Sunday May, 05 2024 10:54:29 PM

NDBC BIDA BALITA (jULY 27, 2016)

Breaking News • 17:09 PM Wed Jul 27, 2016
1,854
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 27, 2016
(WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PITO KATAO, patay sa panibagong
bakbakan ng mga sundalo at BIFF sa Maguindanao.

2. Dalawang most wanted persons sa
South Cotabato, kalaboso na

3. 3 patay, 405 na-ospital dahil sa dengue sa Koronadal4. DOLE-12, namigay ng livelihood assistance sa Lebak, Sultan Kudarat ANIM NA MGA miembro ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF at isang sundalo ang sinasabing nasawi sa
panibagong sagupaan ng magkabilang grupo sa Datu Shariff Saydona, Maguindanao.

Sinabi ni Army’s 601st Infantry Brigade
commander Col. Lito Sobejana na apat an mga sundalo naman mula sa 34th Infantry
Battalion at sampung BIFF fighters ang sugatan sa naturang bakbakan.

Kinilala naman ang nasawing sundalo na
si PFC Varek Soria ng 34th IB habang ang mga sugatan ay nakilalang sina
Corporal Ireneo Bahian, PFC Christian Andrade, PFC Melvin Ejada at PFC Marlon
Gravillo.

Hindi naman nakilala ang mga nasawi sa
panig ng BIFF ngunit ang mga bangkay nito ay nai-turnover na sa local officials
ng bayan.

Ayon kay Sobejana, nagsimula ang
bakbakan kahapon ng umaga na tumagal hanggang sa tanghali.

Nabatid na gumamit naman ng dalawang MG-520
attack helicopters ang militar bilang suporta sa kanilang mga ground troop at
pagsagip sa mga sugatang sundalo.

Sabi pa ni Sobejana, ang grupo ng BIFF na
kanilang naka-engkwentro ay pinamumunuan ng isang Kagi Karialan, na aniya ay self-proclaimed
leader ng BIFF kapalit ng pinatalsik nilang si Commander Bungos.

Nabatid na agad namang nagtungo sa Sharif
Saydona ang mga miembro ng Malaysian-led International Monitoring Team at
government-MILF ceasefire committees para matiyak na walang mangyayaring mis-encounter
sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng MILF.

Samantala, hinikayat naman ni Army’s 6th
Infantry Division commander Major General Edmundo Pangilinan si Kumander Karalian
na boluntaryong sumuko sa mga otoridad para hindi na madagdagan pa ang bilang
ng mga namamatay sa bakbakan. ARESTADO at
ngayon ay nakakulong na ang isa sa pinaniniwalaang sangkot sa serye nakawan ng
motorsiklo dito sa Cotabato city sa ginawang follow up operation ng PNP.

Kinilala ang nadakip
na suspek na si Tata Bigan Dilan, 34 years old, may-asawa, walang trabaho at taga-
Datu Piang, Maguindanao.

Nabatid na pasado
alas sais ng gabi kamakalawa, nang mahuli ang suspek sa tinutuluyan nitong
bahay sa Barangay Torres, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nakuha naman
mula sa posisyon ni Dilan ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang
disposable lighter.

Sa ngayon
nasa kustodiya ng Police Station Number 1 ng lungsod ang suspek at nakatakdang
haharap sa patong patong na kaso kabilang na ang paglabag sa comprehensive
drugs act of 2002.

Mas
pinaigting ng City PNP ang kanilang kampanya laban sa motorcycle theft dahil sa
nakaka-alarmang bilang ng tinatangay na motorsiklo sa lungsod.

NATAGPUAN
NA ang bangkay ng misis na tatlong araw ng nawawala sa Midsayap, North
Cotabato.

Sinabi
ni Midsayap PNP Officer-in-Charge Police Chief Insp. Relan Mamon na na-recover
sa tapat ng Sampulna Elementary School sa barangay Ulandang.

Ang
bangkay ni Sarah Maulana, 37 years old, house wife at taga-barangay Ulandang,
Midsayap kahapon ng umaga.

Ayon
kay Mamon, July 23 pa iniulat na nawawala si Maulana at nang matagpuan ito ay
hubo’t hubad at nasa advance state of decomposition na.

Isinailalim
na sa post mortem examination ang natagpuang bangkay para matukoy kung ano ang
sanhi ng pagkamatay nito.

Sabi
ni Mamon, ngayong araw nila inaasahang lalabas ang resulta ng naturang
pagsusuri. Makikipagtulungan
ang Cotabato City LGU at ang business sector ng lungsod sa implementasyon ng
Emergency Support Functions o ESF sa pamamagitan ng Office on Social Welfare
and Development Services.

Ito ay
upang mabigyan ng madaliang tulong ang mga mamamayan ng lungsod sa panahon ng kalamidad.

Sa
pamamagitan ng Resolution Numbers 5976, 5977, 5978, at 5979 series of 2016,
ibinigay kay City Mayor Japal Guiani Jr. ang otoridad para lagdaan ang isang Memorandum
of Understanding sa pagitan lokal na pamahalaan at ng mga piling ahensya at
establisiyemento.

Magmumula
sa Puregold Price Club, Incorporated sa lungsod ang supply ng grocery items at
food and non-food articles.

Sa
Mercury Drug Corporation naman magmumula ang mga kakailanganing gamot at iba
pang health articles.

Makikipagtulungan
rin ang Villa Funeral Homes sa pagbibigay ng funeral at burial services.

Habang
ang National Food Authority o NFA – Maguindanao naman ay kaakibat rin ng lokal
na pamahalaan sa pagsuplay ng bigas.

Samantala,
nagbigay naman ng abiso ang City LGU sa mga mamamayan ng lungsod na magkakaroon
ng bomb drill bukas, July 8 sa City Plaza simula alas otso ng umaga.

Kaya
sabi ni city information officer Halima Satol-Ibrahim, maaari makarinig ng
sunod-sunod na pagsabog na bahagi ng bomb drill.

Aniya,
pansamantala ring isasara ang ilang mga kalsada sa lungsod sa panahon ng
naturang aktibidad partikular sa ilang bahagi ng Sinsuat Avenue, SK Pendatun
Avenue at Don Rufino Alonzo Street. ARESTADO
ang mag-asawang pinaniniwalaang sangkot sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga
sa Cotabato city.

Nakadip
ang mga suspek na sina Samsudin at Myrna Daud sa raid na inilunsad ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM kasama ang City PNP at mga
opisyal ng barangay Rosary Heights 5.
Pinasok
ng raiding team ang bahay ng mag-asawa sa Pinsin Street Corner Unutan sa bisa
ng search warrant na inilabas ni judge Alandrex Bitoya ng RTC Branch 15.

Nakuha
mula sa posisyon ng mag-asawang Daud ang apat na pakete ng pinaniniwalaang
shabu at mga drug paraphernalia.

Nabatid
na si Samsudin Daud ay talunang kandidato sa pagka konsehal sa Northern
Kabuntalan habang ang asawa nitong si Myrna ang siya namang kasalukuyang treasurer
sa naturang bayan.

Umabot na sa 339 na kaso ng dengue fever ang naitala sa Koronadal City mula Enero hanggang Hulyo 8 ngayong taon.Ayon kay City OIC Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido, ito ay mas mataas ng 25% sa kaparehong panahon noong 2015.
Kinumpirma ni Aturdido na tatlo na rin ang nasawi dahil sa sakit na dengue sa Koronadal City nitong taon.Ang mga ito ay naitala sa mga barangay ng New Pangasinan, Zone III at Sto. Nino.
Inihayag ni Aturdido na pinakaraming kaso ng dengue ay naitala sa mga pinakamatataong barangay sa Koronadal kabilang ang Santa Cruz na nauna nang nagdeklara ng State of Calamity.Marami ring nagkasakit ng dengue sa Barangay General Paulino Santos, Morales, Zone III at Sto. Nino.
Kaugnay nito, umaapela si Aturdido sa mga mamamayan na regular na maglinis ng paligid.
Payo pa nito sa publiko, itapon ng maayos ang mga bao ng niyog, lumang bote, tansan,lata,iba pang basura na maaring maipunan ng tubig.Ito ay upang hindi pamahayaan ng lamok na nagdadala ng dengue.
Dapat ding takpan ang mga container na imbakan ng tubig.Binigyan diin ni Aturdido na pinakamabisang paraan pa rin para maiwasan ang dengue ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.Ayon kay Aturdido dahil sa climate change hindi na maituturing na seasonal na sakit ang dengue, ibig sabihin maari itong dumami sa anumang panahon.
Unang nakapagdeklara ng State of Calamity sa South Cotabato dahil sa dengue ang bayan ng Tupi na makapagtala ng 338 na kaso ng dengue ngayong 2016. Hinikayat ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Assistant Regional Director Naomi Lyn Abellana ang mga mamamayan na nakinabang sa kanilang mga programang pangkabuhayan na ingatan at palaguin ang tulong na bigay sa kanila ng gobyerno.Ito ang ipinahayag ni Abellana kasabay ng pamimigay ng DOLE ng mahigit P1.2 million pesos na halaga ng livelihood project sa Lebak, Sultan Kudarat.
Ang livelihood program ay napakinabangan ng 136 na mga trabahante na nawalan ng trabaho mula sa iba’t ibang barangay ng Lebak.Ang mga Kabuhayan starter kits na ipinamigay sa mga benipisyaryo ng programa ay binubuo ng carpentry tools, gamit sa pagluluto, power tools, materials at ingredient sa Cake making, mat weaving at iba pa.
Ang proyekto ay ipinatupad ng DOLE sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting program ng pamahalaan. Sumuko sa mga pulis ang number 2 most wanted sa bayan ng T’boli, South Cotabato.Kinilala ni T’boli Chief of Police, Chief Inspector Jose Mari Simangan ang suspek na si Mendez Wanan, 35 anyos, magsasaka , negosyante at residente ng Barangay Laconon, T’boli.Si Wanan na may warrant of arrest dahil sa kasong murder.Ang wanted na si Wanan ay bolontaryong sumuko sa pakikipagtulungan ng pulisiya kay T’boli Mayor Dibu Tuan.Ang pagsuko ni Wanan sa mga pulis ay kasunod naman ng pagkakaaresto sa number 2 din na wanted person sa bayan ng Tantangan.Ang 52 anyos na si Abdulkasan Sumping ay naaresto sa kanila mismong lugar sa Sitio Badak, Barangay Poblacion, Tantangan.
Si Sumping ay wanted dahil din sa kasong pagpatay.Ang dalawang mga wanted person ay pareho namang ikinulong sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center sa Koronadal City. Isinusulong ni Koronadal City Mayor Peter Miguel ang pagkakaroon ng mandatory drug testing sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.Nabatid na hiniling mismo ng alkalde sa Sangguniang Panglungsod na bumalangkas ng ordinansa upang isailalim sa drug test ang lahat ng mga kawani ng city government.Ito ang ipinahayag ni Miguel matapos maglaan ng P200 thousand ang lokal na pamahalaan para sa drug test ng mga kawani nito.
Ang pondo ay kukunin naman sa supplemental budget number 2 na inaprubahan ng konseho noong nakaraang lingo.Ipinahayag ni Miguel na bago pa man umupo ang Duterte Administration plano na nito na isailalim sa mandatory drug test ang mga kawani ng city hall.
Naantala lamang ang pagpapatupad nito ayon sa alkalde dahil sa kawalan pa ng pondo ..Binigyan diin ni Miguel na magiging matagumpay ang kampanya kontra illegal na droga sa Koronadal kung ito ay magsisimula mismo sa mga kawani ng lokal na pamahalaan. Abot na sa 970 na mga drug personalities ang nag-resurfaced sa Koronadal City.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ito ay resulta ng Oplan Bato, Project Duterte ,at project double barrel campaign kontra illegal na droga ng mga pulis.Karamihan sa mga resurfacing drug personalities ayon kay Condes ay pawang mga drug users at pushers.
Gayunpaman aminado din ang police officials na sa kabila ng pangakong magbagong buhay, ilan sa mga nag-resurface na drug personalities ay kulungan pa rin ang bagsak.Ito ay matapos balikan ang iligal na droga at mahuli sa anti illegal drug operation ng mga pulis.
Ipinahayag ni Condes na abot na rin sa 340 na mga bahay ang napuntahan ng pulisiya sa kanilang Oplan Tukhang” o Toktok Hangyo”.Layon nito ayon kay Condes na kunin ang suporta ng publiko hindi lamang sa paglaban sa illegal na droga kungdi maging sa iba pang krimen.Sa pamamagitan ng Oplan Tukhang” ayon sa police official ay nahihikayat ng PNP ang mamamayan na magbibigay ng impormasyon hinggil sa mga sangkot sa illegal na droga at krimen na nagaganap sa kanilang lugar

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...