Sunday May, 19 2024 06:40:12 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 10, 2016)

 • 16:08 PM Sat Sep 10, 2016
1,361
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 10,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKE na kilala umanong nagbebenta
ng droga sa Cotabato City at Maguindanao, patay matapos manlaban sa buy-bust ng
CIDG-ARMM Isa pang kasama, sugatan

2. Pagsabog ng helium tank nagdulot ng
takot sa mga residente ng Kidapawan City

3. CVO Detachment hinagisan ng granada sa
Tampakan, South Cotabato.

4. Region 12 may bagong wage order mula sa Dole GINULANTANG NG MALAKAS NA pagsabog ang Kidapawan City bago mag-alas otsokagabi.Hindi improvised bomb o granda ang sumabog kundi isang helium tank na ginagamit sa paggawa ng balloon sa Alim Street, Kidapawan City.Ayon kay Kidapaan City police director Supt. Leo Ajero, ang pagsabog ay naganap sa shop na pag-aari ni Johar Kamad. Di naman siya nasaktan subalit ang pagsabog ay ikinagulat ng maraming mamamayan sa sentro ng lungsod dahil sa mga bomb threat sa social media at text messages.Iniimbestigahan pa ng PNP si Kamad. Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12 ang P20 na pagtaas sa arawang sahod ng mga mangagawa sa pribadong sektor sa rehiyon.Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, ito ay napagkasunduan ng lahat ng mga myembro ng RTWP 12 sa kanilang pagpupulong kahapon. Ang wage increase ay tugon ng DOLE 12 sa mga petisyon noon ng labor and management groups.Ayon kay Gutib naging batayan din ng wage increase ang poverty threshold at consumer index sa rehiyon dose.Gayunpaman nilinaw ni Gutib na maari lamang maipatupad ang wage increase kapag ito ay na-review na ng National Wages and Productivity Commission at napirmahan ni DOLE Secretary Silvestre Belo III.Kailangan din munang mai-published ito sa mga pahayagan.Kinumpirma ni Gutib na ni-rationalize na rin ng RTWPB sa dalawa ang kategorya ng mga mangagawa sa region 12.Ang mga ito ayon kay Gutib ang Non Agriculture Sector at Agricultufe sector kung saan na mapabilang ang mga nasa retail services.Ayon ay Gutib kapag naipatupad na ang wage increase magiging P295 na ang kasalukuyang P275 na arawang sahod ng mga nasa Non agriculture sector .Pinagaaralan pa ng RTWPB kung papaano ipatupad ang wage increase sa Agriculture Sector na may kasalukyang arawang sahod na P257 matapos mapabilang dito ang mga mangagawa sa retail sector na kasalukuyan ay tumatanggap ng P255 na arawang sahod.Nilinaw naman ni Gutib na walang epekto sa sinusulong na national legislated wage ang kaapruba pa lamang na wage increase ng RTWBP sa region 12. DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang
lalakeng target ng buy bust operation ng Criminal Investigation and detection
group o CIDG-ARMM pasado ala-1 ng hapon kahapon sa Sitio Pindaag, Brgy. Awang
sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Kinilala ni CIDG-ARMM Regional Chief
Sr. Supt. Jimmy Daza ang namatay na suspek na si Anderson Kusain alias Junex.

Paliwanag ni Daza, napilitan ang
kanyang tropa na barilin ang suspek matapos nitong kunin ang isang granada sa
kanyang sling bag at tangkang ihahagis patungo sa kanila.

Naalarma umano ang suspek matapos
matunugan ang presensya ng mga otoridad.

Nagtamo rin ng sugat ang isa pang
kasama nito na si Aljon Mariano Montemayor, taga Fatima St, Poblacion 4 sa
Cotabato City pero mabilis ding nalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa naturang operasyon ng CIDG-ARMM,
nakuha mula sa mga suspek ang isang hand grenade, dalawampo't anim na pakete ng
pinaniniwalaang shabu at iba pang drug paraphernalia.

Nabatid na ang nasawing suspek na si
alias Junex ay matagal nang sinusubaybayan ng mga operatiba matapos mapagalaman
na nagbebenta ito ng iligal na droga hindi lamang sa kanyang barangay kundi
maging saan mang sulok ng Cotabato City at Maguindanao.

Patuloy naman ang kampanya ng CIDG-ARMM
laban sa iligal na droga at loose firearms sa kanilang kinasasakupan. PAGLABAG SA
REPUBLIC ACT 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002 at Republic act
10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kasong
kakaharapin ng dalawang suspek na naaresto sa isinagawang buy-bust Philippine drug
enforcement agency o PDEA-ARMM sa Brgy. Salvo, Datu Saudi Ampatuan,
Maguindanao.

Dakong alas
sais bente ng umaga kahapon ng maaresto, sina Haris Pasawilan Lukan, 29 anyos
at Baby Laika Mindog Magbanua, 35-anyos, negosyante na pawang mga residente ng
nasabing barangay.

Sa report ng
PDEA-ARMM, nakuha sa mga suspek ang tatlong pakete ng pinaniniwalaang shabu,
pera, dalawang empty magazine ng M16 rifle na baril at PITUMPO'T ISANG 50
CALIBER LIVE AMMUNITION.

Aminado naman
ang mga suspek na bibenta nila ang naturang mga bala.

Inaalam naman
ng mga operatiba kung saan nanggagaling ang mga shabu na nakumpiska sa kanila
maging ang mga matataas na kalibre ng bala.

Nabatid ayon
sa PDEA-ARMM na ang isang 50 caliber na bala ay maaaring magdulot ng malaking
pinsala, tulad na lamang ng pagkasira ng pader ng bahay at tumatagos din ito sa
mga bullet proof bagay.

Kasalukuyan
namang nakakulong ngayon ang mga suspek na sina Lukan at Magbanua sa PDEA-ARMM
locked-up cell.

AMINADO
si Midsayap PNP OIC PSI Realan Mamon na may natatanggap silang mga threats na
posibleng atakihin ng masasamang loob ang bayan ng Midsayap, Cotabato.

Giit
ni Mamon, noon pa man ay napaghandaan na nila ito dahil hindi malayong totohanin
ng mga terorista ang pagatake sa bayan.

Aniya,
sinisikap ng kapulisan sa pakikipagugnayan sa Militar at lokal government unit
na masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

Inihayag
rin ni Mamon na malaki ang tulong ng paglulunsad ng state of lawlessness sa
bansa lalo na at mas naging aktibo sila komunidad.

Bagama't
may iilan na hindi sumasangayon sa higpit ng seguridad na kanilang
iniimplimenta ay patuloy pa rin silang nakikiusap sa publiko na taasan ang
kanilang pasensya. Nanawagan
si Autonomous Region for Muslim Mindanao o ARMM Gov. Mujiv Hataman ng
pagkakaroon ng safe zones” para sa mga Muslim na apektado ng gulo sa Sulu.

Ito ay
para sana magkaroon ng ligtas na lugar para sa mga Muslim kung saan sila ay mataimtim
na makapagdarasal at mapayapang makapanunuluyan ngayong ipagdiriwang nila ang
Eid’l Adha sa lunes.

Aminado
si na ang Sulu ang napupuruhan ngayon sa mga operasyon ng mga otoridad kontra
Abu Sayyaf.

Inaasahang
magpapatuloy ang mga operasyong ito hanggang sa araw ng Eid’l Adha, at
nag-aalala siya dahil ito ay isang panahon para sa pagdarasal at pagdiriwang ng
mga Muslim.

Dahil
dito, umapela ang gubernador sa pamahalaan at mga otoridad na kabilang sa mga
partido sa nangyayaring gulo na hayaan ang mga internally displaced persons na
mailipat sa mas ligtas na mga lugar kung saan hindi sila maaapektuhan ng mga
operasyon.

Umapela
rin siya sa magkabilang panig na hayaang makarating sa mga nangangailangan ang
mga tulong na iniaabot sa mga ito.

PINAALALAHANAN
ng mga otoridad sa Rehiyon Dose ang mga mamamayan na huwag matakot sa
idineklarang State of Lawless Violence sa buong bansa.

Sa
isinagawang Regional Crisis Management Committee at Regional Law Enforcement
Coordinating Committee, inihayag ni Police Chief Supt. Cedrick Train, regional
director ng Police Regional Office 12 na sa halip na matakot, makiisa at
suportahan ang kapulisan at kasundaluhan sa pagtataguyod ng seguridad.

Matatandaang
nagdeklara ng State of Lawless Violence si Pangulong Duterte matapos ang
madugong pagsabog sa Roxas Night Market sa Davao City na ikinamatay ng 14 at
ikinasugat naman ng higit 60.

Paliwanag
ni Train, ang deklarasyon ay magbubunsod ng mas pinalakas na pagpapaigting ng
seguridad.

Aniya,
ibig sabihin nito ay mas maraming mga pulis at sundalo ang idedeploy at mas
maraming checkpoint ang iatatyo lalo na sa mga estratehikong lugar.

Hinikayat
naman ni General Ronald Villanueva, brigade commander ng 1002nd Infantry
Brigade ang publiko na maging mapagmatyag at makipag-ugnayan sa otoridad sa
anumang impormasyon na kanilang malalaman.

Mas
mainam na maging handa palagi ang bawat isa sa anumang emergency situation.

Ang
pagiging handa ay malaking tulong sa pagsisiguro ng kaligtasan ng bawat isa.

Mahaharap sa mga kasong human trafficking, illegal recruitment at falsification of documents sa pag-recruit ng mga menor de edad si Madelyn Gonzales. Si Gonzales ay mayari ng MGG Housemaid Services na ipinasara ng DOLE 12 dahil sa mga paglabag sa labor laws.
Ang recruitment agency na nakabase sa Lagao General Santos City ay nag-ooperate sa kabila ng kawalan nito ng Private Recruitment and Placement Agency o PRPA license.
Nadiskubre rin ng ahensya na lumabag ito sa General Labor Standard o GLS dahil sa kawalan ng mga benipisyao sa Philhealth, SSS, at Home Development Mutual Funds ng kaisa isahang empleyado nito.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, hiniling na rin nila sa lokal na pamahalaan ng Gensan na kanselahin ang business permit ng MGG Household Services.
Binalaan naman ni DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib ang mga operator ng iligal recruitment agencies na tumigil na dahil sa mariing pagtugis ng ahensya sa mga ito. Layon nito ayon kay Gutib na maprotektahan laban sa mga mapagsamantalang negosyante ang mga mangagawa sa rehiyon.
Inaalam pa ng pulisiya kung ano ang motibo ng di kilalang suspek sa panghahagis ng granada sa outpost ng civilian volunteers organization o CVO sa Barangay Liberty Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay Tampakan PNP, OIC Chief of Police Senior Inspector Harold Conel wala namang nasaktan sa insidente.
Sinabi ni Conel na nagkataon kasi na nasa loob ng kanilang outpost ang mga naka duty na CVO nang hagisan ito ng granda pasado alas syete ng gabi kamakalawa.
Ilang oras matapos ang panghahagis ng granada sa outpost ng CVO sa barangay Liberty, pinaulanan naman ng bala ng di kilalang mga suspek ang farmlot ni Eloy Teofilo sa Barangay San Isidro, Tampakan.
Narekober ng mga otoridad sa lugar ang mga basyo ng M16 armalite rifle.
Di pa batid ng mga pulis kung ang panghaharass sa farmlot ni Teofilo ay may kaugnayan sa panunuog ng pampasaherong Jeep nito sa Tampakan noong nakaraang taon.
Umaapela si Koronadal City Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan na huwag pangambahan ang kumakalat na mga text messages na nagbabanta sa katiwasayan ng lungsod.
Ito ang ipinahayag ni Miguel kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ngayon ng seguridad sa Koronadal City bunsod ng Davao City blasts.
Ayon kay Miguel nagdagdag ng force multipliers ang city government na tutulong sa pagbabantay sa Koronadal.
Sinabi ni Miguel na ang mga kumakalat na text messages ay resulta rin ng pagiging vigilante ng mga mamamayan dahil sa pangamba rin sa kanilang kaligtasan.
Umaapela din ang alkalde sa publiko na iwasan ang pagiwan ng mga gamit sa mga matataong lugar.
Ito ay upang maiwasan ang bomb scare at takot ngayong halos lahat ay nakaalerto kasunod ng pagsabog sa Davao City.
Sinabi ni Miguel na ang mga hinihinalang bagay o personalidad na makikita ay maaring isumbong ng mga mamamayan sa cellphone number na 09399-129902 o tumawag sa hotline number ng PNP na 228 5349.
Nabatid na maliban sa merkado publiko ang mga mall, mariing ding naghigpit ng seguridad sa night market ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Bubuksan na ang kauna unahang health care waste facility na pagaari ng lokal na pamahalaan sa SOCCKSARGEN region ngayon buwan.Ang South Cotabato Healthcare Waste Treatment Facility ay matatagpuan sa Barangay Tinongcop, bayan ng Tantangan.Ito ay ayon kay Provincial Environment and Management Office o PEMO Senior Enviornment Management Specialist Elbe Balucanag.Kapag tuluyan nang nabuksan, hindi na magiging problema pa sa South Cotabato ang pag-proseso ng basurang galing sa mga ospital at iba pang health care providers.Ayon kay Balucanag kapag hindi naitapon ng maayos ang mga medical devices, at iba pang mga gamit sa mga ospital at kahalintulad na pasilidad mapanganib ito sa kalusugan ng mga mamamayan lalong lalo na ang mga basurero malapit sa mga sanitary landfills.Ayon kay Balucang ang mahigit P1 million na pyroclave machine sa pasilidad ay may kakayahang magproseso ng 50 kilograms na medical waste bawat oras.Sa kasalukyuan ayon kay Balucanag, humiling na sila ng Enviornment Compliance Certificate sa Deparmtent of Environment and Natural Resources para sa operasyon ng Healthcare Waste Treatment facility.Inihayag ni Balucanag na maari ring makinabang dito ang mga health care providers sa ibang lugar ng region 12.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...