Sunday May, 19 2024 06:13:00 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 16, 2016)

 • 19:13 PM Fri Sep 16, 2016
1,198
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 16,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPECTED drug pusher, pinagbabaril
at napatay ng riding tandem sa Midsayap, North Cotabato.

2. SOUTH Cotabato PNP director, nagpaliwanag
sa balasahan ng ilang mga Police Chief sa lalawigan

3. Babae huli sa drug buy bust sa Maguindanao, P500,000 halaga ng shabu nilagay sa gamit na diaper4. Tribal leader sa Maguindanao, patay sa pamamaril

PATAY ang isang suspected drug pusher
matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Midsayap, North
Cotabato.

Sinabi ni Sr Insp. Relan Mamon na
naganap ang insidente pasado alas dos ng hapon, malapit lang sa isang ospital
na nasa barangay Poblacion Kwatro sa naturang bayan.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo
Yabot alyas Amahan” na residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Mamon, matagal nang nasa drug
watchlist ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA si Yabot at
naging subject na rin noon sa inilunsad na Oplan TokHang.

Sabi ni Mamon, dalawang lalaking sakay
ng motorsiklo ang bumaril sa biktima gamit ang cal. 45 pistol base sa mga basyo
ng bala na natagpuan sa crime scene.

Ayon pa kay Mamon, nag-iwan pa ng
karatola ang gunmen sa bangkay ni Yabot na nagsasabing PUSHER AKO, WAG
TULARAN… MGA ADIK, LAYAS SA NORTH COTABATO”.

Kaya naman naniniwala si Mamon na may
kaugnay sa ipinagbabawal na droga ang pagkamatay ng naturang biktima.

ARESTADO ANG
isang 29 na taong gulang na babae matapos mahulihan ng shabu sa isang
checkpoint sa Brgy. Adaon, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Pasado alas
otso ng umaga kahapon nang maharang ng mga pulis ng Datu Anggal Midtimbang at
Talayan ang isang payong-payong na sinakyan ng suspek na si Miriam
Gandang Talusan alyas Lang, may asawa at taga- barangay Poblacion Dalican, Datu
Odin Sinsuat.

Ayon kay DAM PNP
chief, police Sr. Insp. Reggie Albellera, nakatanggap sila ng report na may dadaang
babae sa kanilang checkpoint na may dalang shabu.

Aniya, nang
imbitahan nila ang suspek sa police station ay kapansin-pansin daw na hirap maglakad
si Talusan.

Nang kapkapan
ang suspek ay doon na nakita ng mga pulis ang dala nitong tatlong malalaking sachet
ng shabu na may bigat na 150 grams na nakatago sa kanyang suot na diaper.

Inamin naman
ni Talusan na kinuha niya ang naturang iligal na droga sa Brgy. Pagan, Talitay,
Maguindanao.Nakuha rin
kay Talusan, ang kanyang cellphone na may isang text message mula sa isang
Tarhata Mundas Alon na kasabwat ng suspek na naghihintay sa bayan ng Ampatuan.

Sa ngayon ay isinasailalim
na sa pagsusuri ng Crime Laboratory sa Cotabato City ang nakumpiskang mga
ebidensya laban sa mga nadakip na suspek. AGAD NA
NAGSUMBONG sa himpilan ng pulisya ang isang babae pasado alas siyete kagabi,
matapos mabiktima ng mga carnapper sa Cotabato city.

Nakilala ang
biktima na si Sheena May Guiasilon, 25 years old, walang asawa at taga barangay
Rosary Heights Five ng lungsod.

Ayon sa
biktima, mag a-alas siyete kagabi ay binabaybay niya ang daan sa likod ng Vilo
Elementary School, barangay Poblacion Dos, nang harangin siya ng dalawang mga
lalaki na sakay sa isang itim na Honda XRM Motorcycle na walang plaka.

Aniya, tinutukan
siya ng baril ng dalawang mga suspek, sabay deklara ng hold up.

Hindi na
nakapalag pa ang biktima sa takot na baka mabaril ng mga suspek.

Tinangay ng
mga suspek ang kanyang Mio scooter with licensed plate MC-5576 at dalawang IPad
na nagkakahalaga ng 17 thousand pesos bawat isa.

Agad na
sumibat ang mga suspek patungo sa ND Avenue habang agad namang nagtungo sa City
PNP ang biktima para humingi ng tulong. NABARIL
at napatay ang isang tribal leader sa South Upi, Maguindanao.

Kinilala
ang nasawi na si Joseph Suenan ng barangay Lamud, South Upi.

Gayunman,
ayon kay South Upi mayor Reynalbert Insular sa panayam sa DXMS AM Radyo Bida,
sa ngayon ay hindi pa malinaw ang mga nakakarating sa kanilang ulat hinggil sa
pagkamatay ni Suenan.

Sa
inisyal na imbestigasyon ng South Upi PNP, nadamay lamang si Suenan sa away ng
isang barangay official ng Lamud at ng barangay treasurer doon.

Sakay
pa ng kanyang kalabaw si Suenan at pauwi na sana sa kanilang bahay pasado alas
tres ng hapon kahapon nang mabaril at mapatay ito.

Nagpapatuloy
naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari. Tuluyan
ng tinanggalan ng lisensya ng baril ang 72 sa 100 lokal na opisyal at mga law
enforcer na nadawit sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon
kay Firearms and Explosive Ordnance Deputy Director Sr. Supt. Jose Malayo, sa
72 mga personalidad, 44 ay mga halal na opisyal, isa ay huwes, tatlo ay PNP
officials habang 24 naman ay mga tauhan ng PNP, AFP at iba pang law enforcement
agencies.

Umaabot
naman sa 380 baril ang napag-alamang pagmamay-ari ng mga nabanggit na mga
personalidad… siyam dito ay nakapangalanan umano kay Talitay, Maguindanao Vice
Mayor Abdulwahab Sabal.

Kabilang
dito ang limang short firearms na Class A light weapons o mga high-powered na
armas.

Ayon
pa kay Malayo, sa 380 na tinanggalan ng lisensya, 49 pa lang ang nakadeposito
sa PNP-FEO.

Nanatili pa ring ligtas sa rabbies ang Koronadal City ngayong taon.
Gayunpaman ayon kay City Veterinarian Dr. Charliemagne Calo, hindi pa rin isinasantabi ng kanilang tanggapan ang posibilidad ng pagkalat ng rabbies sa lungsod.
Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Calo, mas pinaigting ng city veterinary office ang kanilang kampanya kontra rabbies, ngayong ipinagdiriwang ang rabbies awareness month.
Ayon kay Calo, patuloy pa rin sa paglilibot sa mga barangay ang mga staff ng city vetinary office, upang magbigay ng anti rabbies vaccine sa mga alagang aso.
Kaugnay nito, umapela si Calo sa mga mamamayan na tumulong sa paglaban sa nakamamatay na rabbies sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa kanilang mga aso.
Nilinaw din nito na kailangan ng mga mamamayan na magbayad ng P20 sa bawat aso na pababakunahan.
Ito ayon kay Calo ay nakasaad niya sa local revenue code ng lungsod.
Ayon kay Calo maliban sa mga aso, maari ring mabigyan ng anti rabbies vaccine maging ang mga alagang pusa.
Umaasa si Calo na sa tulong ng mga mamamayan magtatapos ang taong 2016 na walang kaso ng rabbies sa Koronadal City.
Ito ay taliwas naman sa isang rabbies case na naitala sa lungsod noong 2015.
Matutulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang mga guro sa mga Universidad at kolehiyo na nawalan ng trabaho dahil sa K to 12 Program.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib ito ay sa pamamagitan ng kanilang Adjustment Measures Program.
Layon ng programa na mabigyan ng sariling kabuhayan ang mga displaced workers o matulungan na makahanap ng bagong trabaho.
Sinabi ni Gutib ang mga benipisyaryo ng programa ay maaring makatanggap ng pinansyal na tulong.
Magbibigay din ng skills training para sa ma ito ang DOLE katuwang ang Technical Education Skills Development Authority, Department of Education at Commission on Higher Education.
Umaapela naman si Gutib sa mga nais makinabang sa programa na makipag ugnayan sa pinakamalapit na DOLE Office o Public Employment Service Office.
Nilinaw ni Gutib na maari lamang mag-apply sa Adjustment Measures Program ng DOLE yaong mga natanggal sa trabaho ng hindi lalagpas ng tatlumpung araw.
Ang mga aplikante ayon kay Gutib ay kailangang magdala ng application form, notice of termination, photocopy ng government issued ID, application letter na naka-address sa DOLE regional director, photocopy ng dating employment contract at pinakahuling pay slip. Babawiin ng Provincial Government ng South Cotabato ang airport sa bayan ng Surallah, South Cotabato kapag hindi ito pa rin ito nagagamit.
Ito ang paalala ni South Cotabato Vice Governor Vicente de Jesus sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Ayon kay De Jesus tila wala na kasing interes ang CAAP na i-uprade ang airport upang mapakinabangan ng mas maraming mamamayan.
Ipinahayag ni De Jesus na sa ngayon tanging gumagamit lamang sa Surallah Airport ang mga pribadong kumpanya.
Karamihan sa mga ito ay mga eroplano na ginagamit sa aerial spraying sa mga plantasyon ng saging sa lalawigan.
Ayon kay De Jesus, plano ngayon ng SP na magpasa na resolution upang bawiin ng lalawigan ang pagaari sa airport.
Ang may 1.5 kilometer Airport na nakatengga lamang sa ngayon ay matatagpuan sa mahigit 15 ektaryang lupain sa bayan ng Surallah.
Mayroon nang bagong hepe ang tatlo sa labinisang himpilan ng pulisiya sa South Cotabato
Pumalit kay Police Chief Inspector Dennis Madriaga bilang Chief of Police sa Bayan ng Norala, si Police Chief Inspector Conrado Jovero na dating Admin Officer ng South Cotabato Provicial Police Office.
Si dating Lake SeEbu Chief of Police Joven Baygay naman na inilipat sa Police Regional Office 12 ay pinalitan ni Police Chief Inspector Ramon Gencianos Jr.
Ayon kay PNP Provincial Director Senior Police Superintendent Franklin Alvero, sina Bagaygay at Madriaga ay parehong over-staying na sa kanilang dating katungkulan.
Itinalaga naman bilang bagong Chief of Police ng bayan ng Sto. Nino si Police Senior Inspector Ritchel Cabuslay .
Ayon kay Alvero ang dating kasing hepe ng bayan na si Police Chief Inspector Bernie Faldas ay inilipat sa intillgence Department of Provincial Police Headquarters ng South Cotabato.
Nadiskubre ng mga pulis ang mga marijuana plants sa isang liblib na Sitio sa bayan ng Banga, South Cotabato sa tulong ng dalawang mga concerned citizen.
Ayon kay Banga PNP Investigator, Police Officer 3 Leo Reynes ang mga fully grown marijuana plants ay nakatago sa masukal na bahagi ng bundok sa Sitio Lamno, Barangay Lam-afus, Banga, South Cotabato.
Sinabi ni Reynes na dahil sa layo hirap matunton ang marijuana plantation.
Nagkataon lamang na napunta doon ang dalawang mga magsasaka na siyang mga unang nakakita sa mga marijuana plants.
Ayon kay Reynes inaalam pa ng PNP kung sino ang nagtanim at may ari ng lupain na pinagtamnan sa mga ito.
Ang may labinisang puno ng fully grown marijuana plants ay na-uproot ng mga pulis kahapon. Si Banga PNP Investigator Police Officer 3 Leo Reynes
Kinumpirma naman ni Barangay Lam-afus Chairman Erencio Simpal na dahil sa kanilang patuloy na paghahanap nakatuklas pa ng dagdag na marijuana plants ang mga myembro ng Civilian Volunteers Orgagnization o CVO sa Sitio Lamno.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...