Monday Feb, 24 2020 04:20:43 AM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 26, 2019)

NDBC BALITA • 14:45 PM Tue Nov 26, 2019
338
By: 
NDBC NCA

NDBC BIDA BALITA 7 AM 

HEADLINES:

1. PROTEKSYON AT PAGBIBIGAY HALAGA sa karapatan ng mga kabataan, muling binigyang-diin ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani sa kanyang State of the Children’s Report kahapon.

2. “Sabayang Patak Kontra Polio”, matagumpay na nailunsad kahapon sa iba’t ibang mga lugar sa South Central Mindanao.

3. 32 drug personalities, naaresto ng mga otoridad sa region 12 sa nakalipas na linggo

4. Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-in, lumagda sa limang mga kasunduan matapos ang kanilang bilateral meeting.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

MULING BINIGYANG-DIIN ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani ang sensiridad ng lokal na pamahalaan na bigyang proteksyon ang mga kabataan at bigyang halaga ang mga karapatan ng mga ito.

Sa kanyang State of the Children's Report kAsabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month ay tiniyak ni Guiani ang pagkakaroon ng programa ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng mga kabataan sa lungsod.

Kasunod nito ay nanumpa rin ang mga kinatawan mula sa sektor ng Academe, Religious, Business, AFP at PNP na magiging katuwang ng City LGU sa pagbibigay gabay at suporta sa mga kabataan.

Sa kanyang mensahe ay masaya ring ibinida ng alkalde na muling kinilala ang Cotabato City bilang Best Child-Friendly City sa buong Bansa.

Samantala, tumanggap din ng pagkilala ang mga himpilan ng Notre Dame Broadcasting Corporation, ang Happy FM at Radyo Bida bilang katuwang ng City LGU sa pagpapalaganap ng mga programa para sa mga kabataan.

 

-0-

 

Kinumpirma na ng Department of Health o DOH ang panibagong kaso ng sakit na polio sa bansa.

Ayon sa DOH, isang siyam na taong gulang na babae mula sa Basilan ang ikawalong dinapuan ng polio sa bansa ngayong taon.

Lumabas na positibo sa poliovirus ang ipinadalang sample ng kagawaran sa Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases–Japan.

Hindi kasi nakatanggap ng bakuna ang bata laban sa nasabing sakit.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang at caregiver na pabakunahan ang mga batang may edad limang taon pababa sa ilalim ng “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao o BARMM – Ministry of Health para sa immunization coverage at pagpapaigting ng polio vaccination efforts sa Basilan at iba pang mga lalawigang sakop ng bangsamoro region.

 

-0-

 

MISMONG si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani naman ang nanguna sa Kick Off Campaign ng "Sabayang Patak Kontra Polio" kahapon sa Lungsod.

Sa Round 1 ng Immunization Program mula November 25 - December 7, target ng kampanya na mabakunahan ang mahigit 33 libong mgaz kabataang edad 0 to 59 Months old sa lungsod.

Hangad ng City LGU ang 95 Percent o higit pang Immunization Coverage sa loob ng dalawang linggo.

Sinabi ni City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na nasa dalawang daang teams ng "Bakunador" ang mangangasiwa sa House-to-House immunization effort sa 37 mga barangay ng lungsod.

Kaugnay nito ay hinihikayat naman ni Patadon ang mga magulang na pabakunahan na kontra polio ang kanilang mga anak simula ngayong araw hanggang December 7 at tiniyak nitong ligtas ang mga bakuna.

 

-0-

 

PATAY ang isang guro habang malubha namang nasugatan ang mister nito matapos mabiktima ng hit and run sa Libungan, North Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Shiela Joy Demetrio habang hindi naman pinangalanan ang mister nito na pawang mga taga Barangay Palao, Libungan.

Nabatid na pauwi na sana ang mag-asawa sakay ng motorsiklong minamaneho ng mister ni Shiela nang mahagip sila ng humaharurot na isa pang motorsiklong minamaneho ng hindi pa nakikilalang suspek partikular  sa harap ng isang elementary school sa Barangay Batiocan, Libungan.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang mag-asawa na kapwa isinugod sa pagamutan ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay ang gurong si Shiela matapos na tumama sa sementadong kalsada ang ulo nito

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng motorsiklong nakabangga sa mag-asawa na tumakas matapos na mangyari ang aksidente.

Samantala, patay din ang isang binatilyo nang sumemplang habang nagmamaneho ng motorsiklo pasado alas otso ng Umaga kahapon sa Barangay Batiocan, Libungan

Kinilala ang nasawi na si Adrian Karl Agustin, 18 anyos at taga Upi, Maguindanao

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Libungan PNP, patungo sana ng Cotabato city si Agustin at mabilis ang takbo nito dahilan para mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at sumemplang.

Nagtamo ng maraming bali ang biktima at tumama sa konkretong kalsada ang ulo nito na dahilan ng kanyang pagkamatay.

 

-0-

 

DAAN-DAANG mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang lumahok sa Drug Awareness Summit na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Cotabato city.

Ang mga dumalo ay mula sa sektor ng Barangay LGU, Sangguniang Kabataan, Health Services, Academe, Government agencies, religious at iba pa..

Sa naturang summit tinalakay ang masamang naidudulot ng paggamit ng iligal na droga.

Nagbigay din ng kanilang mga testimonya ang mga dating illegal drug dependent at ibinahagi ng mga ito kung paano sila nakapagbagong buhay.

Pinangunahan ng Office on Health Services ang Drug Awareness Summit katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM bilang bahagi ng paggunita ng Drug Abuse Prevention and Control Week.

Bahagi rin ito ng mas pina-igting pang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga maliban sa pagsaagawa ng regular na anti-illegal drugs operation ng mga otoridad.

 

-0-

 

Mga ama nanguna sa pagpapabakuna sa kanilang mga anak sa pagulunsad ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa South Cotabato

Naglaan ng oras ang ilang mga para mabigyan ng oral polio vaccine ang kanilang mga anak sa Tupi, South Cotabato kahapon. Ito ay kaugnay sa “Sabayang Patak Kontra Polio” ay inilunsad ng Department of Health at provincial health office sa barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr., ikinatuwa nito ang pagnanais ng maraming ama na mabakunahan kontra polio ang kanilang mga anak.

Binigyan diin ni Aturdido na ang pagtiyak sa kalusugan ng mga bata ay responsibilidad ng buong pamilya at hindi ng iisang tao lamang. Target ng provincial health office na mabigyan ng oral polio vaccine ang mahigit 100 thousand na mga bata sa South Cotabato.

Prayoridad ng “Sabayang Patak Kontra Polio” ang mga nasa limang taong gulang pababa. Ang malawakang polio vaccination sa Mindadnao na pormal na sinimulan kahapon ay magtatapos naman sa December 7. Ang ikalawang bugso nito ay sisimulan sa Enero sa susunod na taon. Libre naman sa mga benispisyaryo ang dalawang dosage ng oral polio vaccine.

 

-0-

 

Christmas Festival gagawing mas makulay at mas masaya ng lokal na pamahalaan ng Surallah, South Cotabato

Aasahan ng mga mamamayan ng Surallah at karatig lugar sa South Cotabato ang mas masaya at mas makulay na Christmas Festival ngayong taon.

Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita, ang kanilang “Kasadya Christmas Festival” na nasa ikapitong taon na ngyon ang kanilang pantapat sa mga tourist destinations sa ibang lugar sa South Cotabato. Aminado si Bendita na kumpara sa ibang mga lugar sa lalawigan, walang maipagmamalaking mga talon, at iba pang magagandang tanawin na maaring dayuhin ng mga turista ang Surallah.

Kaya ayon kay Bendita sa pamamagitan ng pag-level up ng taunang Christmas festival ay dadayuhin din ng mga turista ang kanilang lugar.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Surallah Vice Mayor Pinky Divinagracia na taliwas sa mga nakasanayan noong nakaraang taon, walang magaganap na pa-contest sa mga palamuting pamasko sa Surallah Municipal Grounds. Sa halip ayon kay Divinagracia kinontrata ng lokal ng lokal na pamahalaan na maglagay ng mga palamuting pamasko sa paligid ng kanilang munisipyo ang isang kompanya.

Paliwanag ni Divinagracia matapos ang serye ng mga pagyanig, hirap ang lokal na pamahalaan na kumbinsihin ang mga eskwelahan at maging mga establisemento na sumali sa kanilang mga pa-contest. Magaganap ang 7th Kasadya Christmas Festival ng Surallah sa December 1 hanggang 30 kung kelan matutunghayan ng mga mamamayan at iba’t ibang mga palabas tuwing gabi.

Ito ay pinaglaanan naman ng lokal na pamahalaan ng mahigit pitong milyong piso Kilala ang Surallah bilang Christmas Capital ng South Cotabato.

 

-0-

 

Mines Management Division Chief ng Mines and Geosciences Bureau 12 nagpaliwanag kung bakit hindi basta makapag-operate ang Saguittarius Mines Incoporated sa Tampakan, South Cotabato

Kailangan pa ng Sagguittarius Mines Incorporated o SMI ang ilang mga requirement para masimulan ang kanilang gold-copper project sa Tampakan, South Cotabato.

Kalakip sa mga ito ang Environment Compliance Certificate o ECC, certificate of Precondition mula sa National Commission on Indigenous Peoples’ o NCIP at consent o permiso sa lupain ng mga landowners na sasakupin ng mining site. Ito ay ayon kay Mines ang Geosciences Bureau of MGB 12 Mines Management Division Chief Hernani Abdon.

Ipinahayag ni Abdon na nireresolba pa ng Department of Agrariarian Reform ang Certificate of Land Ownership Award o CLOA sa ilang bahagi ng mining site.

Bukod sa mga ito ayon kay Abdon , nanatili pa ang ban sa opening mining sa bansa. Sinabi din ni Abdon na inirekomenda din ng MGB ang review sa environment code ng South Cotabato na nagbabawal sa open pit mining.

Ayon kay Abdon kailangan na mapagtugma sa national na batas ang Open pit mining ordinance ng lalawigan.

 

-0-

 

32 drug personalities naaresto ng mga otoridad sa nakalipas na lingo sa region 12

Nakaaresto ng 32 na drug personalities at nakakumpiska ng mahigit 100 thousand pesos na iligal na droga sa kanilang anti-illegal drug operation sa nakalipas na lingo ang mga pulis at mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency sa region 12.

Isa sa mga nahuli ng mga ito ang High Value Target na si Benjamin Flores Petines, 45 years old, ng Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz, si Petines ay matagal nang minamanmanan ng mga personnel ng Regional Police Drug Enforcement Unit o RPDEU. Nakuha sa kanya ng mga otoridad ang walong pakete ng pinaghihinalaang shabu, na nagkakahalaga ng mahigit 60 thousand pesos, drug paraphernalia at motorsiklo na ginagamit umano sa kanyang illegal drug transaction.

Habang ang mahigit 31 thousand pesos naman na mga umanoy iligal na droga ay nakumpiska ng mga ito sa taltumput isang street-level target na kanilang naaresto. Pinakamarami sa mga ito ay mula sa lalawigan ng South Cotabato.

Ayon kay Corpuz ang pagdami ng mga naaresto nilang drug personalities ay malaking achievement sa mga pulis ng Soccksargen.

Umaasa si Corpuz na mapanagot nila sa kanilang mga kasalanan mga inarestong drug personality upang tuluyan nang masugpo ang problema sa iligal na droga.

 

-0-

 

Katiwasayan sa lalawigan sa kabila ng sunod sunod na shooting incidents tiniyak ng Deputy Director for Operations ng PNP sa South Cotabato

Isolated case lamang ang mga insidente ng pamamaril kaya walang dapat ikaalarma sa katiwasayan ng lalawigan ang mga mamamayan ng South Cotabato.

Ipinahayag ito ni South Cotabato Provincial Police Office Deputy Director for Operations, Police Lieutenant Colonel George Parcon. Ito ay matapos ang sunod sunod na mga shooting incidents sa lalawigan. Binigyan ni Parcon na kontrolado pa rin ng pulisiya ang peace and order sa South Cotabato.

Aminado naman si Parcon na dahil sa kawalan ng saksi hirap ang pulisiya sa kanilang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa lalawigan. Gayunpaman ayon sa nasabing police official, patuloy ang kanilang imbestigasyon para maresolba ang nasabing mga insidente. 

Matatandaan na apat katao ang nasawi dahil sa pamamaril sa Koronadal City at mga bayan ng Tupi at Polomolok sa South Cotabato noong nakaraang lingo. Pinakahuling biktima si Poblacion, Polomolok Barangay Kagawad at dating South Cotabato Association of Barangay Chairperson President Vicente Yungco Jr.

 

-0-

 

Pagdeklara ng “No build zone” sa mga ancestral domains ng IP’s sa Kidapawan City, kinwestyun ni North Cotabato Governor Catamco

Unfair kung tawagin ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang pagdedeklara ng Mines and Geosciences Bureau at ng Philvocs na No Build Zone sa mga ancestral domain areas ng mga katutubo particular sa Kidapawan City.

Ayon sa Gobernadora, kailangan pa anyang palalimin ang diskusyon kung bakit ganun na lamang kadali ang pagdeklara ng No build Zone sa mga naturang lugar at basta- basta na lamang kunan ng karapatan sa kanilang lupa.

Naintindihan din anya ng opisyal na ang kapakanan ng mga residente ang nakataya pero kahit saan pa man anya i-relocate ang mga mamamayan na nakatira sa lugar ay maapektuhan pa rin ng lindol.

Nais ding malaman ng opsiyal kung ano ang naging basehan ng MGB at Philvocs sa pagdedeklara ng No buil zone gayung lahat naman ng lugar sa probinsya ay naapektuhan ng pagyanig at hindi lamang sa mga nabanggit na lugar.

Marami din dapat ikonsidera bago ito maipatupad sa lugar na nagpoprotekta sa mga katutubo batay na rin sa nakasaad sa IPRA Law.

Dagdag pa ng Gobernadora, kailangan na magtulungan ang lahat sa pagpapayos ng mga nasirang bahay dahil maraming mga kabataan na ang nagkakasakit sa mga evacuation centers ng lalawigan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City Health Office target na mapabakunahan kontra polio ang mahigit 13,000 na mga kabataan sa lungsod

Target ngayon ng City Health office sa Kidapawan na mabigyan ng bakuna kontra polio ang nasa 13,000 na kabataan may edad zero hanggang limampu’t siyam na buwang gulang kasabay ng paglulunsad ng “Sabayang Patak Kontra Polio” simula kahapon.

Unang isinagawa ang ceremonial patak sa mga kabataan na mula sa Nursery site Phase 1, Kidapawan City. Napili ang nasabing lugar sa pagbibigay ng polio vaccines dahil maraming mga bata ang pasok sa naturang edad para sa kampanya ng Departement of Health o DOH.

Sa Barangay Poblacion, magsasagawa ng house to house vaccination ang City health Office upang matiyak na lahat ng mga bata ay mabigyan ng bakuna.

Nagsimula na din sa paglalagay ng vaccination centers tulad ng sa Purok, Barangay halls at mga public Terminal upang walang kahit isang bata na makaligtaan at hindi mabigyan ng libreng bakuna.

Ipinaliwanag ni Dr. Joy Encienzo, City Health Officer na mahalagang makapagbakuna kontra sa polio ang mga bata upang maka-iwas sa kumplikasyon nito. Nakakahawa din at nakamamatay ang polio kaya mas mainam na samantalahin ng mga magulang ang kampanya ng DOH. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga lugar na nasunugan sa Kidapawan City, No Build Zone muna- ayon sa City Government

Hindi muna papahintulutan ng Kidapawan City Government ang mga residente ng Nursery Phase 1 at 2 na naapektuhan ng sunog na muling magpatayo ng kanilang mga bahay sa nabanggit na lugar.

Ayon kay City Engr.Alan Balgos, naglagay na aniya ang LGU ng isang tarpaulin sa nasabing lugar bilang paalala na hindi muna pwedeng tayuan ng mga bahay doon bilang utos na rin ni City Mayor Joseph Evangelista.

Pero pinunit at tinanggal ito ng mga residente dahil maliban sa nainsulto ay nasaktan din ang mga ito sa pagbabawal ng city government sa muli nilang pagbangon sa pamamagitan ng unti-unti nilang pagpapatayo ng bahay.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang maranasan ng mga taga Nursery Phase 1 at 2 ang sunod-sunod na sunog kung saan razed to the ground ang buong lugar.

Samantala, ayon naman kay Balgos, nakatakda namang pulungin ni Mayor Evangelista ang mga residente sa lugar sa susunod na araw upang pag-usapan at tulungan kung paano muling makakabangon ang mga apektadong residente.

Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman ni City Office of the Building Official Julito Hernandez kung bakit hindi pa maaaring pagtayuan ng mga bahay ang naturang lugar.

Una ay para hindi na ito mapasukan pa ng karagdagang informal settlers, pangalawa ay upang maiwasan ang over-crowded na mga istruktura at kailangan muna itong i-regulate bago ang muling pagpatatayo ng mga bahay. Nabatid kasi na over-crowded ng mga istruktura ang naturang lugar kung saan mabilis din itong nadamay sa nangyaring sunog. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Libu-libong mga pamilya na apektado ng lindol sa North Cotabato, nabigyan na ng tulong ng Notredame Brodcasting Corporation o NDBC

Masayang sinalubong ng mga mamamayan ng Barangay New Baguio sa Makilala North Cotabato ang pamimigay ng tulong ng Notredame Broadcasting Corporation o NDBC- DXND sa mga nabiktima ng lindol kahapon ng umaga.

Nabatid na mula lamang sa nasabing barangay mayroong 400 na mga residente ang apektado ng kalamidad at karamihan anya sa kanila ay hindi pa nakatanggap ng tulong.

Nagpasalamat naman si Barangay Kagawad Danilo Lanante, Jr. sa NDBC at sinabing marami na anyang mga grupo at organisasyong pumasok sa kanilang lugar upang mamahagi ng tulong lalo na ng pagkain.

Ayon sa isang residente sa lugar na si alyas Jenny, maraming mga bakwit na anya sa lugar ang nagkakasakit dahil sa rin sa nararanasang magkahalong init at lamig naman kapag gabi.

Kung kaya’t malaking tulong para sa kanila ang handog ng NDBC lalo na sa mga bata.

Sa ngayon, mahigit sa dalawang libo na pamilya na ang nabigyan ng tulong ng NDBC habang nagpapatuloy naman ang isinagawang relief operation hanggang sa makabangon ang mga apektadong pamilya.

Katuwang ng NDBC Kidapawan sa pamamahagi ng tulong ay ang mga volunteer mula sa ibat-ibang grupo at asosasyon na mula sa lungsod. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

 

Lumagda sa limang mga kasunduan ang Pilipinas at South Korea matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-in.

Nasa Busan ngayon ang pangulo para sa 2019 Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea o ASEAN-ROK Commemorative Summit.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang mga kasunduan ay tungkol sa turismo, edukasyon, fisheries, social security at kalakalan.

Sa iba pang balita, iginiit ni Sen. Bong Go na binulabog lamang ni Vice President Leni Robredo ang kampanya sa iligal na droga sa loob ng 19 na araw bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs o ICAD.

Sinisi ng senador si Robredo dahil walang napatay na drug lord habang nakaupo ito sa ICAD.

Gusto anya ng mga tao na patayin ang drug lords dahil kung hindi ay hindi titigil ang mga ito sa kanilang masamang gawain.

Paliwanag ni Go, sinibak si Robredo sa trabaho dahil sa kawalan ng tiwala ng Pangulong Duterte.

Sinabi ng senador na puro ‘talk’ lang ang ginawa ni Robredo imbes na ipagpatuloy ang Oplan Tokhang.

 

-0-

 

Samantala, hindi naman umano kailangan pang isapubliko ni Vice President Leni Robredo ang mga nalaman niya ukol sa anti-drug war ng gobyerno sa dalawang linggo niyang panunungkulan bilang anti-drug czar.

Ito ang sinabi ni Sen. Ping Lacson ngunit pag-amin nito nakadepende pa rin kay Robredo ang lahat.

Aniya, hindi magiging maganda kung ang pagbubunyag ay dahil sa pagbawi sa kaniya ng trabaho at kung maapektuhan nito ang kasalukuyang kampaniya.

Ngunit ayon kay Lacson, kung ang sasabihin ni Robredo ay para mapagbuti pa ang war on drugs ay dapat niyang ibahagi ito.

 

NDMC basketball club keeps title as PRISAA-Soccsksargen champions

MIDSAYAP, North Cotabato - Notre Dame of Midsayap College (NDMC) basketball team, representing Cotabato province defeated STI-Koronadal,...

Court orders arrest of 18 behind ALAMCCO pyramid scheme 

GENERAL SANTOS CITY --- A court has ordered the arrest of 18 operators of a pyramiding money market scheme using the Alabel-Maasim Credit...

CBCP issues new precautionary measures against COVID-19 for Lent

The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has released a liturgical guideline for the Lenten season as a precautionary measure to reduce...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 22, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DEPUTY PROVINCIAL PROSECUTOR, 2 iba pa, sugatan sa pananambang sa Cotabato...

Gov't operatives kill 2 followers of elusive drug dealer `Grasscutter'

MAGUINDANAO  --- Two henchmen of a bandit wanted for large-scale trafficking of shabu perished in an encounter with anti-narcotics agents in Datu...