Sunday May, 19 2024 09:03:10 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 12, 2016)

 • 16:05 PM Mon Sep 12, 2016
1,667
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 12,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA PULIS AT SUNDALO sa Cotabato
city at sa buong ARMM, mas naghigpit ng seguridad kaugnay ng pagdiriwang ng
Eid’l Adha ngayong araw.

2. CIDG agent, arestado matapos mamaril
sa Kidapawan City

3. South Cotabato Governor, pinuna ang
madalas na pagmumura ni Pangulong Duterte

4. DOLE-12 may bagong hotline upang tanggapin ang mga katanungan at reklamo ng mga emplyeado. NAGHIGPIT ng seguridad ang mga pulis at
sundalo sa Cotabato city kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha ngayong araw.

Sinabi ni City PNP spokesperson Sr.
Insp. Rowel Zafra na naka-deploy sa mga pagdarausan ng mga congregational
prayer ngayong araw ang mga pulis ng lungsod, katuwang ang mga sundalo para tiyakin
ang seguridad ng mga mamamayang magdarasal ngayong umaga.

Ayon kay Zafra, gusto nilang makatiyak
na walang makakapasok na masasamang-loob sa lungsod para maghasik ng karahasan.

Aniya, una na kasi silang nakatanggap
ng intelligence report na isa ang Cotabato city sa mga target na bombahin ng
mga teroristang grupo.

Samantala, kahapon pa lamang ay
nagsimula na ring mag-deploy ng mga kanilang mga sundalo at pulis ang AFP at
PNP sa iba’t ibang mga lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ay bilang paghahanda naman sa
posibleng pananabotahe sa seguridad ng mga teroristang grupo.

Batay kasi sa natanggap na intelligence
report ng mga otoridad, may plano kasi ang Abu Sayyaf na isabotahe ang
selebrasyon ng Eid’l Adha sa Basilan at Sulu.

Sa Maguindanao, mahigpit namang
binabantayan ng mga sundalo ng Army’s 6th Infantry Division ang mga piling
lugar sa lalawigan, lalo na yung Cotabato-General Santos Highway para sa
posibleng pag-atake naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ang Eid’l Adha o feast of sacrifice” sa
Islam, ay isang mahalagang okasyon para sa mga Muslim na ipinagdiriwang nila
tuwing ika sampung araw ng Dhul-Hijjah sa Islamic Hijrah calendar.

Ang selebrasyon ng Eid’l Adha ngayong
araw ay deklarado naman bilang isang legal non-working holiday sa buong bansa.

NASA KRITIKAL
na kondisyon ngayon ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Salamat Street,
Mother Barangay Poblacion, Cotabato City, pasado alas-dos ng hapon kahapon.

Ang
naturang biktima ay kinilalang si Richard Puotan, nasa 40 to 45 years old, at
taga-Davao city.

Sakay ng
trisikad si Puotan nang harangin siya ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril.

Agad
ng tumalilis ng takbo ang gunman sa hindi pa matukoy na direksiyon habang nagtamo
ng

tatlong
tama ng mga bala ang biktima sa kilikili, dibdib at tiyan.

Na-recover
naman sa crime scene ang limang mga basyo ng bala mula sa cal. 45 pisto na
ginamit sa pagbaril sa biktima.

Sa
ngayon, nagpapatuloy ang ginagawang imbistigasyon ng City PNP sa panibagong
kasong ito ng pamamaril

sa
lungsod. Muli
na namang nakahuli ng mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang mga
pulis sa Cotabato city nitong

weekend.

Mag aalas
sais ng gabi nitong Sabado nang mahuli si Jomil Karim Eman, isang laborer sa Tecsing
area, Rajah Tabunaway street, Barangay Poblacion sais.

Dahil
sa kahinahinalang galaw ng suspek matapos makita ang presensiya ng kapulisan ay
kinakapkapan siya at nakuhanan ng dalawang improvised tooter at isang
disposable lighter.

Sumunod
dito, huli rin noong gabi ring yun si Datunggal Tambak Bayao, 32 years old at
taga SK

Pendatun
Avenue, Barangay Poblacion Dos ng lungsod.

Nakuha
mula sa suspek and dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu, isang improvised
tooter at isang lighter.

Parehong
nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 9165 o comprehensive dangerous drugs
act of 2002 ang dalawang mga suspek at nakakulong sa locked up cell ng police
station number one. ISANG
BANGKAY ng lalaki ang natagpuan sa bubong ng isa sa mga tindahang nasa fiesta
market sa Malagapas, barangay Rosary Heights 10, Cotabato city.

Agad
na nag report ang isang concerned citizen sa kapulisan matapos makita ang
bangkay ng isang lalake sa bubongan ng isang cemented stall sa.

Ang
naturang lalaki ay kinilala lamang sa pangalang Mario, nasa 25-30 years old,
isang pulubi at sinasabing may problems sa pag-iisip.

Ayon
sa mga nakakakilala sa biktima, parati umanong nagsusuka ng dugo ang si Mario
at mukhang may malalang karamdaman na posibleng dahilan naman ng kanyang
kamatayan.

Sa
ngayon, nasa purinarya ang bangkay ng naturang lalaki habang hinihintay kung
meron ba itong kaanak na maghahanap sa kanya.

MAY
BAGO nang pinuno ng Army’s 6th Infantry Division.

Sinabi
ni 6th ID Public Affairs Office chief Army Captain Joan Petinglay na
ngayong araw pormal na uupo bilang commanding general ng 6th ID si
Major General

Carlito
Galvez kapalit ni Major General Edmundo Pangilinan.

Si
Galvez ay dating chairman ng Coordinating Committee on the Cessation of
Hostilities ng pamahalaan.

Ayon
kay Petinglay, si Pangilinan ay itinalaga na bilang vice commander ng
Philippine Army.

Nabatid
na maging si Petinglay ay magpapa-alam na rin bilang tagapagsalita ng Army’s 6th
ID.

Aniya,
siya ay maitatalaga na rin sa tanggapan ng kanilang vice commander at papalitan
ni Capt. Arvin Ensenas.

Kaugnay
nito ay nagpasalamat naman si Petinglay sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga
mamamayang sakop ng 6th ID lalo na sa lahat ng mga mamamahayag na
kanyang nakakasalimuha.

PATAY on-the-spot ang
48-anyos na magsasakang si Benito Gilwa ng Purok-A, Barangay Ilustre sa
President Roxas, North Cotabato, matapos barilin ng mismo niya’ng kaibigan at
kapitbahay, alas-227 ng hapon, nito’ng Linggo.

Sa dibdib ang tama ng
biktima mula sa bala ng improvised 12-gauge shotgun na ginamit ng suspect.

Kinilala ang suspect na si
Gaspar Santerva na residente rin ng lugar.

Batay sa salaysay ng misis
ng biktima, nasa bahay sila ng kapatid niya’ng lalaki nang makarinig ng
sunud-sunod na putok.

Nang tingnan kung ano ang
nangyari ay nasaksihan nila ang pagbitbit ng suspect na si Santerva ng isang
baril,

Nakita rin ng misis na
tumakbo ang kanyang mister patungo ng kanilang bahay pero sinundan pa ng
suspect at doon binaril.

Nagawa pa raw tagain ng
biktima ang suspect dahilan para siya isugod sa ospital. Kritikal ang kondisyon nito.

Nakatakda rin ito’ng kasuhan
ng murder.

Blanko pa rin ang President
Roxas PNP kung ano ang posibleng motibo ng suspect sa pagbaril at pagpatay sa
mismo niya’ng kaibigan.

MALAKI ang posibilidad na mga miyembro
ng Abu Sayyaf Group o ASG ang higit 60 armadong lalaki na namataang dumaong sa baybayin
ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental, nito’nglinggo’ngito.

Maaaring galing pa ang mga ito sa Sulu at
Basilan na lumikas matapos ang subsob na operasyong military kontra ASG.

Ayon kay Senior Superintendent Dario Gonabe,
provincial police director ng Davao Occidental, sakay ng mga bangkang-de-motor
ang mga armadong lalaki.

At patungo raw sila ng Jose Abad Santos nang mamataan
ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, itinaas nasa full red alert
status ang buong probinsiya ng Davao Occidental.

Partikular na binabantayan ng mga awtoridad ang
mga bayan ng Santa Maria, Don Marcelino, Jose Abad Santos, at ang Malita na mga
bayan na nasa baybaying-dagat.

TADTAD ng bala ang katawan
ng 38-anyos na si Michael Bongo Denaque na tubong-Matalam, North Cotabato, nang
matagpuan ang bangkay nito sa bayan ng M’lang, alas-630 ng umaga, kahapon.

Nakapiring umano ang mga
mata nito at may packing tape din ang kanyang bibig.

Itinapon ang bangkay nito sa
may Purok Acacia, Barangay New Rizal, ng M’lang.

Natagpuan sa mismong katawan
nito ang karatula na may nakasulat na, Tulak Ako.”

Ito na ang pangalawang
biktima ng summary killing sa North Cotabato, simula nito’ng September 1.

Ang una ay sa bayan ng
Makilala na hanggang sa ngayon ay wala pa ring pagkakilanlan. SA KULUNGAN ang bagsak
ng agent ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG North Cotabato
matapos barilin ang isang lalaki habang nasa loob ng videoke bar sa Kidapawan
City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspect na si Jeffrey Atud o alias
Balong.

Ang biktima na kinilalang si Joseph Pelenio ay
tubong Samal at bumisita lamang sa lungsod.

Ayon sa report, bumili lamang ng pagkain sana sa
isang barbecue stall sa harap ng isang department store sa national highway
nang makasalubong ang suspect na si Atud.

Nagkatitigan raw ang dalawa.

At sa di malamang dahilan ay biglang bumunot ng kanyang
9mm pistol ang CIDG agent at binaril ang biktima. Sa mukha ang tama nito at nasa kritikal ang
kondisyon.

Agad din namang inaresto ng Kidapawan City PNP ang
suspect.

Nakatakdang kasuhan ito ng frustrated homicide.

PUWEDE nang magpagamot sa mga pribadong
ospital sa Kidapawan City ang ilang mga piling indigent o mahihirap kahit wala
sila’ng Philhealth insurance.

Sa September 19 ay isasailalim sila sa bagong
health program ng city LGU.

Bago lamang ay pumirma sa isang Memorandum of
Understanding sina City Mayor Joseph Evangelista, Philhealth, at mga operator
ng walong mga pribadong ospital sa lungsod.

Sa programang ito, partner ng city LGU ang
Kidapawan Medical Specialists Hospital, Madonna General Hospital, Kidapawan
Doctors Hospital, Manuel Hospital, Dizon Hospital, Pacifico Hospital, Midway
Hospital, at Malaluan Hospital.

Layun ng programa na matulungan ang mga
indigent na maysakit na walang Philhealth Insurance na magpagamot sa mga ospital
sa Kidapawan City.

Mabibiyayaan ng benepisyong ito ang may 180
na indigent patients na hindi naka-enrol sa Philhealth at hindi rin mga miyembro
ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa ilalim ng program, ang city LGU na ang magpo-proseso
sa Philhealth ng pasyente.

Isang taon ang itatagal ng naturang programa
para magamit ng Philhealth member. Tiniyak ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib ang agarang pagtugon sa mga hinaing ng kanilang mga kliyente gamit ang kanilang hotline number.
Ayon kay Gutib maaring humiling ng tulong sa Hotline number ng DOLE 12 ang mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking.
Pwede ring dumulog sa hotline number ng ahensya ang mga mangagawa ng tinaggal sa trabaho na nais kumuha ng kanilang mga benipisyayo.
Mapapakinabangan din ang hotline number sa pagproseso ng mga social at health insurance benefits ng mga mangagawa.
Ayon kay Gutib tatanggap din ng mga katanungan hinggil sa problema sa minimum wages, overtimepay, holiday pay at iba pang benipisyo ang DOLE hotline. Sinabi ni Gutib na may mga kawani nang tinalaga ang DOLE 12 na handang tumugon sa katanungan ng mga mamamayan sa loob ng 24 oras.Ang Hotline number ng DOLE Regional Office na kalulunsad pa lamang ay 083 826 1237.Maliban sa DOLE 12 may kanya kanya ring mga hotline numbers ang mga tanggapan ng DOLE sa iba’t ibang lugar ng region 12 na maaring tawagan o i-text ng mga mamamayan.
Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng isang security guard dahil umano sa pagnanakaw ng pinya sa plantasyon ng Dole Philippines sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato.Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Abubakar Maliga, 21 anyos nakatira sa Barangay Polonuling Tupi.
Si Maliga ay nabaril umano ng gwardiya ng pineapple plantation na si Rodrigo Gucon 51 anyos ng Sta. Maria , Digos City.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na nabaril umano ng gwardya si Maliga matapos mahuling nagnakaw nag 130 bunga ng pinya.Si Maliga ay dead on aarival sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib.
Ang security guard naman na sumuko matapos mabaril ang biktima ay nakakulong na ngayon sa Tupi Minicipal Police Station Lock Up Cell. Ikinalungkot ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang a sunod-sunod na pagbitaw ng mga maaanghang na salita ni Presidente Duterte sa media bago.
Parktikular na napansin ng gobernador ang mga binitawang salita ng pangulong bago ito tumulak sa bansang Laos para sa ASEAN Summit.
Naniniwala si Fuentes na ang mga inihalal na lider ay dapat ding magpakita ng magandang halimbawa lalong lalo na sa mga bata sa kanilang pinamamahalaang lugar.
Ipinahayag ni Fuentes na ang pagmumura ng pangulo kapag may nga itinatanong sa kanya ay hindi aniya magandang paguugali ng isang lider.
Para sa gobernador kung hindi lang sa madalas na pagmumura nito, si Duterte na sana ang pinaka”- perpektong” lider ng bansa.
Sinabi ni Fuentes na si Duterte lamang ang presidente ng bansa na may konkreto at matagumpay na kumpanya kontra iligal na droga at korupsyon.
Ayon kay Fuentes si Duterte president ng bansa na mayroong konkretong plano kontra sa iligal na droga at korupsyon .
Makatatanggap ng Shredder Machine at Material Recovery Facility o MRF mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 ang tatlong mga bayan sa South Cotabato.Ayon kay Environment and Managment Bureau o DENR-EMB 12 Regional Director Socorro LLanto, kabilang sa mga mabibigyan ng naturang pasilidad ang mga bayan ng Banga, Tupi, at Lake Sebu.Inihayag ni Llanto na mabibigyaan din nito ang mga bayan ng Alamada at Midsayap sa North Cotabato, Maasim, Malapatan at Malungon sa Sarangani,Esperanza, Lambayong at Lutayan sa Sultan Kudarat at Cotabato City.Una nang nakipagkasundo sa DENR-EMB 12 para mabigyan ng Shredder Machine at MRF ang mga lalawigan ng Sultan Kudarat at South Cotabato.
Nabatid na bago mabigyan ng pasilidad kailangan ng isang LGU na makapag laan ng 50-square meter area na mapaglagyan ng mga ito.
Ayon kay Llanto ang bawat shredder machine ay nagkakahalaga ng P260,000 .Ang pamimigay ng mga shredder machines at MRF na gagamitin sa composting at recyucling ng mga basura ay bilang kabahagi ng pagpapaigting ng solid waste management program ng gobyerno.
Nadagdagan na naman ang talaan ng mga nag-resurfaced na drug suspek na balik kulungan matapos balikan ang masamang bisyo.Ito ay matapos maaresto ang number 5 sa drug watchlist ng mga pulis sa, Brangay San Jose, Banga,
Kinilala ni Police Officer 3 Jonel Labada ang suspek na si Abraham Mission 40 anyos at residente ng Purok Rizal, Barangay San Jose Banga, kung saan din siya naaresto.Nakuha mula kay Mission ang limang sachet ng suspected shabu at buy bust money.Ayon kay Labada ang dalawang menor de edad na kasama din sa mga hinuli ng mga pulis sa bahay ng suspek ay naibigay na sa Municipal Social Welfare and Development o MSWD Banga.Inihahanda na ng Banga PNP ang pagsasampa na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa drug suspek na si Mission.

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...