Saturday May, 25 2024 07:33:29 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 1, 2016)

 • 16:01 PM Thu Sep 1, 2016
1,659
By: 
NDBC NCA
Itinuro ng lalaki ang nawasak niyang tahanan matapos ang malakas na hangin sa Tampakan, South Cotabato)

NEWSCAST

SEPTEMBER 01,
2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISA PANG TANGGAPAN ng gobyerno sa
Cotabato city, hinagisan ng granada.

2. ISANG TAONG GULANG na batang babae, pinaniniwalaang
dinukot sa Kidapawan City ina, nananawagan

3. MGA BAYAN South Cotabato na
sinalakay ng mga pesteng daga, dumarami pa.

4. Bahay nawasak ng malakas na hangin sa Tampakan, South Cotabato ISA NA NAMANG granada ang sumabog sa
isa pang tanggapan ng gobyerno sa Cotabato city.

Mag-aalas kwatro ng hapon kahapon nang
yanigin ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Barangay Rosary Heights 6
ng lungsod.

Hinagisan kasi ng M26-A9 fragmentation hand
grenade ang tanggapan ng National Irrigation Administration o NIA – Maguindanao,
sa Rosales Street.

Sinabi ni City PNP spokesperson police
Sr. Insp. Rowel Zafra Sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP, dalawang mga
lalaking naka motorsiklo ang dumaan sa naturang opisina at naghagis ng granada.

Pero paglilinaw niya, hindi rin nila
ina-alis ang posibilidad na baka isa sa mga katabing bahay ng naturang opisina,
ang target ng naturang mga suspek.

Gayunman, maswerte at wala namang nasaktan
sa naturang insidente ngunit nagdulot ito ng matinding takot sa mga empleyado ng
NIA at maging sa mga residenteng nakatira malapit sa naturang tanggapan.

Nabatid na sa kanal napunta ang granada
kaya hindi ito nakapaminsala.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad
ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito.

Ito na ang ikatlong kaso ng panghahagis
ng granada sa lungsod ngayong buwan lamang.

Ang unang insidente ay ang panghahagis
ng granada sa bubong ng Traffic Management Unit o TMU Office na katabi lang ng police
station one noong Sabado ng gabi.

Sumunod dito ang panghahagis naman ng granada
sa himpilan ng police station number two nitong Lunes ng hapon.

Sa ngayon ay blangko pa rin ang City
PNP kung sino ang nasa likod ng serye ng mga panghahagis ng granada sa lungsod.

Ang naturang panibagong insidente ng
pagpapasabog ng granada ay kasunod naman ng hamon ni PNP chief Director General
Ronald dela Rosa sa mga pulis ng lungsod na tukuyin ang mga nasa likod ng
naturang mga pagpapasabog at hagisan din ng granada ang kanilang mga bahay. SISIMULAN NA
sa susunod na linggo ang pagtatayo ng modernong provincial jail o ang
Maguindanao Correctional and Rehabilitation Center sa Buluan, Maguindanao.

Sinabi ni
Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na ang naturang dalawang ektaryang jail
facility ay bilang tugon sa matagal ng problema ng Bureau of Jail Management
and Penology o BJMP Maguindanao hinggil sa kakulangan ng mga bilangguan sa
lalawigan.

Ayon kay
Mangudadatu, ang 50-million peso modern jail facility ay bahagi pa rin ng 1.9
billion pesos loan ng probinsya sa Landbank North Cotabato Lending Office.

Pagmamalaki
ng gubernador, ang Maguindanao ang unang probinsya sa buong Pilipinas na
magtatayo ng ganitong uri ng pasilidad.

Sa ngayon,
ang Maguindanao provincial jail ay nasa PC Hill sa Cotabato city na itinayo
noon pang dekada 60.

Bukod sa
siksikan ang mga preso sa naturang bilangguan, ilang mga high profile inmate na
rin ang nakatakas mula sa naturang kulungan. MULING
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipapakulong o kaya ay
ipasasa-ilalim sa kustodiya ng gobyerno si Moro National Liberation Front o
MNLF founding chair Nur Misuari.

Ayon
sa pangulo, nagkausap na sila ni Misuari sa telepono nitong Martes hinggil sa
napipintong pagbabalik nito sa negotiating table.

Aniya
pa, sakaling magdesisyon si Misuari na lumantad, kailangan lang niyang lumapit
sa mga sundalo o pulis para maging security escorts.

Sabi
pa ni Duterte, nakahanda siyang harapin si Misuari at makausap ng personal kahit
na saang lugar.

Pinamamadali
na rin ng pangulo si Misuari na magpasya dahil marami aniyang buhay na
nalalagas at nasasayang.

Nabatid
na gusto ni Misuari na sa Kuala Lumpur, Malaysia sila mag usap ng pangulo sa
harap ng Organization of Islamic Conference at ilang mga miembro ng Bangsa-Tausug.

Bilang
paglilinaw naman sa warrant of arrest na inilabas laban kay Misuari pinaliwanag
ni Pangulong Duterte na maaari itong hindi ipatupad.

Paggiit
pa ng pangulo, siya ang hepe ng mga AFP at PNP kaya’t iniuutos niya na huwag
galawin si Misuari at wag ipatupad ang nakabinbing mga warrant of arrest laban
dito. TIWALA
si ARMM governor Mujiv Hataman na hindi matutuloy ngayong taon ang Barangay at Sangguniang
Kabataan Elections.

Paliwanag
ni Hataman, kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay sang ayon sa
panukalang pagpapaliban sa local elections, ay 99 percent na mauurong ito.

Kapwa
ang mababang kapulungan ng kongreso at senado ay mabilis na ring pinag-aaralan
ang naturang panukala.

Pero ayon
kay Hataman, magtitira pa rin siya ng isang porsyento hangga't wala pang Pinal
na desisyon ang Palasyo na ipagpaliban ang SK AT BARANGAY elections.

Kaugnay
nito, Suportado naman ni Senate committee on local government chairman Sen.
Sonny Angara ang pagpapaliban sa elections dahil sa mabibinbin na naman ang mga
proyekto kapag may election ban.

Nilinaw
ni Angara na hindi pa matatapos agad ang committee report dahil kailangang konsultahin
muna ang iba pang stakeholders bago isapinal kung tuloy o hindi ang halalang
pambarangay sa Oktubre. Tinawag
ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘canibal’ ang Abu Sayyaf Group o ASG dahil sa
hindi makataong pagpatay sa mga sundalo sa bakbakan sa Sulu kung saan ay
pinupugutan pa nila ang ilan sa kanilang mga bihag.

Nakiramay
ang Pangulo sa pamilya ng 15 nasawing sundalo sa pakikipaglaban sa Sulu at
humingi siya nang paumanhin sa mga naulila ng mga sundalong nalagas.

Aniya,
wala siyang problema sa MNLF at MILF.

Pero
malaki ang problema niya sa Abu Sayyaf dahil mga terorista ang mga ito.

Iniutos
naman ng Pangulo na bigyan ng trabaho ang mga biyuda ng mga sundalo habang
sasagutin din ng Office of the President ang pag-aaral ng mga anak ng namatay
na sundalo bukod sa Pantawid Pamilya Program ng pamahalaan.

Una
rito, umapela ng tulong sa gobyerno ang mga kaanak ng mga namatay na sundalo sa
Sulu.

Kasunod
ng panawagan ng ayuda, nanawagan din ang mga ito ng kapayapaan sa Mindanao
dahil kawawa anila ang mga sibilyang nadadamay kasama na ang mga umaasang
pamilya ng mga nasasawing sundalo.

Headlineand PNP North Cotabato, nasa hot pursuit operation pa rin sa dalawang tumakas na preso sa Amas District JailNagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Cotabato Police Provincial Office sa dalawang preso na tumakas sa Bureau of Jail Management and Penology- North Cotabato nitong nakaraang linggo.Unang nang kinilala ang mga ito na sina Musanip Saplidan Kusin at Esmael Nasser alias Derbi.Si Kusin ay nahaharap sa kasong illegal drugs habang si Alias derbi naman ay itinuturong pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay kay dating Kabacan Vice Mayor Pol Dulay.Una na ring nahuli si Alias Derbi kasama ang apat na iba pa noong Nobyembre 2015 at narekober sa bahay nito ang kalibre .45 na pistola, 9mm pistol na pag-mamay-ari ng mga pulis na napaslang na sina SPO1 Oro at SPO1 Desenderio.Idinadawit din ang suspek sa ilang mga pamamaril, panghahagis ng granada at pamomomba sa bayan ng Kabacan.Kapawa itinuturing na high risk criminals ang dalawa.Sinabi ni Supt. Bernard Tayong, spokesperson ng CPPO, inalerto na nila ang lahat ng mga PNP station sa lalawigan para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.May lead na rin umano sila sa lugar kung saan posibleng pinagtataguan ng dalawang preso.Maliban sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoint ng PNP at AFP, boluntaryo ring tumulong ang Moro Islamic Liberation Front at iba pang ahensya sa pagtugis sa mga suspek.Nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng mga tumakas na preso para sa agarang ikadarakip o kaya paghimok sa mga ito na kusang sumuko sa mga otoridad. Kinumpirma mismo ni Kidapawan City PNP Chief of Police Supt. Leo Ajero na bumaba ang crime rate sa Kidapawan City simula nang ipatupad ang Oplan Double Barrel ng Duterte Administration.Ito ay base naman sa datus na ibinigay ng PNP kasabay ng City Peace and
Order Council Meeting kahapon na pinangunahan din ni City Mayor Joseph Evangelista.Ayon kay Ajero, bumaba ng halos 50 porsyento ang insidente ng krimen sa lungsod kagaya ng pagnanakaw kung saan nakapagtala ng abot sa 24 na kaso nitong Hunyo habang 15 kaso na lamang nitong Hulyo hanggang Agosto.Gayundin ang motornapping, kung saan anim ang naitala nitong Hunyo habang wala naman ni isang kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala ngayong Hulyo at Agosto.Samantala, abot na rin sa 3,593 na mga bahay ang isinailalim sa Oplan Tokhang ng PNP.Tiniyak naman ni Ajero na pagkatapos ng anim na buwan ay matatapos nila ang higit 30 libong mga bahay sa Kidapawan para sa nabanggit na programa.Ibinida din ni Ajero ang award na nakuha ng City PNP bilang Best City Police station sa buong Region 12.Masaya rin ang opisyal matapos ianunsyo ni CPPO Director Sr. Supt. Emmanuel Peralta na maaari nang makabalik sa City PNP ang 17 mga SWAT member na una nang pinatawan ng restrictions matapos masangkot sa nangyaring dispersal ng mga raliyesta noong Abril uno.Una na ring inamin ni Ajero na malaking kawalan sa City PNP ang 17 SWAT member na siyang katuwang ng PNP sa pagbabantay at pagpapanatili na katiwasayan sa lungsod. Iminungkahi ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na magsasagawa siya ng isang localized peace talks sa New People's Army o NPA.Ayon kay Evangelista habang nagpapatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Demoratic Front mas mainam rin daw na gumawa rin ng mga paraan ang LGU at mga lider ng NPA sa North Cotabato para pag-usapan ang mga paraan para makamit ang Kapayapaan sa lalawigan.Ito ang ipinahayag ng alkalde kasabay sa joint quarterly meeting ng City Peace and Order Council o CPOC, Association of Barangay Chairmen sa DepEd Convention Hall kahapon ng umaga.Kaugnay nito, nagpasa rin ng resolusyon ang CPOC at ABC na nag-eendorso sa Peace and Development Outreach Program o PDOP na gagawin ng 39th IB ng Phil. Army.Wala naman ni isang opisyal ang tumutol dito, pero nilinaw ng alkalde na sakaling magbibigay ng mandato ang National Government hinggil sa naturang programa ay agad niya itong ipapahinto.Bago magtapos ang taon, inaasahan ang implementasyon ng PDOP sa 14 na mga barangay sa Kidapapawan City.NDBC BIDA BALITA HEADLINEand Sanggol na babae, pinaniniwalaang dinukot sa Kidapawan City, ina ng bata humingi ng tulong sa Radyo Bida.Umapela ngayon ng tulong ang isang ina matapos na umano ma-kidnap nitong lunes ang isang taong gulang na anak nito sa Kidapawan City.Ayon kay Aling Lorna, isang babae raw ang humingi ng tulong sa kanyang bayaw dahil naospital ang mister nito nang mamatay ang kanilang anak.Nakaramdam naman ng awa ang kanyang bayaw kayat e-prenisenta ang anak ni Lorna sa babae.Alas onse ng umaga nang araw ding iyon, dinala nila ang kanyang anak upang maaliw ang asawa ng babae na nagpakilalang si Analyn Mendoza na umano taga Matalam, North Cotabato.Nasa baba lamang ng Midway Hospital ng mga sandaling iyon ang mag-aswa habang nilalaro ang bata. Ilang sandali pa ay umuwi muna Lorna sa kanilang bahay at pagsapit ng Alas 3:30 nang hapon ay nakabalik ito sa nasabing lugar dahil alas kwatro ng hapon ang kanilang usapan na ibabalik ang bata.Pero hindi sumipot si Alyas Analyn. Inilarawan ni Lorna ang suspek na medyo malapad ang mukha, nasa 5’3” ang taas, mataba at mataas ang buhok. Mahigit dalawang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi parin nila nakikita ang kanyang anak. Asahan ngayong araw ang mahigpit na seguridad na ipapatupad ng Cotabato Police Provincial Office kaugnay sa Culmination Day ng Kalivungan Festival 2016.Ayon kay Supt. Bernard Tayong, Spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office, mahigit dalawang daang mga pulis ang kanilang ipapakalat sa buong kapitolyo.Iginiit rin ng opisyal na ipinagbabawal ang pagsusuot ng back pack, pagdadala ng mga matutulis na bagay at mga nakalalasing na inumin.Isang gate lamang din ang bubuksan para sa mga papasok sa Kapitolyo at gagawing exit naman ang Provincial Hospital.Dinoble narin ng pulisya ang pagpapatupad ng mahigpit na check point sa mga sasakyan partikular na ang papuntang Davao at Cotabato highway.VC TAYONGSi CPPO Spokesperson Bernard Tayong ABOT LANG SA
DALAWANG kaso ng carnapping at motornapping ang naitala ng High Patrol Group sa
buong South Cotabato nitong buwan ng Agosto.

Inihayag ito sa
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal ni Highway Patrol Group head Chief Inspector
Arnold Carino.

niya,
malaking tulong ang Oplan Double Barrel” at Oplan Tokhang” ng Philippine National Police sa pagbaba ng
bilang ng carnapping cases.

Noong Hunyo,
may 20 ng kaso ng carnapping ang naitala ng HPG South Cotabato habang siyam
naman noong nakaraang July.

Isa pa sa
nakikitang dahilan ni Cariño ay ang mas pinalakas na anti-criminality at
anti-drug campaign

ng PNP dahil
may partisipasyon na ang mga mamamayan sa paglaban sa krimen.

Kadalasan
aniya na nagagamit ang mga nakaw na sasakyan sa paggawa ng krimen. HANDA ANG
KORONADAL CITY GOVERNMENT na tulungan ang Bureau of Jail Management and
Penology sa pagpapatayo ng dagdag na selda para sa dumaraming bilang ng mga
bilanggo.

Sinabi ni
Koronadal City Mayor Peter Miguel na tatlong selda ang kanilang ipapatayo para
hindi magsiksikan ang mga preso sa loob ng bilangguan.

Nakikitang
lugar ng alkalde na pwedeng pagtayu-an ng selda ay ang lumang kusina sa likod
ng BJMP. Dagdag pa nito na ang mga kahoy na nakumpiska ng City environment and
natural resources office o CENRO mula sa kanilang operasyon ang gagamiting
materyales sa ipapatayong selda.

Sinabi ni
Miguel na target na matapos ang mga dagdag na selda bago magtapos ang December 2016.

Sa ngayon, umaabot
na sa 80 na mga preso ang nakakulong sa BJMP-Koronadal gayong 40 bilanggo lamang
ang kapasidad nito.

Lumobo naman
ang bilang ng mga preso dahil sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya laban sa
ilegal na droga.

KUNG
DILG-KORONADAL CITY LANG ang masusunod, hindi dapat buwagin ang Sangguniang
Kabataan kapag natuloy ang eleksyon sa Oktubre.

Sinabi ni CITY
DILG Juanito Agullana na matagal nang walang boses at representasyon ang mga
kabataan sa sanggunian.

Kailangan
umanong linangin at ihanda ang mga kabataan para maging susunod na lider.

Dagdag pa nito
na nasa wastong edad na ang mga bagong SK alinsunod sa SK Reform Law. Dahil dito, hindi na masesentro lamang sa pagtatayo
ng basketball court, pagkakaroon ng beauty search at disco ang kanilang
programa.

Hindi naman
sang-ayon dito si South Cotabato Liga ng mga Barangay President at Provincial Board
Member Vicente Yungco na buwagin ang SK.

Ayon kay
Yungco, mayroong Task Force on Youth Development na siyang mangangasiwa sa
lahat ng mga programa para sa kabataan.

Kaya dapat
lang aniya na buwagin na ang SK.

TILA DI PAPIPIGIL
ANG MGA DAGA sa South Cotabato. Sa ngayon,
abot na sa pitong bayan sa lalawigan ang apektado ng rat infestation.

Sinabi ni
South Cotabato Provincial Agriculturist Justina Navarette (HUSTINA pagbasa) na
apektado ng pamemeste ng daga ang mga bayan ng Tantangan, Tboli, Surallah, Lake
Sebu, Tupi, Norala at Banga.

Dagdag pa ni
Navarette na magpapatuloy ang food for work program sa mga magsasaka hanggang
maubos ang 1,000 na sako ng bigas sa kanilang tanggapan.

Nabatid na
pinapalitan ng isang kilong bigas ang mga makukuhang 10 buntot ng daga ng mga
magsasaka.

Nagpaalala din
si Navarette sa mga magsasaka na mag-ingat sa mga daga dahil wala umanong
pinipiling tanim ang mga ito katulad ng mais, palat at kahit high value crops.

Sa ngayon ay
pinaka apektado ang 124 na mga magsasakaang sa bayan ng Tantangan.

Sinabi rin ni
Navarette na abot na lang sa 300 sako ng bigas ang nakatakdang ipamimigay ng
kanilang tanggapan. ##

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...