Saturday May, 18 2024 08:32:47 PM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 16, 2016)

 • 17:18 PM Wed Nov 16, 2016
1,288
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 16,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. North Cotbato Vice governor Ipong, suspendido na2. MILF, MNLF leaders, hiniling na mamagitan sa nag-aaway nilang mga tauhan sa Maguidnanao, north Cotabato.3. Mag-asawa patay sa pananambang sa
Tampakan, South Cotabato

AGAD na tumugon ang pamunuan ng Moro
Islamic Liberation Front o MILF sa panawagan ng ilang lokal na opisyal at
Philippine Army na mamagitan sa bangayan ng mga ground commander nito sa
Maguindanao.

Sinabi ni MILF first vice chairman
Ghadzali Jaafar na intasan na nila ang kanilang mga senior commander na
makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at local elders para mapagkasundo na ang
mga naglalabang grupo.

Una rito, nabahala si Maguindanao
deputy governor Ramil Dilangalen na lumala pa ang bangayan sa pagitan ng mga
grupo nina kumander Jabick at Mulato ng 105th Base Command.

Una ng nagkasagupa ang dalawang grupo
sa Barangay Barurao, Sultan sa Barongis na naging dahilan ng paglikas ng
mahigit 200 pamilya sa lugar.

Dalawa ang nasawi sa magkabilang panig
habang may mga nasugatan ding sibilyan kabilang ang isang menor de edad.

Nabatid na umabot na rin ang sugupaan
sa Barangay Bialong, Northern Kabuntalan kung saan naipit sa bakbakan ang ilang
mga guro sa lugar.

Kaugnay nito, sinabi ni Army’s 6th
Infantry Division commander Major Gen. Carlito Galvez na bagaman at naglagay na
sila ng mga tropa sa lugar, nais pa rin ng opisyal na maayos sa mapayapang
paraan ang gulo sa pagitan ng dalawang MILF commanders.

Samantala, sa kabilang dako pa, lumikas
naman sa kani-kanilang mga tahanan ang halos isang libong pamilya dahil sa
nagaganap na sagupaan ng dalawang Moro Fronts sa Midsayap, North Cotabato na nagresulta
sa pagkasawi ng tatlo katao.

Nagkasagupa sa hangganan ng Datu Piang,
Maguindanao ang grupo nina Barangay Kapitan Renz Tucuran na may mga kamag-anak
na mga miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF at Kumander Abas
Kudanding ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Brgy. Lumobog, Midsayap,
North Cotabato.

Tumagal ng tatlong oras ang kalat-kalat
na engkwentro ng magkalabang pamilya gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Humupa lamang ang tensyon nang dumating
ang mga opisyal ng MILF at MNLF, kasama ang mga lokal opisyal at Muslim elders. BINALAAN
ngayon ng kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o
DENR-ARMM na sasampahan niya ng kaukulang kaso ang mga local government unit sa
autonomous region na hindi pa rin tumatalima sa Ecological Solid Waste
Management Act of 2000.

Sinabi ni
DENR-ARMM Sec. Kahal Kedtag na hiningi niya na ang tulong religious leaders at
ng Department of the Interior and Local Government o DILG-ARMM para muling
paalalahanan ang mga LGU official na ipatupad ang naturang batas o kilala rin
bilang Republic Act 9003 sa kani-kanilang mga bayan.

Ayon kay
Kedtag, ang mas pinalakas na kampanya para sa implementasyon ng RA 9003 ay
bilang suporta naman sa kampanya ni DENR Secretary Gina Lopez kaugnay sa
pangangalaga ng kalikasan.

Samantala,
suportado naman ni DILG ARMM Sec. Atty. Kirby Abdullah ang naturang hakbang ng
DENR ARMM.

Sabi ni
Abdullah, tutulong ang kanilang ahensya sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mga
LGU hinggil sa kanilang obligasyon na magpatupad ng isang solid waste
management program na naaayon sa kanilang kondisyon at lokasyon.

Ipa-aalam din
sa mga LGU ang mga posibleng parusa at multa sa mga hindi sumusunod sa RA 9003. PINASOK
ng mga kawatan ang isang bahay sa Krislamville, Santos Street, Barangay Rosary
Heights 6, Cotabato City.

Pasado
ala una ng hapon kamakalawa nang pasukin ng magnanakaw ang bahay ni Zaman
Maulana, 37 years old at tinangay ang kanilang LED TV na nagkakahalaga ng
20,000 pesos, tatlong pantalon na Levi’s na nasa 12,000 pesos ang halaga at
dalawang panabong na manok na nagakakahalaga ng 30,000 pesos.

Ayon
kay Maulana, dalawang araw silang nagbakasyon sa Rajah Buayan, Maguindanao at pagkabalik
sa kanilang bahay ay nakita na lamang nila na bukas na ang pintuan ng kanilang
kusina.

Samantala,
sa kabilang dako pa, ninakawan din ang bahay ng biktimang si Jorge Cabrera
Estomata sa Pastor Kimpo Sr. Street, barangay Rosary Heights 13 ng lungsod pasado
alas nuebe ng gabi kamakalawa.

Ninakaw
mula kay Estomata ang kanyang mamahaling pabango na nagkakahalaga 2,000 pesos,
plantsa sa buhok na nagkakahalaga ng 3,300 pesos, tsinelas na nagkakahalaga ng
1,000 pesos

Gayunman,
nakilala naman ang mga suspek na sina Joan Lumao at Grace Bantila pawang mga
taga Nuro, Upi Maguindanao.

Ini-imbestigahan
na ngayon ng mga City PNP ang insidente.

MAGIGING
MAHALAGANG bahagi rin ng 27th Foundation Anniversary ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao ang week-long celebration ng Bangsamoro Week Of Peace.

Sinabi
ni ARMM Exec. Sec. Atty. Laisa Alamia na sa naturang okasyon na magaganap sa huling
linggo ng Nobyembre, magkakaroon ng iba’t ibang bangsamoro forum.

Mayroon
ding Summit para sa mga civil society organizations o CSO at mga local
government unit na inaasahang lalahukan ng mga local government official kasama
ang kanilang mga planning and development officer.

Magkakaroon
din ng Sports fests na lalahukan ng iba’t ibang mga ahensya ng ARMM.

Samantala,
sa ngayon ay tuloy-tuloy ang anniversary activities ng ARMM.

Pinaka-kinagigilawan
ng publiko ang food festival sa ARMM compound, kung saan tampok ang mga
masasarap at kakaibang pagkaing luto ng iba’t ibang tribo na matatagpuan sa
ARMM.

Bukod
sa food festival, mayroon ding film showing, cooking showdown, at search for
the ARMM’s Rajah and Ranee.

Tampok
din ang mga cultural presentation, regional governors' peacetivity, People's
Day at ang Gabi ng Parangal.

Inaasahan
namang magtatapos ang month-long anniversary celebration ng ARMM sa December
19, na unang araw naman ng Shariff Kabunsuan Festival. PINALAYA
na ng kanyang mga kidnapper ang municipal treasurer ng Payao, Zamboanga Sibugay.

Pinakawalan
ang biktimang si Elmer Romoc sa isang lugar sa Sulu at dumating ito sa
Zamboanga City kahapon ng umaga.

Gayunman,
hanggang ngayon ay hawak pa rin ng mga kidnapper ang kanyang walong taong
gulang na anak na si Ricson Awing Romoc.

Hindi
pa masabi ngayon ng mga otoridad kung magkano ang binayarang ransom ng pamilya
Romoc kapalit ng tuluyang paglaya ng kanilang padre de pamilya.

Una na
ring pinalaya ng mga kidnapper sa Sulu ang misis ni Elmer na si Nora Romoc
noong August 23 matapos ang napaulat ding pagbayad ng hinihinging ransom ng mga
kidnapper.

Pinaniniwalaan
namang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang dumukot sa mag-anak.

Makaraang
mapalaya si Nora ay nag-demand ng isang milyong pisong ransom ang Abu Sayyaf
para mapalaya si Elmer.

Hindi
pa malinaw sa ngayon kung bakit hindi napasama ang bata sa pagpapalaya ng mga
kidnapper sa mga magulang nito.

Nagpapatuloy pa rin ang imbistigasyon ng pulisiya sa pagpatay sa isang magasawa matapos pagbabarilin sa Tampakan, South Cotabato pasado alas nuebe kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang ni Tampakan Police OIC, Police Senior Inspector Harold Conel ang mga biktima na sina Rodel Sitcharon at misis nitong si Maria Lina nakatira sa Barangay Pula Bato sa bayan.
Ang biktimang mister ay dating barangay chairman ng Pula Bato.
Ayon kay Conel sakay ng isang motorsiklo, pauwi na sana ang magasawa sa barangay Pula Bato nang tambangan ng di kilalang salarin pagdating sa Barangay Liberty, Tampakan.
Ang magsawang biktima ay dead on the spot matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.
Ayon kay Conel, narekober ng mga pulis sa crime scene ang 26 na basyo ng di pa matukoy na uri ng baril.
Sinabi ng police official na nabaril ang magasawa sa bahagi ng daan na napapaligiran ng mga sakahan at malayo sa mga bahay.
Ito ang dahilan kung bakit, hirap ngayon ang pulsiya sa paghahanap sa posibleng saksi sa krimen.
Hindi pa rin batid ng nga pulis kung ano ang motibo ng mga salarin sa pagpatay sa mga biktima.
Tataggapin ng South Cotabato ang pang apat na parangal bilang Consistent Regional Outstanding Winner on Nutrition sa Disyembre.Ayon kay Provincial Nutrition Officer Ma. Ana Uy ang parangal ay igagawad mismo sa December 13 sa Malakanyang ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinasalamatan naman ni Uy ang lahat ng kanilang mga naging katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng mga nutrition programs sa South Cotabato sa nakalipas na tatlong taon.Ayon kay Uy ang Consistent Regional Outstanding Winner on Nutrition o CROWN award ay iginagawad sa mga local government units na napabuti ang nutritional status ng mga mamamayan sa pamamagitan ng epektibong programang pang nutrisyon.Maliban sa pagiging CROWN awardee, nakuha rin ng lalawigan ang parangal para sa Outstanding Barangay Nutrition Committee.
Ang barangay Crossing Palkan sa bayan ng Polomolok ay pinarangalan din bilang Outstanding Barangay Nutrition Committee.Nakuha din ng Polomolok ang Outstanding Municipality sa Region 12.
Kinilala rin si Junelia Jomel ng New Iloilo, Tantangan bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar habang Best Gulayan Project naman ang Barangay Upper Klinan sa Polomolok.Tiniyak ni Uy na sa kabila ng mga parangal na ito hindi pa rin titigil ang kanilang tanggapan sa pagpapaigting ng mga nutrition programs hanggang sa makuha na ng lalawigan ang mas mas mataas na CROWN maintenance award.
Isinailalim na sa inquest proceeding si Banga Cotabato National High School Principal Lucinda dela Cruz.
Matatandaan na si Dela Cruz ay naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigationo o NBI 12 sa Banga, South Cotabato.Ito ay matapos hilingin ng isang guro ang tulong ng NBI na umano ay hiningan ni Dela Cruz ng pera para pambili ng Sapatos ng isang DepEd official sa South Cotabato.Si Dela Cruz ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials,and Employees.
Kasama din sa mga inaresto ang kasabwat umano ni Dela Cruz na si Mary Ann Parcon.Nabatid na si Dela Cruz ay nauna nang dinis-miss ng Deped dahil din sa pagkakasangkot umano nito sa ilang anomalya ngunit ito ay kanyang inapela sa Civil Service Commission.Ipinahayag naman ni DepEd 12 Information Officer Antonio Maganto na noon pa man ay binalaan na ng Deped si Dela Cruz na itigil na ang pangingikil kapalit ang promosyon ng mga guro.Tiniyak ni Maganto na handa ang Deped 12 na tugunan ang reklamo ng mga guro o sinumang aplikante na maaring biktima ng pangingikil ng ilang mga opisyal ng Deped kapalit ang promosyon o pagtanggap sa trabaho.

Problema ngayon ng mga namumulot ng basura kung papano itaguyod ang kanilang araw araw na pamumuhay sa Koronadal City.
Ito ay matapos ipasara ng lokal na pamahalaan ang dumpsite sa Barangay Paraiso.Ayon sa 26 anyos na si Ivy Librado, hiniling nila sa city government ng Koronadal na buksan muli ang dumpsite.
Ayon kay Librado naging kabuhayan na kasi nila at mahigit 50 pamilya ang pamumulot ng basura sa dumbpsite.Kaya ayon kay Librado,malaki ang naging epekto sa kanila ng pagsasara nito.
Sinabi ni Librado na idinulog na nila ang kanilang problema kay Koronadal City Environment and Natural Rersources Officer Agustus Britania na nangako namang idulong niya ito City Mayor Peter Miguel.
Ang pagsasara ng dumpsite ay iniutos ng Office of the Ombudsman sa mga lokal na opisyal ng Koronadal.
Ito ay kasunod ng kabiguan na magtayo ng sanitary landfill na ipinagpaliwanag naman ng Ombudsman sa mga lokal na opisyal.
Umaasa si Philippine Army 1002nd Brigade Commander Col. Tayne Banas ng mas mabilis at ligtas na rescue operation sa rehiyon sa panahon ng kalamidad.Ito ay matapos sumailalim sa rescue competition ang 11 rescue teams mula sa iba’t ibang lugar sa region 12.
Ayon kay Banas,sa pamamagitan ng kumpetisyon ay natuturuan ng tatlong katangian para matawag na magaling na rescuer ang nakilahok sa kumpetisyon.
Kabilang dito ang volunerrism, pagtuturo ng kaalaman sa iba at pagiging proactive may kalimidad man o wala.Ang mga kalahok na rescue teams ay nagpakitang gilas sa pagbasa ng mapa at navigation, cardiopulmonary resuscitation o CPR, at iba pang mga unang dapat gawin sa tuwing may kalamidad.Ang mga ito ay kabilang sa unang batch ng Simultaneous Exercise and Competency Test for Landslide and Flooding Incident o SIMEX sa Camp Bagwis sa Malungon, Sarangani Province.Lumahok sa kumpetisyon ang mga rescue teams sa mga bayan ng Maasim, Kiamba, Alabel, Malapatan, Glan at Malungon sa Sarangani.
Nakilalok din sa aktibidad ang mga rescue teams mula sa mga bayan ng Polomolok, Tampakan, sa South Cotabato at General Santos City. Nagpapagaling pa ngayon sa ospital ang limang myembro ng isang pamilya matapos umanong mabiktima ng food poisoning sa Koronadal City.Maliban sa ina ng mga biktima na si Miriam Gevero 45 anyos ng Barangay Topland, Koronadal, dinala din sa ospital ang mga anak nitong nagkakaedad ng 17, 18,at 11 anyos.
Kasama din sa mga naospital ang 3 anyos nitong apo.Ayon sa lola ng mga biktima na si Wilma Nancy Gevero, posibleng naging sanhi ng pagkalason ng mga biktima ang ulam nilang bulalo sa hapunan.Ayon kay Gevero ilang sandali kasi matapos kumain ng bulalo na karneng baka, nakaramdam na ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, diarrhea at pagsusuka.Sinabi ni Gevero na ang karne ay binili nila sa isang mall sa Koronadal City.
Inihayag din nito na ang ama ng pamilya na si Rene at isa pang anak na hindi kumain ng inulam nilang bulalo ay hindi naman nakaranas ng sintomas ng food poisoning.Dalawa sa myembro ng pamilya Gevero na umano ay na food poison ay nanatili ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital habang ang tatlong iba pa kasama ang kanilang ina ay dinala sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...