Saturday May, 18 2024 04:10:48 PM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 15, 2016)

 • 18:41 PM Tue Nov 15, 2016
1,527
By: 
NDBC

NEWSCAST

November 14,2016
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Wanted bomber, patay matpaos manlaban sa Army sa Matalam, North Cotabato2. Agri Trade and Jobs Fair, bubuksan
ngayong araw sa bayan ng Midsayap

3. Department of Tourism 12, tututukan
ang konstruksyon ng mga daan tungo sa mga tourist sites.

4. Mga daan patungo sa tourists sites sa Central Mindanao, inaayos ng pamahalaan PATAY ANG ISANG WANTED BOMBER matapos na ito ay manlaban sa mga elemento ng 602nd Infantry Brigade ng Phililppine Army sa Matalam, North Cotabato kahapon.Kinilala ni Brigade Commander Colonel Nolly Samarita ang napatay na si Mohammad Nor Hassan, miembro ngBangsamoro Islamic Freedom Fighters at may patong sa ulo na P1.2 million dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng pambobomba sa rehiyon.Si Hassan ay natunton sa tulong ng MILF at mga local leaders sa Barangay Central Malamote.Kasama ang mga police, nagtungo ang tropa ng gobyerno sa bahay ng suspect upang i-serve ang warrant of arrest pero nanlaban umano si Hassan kayat siya ay punaputukan ng Army.Kinumpirma ni Galvez na si Hassan ay may patong sa ulo na P1.2 million para sa kanyang ikadarakip. Bubuksan ngayong araw ang Agri Trade
Fair kaugnay sa nalalapit na ika -80 Anibersaryo
sa darating na November 25, 2016 ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ito ay pangungunahan ni Municipal
agriculturist officer Ceasar Carcosia kung saan inaasahan ding bibisita sa
sampung araw na aktibidad mga Mun agriculturist officers ng buong PPALMA area.

Lalahukan ito ng mga Agri traders mula
sa loob at labas ng Midsayap.

Maliban sa Agri Trade Fair sabay ding
bubuksan ang Jobs Fair para sa mga job seeker na gustong magtrabaho sa loob at
labas ng bansa.

Lalahok sa jobs fair ang ibat-ibang
local at overseas recruitment agencies na inoorganisa ng DOLE at PESO sa
pamumuno ni PESO mngr. Rodrigo Valderosa.

Ito ay bukas para sa lahat na gsto
makapaghanap ng trabaho.

Sugatan ang apat
na mga sundalo matapos sumabog ang improvised explosive device (IED) sa Lamitan
City, Basilan.

Ayon kay
Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed
Forces of the Philippines (AFP), nagpapatrol ang mga myembro ng 14th Scout
Ranger Coy sa Barangay Sabong nang maganap ang pagsabog.

Ang insidente
ay naganap alas-9:15 ng umaga kanina, araw ng Lunes.

Agad namang
nagpadala ng reinforcement ang 3rd Scout Ranger Battalion at iniligtas ang mga
sugatang sundalo.

Isinugod sila
sa Lamitan Hospital at kalaunan ay dinala sa military hospital sa Zamboanga
City.

Patuloy
ngayong ginagamut sa pagamutan ang apat na mga sundalo kung saan kabilang rito
ang isang Cpl Alfrance Suan na taga Mlang, North Cotabato. Nanginginig
pa sa takot nang magsumbong sa police
station 1 ang isang dalagita matapos itong tutukan ng baril at pagnakawan ng di
pa kilalang suspek pasado 6:30 kagabi sa may Fly over corner Sinsuat Avenue
Cotabato City.

Ang
biktima ay kinilalang si Jennelyn Roman Obregon, 20 anyos, isang estudyante at
residente ng Sitio Tenorio Awang Dos Maguindanao.

Ayon
kay Obregon naglalakad sya nung mga gabing yun sa fly over kasama ang kanyang
mga kaklase nang biglang may sumulpot sa kanyang likuran na isang lalake at
hinablot ang kanyang cellphone.

Hindi
agad nakuha ng suspek ang cellphone mula kay Obregon dahil sa mahigpit na
pagkakahawak ng dalaga.

Maya
maya ay naglabas na ng di pa matukoy na baril ang suspek kaya napilitan na si
Obregon na bitawan ang cellphone.

Nang
makuha, agad na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng
isa pang lalake na pinaniniwalaang kasabwat nito.

Iginiit
kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat paghandaan ang posibleng paglusob
sa Pilipinas ng mga Islamic terrorists mula sa Middle East.
Ito
ang binigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa ika-80
anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

Magugunita
na kahit noong nag-iikot ito sa mga kampo militar sa Mindanao ay binanggit na
din nito ang doble na pag-iingat lalo sa mga nagpapanggap na mga preachers mula
sa Middle East na nasa Mindanao.

Inilutang
din ni Pangu­long Duterte noong Biyernes ang posibilidad na pagsuspinde niya sa
writ of Habeas corpus dahil na rin sa patuloy na paghahasik ng kaguluhan ng
terro­rist group tulad ng Maute armed group at Abu Sayyaf Group (ASG).

Muli
na namang nakatanggap ng mga gamit pangtrapiko ang Kidapawan City Traffic Management
Unit ng Kidapawan City kahapon.

Tinanggap
ni TMU Head Rey Manar ng City LGU kahapon ang mga reflectorize vest para sa mga
traffic personnel at ang Bull cups na may nakakabit na Mobile Camera.
Ayon
kay manar, magagamit ito lalong lalo na sa mga vehicular accident.

Nakatanggap
rin nito ang Kidapawan city 911.

Samantala,
nagpasalamat naman si Manar sa mga barangay Officials na tumugon sa kanyang
panawagan na magpadala ng mga BPAT personnel upang isailalim sa training.

Una na
nitong inihayag na ang mga nasabing BPAT personnel ay siya'ng ilalagay sa bawat
paaralan na siya namang ipinag-utos ni Mayor Evangelista upang mapasiguro ang seguridad
ng mga mag-aaral.

Ngayong
araw darating ang mga personahe mula Traffic Management Center ng Davao City na
siyang magbibigay ng pagsasanay sa mga BPAT Inaasahang ang mas mabilis na ngayon ang konstruksyon at pagsasaayos ng may 20 daan papunta sa mga tourism sites ng SOCCSKSARGEN Region.Ito ay matapos maisama sa listahan ng tourism road infrastructure program ng Department of Tourism o DOT. at Department of Public Works and Highways.Ayon kay Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera ito ay resulta ng workshop kasama ang mga tourism officers, planning at Engineering Office ng iba’t ibang local government units.
Kasama din ng mga ito sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa National Economic Development Authority o NEDA at Department of Environment and Natural Resources o DENR at Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.Ayon kay Dillera ang project proposal na pangungunahan naman ng NEDA ay isusumite sa tourism infrastructure and economic zone administration o TIEZA at iba pang funding institution.Habang mangangasiwa naman sa paghahanda ng mga tourism plans ng iba’t ibang bayan ang DOT.
Ayon kay Dillera idudulog nila ang project proposal sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para mabigyan prayoridad sa susunod na taon.
Umaapela si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga mamamayan ng lalawigan na maging mahinahon at mapagmatyag.Ito ay kasunod ng panununog ng nagpakilalang New Peoples Army o NPA sa isang bus ng Yellow Bus Line Incorporated sa bayan ng Tupi.Aminado si Fuentes na bagama’t kumpirmado ang presensya ng rebeldeng grupo sa mga bulubunduking bahagi ng Tampakan, hindi nito inaasahan ang panunonog ng mga ito sa isang bus.Matatandaan na ang bus na patungong General Santos City ay pinara ng limang suspek sa bus stop sa Crossing Polunoling Tupi.Agad namang inutsan ng mga suspek na nagpakilalang NPA ang driver nito na imaneho ang bus papuntang pineapple plantation sa Barangay Kablon Tupi kung saan nila ito sinusnog.Wala namang nasaktan sa mga pinababang sakay ng bus.
Ipinahayag naman ng gobernador na pupulungin nito ang militar at pulisiya upang pagusapan ang insidente.
Matatandaan na nauna nang ikinadismaya ng gobernador ang panunog ng mga umano’y NPA sa equipment ng isang construction company sa isang road construction project sa lalawigan noong 2014
Hawak na ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa sariling bayaw sa Sitio Namo, barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.Kinilala ang suspek na si Rogito Paulino, 36 anyos, magsasaka at residente din sa lugar.
Si Paulino ang siya umanong pumatay sa 37 anyos nitong bayaw na si Romnick Valentin.Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na pagkagaling sa inuman, sinugod umano ni Valentin sa bahay ni nito si Paulino at naghamon ng away,
Humantong naman ito sa suntukan ng magbayaw hanggang sa kinuha ng ng suspek na si Paulino ang kanyang M16 na baril at pinaputukan ang biktimang si Valentine.
Si Valentin ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang baba.
Ang suspek na si Paulino ay bolontaryo namang sumuko sa mga pulis matapos gawin ang krimen.
Hindi pa rin batid ng pulisiya kung sino ang suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa isang negosyante sa Koronadal City.Kinilala ang biktima na si Elizardo Ligahon, 43 anyos, at nakatira sa Barangay Improgo, Banga, South Cotabato.
Ang biktimang si Ligahon ay binaril ng riding tandem na mga suspek habang nagiinspeksyon sa ginagawa nitong Riavin Gasoline Station sa Crossing Diaz, Barangay Zone III, Koronadal.Ayon sa manager ng gasoline station na nagpakilala lamang sa pangalang alyas Notnot, isa sa dalawang suspek na nakatakip ang mukha ng panyo ang lumapit at pinagbabaril ang biktima .Si Ligahon ay nasawi matapos magtamo ng tama ng mga bala ng di pamatukoy na armas sa ulo at iba pang parte ng katawan.
Naganap ang krimen mag aalas dos kahapon.
Matapos gawin ang krimen agad namang sumakay ang gunman sa motorsiklo na minaneho patakas ng naghihintay na kasama. Pagaaralan pa ng pamahalaang panlalawigan kung papano mabibigyan ng armas ng mga barangay officials ng South Cotabato.Ayon kay South Cotabato Provincial General Services Officer Marlyn Almaden kapag tuluyan kasing i-donate ang mga armas, magiging pagaari na ito ng barangay at mawawalan na ng control dito ang lalawigan.Magiging problema din ng mga barangay kapitan ayon kay Almaden ang bayarin at pagkuha ng lisensya para dito.
Sinabi ni Almaden na isa rin sa planong gawin ay ang pag-sponsor sa bayarin para sa pagkuha ng permit, pero ito ay nakadepende pa rin sa availability ng pondo ng provincial government.Gayunpaman ayon kay Almaden maaring hintayin na lamang muna ng provincial government ang revised implementing rules ang regulations ng camp crame sa pagbibigay ng armas sa mga ospisyal ng barangay.Ayon kay Almaden ito ang napagdesisyunan ng provincial government matapos pagusapan ang problema sa issuance at application ng license to own and posesse fire arms kasama ang mga kinatawan ng Fire Arms Explosive Office o FEO ng Camp Crame . Ang dialogue na isinagawa kahapon sa Koronadal City ay dinaluhan din ng mga mga kinatawan ng Barangay Chairman at local chief executive sa South Cotabato.
Nagugat ang problema matapso arestuhin ng mga pulis si South Cotabato Association of Barangay Chairman at Poblacion Polomok Chairman Vicente Yungco Jr. noong nakaraang buwan.Kabilang sa mga nakuha ng raiding team ang umanoy baril na issued kay Yungco ng provincial government.
Nilinaw ni Almaden na tanging pinapayagan lamang ngayon ng batas ang pagbibigay ng armas ng lalawigan sa mga plantilla o regular na mga empleyado. Tatanggap na ng kanila-kanilang year end bonuses ang mga regular at casual employees ng Kidapawan City Hall simula ngayong linggo.Ito ay ayon na rin kay City Mayor Joseph Evangelista na kanyang ipinarating sa City LGU November Convocation Program kahapon ng umaga sa City Gymnasium.Ipinag utos ng alkalde kay City Treasurer Elsa Palmones na madaliin na ang pagbibigay ng bonuses ng mga empleyado.

Muling iginiit ni Mayor Evangelista na ‘payroll based’ ang pagbibigay ng bonus.Ibig sabihin ay hindi na ‘idadaan sa ATM cards’ ng mga empleyado ang hindi bababa sa P15,000 na 13th Month pay.

Didiretso na sa mismong kamay ng empleyado ang kanyang bonus at di na dadaan pa sa kanyang pinagka-utangan o pinagsanglaan ng ATM Card.Kalakip ng 13th month pay ang buong buwanang sweldo ng empleyado dagdag pa ang P5000 na cash gift.

Bilang dagdag pamasko, minamadali na rin ni Mayor Evangelista ang pagpapasa ng Supplemental Budget sa katapusan ng buwan ng Nobyembre para naman sa Christmas bonuses ng mga empleyado.Maliban pa sa mataas na tax collection efficiency rate na naitala ng City LGU ngayong 2016, handog pasasalamat na rin ni Mayor Evangelista ang dagdag na Christmas bonus sa lahat ng kawani na nagpunyagi maseguro lamang na nakakarating at naibibigay ang mga pangunahing programa ng Lokal na Pamahalaan sa mga mamamayan. Abot sa 60 mga recovering addicts sa ilalim ng Balik Pangarap Program ng Kidapawan City LGU ang sumailalim sa Drug Test kahapon ng umaga.

Ang naturang drug test ay isinagawa bilang bahagi sa nabanggit na programa ng LGU para matukoy kung seryuso ang mga ito sa kanilang pagbabago.Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, tatlong buwan gagawin ang naturang test at hindi pa kabilang rito ang mga aktibidad na ginagawa kada linggo sa pangunguna ng Balik Pangarap Coordinators.Samantala, malaki naman ang paniniwala ng ilan sa mga recovering addicts na tuluyan na nilang makakalimutan ang paggamit ng iligal na droga.

Pahayag pa ng ilan sa kanila, unti-unti na nilang natatanggap ang kanilang mga responsibilidad sa loob ng pamilya at maging sa komunidad.Sa halos apat na buwang pagsasailalim sa Balik Pangarap Program, ilang pagbabago na rin ang kanilang nararamdaman kagaya na lamang sa kanilang pisikal na anyo, behavioral at Moral na aspeto sa kanilang buhay.

Resulta rin ito sa pagsisikap ng gobyerno na matulungan ang mga una nang sangkot sa iligal na droga.

Sa ngayon nagpapatuloy ang kanilang aktibidad kada lunes hanggang Huwebes.Kung noon halos isang libong ang mga nag surface sa PNP sa ngayon aabot na lamang sa 370 indibidwal ang nagpatuloy at tumugon sa hiling at programa ng City LGU.
Patay na nang madatnan ng misis nito ang kanyang mister sa loob mismo ng kanilang bahay sa brgy. Datu Agod, Antipas, North Cotabato.Kinilala ni Senior Inspector Rolando Dillera Jr., ang bagong hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Antonio Culayson Alojado, 55-anyos.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na umaga noong Sabado nang umalis ng kanilang bahay ang maybahay ng biktima dahil may transaksyon ito sa Brgy Hall, pero pagbalik nito pasado alas dos ng hapon ay doon na bumulagta sa kanya ang bangkay ng asawa na naliligo na sa kaniyang sariling dugo.Nabatid na nagbaril sa kanyang sarili ang mister sa mismong ulo nito gamit ang isang homemade gun.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na nagpakamatay si Antonio na aktibong miembro rin sa kanilang simbahan.Base naman sa salaysay ng asawa nito, una nang nagkaroon ng problema sa pag-iisip ang asawa na umano may naiisip itong tao na humahabol sa kanya.

Bagaman at walang nakikitang foul play ang PNP sa insidente, magsasagawa pa rin sila ng imbestisyon tungkol rito.

0--Hanggang ngayon ay hindi pa rin tukoy ng Pamilya Saure ang lokasyon ni Edward Valdez Saure na pinaniniwalaang nawawala simula pa noong November 10, 2016 sa bayan ng Kabacan.Ikinabahala rin kasi ng ina ni Edward matapos makatanggap ng text message mula mismo sa numero ng cellphone ng anak na nagsasabing huwag na lamang itong hanapin at papatayin ito.Dahil dito agad na humingi ng saklolo sa PNP ang Pamilya Saure.

Nabatid na hanggang kahapon ay wala nang natatanggap na mensahe ang pamilya Saure mula sa telepono ni Edward.Una rito, bago pa raw umalis ng bahay ang 17-anyos, narinig raw nang kanyang pinsan na sinabi ni Edward sa kanyang kausap sa telepono na Pupunta ako jan at kukunin ko kung nandyan na .

Pinaniniwalaang may transaksyon si Edward at umalis ito sakay sa kanyang tricycle na may body number 0178.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng PNP na una nang nagsurface si Edward dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.Una na ring gumawa ng ganitong senario si Edward na nawala at humingi ng pera sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon hindi pa makumpirma ng PNP kung kinindap ba si Edward.

Tiniyak lamang ni Cordero na nakikipagtulungan sila sa pamilya Saure para mahanap at matagpuan na si Edward sa lalong madaling panahon.Dahil dito inalerto na ng PNP ang lahat ng PNP stations sa lalawigan na magbigay agad ng update sa kanila kaugnay sa lokasyon ng naturang menor de edad.

N Traffic Management Unit ng Kidapawan City kahapon.

Tinanggap ni TMU Head Rey Manar ng City LGU kahapon ang mga reflectorize vest para sa mga traffic personnel at ang Bull cups na may nakakabit na Mobile Camera.Ayon kay manar, magagamit ito lalong lalo na sa mga vehicular accident.

Nakatanggap rin nito ang Kidapawan city 911.Samantala, nagpasalamat naman si Manar sa mga barangay Officials na tumugon sa kanyang panawagan na magpadala ng mga BPAT personnel upang isailalim sa training.Una na nitong inihayag na ang mga nasabing BPAT personnel ay siya'ng ilalagay sa bawat paaralan na siya namang ipinag-utos ni Mayor Evangelista upang mapasiguro ang seguridad ng mga mag-aaral.Ngayong araw darating ang mga personahe mula Traffic Management Center ng Davao City na siyang magbibigay ng pagsasanay sa mga BPAT

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...