Lanao del Sur

Ex-Mayor Benahar
Tulawie ng Talipao, Sulu

Reynaldo
Parojinog ng Ozamiz City

Nova Princess
Parojinog Echavez ng Ozamiz City

Mayor Omar
Solitario Ali ng Marawi City

Arafat Salic ng
Marawi City

Rasmiyah Macabago
ng Saguiaran, Lanao del Sur

Congressman
Guillermo Romarate, Jr. ng 2nd District, Surigao del Norte

Former board
member Ricardo Parojinog ng Misamis

Kabilang rin ang ilang mga pulis sa mindanao na sinaand

PCI Ibrahim
Jabiran ng Zamboanga CPO

PCI Perfecto
Abrasaldo Awi Jr. - Misamis Oriental

P/Insp. Roy
Montes ng Iligan PRO

P/Supt. Ricardo
Gando Pulot, Hepe ng Quezon Bukidnon

P/Insp. Martin
Plaza - former Panabo chief intel

PO1 Pierre Dizo
ng Zamboanga del Sur

PO3 Omar Juani ng
Zamboanga City Public Safety

Rommel Mansul ng
Police office region 9

PO3 Daryl Page -
Tabasan Municipal Station

SPO1 Totong Joe
Valdez

SPO4 Rodrigo
Ramos ng Bukidnon PRO

SPO1 Reynaldo
dela Victoria ng Cagayan de Oro City

SPO3 Emilio
Mendoza ng Lozaria PP5 Iligan City

Marlo Espinosa ng
Bukidnon

SPO3 Richie Mat
ng CIDG Mati Davao Oriental

SPO3 Rosell
Iliviera ng CIDG Tagum Davao del Norte

PO3 Jessie
Balabag ng Region 11

PO3 Filomeno Toronia
ng Digos Police Station

PO1 Glenn
Alicarte ng PRO 12

PO1 Philip
Pantarolia ng Tacurong City Police Office

SPO1 Gerry dela
Rosa ng South Cotabato PPO

PO3 Bebot Ruiz ng
GSCPO

PO3 Estelito
Solanio ng Malongon MPS Sarangani

RSAD Casimiro
Castro ng CAFGU 38IB 6ID ARMM

RSAD Pfc. Philip
Miro ng 40IB 6ID ARMM

Cpl. Cusinan
Lopez ng 52IB ARMM

Pfc. Mamadali
Ipad ng 64IB 6ID

Yasin Abolgalib

JO1 Alfredo Galis
Ogacho

FO1 Nicolas Ponce
Ablaca ng ARMM

FO3 Ricardo
Villaris Ibanez ng Region 9

Marine Corporal
Alfrenz Gurias Abedin ng Western Mindanao

Jimmy Manlangit
ng Region 12SA susunod na mga araw, ihahayag pa ni Duterte ang iba pang mga sangkot sa illegal drugs. TATLO KATAO
ang nakakulong ngayon sa locked-up cell ng Police Station 4 Matapos makuhanan
ng Matataas na kalibre ng armas sa isinagawang operasyon ng tropa ng Police
Regional Office 12 sa Baranggay Tamontaka Uno at Dos Madaling araw noong sabado.

Sa bisa ng
Search Warrant na inilabas ni RTC 12 branch 15, Judge Alexander Betoya, Pinasok
ng kapulisan ang ang labing anim na kabahayan sa lugar kasama na ang pamamahay
nina Datu Khadaffy Mamadra Bandila at Hannibal Mamadra Bandila pawang residente
ng nabanggit na lugar at Tamano Kamaong Mamalapat, Baranggay Chairman ng
Baranggay Kitapuk, Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.

Kasong
paglabag sa republic act 9165 at 10591 ang kinakaharap ng mga suspek.

Sa report,
Pasado alas kwatro ng madaling araw noong sabado, nang pasokin ng humigit
kumolang 300 na kapulisan ang mga pamamahay ng mga drug suspek kung saan nakuha
mula sa pamamahay ni Khadaffy Bandila, isang negosyante ang isang unit ng
caliber 30 M2 Carbine riffle, isang unit ng 9MM UZI Submachine gun pistol,
isang caliber 45 pistol, isang unit ng caliber 45 Tomgram submachine gun
pistol, isang unit ng Phoenix caliber 22 pistol, isang unit ng two way handled
radio, apat na piraso ng M16 rifle steel magazine na may lamang bala, siyam na
pirasong carbine rifle steel magazine na may laman ding bala, 60 rounds of
caliber 30 live ammunination, 70 rounds of caliber 5.56 live ammunination at 50
rounds ng caliber .22 live ammunitaion.

Nakuha naman
sa pamamahay ni Hannibal Mamadra Bandila, isang ding negosyante ang isang unit
ng ARMSCOR 12 gauge shotgun with 14 rounds of live ammunition.

Samantala
nakuha naman sa pamamahay ni Mamalapat ang isang unit ng caliber 45 tomgram
submachine gun pistol with 30 live ammunination, isang unit ng Colt caliber 45
pistol na may siyam na bala at isang unit ng ITHACA Caliber 45 pistol na may
mga laman pang bala.

Negatibo
naman sa iligal na droga ang mga pamamahay ng mga suspek ngunit di naman sila
ligtas sa kasong paglabag sa R.A 10591 o Comprehensive Law on Fire Arms and
Ammunition. KUNG
bibilangan ang dami ng mga preso sa lungsod ng Cotabato, kulang na kulang ang
pasilidad para maacommodate ang mga ito.

Aminado
si City Administrator Dr. Danda Juanday na wala pang sapat na budget ang Lokal
na Pamahalaan para magpatayo ng karagdagang kulungan sa lungsod.

Inilarawan
rin ni Juanday na kasalukuyang nagsisiksikan ang mga inmates partikular na sa
Police station # 1 dahil sa patuloy na kampanya ng Pamahalaan laban sa iligal
na droga.

Ilan
sa mga nakakulong ay nagsisipagtayuan na lamang sa loob ng selda dahil sa over
crowded o dami ng mga nakakulong.

Nabatid
na tanging ang Police Station 1 lamang ang may tatlong selda sa lungsod ng
cotabato, isa sa Police Station 2, ganundin sa Police Station 3 habang wala
namang selda naman ang Police Station # 4.

IBINUNYAG
naman ni City Jail Warden, Jail Senior Insp. Erwin Esden na sa kasalukuyan,
nasa 342 na ang populasyon ng mga preso na nasa city jail.

306
dito ay mga lalaki habang 36 naman ang mga babaeng inmates.

35%
nito ay may kasong kinakaharap sa paglabag sa RA 9165, 20% may kasong Murder,
10% may kasong Homicide, 25% may kasong Theft at 10% sa petty crimes.

Nabatid
ayon kay Esden, dapat ay nasa 50 lamang ang inmates na maaaring iacommodate ng
kanilang selda pero pumalo na ito sa abot sa 400 bilang ng mga preso.

Sa
pakikipagugnayan nila sa Cotabato City government, nakahanda na ang lote sa
Canizares Estate na ido-donate upang patayuan ng Modernong Jail Facilities na
naaayon sa Standard ng BJMP.

Naglaan
naman ang BJMP National Office ng 12 million pesos na initial budget para sa
inaasahang ipatatayong bagong City Jail building sa lungsod. PATAY
MATAPOS pagbabarilin ang isang lalake sa bayan ng libungan, North Cotabato.

Kinilala
ang biktima na si Saharudin Dilangalen Mapunaw, 18 isang helper.

Nagtamo
ng tama ng bala sa kanyang mukha dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Patuloy
pa namang inaalam ng mga otoridad kung anong kalibre ng armas ang ginamit sa
pamamaril dahil walang nakitang basyo ng bala sa crime scene.

Kasalukuyan
namang iniimbestigahan ang naturang pamamaril.

ISA
PANG KASO ng pamamaril ang naitala kahapon ng hapon sa bayan ng Midsayap
Cotabato.

Ang
biktima ay kinilalang si Asfullah Alid Daningilan alias Jimmy, 60-anyos, may
asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Isidro ng nasabing bayan.

Pinagbabaril
si Jimmy gamit ang caliber 45 na baril.

Sa
inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nasa likurang bahagi ng kanilang
bahay ang biktima ng pinagbabaril ito ng mga lalakeng riding-tandem.

Patuloy
naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP. BINALAAN
ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ANG MGA kolorum
na pampasaherong sasakyan sa Cotabato City na nagmamatigas pa rin na sumunod sa
batas trapiko.

Kamakailan
lang ay pinangunahan ng LTFRB 12 Assistant Regional Director for Operations
Haron Nu ang pagsasagawa ng surprise checkpoint sa Sinsuat Avenue dito sa
lungsod.

Kung
saan sa unang oras parang ay nasa higit sampung mga sasakyan na ang kanilang
pinigil hanggang sa umabot ito ng higit tatlumpo makaraang

makitaan
ng mga paglabag sa batas.

Kabilang
naman sa mga nilabag umano ng mga ito ay pagmamaneho ng sasakyan na walang mga
kaukulang dokumento, walang lisensya ang mga driver at bumibyahe ng out of
lane.

Ayon
kay Nul, ang lahat ng kanilang mga nahuling kolorum ay tinanggalan ng plate #
at kailangang magbayad ito ng multa sa kanilang tanggapan.

Base
sa direktiba ng LTFRB national office, ang van na mapapatunayang kolorum ay
magmumulta ng 200 thousand pesos habang 50 thousand pesos naman sa mga kolorum
na jeepney at townace.

Magmumulta
naman ang mga kolorum na bus ng isang milyong piso.

Nakinabang sa temporaryemployment ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang 1,365 na mamamayan at magsasaka na nawalan ng kabuhayan sa SOCCKSARGEN Region.
Ang mga ito ay pawang nagmula sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at North Cotabato at handa nang magtrabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng ahensya.
Ang mahigit P3 million pesos na pondo ay ibinigay ng DOLE sa National Irrigation Administration na siyang magpapatupad ng programa.
Bago pa man sumabak sa 10 araw na trabaho, ang mga TUPAD beneficiary ay nabigyan ng Personal Protective Equipment o PPE .
Isinailalim din ang mga ito sa Occupational Safety atHealth o OSH orientation .
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, naging posible ang programa dahil sa pagtutulungan ng DOLE at NIA.
Umaasa si Gutib na makatutulong ang TUPAD upang kahit papaano ay hindi na magiging problema pa ng mga pamilyang apektado ng El Nino Phenomenon ang kanilang pangunahing pangangailangan.
Ang mga benipisyaryo ng TUPAD sa Sultan Kudarat ay mula sa mga bayan ng Lambayong, Isulan, Lebak, Bagumbayan, Senator Ninoy Aquino at Tacurong City.
Nakinabang din sa programa ang mga mamamayan ng Libungan, Midsayap, Pigcawayan, Kabacan, M’lang, Tulunan, at Makilala sa North Cotabato.
Magiging trabaho ng mga ito ang paglilinis at pagsasaayos ng mga NIA Canal,at repainting ng ilang mga pasilidad ng NIA .
Isinasailalim pa sa administrative proceedings ang dalawang mga permanent employee ng lokal na pamahalaan ng Surallah, South Cotabato.
Layon nito na matukoy kung may sapat na dahilan para tuluyang tanggalin ang mga ito sa serbisyo.
Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita, ang dalawang mga kawani ay kabilang sa sampung mga empleyado ng Surallah, na nagpositibo sa illegal na droga.
Ipinahayag ni Bendita na ang walong iba na pawang mga job order employees ay tinanggal na ng lokal na pamahalaan.
Nabatid na isa sa mga kawani na nagpositibo sa drug test ay babae.
Ang surprise random drug testing sa mga kawani ng Surallah LGU ay bilang suporta na rin sa mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng Duterte Administration .
Isinusulong ni Koronadal City Councilor Anabelle Pinggoy na madagdagan ng P500 ang buwanang honorarium ng mga barangay Health Workers o BHW sa Koronadal City.
Ang ordinansa hinggil dito ay pinagaaralan na ngayon ng mga myembro ng Sangguniang Panglungsod.
Ayon kay Pinggoy,ang kasalukyang P1,500 honorarium ng mga BHW mula sa local na pamahalaan ay hindi angkop sa dami ng kanilang sakripisyo at trabaho.
Sinabi ni Pinggoy na siya ring Chairman ng Committee on Health ng konseho na sa ngayon ang Koronadal City ay mayroong 157 BHW na nagsisilbi sa mahigit 42,193 Households.
Igniit ni Pinggoy na kung susundin ang tamang ratio na isang BHW sa bawat 20 household, kailangan ng lungsod ang 1,425 BWH.
Inihayag din nito na nakaapekto din sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ng mga BHW ang patuloy na pagtaas ng populasyon sa Koronadal City.
Umaasa si Pinggoy na kung walang magiging aberya ay maipatutupad na ang An Ordinance Increasing the Monhtly Honorarium/Allowance of All Barangay Health Workers in the City of Koronadal” sa Enero sa susunod na taon.

Inihahanda na mga pulis ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs laban sa 33 anyos na si Jorge Sumera.
Si Sumera ay naaresto sa drug buy bust operation ng mga pulis sa Purok San Miguel, Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay Polomolok Chief of Police, Superintendent Joedy Lito Guisinga nakuha mula sa drug suspek na si Sumera ang isang sachet ng suspected shabu at P500 marked money.
Si Sumera ay naaresto kasunod ng pagsakote sa isa ring drug suspek sa Bayan ng Norala, South Cotabato
Kinilala ni Norala Chief of Police, Chief Inspector Dennis Madriaga ang suspek na si Rolly Januto, 56 anyos at residente ng Baranga San Miguel, Norala.
Si Januto ay inaaresto matapos umanong pagbentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer nito sa Poblacion, Norala.
Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng suspected shabu, P500 marked money,at cellphone na ginagamit umano sa kanyang illegal drug transaction.
Si Januto ay inaasahang kakasuhan naman ng Norala PNP ngayong araw.
Suportado ni Koronadal Vice Mayor Eliordo Ogena ang paglalagay ng blue guard sa mga pasilidad na pagaari ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Ogena ito ay matapos dumaan at katigan ng Sangguniang Panglungsod.
Umaasa naman ang bise mayor na gagawin ng 20 mga gwaridya na kinuha ng city government ang kanilang trabaho upang bantayan ang mga pasilidad ng city government.
Ang mga blue guard ay magiging katuwang ng Civil Security Unit o CSU sa pagbabantay sa city hall, lumang city hall, satellite market at public market.
Binigyan diin ni Ogena na hindi rin dapat umasa ang mga CSU sa mga blue guard dahil kung tutuusin nakaatang sa mga ito ang mas malaking responsibilidad sa pagbabantay ng mga establisemento na pagaari ng lokal na pamahalaan. SPORTS....MAY MEDALYA na ang Pilipinas sa ginagawang Rio Olympics sa Brazil matapos na manalo si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz.20 taon ang lumipas bago muling napasama sa medal tally ang bansa dahil pinakahuling nanalo ang bansa ng medalya ay noong 1996 sa pamamagitan ni Mansueto Onyok Velasco sa larangan ng boxing.Si Diaz, 25 taong gulang ay isa sa 13 delegado ng Pilipinas sa Rio. Ito ang ikatlong pagkakataon na nagtangka siyang manalo ng medalya sa Olympics. Una noong 2008 Beijing Games at sunod noong 2012 London Games.Lumuha si Diaz nang i-anunsyo ang kanyang pagkapanalo.

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...