Sunday May, 05 2024 03:07:14 AM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 4, 2016)

 • 17:31 PM Fri Nov 4, 2016
1,155
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 4,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Misuari,
tiniyak ang suporta sa isinusulong na peace talks ng pamahalaang Duterte.

2. PNP 12, tiniyak na handa sila sa
anumang banta saseguridad sa region 12.

3. RAID sa bahay ng isang alkalde sa
South Cotabato, inasahan na raw ng gubernador ng lalawigan.

4.

TINIYAK ni Moro National Liberation
Front o MNLF founding-chair Nur Misuari na makikipagtulungan kay Pangulong
Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa bangsamoro.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni
Misuari na malakas pa rin ang kanyang pwersa na nagtatago lamang sa kabundukan
ng Sulu at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para muling magparamdam.

Una rito ay nagpulong sina Misuari at
Duterte sa Malacañang at pagkatapos ay sabay na humarap sa media.

Sinabi ni Misuari na nagpunta siya sa
Malacañang dahil hindi niya matanggihan ang imbitasyon ng pangulo na lubos
niyang pinagkakatiwalaan at iginagalang.

Aniya, hindi nila hangad ang
pakikipagbakbakan at sa halip ay nakahanda silang maki-isa sa pagsisikap na
makamit ang tunay na kapayapaan at maging sa kampanya kontra iligal na droga ng
pangulo.

Hiling lamang ni Misuari na maging makatotohanan
ang gobyerno, maging ang media sa pakikitungo sa kanila at pagpapalabas ng mga
pahayag.

Sabi pa ni Misuari, dahil sa tiwala at
respeto niya kay Duterte ay hindi ito nag atubiling tumulong para maligtas ang
isang Norwegian hostage ng Abu Sayyaf.

Aniya pa, sila rin ang responsable sa
pagpapasuko sa sampung Abu Sayyaf members nang paikutan ng kanilang puwersa ang
pinagkukutaan ng naturang grupo sa Sulu.

Una rito, sinuspinde ng Pasig Regional
Trial Court ang paglilitis sa mga kasong isinampa laban kay Misuari para
makalahok sa peace talks.

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano
Aguirre II na pinagbigyan ng korte ang ‘plea’ ng government prosecutors na
pansamantalang suspendihin ang paglilitis kay Misuari.

Aniya, nais kasing ipakita ng gobyerno
na sinsero ito sa isinusulong na usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng Moro.

Si Misuari ay kinasuhan ng rebelyon
dahil sa paglabag nito sa Philippine Act on Crimes Against International
Humanitarian Law, Genocide at Crime Against Humanity dahil sa naganap na 2013
Zamboanga siege na naging dahilan ng pagkamatay ng may 400 katao at pagkawala
ng tahanan ng mahigit 100,000 pamilya.

Nilinaw naman ni Aguirre na sa kabila
na pansamantalang suspensyon sa pagdinig sa mga kaso ni Misuari, hindi naman
inalis ang warrant of arrest nito kundi hindi lang muna ipatutupad.

Tatagal ang suspension of proceedings
at pati na ang suspension sa pagpapatupad ng warrants of arrest sa loob ng anim
na buwan maliban na lamang kung ito ay babawiin nang mas maaga ng korte. PATAY
ang isang magsasaka matapos na maanod ng rumaragasang ilog sa barangay Kuya,
South Upi, Maguindanao.

Nakilala
ang nasawi na si Albert Peralta 45 years old, residente rin ng naturang
barangay.

Sinabi
ni South Upi PNP chief, police Sr. Insp. Roel Villarin na lasing si Peralta nang
tumawid sa ilog kaya hindi nito nakayanan ang malakas ng Tran River na nasa
boundary ng Sultan Kudarat at Maguindanao.

Tutungo
sana sa kabilang sitio si Peralta nang maanod at malunod sa ilog.

Na-recover
naman ng binuong search and rescue team ang bangkay ng nasawing magsasaka.

PATAY ang isang kilalang gun for hire at umano ay sangkot din sa pagbebenta ng iligal na droga sa Cotabato city matapos itong manlaban sa mga aaresto sana sa kanyang mga pulis at sundalo.Nakilala ang suspek na si Fairodz Rakim alyas Plex, 28 years old, may asawa, at isang habal-habal driver na taga- SK Pendatun Extension, barangay Poblacion Dos ng lungsod. Sinabi ni City PNP spokesperson, police Sr. Insp. Rowel Zafra na naganap ang insidente pasado ala una ng hapon kahapon sa RS Buan, Barangay Poblacion Uno ng lungsod.Batay sa ulat ng pulisya, pinagbabaril ni Rakim ang dalawang mga miembro ng Army’s 5thSpecial Forces Battalion nang dumaan ang mga ito sa Salamat Street, Mother Barangay Poblacion, sakay ng motorsiklo.Gayunman, maswerte at hindi tinamaan ang mga naturang sundalo na hindi na kinilala sa report. Mabilis na tumakas si Rakim sakay din ng motorsiklo at sinundo ang isa pa nitong kasamahan sa RS Buan.Pero nang mapansin ng dalawa ang mga tumutugis sa kanilang mga pulis at sundalo ay iniwan nila ang sinasakyang motorsiklo at tumakbo sa magka-ibang direksyon.Naabutan ng mga pulis at sundalo si Rakim habang tuluyan namang nakatakas ang kasamahan nito.Ngunit sa halip na sumuko, nanlaban pa si Rakim at nagpaputok ng baril sa mga otoridad dahilan para barilin siya ng mga pulis at sundalo hanggang sa masawi. APRUBADO
NA ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kasong 6 counts sa
paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public
Officials and Employees o Republic Act No. 6713 kay dating Vice-Governor Ruby
Sahali-Tan ng Tawi-Tawi.

Ito ay
makaraang makakita ang Ombudsman ng probable cause na makasuhan si Tan nang mabigo
itong mag-file ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN
under oath mula 2007 hanggang 2011.

Bigo
rin si Tan na mag-file ng kanyang SALN noong 2008 hanggang 2012.

Sa
ilalim ng Section 8 of R.A. No. 6713, mandatory sa lahat ng opisyal ay
kailangang mag-file under oath ng kanilang SALN at pag imporma sa kanilang
business interests at financial connections kasama na ang kanilang asawa at mga
anak na walang asawa na may edad 18 taong gulang, pababa. BAGAMAN
at suportado ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang panibagong hakbang ni
Pangulong Duterte sa paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao ay itutuloy pa rin
nila ang kaso sa Korte laban kay MNLF founding Chair Nur Misuari at sa iba pang
miyembro ng MNLF na responsableng sa Zamboanga siege.

Ito ay
sa kabila ng pagpapawalang bisa sa arrest warrant laban kay Misuari.

Ipinaliwanag
aniya sa kanya ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na
malaki ang maitutulong ni Misuari sa usapin ng pangkapayaan sa pagitan ng
gobyerno ay mga grupong Moro sa Mindanao.

Sa
kabilang dako, tiniyak din ng Armed Forces of the Philippines na hindi pa rin
makakalimutan ang naging pananagutan ni Misuari sa Zamboanga siege noong 2013.

Ito'y
kahit inaprubahan na pansamantala ng korte na huwag itong arestuhin.

Ayon
kay AFP spokesperson Brig Gen. Restituto Padilla, may tamang pagkakataon para
sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima ng marahas na insidente.

Sinabi
ni Padilla na hindi aniya pwedeng balewalain o ibasura na lamang ang kasong ito
bagkus ay kailangan lamang aniyang bigyang daan ang isang hakbang ng ating
political leaders tungo sa ikabubuti nang mas nakararaming Pilipino.

Aniya,
mas mabuting bigyan ng tyansa ang pagsisikap ng gobyerno na maplantsa ang mga
kailangang proseso tungo sa ganap na kapayapaan sa Mindanao. Pipili ng Most Outstanding Model Family ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato mula sa 11 nominado.
Ang mga ito ay kumakatawan sa sampung bayan at isang lungsod sa lalawigan.Ayon kay Provincial Population Officer Zenaida Duron, patuloy ang tagumpay ng naturang annual search dahil sa suporta ng mga local government units na taon taon ay nagpapadala ng kanilang kinatawan.
Matapos ang isang buwang evaluation process, sumailalim na rin sa interview at validation ang mga nominadong pamilya.
Kabilang sa mga nominee ngayong taon sina Federico and Luela Castromayor ng Koronadal City Amado and Nenita ng Surallah Warlito at Merle Palua ng Banga at. Rolando and Arlita ng Polomolok
Nominadop din sina Ricardo at Myrna Dadivas ng Norala Efren and Ofelia Alada ng Tantangan Federico at Ledwina Moreno ng Sto. Nino Benito at Edna Claudio ng Tupi Rosito at Mary Joy Barroso ng Tampakan Teodoro at Nelia Emboltorio ng Lake Sebu at Jimmy at Eustaquia Pericon ng Tboli.
Ayon kay Duron magiging batayan ng pagpili ng model family ang pakikitungo sa bawat isa ng magasawa at kanilang mga anak.Pipiliin din ang mga mananalo batay sa kanilang mga katangian, management ng kabuhayan, kontribusyon sa komunidad at uri ng pamumuhay.
Ang mga mananalo ay makatatanggap ng P10,000P15,000 at P20,000.Makatatatanggap naman ng tig P5,000 ang mga hindi papalaring manalo.Ang awarding ceremony ay gaganapin kasabay ng pagtatapos ng Population Development Week Celebration sa Koronadal City sa November 23.
Aminado si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na inaasahan na nito ang pag raid ng mga pulis sa bahay ni Banga Mayor Albert Palencia.Ayon kay Fuentes maliban kasi kay Sto. Nino Mayor Pablo Matinong, isa rin si Palencia sa mga nalakip sa talaan ng narco plitician ng ng pulisiya.Ang pakakaiba lang ng dalawa ayon kay Fuentes si Matinong ay agad na nakipag ugnayan sa mga pulis at nilinis ang kanyang pangalan.Ayon kay Fuentes naninindigan si Palencia na hindi siya sangkot sa illegal drugs kaya wala siyang dapat ipaliwanag sa pulisiya.Ipinahayag ng gobernador na noon paman ay pinaalalahanan nito ang mga opisyal sa South Cotabo na iwasan ang iligal na droga.Ipinahayag ni Fuente na hindi kasi maikakaila na maari ring gamitin ng mga may masasamang motibo na gamitin ang kampanya kontra iligal na droga upang sirain ang pangalan ng kanilang mga kalaban.Kaya hiling nito sa pulisiya suriing mabuti ang mga umanoy narco politicians na nasa kanilang talaan, Naniniwala si Tacurong City Mayor Lina Montilla na ang holistic approach at team work sa serbisyo publiko ang naging dahilan nang paggawad ng Seal of Good Local Governance o SGLG sa kanilang lugar.Inihayag ni Montilla na mahalaga din sa pagkakaroon ng mahusay na pamamahala ang pakikiisa ng Civil Society Organizations at mga mamamayan mismo ng Tacurong City.
Maliban sa Tacurong City siyam pang mga LGUs ang tumanggap ng SGLG.Kabilang sa mga ito ang Bagumbayan at Columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat at M’lang sa North Cotabato.
Ginawaran din nito ang mga bayan ng Banga, Polomolok, Santo Nino, Surallah at Tupi sa South Cotabato.Aminado naman si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na hindi nakatanggap nakuha ng lalawigan ang SGLG award ngayong taon dahil sa kabiguan ng ilang mga kawani nito na magbayad ng loan sa Government Service Insurance System o GSIS.Ayon kay Fuentes nakaapekto din sa lalawigan ang kawalan ng sanitary landfill ng Koronadal City.
Naging batayan naman ng paggawad ng SGLG ang good financial housekeeping, social protection, at disaster preparedness.
Mariing binabantayan ngayon ng pulisiya ang mga boundary ng South Cotabato sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao.Ito ay ayon kay PNP Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero.
Layon nito ayon kay Alvero na maresolba ang problema ng karnaping sa South Cotabato.Sinabi ng police official na kabilang sa tinututukan ngayon ng pulisiya ang hangganan ng South Cotabato sa Tantangan at President Quirino sa Sultan Kudarat.
Binabantayan din ng pulisiya ang mga boundary ng lalawigan sa Mangudadatu, Maguindanao at Lutayan, Sultan Kudarat.Ang hakbang na ito ng pulisiya ay kasunod ng pagkakatuklas noong nakaraang lingo ng tatlong bangkay sa boundary ng Dumadalig, Tantangan at Estrella sa President Quirino.Karnaping ang motibo na tinukoy ng pulisiya sa krimen matapos mawala ang bagong motorsiklo ng isa sa mga biktima.
Abot na lamang sa 15 hanggang 20 kaso ng dengue nitong nakalipas na dalawang lingo ang naitala ng Koronadal City Health Office noong Oktobre.Ayon kay OIC City Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido, ito ay mas mababa sa hanggang 40 dengue cases kada lingo na naitala noon ng kanilang tanggapan. Ayon kay Aturdido dahilan naman nito ang fogging operations ng city health office sa mga barangay ng Koronadal na may pinakamaraming kaso ng dengue.
Kabilang sa mga barangay na ito ayon kay Aturdido ang Santa Cruz, General Paulino Santos, Morales, Zone 3 at Sto. Nino.Sa kabila nito umapela si Aturdido sa publiko na huwag maging kampante at umaasa sa fogging operations ng city health office.Sa halip ayon sa City Health officer, pinakabisa pa ring paraan upang masawata ang dengue ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Nanatili pa rin ngayon sa lock up cell ng Banga PNP si Banga, South Cotabato Mayor Albert Palencia.
Si Palencia ay inilipat sa Banga PNP mula sa custody ng Criminal Investigation and Detecion Group o CIDG sa General Santos City.
Ayon kay Palencia, hinihintay pa kasi nila ang resolution ng fiscal para makapagpyansa.
Matatandaan na ang bahay ng alkalde sa barangay Punong Grande sa bayan ng Banga ay ni raid ng mga kaspi ng Police Regional Office 12 kahapon bit bit ang 18 search warrant.
Nakuha sa bahay ni Palencia ang 4 na bala ng .380 na baril.
Mariin namang pinabulaanan ni Palencia na sa kanya ang rifle grenade na nakuha sa kanyang piggery.
Iginiit ni Palencia na wala siyang drug laboratory at kinalaman sa illegal na droga.Sa katunayan ayon sa alkalde, walang nakuhang droga sa kanyang bahay ang raiding team.
Umaasa naman si Palencia na tuluyan na itong makapag-pyansa ngayong araw. Dumating na ang halos dalawang libong sako ng bigas mula sa DSWD Region 12 na nakalaan para sa mga matinding naapektuhan ng El Niño sa bayan ng Mlang, North Cotabato.Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ngayong araw ang 37 mga barangay chairmen ng bayan kasama si Mayor Russel Abonado para pag-usapan ang istilo sa pamamahagi ng bigas.Una na ring nilinaw ni Mayor Abonado na tanging mga indigent at yaong mga pamilyang malubhang naapektuhan lamang ng tagtuyot ang prayuridad na mabibigyan.

Bukod sa pamamahagi ng bigas, aasahan rin ang gagawing assessment ng mga magsasakang naapektuhan ang kanilang kabuhayan.Samatala, ipapatawag din ni Mayor Abonado ang mga rice traders sa bayan ng Mlang.

Ito ay may kaugnayan naman hinggil sa pag gamit nila ng runway ng Mlang rural airport sa pagbilad ng kanilang mga palay.

Sa ngayon kasi ay inuukopa na ng traders ang buong lane ng runway.Una na ring nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga myembro ng 7th IB na nasa lugar at ng mga trabahanteng nagbibilad ng palay dahil sa wala ng madaanan ang sasakyan ng mga sundalo dahil sa mga nakabilad na palay.Ang ikinababahala ngayon Ni Abonado ay baka may mag emergency landing na eroplano sa airport at wala ng espasyo para rito dahil naukopa na ng mga ibinibilad na mga palay.
Nananatiling nakaalerto ngayon ang buong hanay ng PNP Region 12 at patuloy na nag-iingat sa banta ng seguridad sa rehiyon.May mga reports at impormasyon kasing kumakalat na posibleng pasasabugan ang ilang bahagi ng rehiyon bilang resbak ng mga Drug Lords na nasagasaan sa kampanya ng mga otoridad kontra iligal na droga.Ang nabanggit na reports ay hindi naman kinumpirma ni Police Regional Office 12 spokesperson Supt. Romeo Galgo pero tinitiyak nitong patuloy pa rin ang pagpapatupad nila ng mahigpit na security check para matiyak kaligtasan ng mamamayan sa rehiyon.Nanindigan si Galgo na wala silang dapat ikatakot dahil para sa kanya wala silang ginagawang mali at ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho lalo na ang pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.Una na ring ipinahayag ng PNP 12 na nakatutok rin sila sa mga High Value Personalities na posibleng sangkot sa iligal na droga.Sa ganitong panahon raw ay mas kailangan nila ang kooperasyon ng publiko para magbantay at agad na magbigay ng impormasyon sakaling may mapansing kahina-hinalang tao o bagay sa kanilang paligid.Samantala, paalala naman ni Galgo sa publiko na sakaling makatatanggap ng mga text messages kaugnay sa pananakot at banta ng pambobomba ay huwag na lamang itong ipasa kahit kanino para hindi na makagawa pa ng takot sa iba at sa halip ay ipagbigay alam ito sa mga otoridad. Makilala, di raw nakaapekto sa mga residente ayon sa MDRRMC

Sa kabila ng mga naranasang kalamidad kagaya ng landslide at pagbaha sa ilang area ng Makilala, North Cotabato lalo na ngayong tag-ulan, di raw ito nakaapekto sa mga residente.Ito ang sinabi ni Municipal Disaster Roisk Riduction and Management Council Head Bebot Moneva ng LGU Makilala.Ayon kay Moneva, tuwing may nangyayaring kalamidad sa bayan ay agad silang nagpapaabot ng tulong sa mga apektadong residente.Nagpagawa na rin sila ng mga hangging bridge lalo na sa mga landslide prone areas at madalas binabaha bilang allternatibong daanan.Sa ngayon, sa kabila ng sunod-sunod na pag-ulan na naranasan sa ilang bahagi ng North Cotabato, di naman raw ito nakaapekto ng malaki sa mga taga Makilala lalo na sa kanilang kabuhayan.Wala ring ipinangangamba ang tanggapan ng MDRMMC ng Makilala sakaling magkaroon man ng mga di inaasahang sitwasyon dahil handa naman ang mga kalapit na bayan na tumulong sa pamamagitan na rin ng Memorandum of Understanding na una nang napagkaunduan ng lahat ng bayan sa North Cotabato. Magiging bahagi na ngayon ng Pabahay Program 4 ng Kidapawan City LGU ang pondong ibinigay ni Vice President Leni Robredo.Ayon kay Mayor Joseph Evangelista nangako ng 24 million pesos si Robredo para sa programa ng LGU pabahay program para sa mga Indigenous People at informal settlers ng lungsod.Si Robredo ay siyang kasalukuyang chair ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC na nagbibigay ng desente at ligtas na masisilungan para sa mga mahihirap.Mismong si Evangelista ang nagkompirma sa pondong ipinangako ng bise presidente para sa mga taga Kidapawan.

Matatandaang si Robredo ang nanguna sa grounf breaking ceremony ng Pabahay Program 4 ng LGU sa Sudapin, Kidapawan noong nakaraang linggo nang bumisita ito.Iginiit rin ni Evangelista na bahagi rin ng 24 million pesos ay ilalaan sa nagpapatuloy na land development sa pabahay Program 3 na nasa brgy.Magsaysay ng lungsod kung saan nasa 300 pamilya rin ang natulungan ng nasabing proyekto.

Aasahan din sa susunod na taon na ibang 2,000 informal settlers pa sa Kidapawan ang matutulungan ng LGU katauwang ang HUDCC.

Aasahan rin ang pagpataw ng penalidad sa mga benipisyaryo sakaling malaman ng LGU na ibinenta nila ang kanilang propriedad. Ready for operation na ang bagong tayong Automated Weather station ng PAG-ASA sa Sitio Embasy, brgy. Perez, Kidapawan City.
Ito ang sinabi ni Pag-asa Weather facility Specialist Willy Evangelista sa kanyang courtesy call kahapon kay Mayor Joseph Evangelista.
Sinabi ni Evangelista, ang naturang device ay kayang mamonitor ang aktuwal na lakas at bilis ng isang bagyo, humidity temperature pressure at rainfall sa loob ng 30-50 kilometro.
Ang datus naman na matatala ay derektang makikita ng PAG-ASA Weather Center sa kanilang website.

Ang naturang proyekto ay base naman sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) noong nakaraang taon.
Sinabi ni CDRRM officer head Psalmer Bernalte, malaking tulong ang nabanggit na pasilidad lalo na sa usapin ng early disaster preparation and response partikular sa mga landslide ug flashflood prone areas sa Kidapawan City.
Kaugnay nito, nako naman ni Mayor Evangelista ang pagpapabakod o fencing sa pasilidad sa lugar kabilang na ang ibang pangangailangan rito para maproteksyunan at mapapakinabangan ng publiko.

NDBC BIDA BALITA

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...

2 BIFFs yield to Army in MagSur

RADJAH BUAYAN, Maguindanao del Sur -  On May 3, 2024, the 33rd Infantry (Makabayan) Battalion presented two Former Violent Extremists (FVEs) to...

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...