Saturday May, 18 2024 11:07:45 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept 19, 2016)

 • 19:02 PM Mon Sep 19, 2016
1,424
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 19,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SIYAM NA MGA BAHAY, Day Care
Center, nasunog sa Cotabato city.

2. Vehicular accident
sa Makilala, North Cotabato, dalawapatay

3. Koronadal City Health Office, pinag
iingat ang mga mamamayan ng lungsod laban sa Zika Virus.

4. Tatlo patay, lima sugatan sa sunod-sunod na highway accident sa Kidapawan City SIYAM NA MGA BAHAY at isang day care
center ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap kagabi sa Cotabato city.

Sinabi ni Fire Officer 2 Hexter
Cadavero ng Bureau of Fire Protection – Cotabato city na nagsimula ang sunog
pasado alas sais kagabi sa Pansacala Street, Barangay Rosary Heights 9 ng
lungsod.

Aniya, base sa kanilang inisyal na
imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Alnoria Lumapined.

Gayunman, sinabi ni Cadavero na hindi
pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng apoy kaya’t nagpapatuloy ang kanilang
imbestigasyon.

Nabatid na kabilang sa mga nasunog ang
siyam na mga bahay na karamihan ay gawa sa mga light material at nadamay din
ang Purok Pag-asa Day Care Center.

Nasa 250 thousand ang estimated cost damage
sa naturang sunog pero sabi ni Cadavero, hinihintay pa nila affidavit of loss na
isusumite ng mga apektadong pamilya para matukoy ang kabuuang halaga ng danyos.

Samantala, sinabi ni Cadavero na
fire-prone ang naturang lugar dahil sa magkakatabing mga bahay na gawa sa light
material.

Aniya pa, nahirapan din silang maapula
agad ang apoy kagabi, dahil bukod sa masikip na daanan ay nakaharang din ang
mga usisero sa lugar.

Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan
ang mga biktima ng sunog sa isang temporary evacuation center sa barangay
Rosary Heights 9 and 10.

Ngayong araw nakatakda namang magsagawa
ng validation ang City Social Welfare and Development para sa posibleng ayuda
na ibibigay sa mga apektadong pamilya. Agad na
isinugod sa pagamutan ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Cotabato City kagabi.

Ang biktima
at kinilalang si PO1 Abdulazis Dimaampao Ibay, 39 years old, taga Parang,
Maguindanao at nakadistino sa Shariff Aguak PNP.

Pasado alas onse
kagabi, habang naglalakad lang ang biktima kasama si PO1 Brasim Mimbantas sa
bahagi ng Kryslamville, Baranggay Rosary Heights 6 nang mangyari ang insidente.

Hinarang ang
mga biktima ng dalawang mga lalaki na nakasakay sa isang kulay pulang Kawasaki
rouser motorcycle at agad silang pinagbabaril.

Maswerting
nakaiwas si Mimbantas pero tinamaan si Ibay.

Nagtamo ng
tatlong tama ng bala ang biktima sa kanyang kaliwang palad, kaliwang beywang at
sa kanyang kaliwang kili-kili.

Agad na
sumibat ang mga suspek matapos ang insidente habang narekober naman sa crime
scene ang mga basyo ng bala mula sa cal. 45 pistol. PATAY
ang isang laborer matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa
Midsayap, North Cotabato

Nakilala
ang biktima na si Valeriano Toring, taga barangay lower Katingawan, Midsayap.

Naganap
ang insidente pasado alas sais ng gabi, kamakalawa.

Isang
tama ng bala mula sa cal. 45 pistol ang tumama sa ulo ng biktima sanhi ng
agaran nitong kamatayan.

Hirap
naman ang mga otoridad na matukoy ang motibo at ang pagkakakilanlan ng suspek
dahil walang testigo na gustong magsalita kaugnay ng pangyayari. Muli
na namang nakahuli ang City PNP ng Cotabato ng isang drug personality sa
kanilang patuloy na kampanya kontra kriminalidad at droga.

Mag-aalas
Siyete kagabi nang mahuli si Esmael Antong Salindab, 47 anyos, taga- Almonte
Extension, Baranggay Poblacion Mother ng lungsod.

Nagpapatrolya
ang elemento ng City PNP, nang makatanggap ng impormasyon na may nangyayaring
Pot session sa lugar.

Agad
na ginagalugad ng mga pulis ang itinurong lugar ng informant at dito na
nasakote ang suspek.

Nakuha
mula sa kanyang posisyon ang anim na sachets ng pinaniniwalaang shabu, dalawang
improvised Toother at isang disposable lighter

Samantala,
sa iba pang balita, isang bomba naman ang natagpuan sa barangay Meta, Datu Unsay,
Maguindanao.

Sinabi ni Army’s 601st brigade commander Col.
Serelito Subiana na tatlong mga suspek ang sinasabing naglagay ng naturang
bomba pasado alas otso ng gabi kamakalawa.

Pero sabi ni Subiana, hindi naman sumabog ang naturang improvised
explosive device ay gawa sa PVC pipe na may pulbura at may mga concrete nails
na nagsisilbing shrapnel.

Sabi ni Subiana, matagumpay naman itong na detonate ng explosive
and ordnance team

Duda ng mga sundalo, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nag
iwan ng naturang bomba. Tatlong
Indonesians na bihag ng Abu Sayyaf Group o ASG ang pinalaya na rin sa Jolo,
Sulu kahapon ng madaling-araw.

Ang
paglaya ng tatlong mga dayuhan ay kasunod ng pagpapakawala sa isa pang bihag na
Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad kamakalawa sa Patikul, Sulu.

Ayon
kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla,
hindi pa nila hawak ang tatlong Indonesian na hindi pinangalanan matapos
umanong palayain ng ASG.

Sinabi
ni Padilla na naghihintay pa rin ang pamahalaan para isalin sa kanilang pangangalaga
ang mga dayuhang pinalaya at maaaring mangasiwa dito ay si Presidential Adviser
on the Peace Process Jesus Dureza.

Aniya,
base sa kanilang impormasyon, naging
katuwang ng mga negosyador sa matagumpay na pagpapalaya ng tatlong Indonesians
at ni Sekkingstad si Moro National Liberation Front o MNLF founding chair Nur
Misuari.

Sa
ngayon ay wala pa sa kanila ang nasabing mga dayuhan at sila ay hawak pa rin ng
mga emisaryo ng lokal na pamahalaan at ng MNLF. Isasailalim sa Auction sale ang buong area ng National Food Authority o NFA sa Kidapawan City.

Ito matapos hindi nabayaran ng nabanggit na tanggapan ang kanilang utang sa Kidapawan City treasurer’s office.
Una nang isinailalim sa public auction ang naturang compound pero nakakuha ito ng temporary restraining order mula sa korte.Ang public auction ay isinasagawa sa ilalim ng Local Government Code of 1991 kung saan binibigyan ng karapatan ang LGU na ilalagay sa subasta ang mga hindi nabayaran na mga lupa.Una na ring iginiit ng pamunuan ng NFA na hindi sila dapat pagbayarin o kolektahan ng buwis dahil pag-aari ito ng gobyerno.Ang nakasaad naman sa korte ay dapat bayaran ng NFA ang kanilang mga obligasyon sa LGU lalo na ang lupa na pinagtatayuan ng kanilang opisinaNagpalabas nang anunsyo ang city LGU sa mga pahayagan kaugnay sa naturang public Auction habang hinihintay naman anh pahayag ng NFA tungkol rito.
Handang tumulong ang pamunuan ng Call 911 ng Kidapawan City sa mga kalapit bayan lalo na sa panahon ng sakuna.

Pero sa kabila nito nilinaw naman ni Public Safety Division Head Psalmer Bernalte na may protocol din silang sinusunod kaugnay rito.
Ayon kay Bernalte, maaari silang rumesponde sa isang sakuna sa ibang bayan sakaling sobra sa dalawa o tatlo katao ang sangkot rito.

Pangalawa, hihintayin din nila ang tawag mula sa isang LGU lalo na kapag kinakailangan ang kanilang mga equipment.
Sinabi ni Bernalte na una dapat makaalam ang LGU sa nangyari sa kanilang area of responsibility.

Nilinaw ni Bernalte na handa silang tumulong lalo na kapag hindi na kakayanin ng LGU ang isang emergency situation.
Naniniwala din kasi si Bernalte na may kanya- kanyang DRRM office at Health Unit ang bawat LGU sa North Cotabato kaya maghihintay pa rin sila ng tawag at susunod sa protocol.
Ang pahayag at paliwanag na ito ng opisyal ay nag-ugat matapos ang reklamo mula sa isang BIDA texter na umano hindi rumesponde ang 911 nang may mangyaring aksidente sa bayan ng Makilala noong nakaraang lingo.

Mariing kinondena ng Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment o Moro PCORE ang pagpatay sa pangulo ng United Moro Women Organization of Barangay Kayaga (UMWOK) sa bayan ng Kabacan na si Arbaya Sali.
Ito matapos inalala ngayong araw ng naturang grupo ang kamatayan ng biktimang si Sali na binaril noong nakaraang Agosto sa Sitio Basak, Barangay Kayaga, Kabacan.
Dahil dito, hustisya pa rin ang sigaw ng grupong Moro PCORE at UMWOK at hiniling ang PNP na laliman pa ang ginagawang imbestigasyon sa naturang kaso.
Ayon kay Moro PCore Executive Director Zaynab ampatuan, maituturing nilang isang bayani si Arbaya, dahil sa pagbunyag nito sa mga nangyaring katiwalaan at dayaan sa nagdaang eleksiyon sa barangay Kayaga.
Si Arbaya ay isang Moro National Liberation Front (MNLF) Woman leader mula pa noong dekada 70.
Nahalal din siyang Chapter President ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) sa Barangay Kayaga at hinirang bilang natatanging Juana ng Kabacan 2016.
Una nang lumabas sa imbestigasyon ng PNP na personal grudge ang pinakamalapit na motibo sa pagbaril sa biktima pero malaki ang paniniwala ni Ampatuan na isa ang pulitika sa mga pangunahing dahilan sa pagpatay sa kanya.
Patay ang dalawang lalaki matapos masangkot sa vehicular accident sa Barangay Saguing, Makilala North Cotabato alas kwatro ng madaling araw noong Sabado.

Ayon kay SPO1 Manuel Taladoc, traffic division investigator ng Makilala PNP, dead on the spot ang mga biktima.
Lumabas sa imbestigasyon nila na inararo ng motorsiklo ng mga biktima ang kanilang kasalubong na 10 wheeler truck habang binabaybay ang Cotabato-Davao highway.

Dahil sa impact nasunog ang buong sasakyan na isang Gold Star TM 150 kulay pula na ngayon ay naka impound sa Makilala PNP.
Kaugnay nito, nanawagan ang PNP sa publiko na makipagugnayan sa kanilang tanggapan dahil hanggang ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima.

Sa paglalarawan ng mga otoridad nasa edad 40-50 taong gulang ang isa habang nasa 22-28 naman ang isa pa.Duda rin ang PNP na posibleng mag-ama ang mga biktima na ngayon ay nasa Collado Funeral Homes sa Makilala kasama rin ang hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary killing sa barangay Concepcion, Makilala noong nakaraang linggo.
Sunod-sunod na mga vehicular accident ang naitala sa Kidapawan City nitong nakaraang sabado at linggo lamang.
Una nitong sabado na nangyari sa Barangay Mateo, Kidapawan kung saan patay ang biktima na kinilala si Rheemeil Legaspi, 31 na taga Magpet, North Cotabato.Sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo kasama ang backrider nitong sina Guiean Galabay, 21, Airen Rojo, 25, kung saan nakabangga nila ang isa pang motorsiklo na minamaneho ng isang Jesril Jubilan, 30-anyos na taga Poblacion, Kidapawan.Kapawa galing ang mga motorsita sa bayan ng Magpet papunta sanang City proper.

Patay si Legaspi habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang tatlong iba pa sa pagamutan.Lasing umano si Legaspi nang mangyari ang aksidente.

Samantala kahapon naman sa barangay Manongol ng Lungsod dalawa rin ang patay matapos magkarambola ang tatlong mga sasakyan.Kinilala ang mga nasawi na sina Jolito Hermoso na taga brgy. Lanao at isang Ariel Pajo na taga Garsika, Makilala.Dalawang motorsiklo at isang multicab ang sangkot sa aksidente.Kinilala naman ang mga sugatan na sina RENIE PORFERIO, 34 ANYOS, RENATO OMPONG 4O ANYOS, PRINCE CASTOR, apat na taong gulang, APRIL ROSE VILLANUEVA, 13 ANYOS, ROSE ANN APANG 24 ANYOS, isang GRETCHEN LIM, 30 ANYOS na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.

Maliban dito, isa pang aksidente ang naitala rin sa brgy. Binologan partikular sa Paco Bridge at isa rin brgy. Birada sa Kidapawan City.

NDBC BIDA BALITA Matapos tanghaling Best National Booth, naging most photograph naman sa 13th China-ASEAN Expo sa Nanning China ang Philippine Pavilion.
Ito ay ayon kay Department of of Tourism 12 Regional Director Nelly Nita Dillera.Nabatid na ang Pavilion ng Pilipinas sa trade expo ay dinisenyo ni Arturo Cruz Dimaano ng Department of Trade and Industry–Center for International Trade Exposition o DTI-CITEM.Ayon kay Dillera bagama’t ipinakita sa China ang General Santos City bilang city of Charm, tampok din sa Pavilion ang buong SOCCSKSARGEN Region.
Ang Cultural performance ng mga delegado ng Pilipinas ay naka agaw pansin sa 14 na mga international press.
Kabilang dito ayon ay Dillera ang FASHION TV China, Dina Daily, China-ASEAN Panorama at marami pang iba.
Sa katunayan ayon kay Dillera nagpakuha ng larawan kasama ang mga cultural peformers at weaver ng region 12 ang daang daang mga dumalo sa tourism trade expo.

Umaapela si Koronadal OIC Health Officer Dr. Jean Genivieve Aturdido sa mga mamamaya ng lungsod na magingat sa Zika Virus.Ito ang ipinahayag ni Aturdido matapos maitala ang anim na kaso ng naturang virus sa Pilipinas.
Sinabi ni Aturdido na matapos makumpirmang nakarating na sa Iloilo ang Zika Virus, may posibilidad din na makapapasok ito sa Koronadal City.Pinagiingat lalo ni Aturido laban sa Zika ang mga buntis na siyang labis na pinakaapektado nito.Hiling nito sa mga kababaihan na pupunta sa mga lugar na may kaso ng Zika iwasan na muna ang pagbubuntis.
Ayon kay Aturdido, tulad ng dengue fever, naging sanhi din ng Zika Virus ang lamok na Aedes Aegypti.Ipinahayag ni Aturdido na ang taong may zika virus ay maaring makaramdam ng trangkaso, pananakit ng ulo at kasukasuan,rashes, at pamumula ng mata na parang sore eyes.
Maari aniya itong tumagal ng hanggang isang lingo matapos makagat ng lamok na may Zika Virus.
Tiniyak naman ni Aturdido ang zika virus ay mariing minomonitor Department Health .
Naglaan ng mahigit P2.9 million pesos para sa Kabugwason Paglaum Scholarship Program o KPSP nito ang pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato.
Makikinabang sa kalalabas pa lamang na pondo ang mga iskolar ng lalawigan sa mga bayan ng Banga, Tampakan, at Tantangan.
Ayon kay Barangay Affairs Unit Chief Jerry Gamo, ang pagbibigay ng KPSP-Educational Assistance ay prayoridad ng kanilang tanggapan.
Sa katunayan ayon kay Gamo, ang scholarship program ay may kabuang pondo na P12 million.
Ito ay laan para sa mga estudyante sa high school at elementarya.Plano naman ng Baranggay Affairs Unit na maibigay na sa lahat ng mga local government units ang pondo para sa KPSP bago mag-Disyembre.Inihayag din ni Gamo na magkakaroon muna sila ng konsultasyon sa mga Barangay Chairman, School Principal at Parents Teachers Association bago ipamimigay ang mga Kabuwason Forms.Ito ay upang maiwasan ang anumang problema sa pamimigay ng educational assistance.
Kinumpirma din ni Galo na dadagdagan din ang pondo sa scholarship program, upang ito ay mapapakinabangan din ng mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante sa senior high school.
Naninindigan si Tupi, South Cotabato Mayor Reynaldo Tamayo na nasawata na ang problema ng iligal na droga sa kanilang lugar.Sa katunayan ayon kay Tamayo, plano nilang ideklarang drug free ang bayan ng Tupi ngayong Setyembre.
Sa panayam ng Radyo Bida, sinabi ng alkalde na 80 porsyento ng mga barangay sa Tupi ang nagdeklarang ligtas na sa iligal na droga.Naniniwala si Tamayo na nakatulong sa kanilang kampanya kontra illegal drugs ang paglalagay ng drug desk sa bawat barangay.Layon ng drug desk ang sumbungan ng mga mamamayan sa mga illegal drug activity.
Kinumpirma din ni Tamayo na matapos sa mga tanggapan ng gobyerno, gagawin na rin ang mandatory drug testing sa mga pribadoong opisina sa Tupi.Ayon kay Tamayo kapag natuloy ang pagdeklara sa Tupi bilang drug free, ito ay kauna unahan sa South Cotabato at isang malaking hamon para sa lokal na pamahalaan.
Pinaiigting ngayon ng City Veterinary Office ang pagbabantay ng sa mga boundary ng Koronadal at General Santos City.
Ito ang ipinahayag ni Koronadal City Veterinarian Dr. Charliemagne Calo matapos ideklara ang rabbies outbreak sa General Santos City.
Sa panayam ng Radyo Bida, sinabi ni Calo na bagama’t labas na ang Koronadal sa 4-kilometer radius ng Gensan, mas makabubuti pa rin ang ibayong pagiingat para mapanatiling ligtas sa rabbies ang lungsod.
Ayon kay Calo mariin nang binabantayan ngayon ng mga kawani ng City Veterinary office ang mga daan mula Gensan patungong Koronadal.
Layon nito na matiyak na lahat ng mga alagang hayop na dinadala sa lungsod ay ligtas sa rabbies.
Nauna nang umapela si Calo sa publiko na pinakamabisang paraang pa rin para manatiling rabbies free ang Koronadal ang pagpapabakuna ng kanilang mga alagang aso.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...