Tuesday Jan, 28 2020 04:01:19 PM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 5, 2019)

NDBC BALITA • 10:45 AM Thu Dec 5, 2019
344
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 05, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. WALONG DRUG SUSPECTS, arestado sa anti-illegal drugs operation ng mga otoridad sa Cotabato city kahapon.

2. WANTED sa kasong panggagahasa, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Matalam, North Cotabato

3. Notre Dame of Banga student, na unang iniulat na nawawala, natagpuang patay sa irrigation canal

4. GOOD NEWS! Sampung libong pisong service recognition incentive para sa government workers, aprubado na ni P. Duterte.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

 

ARESTADO ang lima katao sa inilunsad na buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA BARMM pasado alas dyes kagabi sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Lovella dela Cruz alyas Ella, 46 anyos at isang fruit vendor; Exel dela Cruz alyas Ambok, 18 anyos; Sheena dela Cruz alyas Baleleng, 34 anyos, Jonathan dela Cruz, 23 anyos at Jay Ar Rivera, 22 anyos.

Sinabi ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin na nakuha mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalaang shabu na may timbang na limang gramo at nagkakahalaga ng 34 thousand pesos; isang coin purse na naglalaman din ng tatlong sachets ng hinihinalaang shabu na may timbang na 15 grams at nagkakahalaga ng 102 thousand pesos at walong sachets ng hinihinalaang shabu na may kabuuang timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng six thousand, 800 pesos.

Nasamsam din sa operasyon ang iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Ayon kay Azurin, nagsisilbi rin umanong drug den ang lugar kung saan naaresto ang limang mga suspek.

Una rito, natimbog din ng mga otoridad ang dalawang mga lalaki at isang babaeng drug suspects pasado alas tres ng hapon, kahapon sa Purok Lawaan, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Kinilala naman ang mga naaresto na sina Saddam Maguilna Mariga, 27 anyos, may asawa, self-employed at Shahana Mariga, 18 anyos, may asawa, self-employed pawang mga taga -Purok Lawaan, Mother Barangay Bagua; at si Sadam Abas Edres alyas Sadam Abas Aragasi, 29 anyos, may asawa, self-employed at taga Teksing, Barangay Poblacion 6 ng lungsod.

Pinangunahan ni Police Station 1 Chief Police Major GLENN MAR AVISA at ng PDEA-BARMM ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlo.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang medium size sachets at 15 small size sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Nasamsam din mula rito ang ilang mga drug paraphernalia.

Kalaboso na ngayon ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

-0-

 

ISANG MAGSASAKA patay, habang malubha naman ang isa pang kasamahan nito nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang suspek matapos nilang patayin ang apat na mga kambing sa kanilang sakahan sa Libungan, North Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Laping Barat, 35 anyos, taga Barangay Sinapangan, Libungan habang sugatan naman si Lencio Paciones, 60 anyos at taga Barangay Gumaga.

Sa report ng Libungan PNP, pasado alas dyes ng umaga kahapon habang nasa sakahan ang dalawa nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang di pa natukoy na uri ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng galit at paghihiganti ang motibo sa pamamaril sa dalawa dahil bago nangyari ang insidente ay pinatay umano ni Paciones ang apat na mga kambing na kumakain ng kanilang mga pananim sa kanilang sakahan.

 

-0-

 

HUMIHINGI NGAYON ng permiso sa Korte Suprema ang iba’t ibang mga media institution na payagan silang i-cover ng live ang gagawing Promulgation ng Maguindanao Massacre Case ngayong December 19.

Karaniwan kasing binibigyan lang ng designated area ang media sa loob ng Korte habang inihahayag ang hatol sa kaso.

Pero sa pagkakataong ito, giit ng iba’t ibang media organization na mahalaga ang live media coverage para sa makasaysayang paglalabas ng hatol sa Maguindanao massacre case na sampung taong inabangan ng taumbayan.

Dagdag pa ng mga ito, malaking tulong din ang live coverage sa promulgation para masaksihan pa rin ng mga pamilya ng mga biktima ang aktibidad kahit hindi makakapunta ang mga ito sa Korte.

Matatandaang 58 katao ang nasawi sa naturang trahedya sa Ampatuan, Maguindanao noong November 23, 2009 at ang 38 sa mga nasawi ay mga kagawad ng media.

 

-0-

 

NAGHAHANDA NA ang lokal na pamahalaan ng Cotabato City para sa pagdiriwang ng Shariff Kabunsuan festival sa December 15-19.

 

Sa schedule na inilabas ni City Tourism Officer Gurlie Frondoza, sisimulan ang selebrasyon sa papamagitan ng Guinakit Fluvial Parade bilang pag-alala sa pagdating ni Shariff Kabunsuan sa Mindanao.

Ayon kay Frondoza, ilan sa mga highlight ng okasyon ay Kuyog Street Dancing Contest, Crab Festival, SK Music Festival at ang mga Food, Fashion and Trade Fair.

Samantala, sinabi ni City PNP Dir. Sr. Supt. Portia Manalad na naglatag na rin sila ng security plan para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang makikiisa sa mga aktibidad.

Muli namang hiniling ni Manalad sa publiko na ang partisipasyon, kooperasyon at suporta sa security forces upang mapanatili ang katiwasayan sa lungsod.

 

-0-

Pamunuan ng Eva’s Hotel sa Kidapawan City, nakahanap na ng private contractor para sa pagdemolish ng kanilang gusali

Nakahanap na ng private contractor ang pamunuan ng Eva’s Hotel sa Kidapawan City para sa pagdemolish ng kanilang gusali matapos masira dulot ng lindol.

Ito ang kinumpirma mismo sa Radyo BIDA ni City Mayor Joseph Evangelista matapos isagawa din kahapon ang kanilang pagpupulong kasama ang kinatawan mula sa private contractor.

Kung saan napagkasunduan na sa lunes December 9, 2019 pa magsusumite ng kanilang demolition activity Plan ang kontraktor na sisira ng nasabing gusali.

Nakapaloob sa Demolition activity plan kung ano ang magiging pamamaran ng kontraktor sa pagpapademolish upang hindi maaapektuhan ang kalapit na business establishments at kung hanggang ilang linggo o buwan lamang dapat bago magpalabas ng rekomendasyon ang demolition and enforcement unit na maaari nang mag-isyu ng demolition permit.

Posible simulan agad ang demolition activity sa nasabing gusali kung maaprubahan ang kanilang isusumiteng demolition plan sa araw ng lunes. Nabatid na una nang pinagbigyan ng City LGU ang kahilingan ng pamunuan ng Eva’s Hotel ng 15-day extension sa pagpapademolish ng kanilang gusali na napaso na noong araw ng lunes. 

Dagda pa ng alkalde, kailangan din anyang matiyak ang kaligtasan lalo na ng mga mamamayan at ang riding public dahil nga malapit lamang sa National Highway ang gusali. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

 

Ambulance services ng City Call 911, magiging libre na para sa lahat ng taga Kidapawan City simula sa susunod na taon

Ililibre na ng City Call911 ang ambulance at emergency services sa lahat ng mga taga Kidapawan City.

Ito ay batay sa Executive order 076 series of 2019 na nilgadaan ng alkalde ng lungsod na nagsasabing libre na para sa kanyang mga constituents ang paggamit ng ambulansya sa pagbabyahe ng kanilang pasyente na may sakit o karamdaman na kailangan ng emergency medical assistance at ang pagsiguro din na mabibigyan ng basic services ang mamamayan.

Dahil dito magiging magaan na lamang para sa mga mamamayan dahil wala na silang babayaran tulad ng pambili ng gasolina bilang counterpart sa pagbabyahe ng kanilang pasyente.

Nakabase rin sa Section 17 ng Local Government Code ang paglilibre ng ambulance services na naglalayung mabigyan ng angkop na serbisyong pangkalusugan ang mga nangangailangan niton tulad ng magpapatupad ng ng mga proyekto ng primary health care, maternal and child care, communicable and non- communicable disease control services. Magiging epektibo ang nasabing mandato sa unang araw o Enero a-1 ng taong 2020. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

11th Kawayanan Festival sa bayan ng Mlang, umarangkada na

Nagsimula na nitong lunes ang pagbubukas ng week-long celebration ng 11th Kawayanan Festival sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

Kaugnay nito, hinikayat ni Mlang Mayor Russel Abonado ang mga mamamayan sa nasabing bayan na makiisa sa programang kanilang inilatag upang mas lalo pang pagtibayin ang pagkakaisa at mananatiling matatag sa kabila ng naranasang kalamidad.

Tampok naman sa nasabing selebrasyon ay ang Liston sa Kawayanan at Liston Float Parade na gaganapin sa mismong culmination day ngayong araw ng biyernes.

Sa inisyal na ulat, abot sa humigit-kumulang walumpong mga litsong baboy ang aasahang sabay-sabay na lulutuin sa araw ng selebrasyon. Nabatid na magkaiba ang bilang ng litson ang ilalaan sa mismong float parade at iba rin ang iihawin para sa mismong araw ng pagdiriwang.

Isa rin sa itinampok kahapon ay ang State of the Municipality Address ni Mayor Abonado na isinagawa kasabay ng regular session ng Sangguniang Bayan. Samantala, nabatid na nagbawas ng ibang mga aktibidad ang LGU tulad ng Search for Mutya ng Mlang, Teacher’s Day, Brgy at SK Night, Battle of the Bands, Food Bazaar at awitan matapos na maakpektuhan ang kanilang pondo dahil sa tumamang lindol.

Habang usaping seguridad, nakalatag na rin ang ipapatupad na security measures ng Mlang PNP katuwang ang iba pang mga force multipliers kung saan may iisang entry at exit point bago makapasok sa municipal grounds. Tema ng Kawayan Festival 2019: Banwa ko, kaupod ko sa pag-asenso.

 

-0-

 

 

Drug suspek, patay matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Matalam, North Cotabato

Dead on the spot ang isang drug suspek na top 6 wanted person matapos manlaban sa mga operating team habang isinasagawa ang buy-bust operation sa Purok Molave, Barangay Dalapitan Matalam, North Cotabato alas 4:00 ng hapon kahapon. Sa ulat, nakilala ang nasawina si Wilfredo Asuncion Jr., 31 anyos at residente ng Barangay Linao ng bayan.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng Matalam PNP, lumalabas na habang isinagawa ng PDEA 12 at PNP ang buy-bust operation laban sa suspek ay bigla itong bumunot ng baril at ipapuputok sana sa police na nagpanggap na buyer.

Dahilan para agad na gumanti din ng putok ang pulisya at napatay ang suspek na si Asuncion. Nabatid din na may dalawang kaso ng panggagahasa ang suspek na-inisyu ng RTC Branch 23. Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam Police sa nasabing insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Wanted person na may patung-patong na kaso patay matapos manlaban sa inilatag na buy bust operation sa Matalam, North Cotabato

Patay ang isang magsasaka sa inilatag na buy-bust operation matapos manlaban sa raiding operatives alas 4:50 ng hapon kahapon sa Babol General Hospital, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato.

Kinilala ni Matalam PNP Chief, Police Major Brian Placer ang suspek na si Wilfredo Flores Asuncion Jr, 30 years old, single, magsasaka na residente ng Brgy. Linao, Matalam, Cotabato.

Nabatid na si Asuncion ay may Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 19-82 dahil sa kasong murder na inisyu ni HON. ALANDREX M. BETOYA, Presiding Judge ng RTC12, Branch 16, Kabacan, Cotabato na may petsang May 10, 2019 at isa pang Warrant of Arrest dahil sa two counts ng kasong rape na may Criminal Case No. 17-211 at17-212 na inisyu naman ni HON. JOSE T. TABOSARES, Acting Presiding Judge ng RTC12, Branch 16, Kabacan, Cotabato na may petsang October 21, 2019.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP, nahuli ang suspek matapos na ikasa ang buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok Molave, Brgy Dalapitan ng nasabing bayan katuwang ang RMFB12 at RPDEU pero nang matunugan na isang intel asset ang katransaksiyon nito ay agad nitong binunot ang kanyang armas pero naunahan ito ng PNP dahilan kaya ito tinamaan.

Dagdag pa sa ulat may isa pa itong kasamahan na siyang kumuha sa kanyang ginamit na armas pero agad itong nakatakas at nagtago sa sugarcane plantation sa nabanggit na lugar. Naisugod pa sa pagamutan ang suspek na si Asuncion pero ideneklara itong dead on arrival ng mga doktor. Nasa isang punerarya na ngayon sa bayan ng Matalam ang bangkay ng suspek.

 

-0-

 

Apat na NPA member sumuko sa mga pulis sa South Cotabato

Sumuko kay South Cotabato PNP Provincial Director Police Colonel Jemuel Siason ang apat na mga myembro ng CPP-NPA terrorist o CNT. Ang mga ito ay pawang mga myembro ng Platoon Samsung, Guerilla Front 73 ng NPA. Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang mga matataas na kalibre ng armas.

Ang mga ito ay ang M-79 grenade launcher,M-14 Garand rifle, Winchester Garand Rifle at mga bala ng nasabing mga armas. Ayon kay Siason sumuko ang nasabing mga NPA member sa tulong ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Ang mga sumukong NPA member ay agad na sumailalim sa initial custodial debriefing ng Intelligence and Investigation personnel ng South Cotabato PNP. Maari ring mabigyan ang mga ito ng tulong pangkabuhayan .

Ito ay sa pamamagitan ng Enchanced Comprehensive Local Integration Program o E-clip ng gobyerno.

 

 

-0-

 

 

Tatlong arnisador mula Tacurong City, Sultan Kudarat wagi sa ginaganap ngayong 30th SEA Games

Pinatunayan ng mga arnisador sa Tacurong City, Sultan Kudarat na pagdating sa arnis sila ang pinakamagaling. Ito ay matapos makasungkit ng dalawang gold at isang bronze medal sa ginaganap ngayon 30th South East Asian o SEA Games Games.

Nakasungkit ng gold medal sa nasabing event sa SEA games sina Jesfer Huquire at Sheena Del Monte. Ayon kay Del Monte, bawal sa kanila ang matalo dahil inaasahan na ng national team ang kanilang pagpapakitang gilas sa nasabing palaro.

Sina Huquire at Del Monte ay makatatanggap ng tig 30 thousand pesos na cash incentive mula sa city government ng Tacurong. Habang ang kasama nilang si Erlin Mae Busacay na nakapaguwi naman ng bronze medal ay mabibigyan ng 15 thousand pesos.

Ang tatlong mga arnisador ng Tacurong ay kabilang sa mga national arnis players na nakakuha ng kabuuang 14 golds, four silvers at two bronze medals sa SEA Games. Pinasalamatan naman ng mga ito ang kanilang matagal nang coach at trainer na Grandmaster Efren Apresto.

Sinabi ni Apresto na bago maging champion kailangan muna ng isang arnisador ng mahabang training, disiplina, at sumali sa iba’t ibang mga patimpalak. Ito ay upang mahasa ang kanilang kasanayan. Sinabi ni Apresto na nakapaglaro sa mga national at international competition ang mga arnis players ng Tacurong dahil na rin sa suporta ng lokal na pamahalaan.

Maliban sa tatlong mga medalist, napabilang din bilang mga reserved player sa arnis national team ang mga Tacurongon na sina Mary Joy Marollano at Jonah Mae Dorero.

 

-0-

 

Empleyado ng isang pribadong kompanya, patay sa pamamaril sa Polomolok, South Cotabato

Inaalam pa rin ng mga pulis ang riding tandem suspek na bumaril sa isa katao sa Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato dakong alas nuebe ng gabi noong Martes.

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Marvin Duadua ang nasawing biktima na si Herbert Calubad, 41 years old, may asawa, private employee at nakatira din sa nasabing lugar.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na si Calubad ay binaril ng naka-jacket at sombrerong salarin. Ito ay habang nakikipag inuman sa apat na mga kasama na pareho namang nakaligtas sa insidente.

Bago binaril, sinigawan pa umano ng gunman ang mga kasama ni Calubad na dumapa. Ang biktimang si Calubad ay agad na binawian ng buhay dahil sa malubhang tama ng bala ng baril sa ulo. Bago tumakas sakay ng motorsiklong minaneho ng naghihintay na kasama, nagpaputok pa ng dalawang beses ang salarin. Hindi pa batid ng mga pulis motibo ng mga suspek sa krimen.

 

-0-

 

Programa laban sa malnutrisyon pinaiigting ng provincial nutrition office ng South Cotabaeto

Target ng provincial nutrition office na lalo pang mababa ang kaso ng malnutrisyon sa South Cotabato sa susunod na tatlong taon. Ito ay ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Rudy Jimenea.

Paliwanag ni Jimenea bagama’t patuloy ang pagbaba ng malnutrition cases sa mga preschoolers sa South Cotabato , may mga lugar pa rin sa lalawigan na mataas ang maltnurition prevalence rate. Tututukan ng provincial nutrition office ang mga barangay sa South Cotabato na may pinakamaraming malnourish na bata.

Ayon kay Jimenea, kabilang sa kanilang mga interbensyon ang food at vitamin supplementation. Ipinahayag ni Jimenea na regular na magpapadala ng food supply sa mga bayan at barangay ang provincial nutrition office.

Ayon kay Jimenea palalawakin din nila ng hanggang sa tatlong taong gulang bababa ang supplemental feeding program. Ang bayan ng Tupi ay nakapagtala ng pinakamataas na wasting o hindi tugma na tangkad sa edad na mga school children.

Habang ang Tampakan naman may pinakamaraming undernourished o hindi tugma ang timbang sa edad na mga preschool children. May pinakamaraming bansot naman na bata ang bayan ng T’boli.

 

-0-

 

Tatlong barangay sa Koronadal positibo sa rabies, ayon sa city Veterinary office

Nalaman ang pagpositibo sa rabies ng tatlong mga barangay sa Koronadal sa taunang anti-rabies vaccination ng City Health Office. Dalawa sa mga rabid dog ay natuklasan sa barangay San Isidro at tig iisa naman sa mga barangay ng Assumption at Santa Cruz.

Para mapigilan ang pagkalat nito agad na nagsagwa ng lecture sa animal cruelty at rabies ang city veterinary office. Kaugnay nito, nanawagan naman si Koronadal City Veterinarian Dr.Charliemagne Calo sa publiko na maging responsibleng dog owner.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapabakuha sa kanilang mga alaga. Umapela din si Calo sa publiko na i-secure ang kanilang mga aso. Bunsod ito ng reklamo ng mga mamamayan na pagdami ng mga asong gala na nagdudulot ng peligro lalong lalo na sa mga motorista.

Ayon kay Calo, dapat na isailalim din sa castration ang mga aso para makontrol ang pagdami ng mga ito.

 

-0-

 

Grade 10 student na nawawala bangkay na nang matagpuan sa Banga, South Cotabato

Matapos ang dalawang araw na paghahanap patay na nang matagpuan ang isang Grade 10 student na nawala sa bayan ng Banga, South Cotabato. Ang wala nang buhay na katawan ni Barbie Inocencio, 16 years old ay nakitang nakasilid sa sako sa tulay ng irrigation canal sa Barangay Punong Grande, Banga pasado alas dos ng hapon kahapon.

Ayon kay Punong Grande Barangay Chairman, Bobby Delalamon, ang mga labi ng biktima na naka-school uniform pa ay kinilala mismo ng kanyang mga kaanak.

Ang biktima ay estudyante ng Notre Dame of Banga. Hinala ni Delalamon sumabit sa tulay ng irrigation canal sa kanilang barangay ang pinaanod na bangkay ng biktima kaya ito nakita ng isang concerned citizen.

Sinabi ni Delalamon na duguan din ang kamay ng biktima na maaring sanhi ng pagkakatali dito. Paalala naman ni Delalamon sa mga kabataan, pagkatapos ng klase ay agad na umuwi at huwag magpagabi sa daan para na rin sa kanilang kaligtasan.

Matatandaan na inireport ng kanyang ina na si Babylyn April Bernardino ang pagkawala ng anak na si Barbie alas otso ng gabi noong Lunes. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang PNP at Municipal Social Welfare and Development Office pero bigo ang mga ito na makita ang isang alyas “Kuya To” na umano ay manliligaw ng biktima.

Kinaumgahan nakita ng ilang mga mamamayan ang school bag nito sa tabing daan sa Purok Marangal, Barangay Reyes, Banga. Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Banga PNP sa insidente.

 

-0-

 

MAGANDANG BALITA para sa mga kawani ng gobyerno!

Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang service recognition incentive o SRI na hanggang sampung libong piso para sa government workers sa ilalim ng sangay ng ehekutibo.

Sa kanyang Administrative Order 19, kabilang umano sa maaaring makatanggap ng SRI ay ang mga civilian personnel sa national government agencies kabilang ang state universities and colleges, government owned or controlled corporations, at uniformed personnel sa ilalim ng Departments of National Defense, Interior and Local Government, Health, Transportation, at Environment and Natural Resources.

Kailangan naman na ang empleyado ay nasa trabaho sa gobyerno hanggang November 30 at nagserbisyo ng apat na buwan o higit pa mula noong September 30.

Pro-rated naman ang matatanggap na SRI ng mga empleyado na mababa sa apat na buwan pa lang ang serbisyo.

 

-0-

 

Sa kabilang dako naman, kinalampag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate ang Kamara na madaliin ang pag-apruba sa panukala na Evacuation Centers Bill.

Ayon kay Zarate, hindi na dapat hintayin pa na may panibago na namang Bagyong Tisoy ang mananalasa sa bansa bago maisip ang pagkakaroon ng matatag at disaster resilient na evacuation centers.

Sa House Bill 5259 ni Zarate, dapat mayroong secure at safe na lugar para sa mga biktima ng kalamidad.

Ang panukalang evacuation centers ay dapat na typhoon, earthquake at disaster resistant.

Itatayo ang mga ito sa bawat lungsod at lalawigan sa bansa na magsisilbi ring command center para sa disaster response.

Sa iba pang balita, napili ni Pangulong Duterte si Lt. Gen. Gilbert Gapay, commander ng Southern Luzon Command, bilang susunod na hepe ng Philippine Army.

Kinumpirma ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Papalitan ni Gapay si Philippine Army chief Lt. Gen. Macairog Alberto.

Aabutin na kasi ni Alberto ang retirement age na 56 bukas, December 6.

Si Gapay ay dating nagsilbi bilang commander ng Mechanized Infantry Division at deputy commander ng Eastern Mindanao Command.

Nanguna rin ito sa klase sa Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986.

 

Blessed are you father, Lord, of heaven and earth

Reading 12 SM 6:12B-15, 17-19

David went to bring up the ark of God from the house of Obed-edom
into the City of David amid...

MJ joints, shabu seized from 2 minors in Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY  – Police authorities here arrested today two students engaged in peddling of dried marijuana leaves and suspected shabu during...

NDBC BIDA BALITA (Jan. 27, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. HIGIT 400 mga pamilyang bakwit at nasa 600 mga kabataan mula sa dalawang mga...

Fire raze 17 houses in Cotabato City

COTABATO CITY --- Seventeen houses were razed by fire that hit a residential site in Barangay Bagua here on Monday morning.

In a...

Rape suspect from Zamboanga peninsula nabbed in Maguindanao

MAGUINDANAO --- The Datu Odin Sinsuat municipal police arrested Monday a Visayan fugitive from Zamboanga-Sibugay province who is wanted for two...