Monday May, 06 2024 04:16:40 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 2, 2016)

 • 16:08 PM Fri Sep 2, 2016
1,380
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 02,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Isa pang pagsabog, naganap sa Cotabato City, isa sugatan2. Police, 2 iba pa patay sa anti-drug operation sa Sultan Kudarat3. Marawi City schools division superintendent, pinababa sa pwesto ng Supreme Court.4. Christmas decors, naka-display na sa Kidapawan City stores. ISANG SIDEWALK vendor ang nasugatan matapos ang naganap na pagsabog ng pinaniniwalaang improvised bomb sa harap ng isang hotel sa Cotabato City alas 7 kaninang umaga.Nakilala ang biktima na si Normanan Baliwan, taga Malagapas, Cotabato City.Sakanyang pahayg, sinabi ni Baliwan na nagwawalis siya sa lugar kung saan niya ilalatag ang kanyang mga panindan nang biglang sumambulat ang basurahan.Naniniwala siya na inilagay ang pampasabog bago pa siya dumating alas 6 kaninang umaga.Ito ang pang-apat na pagsabog sa lungsod mula noong sabado. Dalawang police stations ang hinagisan ng tranada noong sabado at lunes.Noong Mierkules, hinagisan din ng granada ang NIA Maguindanao office sa Rosales Street. Walang nasugatan sa tatlong insidente. NAGLABAS NA NG PINAL na desisyon ang
Supreme Court kaugnay sa isang school official sa Marawi city na ayaw iwan ang
pwesto kahit umabot na ito sa mandatory retirement age.

Pinagtibay ng korte suprema sa inilabas
nitong desisyon noong June 27, ang una ng iniutos ng Court of Appeals na overstaying
na si dating Marawi City schools superintendent Mona Macatanong kaya dapat na
itong bumaba sa pwesto.

Si Macatanong ay umabot na sa mandatory
retirement age na 65 taong gulang noon pang October 18, 2013.

Pero ayon kay Macatanong, mali ang edad
na nakalagay sa kanyang record dahil aniya, siya ay mas bata ng dalawang taon
at sa October 2016 pa dapat siya magreretiro.

Ang pagbabago sa edad ni
Macatanong ay kinatigan naman ni RTC-Branch
9 Judge Gamor Disalo ng Marawi city.

Gayunman, nanindigan ang Supreme Court
na iligal ang pagbabago sa edad ni Macatanong at dapat nitong sundin ang retirement
order ng Department of Education o DepEd-ARMM na inilabas tatlong taon na ang
nakakaraan.

Nabatid na ang gusot sa
liderato ng Marawi City Schools Division ay nagdulot ng backlogs sa mga appointment
at promosyon ng mga guro at senior education officials sa lugar.

Una rito, ibinasura na rin ng Supreme
Court ang petition for review on certiorari na inihain ni Macatanong.

Pina-iimbestigahan na rin ng Korte
Suprema sa Office of the Court Administrator at sa Office of the Bar Confidant ang
Regional Trial Court Branch 9 dahil sa kwestyunable nitong desisyon kaugnay sa
kaso ni Macatanong. TINATAYANG
abot sa 1.6 million pesos ang halaga ng pinaniniwalaang shabu na nakumpiska ng
mga otoridad sa isinagawang drug buy bust operation.

Sa nasabing
operasyon ng Sta. Ana-PNP, arestado ang dalawang mga babaeng na taga-Tamparan, Lanao
del Sur.

Kinilala ni
Police Chief Insp. Hamlet Lerios ang mga nadakip na sina Lailainie Sarip
Ibrahim, 18 years old, at Norhana Lambayon Batalo, 19.

Nakuha mula
sa mga ito ang dalawang malalaking sachets ng pinaniniwalaang shabu na may
street value.

Sa
halip na bigas, pera na lamang daw ang ipamamahagi ng pamahalaan para sa mga
benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa susunod na taon.

Ito
ang lumitaw sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Senado kaugnay sa 2017 proposed budget.

Nagkasundo
sina Budget Secretary Benjamin Diokno at National Economic Development
Authority o NEDA Director General Ernesto Pernia na mainam at pabor sa mga
benepisyaryo na pera na lamang sa halip na bigas ang ibigay bilang bahagi ng
4Ps ng Duterte administration.

Ayon
naman kay Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, maganda ang naisip ng
pamahalaan na mas praktikal na gawing pera ang rice subsidy para sa mga
benepisyaryo dahil mas mapakikinabangan ito ng mga tatanggap.

Kung
susumahin, aabot sa P600 ang kada 20 sako ng NFA rice na nagkakahalaga ng
P32.50 ang kada kilo dahil magiging P2,000 na ang matatanggap ng bawat
benepisyaryo mula sa kasalukuyang P1,400.

Una
rito, kinuwestyon ng mga kongresista ang DSWD dahil sa mababang performance nito
sa pag-abot sa target ng 4Ps.

TULUYAN
NANG IBINASURA ng Commission on Elections o Comelec 2nd Division ang election
protest na isinampa ni dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel laban kina
South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes at Vice Governor Vic De Jesus noong
May 24, 2016.

Sa
anim na pahinang desisyon ng komisyon, hindi nakahabol sa deadline para sa
pagsampa ng election protest si Miguel.

Ang
deadline ng election protest ay May 23, 2016, ngunit naisampa ang reklamo ni
Miguel noong May 24, 2016.

Bukod ditto,
wala rind aw sapat na basehan ang election protest laban sa mga naturang
provincial official.

Kaugnay
nito, ikinatuwa naman nina Fuentes at De Jesus ang mabilis na paglabas ng
desisyon ng COMELEC.

Ayon
sa mga opisyal, dapat respetuhin ang naging pasya ng Comelec at magkaisa na
lamang para sa ikabubuti ng probinsya. Sumadsad na sa hanggang P4.50 hanggang P5.00 per kilo ng presyo ng mais o corn cob sa South Cotabato.
Ayon kay Provincial Agriculture Officer Justina Navarete ito ay inaasahang lalo pang bumaba sa pagdating ng peak season ng anihan ng mais ngayong Setyembre hanggang Oktobre.
Inihayag ni Navarete na para matulungan ang mga corn farmer sa South Cotabato, naghahanap ngayon ng mga industriyang maaring bumili sa kanilang mga produkto ang provincial agriculture office.
Sa katunayan ayon kay Navarete pinulong na nila ang mga feed miller sa South Cotabato.
Ito ay upang maituro sa kanila kung saan maaring makabili ng mas magandang kalidad ng mais.
Sinabi ni Navarete na ang pgkakaroon ng sapat na kaalaman ng mga magsasaka sa pag-imbak ng kanilang mga produktong mais ay mahalaga din upang hindi malugi ang mga ito.
Inihayag din ni Navarete na may inilaan na ring pondo para pambili ng mga produktong mais ng mga magsasaka sa lalawigan ang National Food Authority o NFA.
Ayon kay Navarete abot sa mahigit 188,000 metrikong toneladang mais ang posibleng maani sa South Cotabato mula Agusto hanggang Oktobre.
Ito ayon kay Navarete ay bahagi lamang sa 444,000 metric tons na aahinin sa lalawigan hanggang sa buwan ng Disyembre. Umaapela si Provincial Veterinary Office Officer-In-Charge Dr. Flora Bigot sa mga mamamayan na agad na i-report sa mga kinauukulan kapag nakitaan ng sakit ang kanilang mga alagang hayop.
Ito ayon kay Bigot ay upang mabigyan ng gamut at agad na maagapan at di na makahawa pa sa ibang hayop.
Sinabi ni Bigot na para mapigilan ang sakit dulot ng climate change, nagbibigay ng vitamin para sa mga farm animals ang kanilang tanggapan.
Inihayag nito na abot na sa 23,000 na mga baka, kalabaw, at kabayo ang nabakunahan ng provincial veterinary office sa nakalipas na anim na buwan.
Ayon kay Bigot,dahil sa mga gamot na kanilang naipamigay, napigilan ang pagdami ng mga hayop na nagkasakit dahil sa El Nino sa South Cotabato noon Marso.
Kinumpirma ni Bigot sa panayam ng Radyo Bida na nananatili pa ring ligtas sa bird flu,at foot and mouth disease ang mga alagang hayop sa South Cotabato.
Ayon kay Bigot ito ay dahil sa regular na vaccination sa mga hayop lalong lalo na ng mga farm animals sa lalawigan.
Makatutulong ang ang One-Stop Service Center for OFWs o OSSCO para mabasawan hindi lamang ang oras kungdi maging gastusin ng mga mamamayan sa pagkuha ng kanilang dokomento sa DOLE.
Ito ang ipinahayag ni DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, kaugnay sa bubuksang OSSCO ng ahensya sa Koronadal City.
Ayon kay Gutib ang OSCCO ay matatagpuan sa 4th Floor ng Koronadal City Hall.
Makikita dito ang mga tanggapan ng ahensya ng gobyerno na may mahalagang papel pagbibigay ng mga kakailanganin ng mga OFW.
Kabilang dito ayon kay Gutib ang Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, Technical Education and Skills Develoment Authority o TESDA, at Professional Regulatory Commission.
Maglalagay din ng desk sa OSCCO ang Maritime Industry Authority o MARINA, Home Development Mutual Fund, Philhealth, Social Security System, Philippine Statistcics Authority, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, Commission on Higher Education at Philippine Overseas Employment Association o POEA.
Ayo kay Gutib, katuwang ng DOLE sa pagtatag ng OSSCO ang local na pamahalaan ng Koronadal.
Ito ay pormal na ilulunsad kasabay ng Flag raising ceremony sa Koronadal City Hall sa Lunes.
Napapakinabangan na ngayon ng daang daang mga magaaral ng Salaman Elementary School sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat ang bago nilang gusali.
Ito ayon sa School Principal na si Erlinda Gaurana ay matapos maipatayo ang dalawang palapag na gusali na mayroong 22 silid aralan.
Ang proyekto ay ipinatayo ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ayon kay Gaurana mahigit sa 800 sa may 2000 libo nilang mga estudyante ay ginagamit na ngayon ang bagong gusali.
Ipinahayag naman ni DPWH Sultan Kudarat District Engineer Mamintal Taha na target ng DPWH na makapagpatayo ng dagdag na 300 daang classroom at 71 school building sa lalawigan mula 2015 hanggang 2016.
Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit P21 million.
Ayon kay Taha, sa ngayon ay abot na sa 2016 na silid aralan ang natapos ng DPWH sa Sultan Kudarat.
Layon ng pagpapatayo ng dagdag na mga silid aralan ay bilang kabahagi pa rin ng pagpapatupad ng K to 12 program ng pamahalaan.
Patay ang isang pulis at dalawang dating pulis nang manlaban sa mga pulis din na maghahain sana ng search warrant sa kanila sa border ng Tacurong city at bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat.Sa panayam ng Radyo Bida,kinilala ni PNP 12 Information Officer, Superintendent Romeo Galgo ang mga nasawi na sina PO1 Ryan Mastura na pinaputukan ang kapwa pulis dakong alas kwatro ng madaling araw kahapon.
Nasawi din ayon kay Galgo ang isang Mods” Salendab na kalaunan ay kinilalang si SPO2 Lahmuhdin Salendab at kasama nitong si Faizal Sedik Montani ,isang dating pulis, pawang mga residente ng President Quirino.
Ayon kay Galgo inaalam pa ng pulisiya kung saang police units nakatalaga ang mga suspek na parehong dead on arrival sa ospital.
Narekober ng mga pulis sa bahay ng mga suspek ang isang Uzi-sub-machinegun, 38 revolver, caliber 45 pistol, M-16 armalite rifle, 9 mm pistol at 12 gauge shot gun.
Ayon kay Galgo natagpuan din sa pinangyarihan ng encounter ang empty shells ng 9mm , caliber 45 pistol, at M-16 armalie rifles.
Ang operasyon laban sa iligal na droga at armas laban sa mga suspek ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Regional Anti-Illegal Drug Special Task Force o RAIDSOTF , TAcurong City PNP, President Quirino PNP at Regional Public Safety Batallion ng PNP 12. Kinumpirma ni Galgo na batay sa datus ng PNP 12 nitong September 1, na 54 katao na ang nasawi sa operasyon ng mga
pulis sa rehiyon.
Ito ay maliban pa sa pagkaka aresto nila sa mahigit 700 drug suspek.
Ipinahayag din ng police official na may 26,000 na drug depdendents ang nag-resurface sa buong region 12. Huling nag-report sa kanilang trabaho ang lapinapat na mga kawani ng local na pamahalaan ng Banga, South Cotabato noong August 31.
Ito ay kinumpirma mismo ni Banga Human Resource Officer Edmund De-ala sa panayam sa kanya ng Radyo Bida.Ayon kay De-Ala anim sa mga tinggal na kawani ng Banga LGU ay nagpositibo sa iligal na droga habang ang walong iba pa ay hindi sumalang sa random drug test.
Ang mga ito ayon kay De-ala ay pawang mga job order employees ng local government unit ng Banga.
Kinumpirma din ni De ala na dahil na nasa official business trip at naka-leave limang mga kawani at dalawang elected official ang hindi sumailalim sa drug test.
Gayunpaman ayon kay De ala maari pa ring isalang ang mga ito sa pangalawang bugso ng surpised drug testing.
Isinusulong naman ng lokal na pamahalaan ng Banga na isailalim sa random drug test ang mahigit 400 na mga kawani nito Abot sa 2.1 million pesos ang iniwang danyos matapos masunog ang apat na mga bahay sa Purok 3, Barangay Sagcungan, President Roxas North Cotabato kamakalawa ng hapon.
Ang naturang mga bahay ay pagmamay-ari nina Francisco Bascong, Philip Filasol, Rodrigo Bascong at Ben Mansucad.

Sinabi ni Senior Fire Officer 3 Francisco Obed ng BFP Pres. Roxas, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa rin sa light materials ang ilang bahagi ng mga bahay.
Aniya, nagsimula ang apoy sa isang abandanonadong kubo kung saan nakalagay ang mga lumang gamit ng mga pamilya, limang metro lang din ang layo mula sa apat na magkakadikit na bahay.

Umabot sa halos 30 minuto bago tuluyang naapula ang apoy.

Maswerte namang walang nasaktan o nasawi sa pangyayari.
Nagpapatuloy pa ngayon ang mga otoridad sa kanilang imbestigasyon para alamin ang tunay na pinagmulan ng sunog.

Dahil dito may panawagan ngayon si Francisco sa publiko para hindi na maulit pa ang nabanggit na insidente. Simula pa lamang ng unang araw ng Ber Months sa Kidapawan City ay nagsimula na ring mag display ng mga christmas decor ang ilang malalaking tindahan at mall sa lungsod.
Ayon kay Emman, salesboy ng isang mall sa lungsod, kahapon lang din dumating ang kanilang mga stocks at agad ding idinisplay.

Nakadepende rin umano ang presyo nito kung magbabago.
Noong nakaraang taon kasi aniya, ay hindi naman tumaas ang presyo nito kundi nagsagawa pa sila ng promo kung saan mas bumaba pa ang presyo.

Sa ngayon ibat-ibang mga dekorasyon at palamuti na ang kanilang mga display at pwedeng mabili at mapagpilian.
Kabilang na rito ang X-mas ball na nagkakahalaga mula 60 hangga 100 pesos, Xmas garlands na 20-30 pesos, Xmas banner na 40-50 pesos, Xmastree top na 40-100 pesos at iba pang mga dekorasyon.

Ayon kay Emman mas mainam raw na bumili na ng naturang mga dekorasyon ng mas maaga para makaiwas sa siksikan pagdating ng Nobyembre hanggang Disyembre.
Unti- unti na ring naririnig ang mga kantang pamasko sa ibat-ibang lugar sa Kidapawan City.
Aliw na aliw habang nanunuod si Lola Angeles Laba sa apat na mga contingent ng Street Dancing Competition kasabay ng culmination program ng Kalivungan Festival sa Amas Capitol Grounds kahapon ng umaga.

Sa kabila ng init ng sikat ng araw hindi pa rin ito nagpatinag at una pa sa linya ng mga spectators.
Ayon kay Lola Angeles, taon-taon na siyang bumibisita sa Provincial Capitol tuwing may ganitong mga programa at okasyon.
Napansin kasi si Lola Angeles habang tumatawid ito sa grandstand kasama ang kanyang apo na si Ian habang inaalalayan rin ng isang pulis.

Agad namang siyang pumwesto sa harapan at aliw na aliw habang pinapanuod ang mga partisapante.Si Lola Angeles ay tubong Victorias City, Negros Occidental na ngayon ay naninirahan kasama ang kanyang mga anak at apo sa Balindog, Kidapawan City.

Samantala, naghihiyawan at nagsisigawan naman sa saya at tuwa ang halos isang daang partisipante ng Kadagayaan Group ng Alamada, North Cotabato matapos silang itanghal bilang kampeon sa Street Dancing Competition ngayong taon.

Iniuwi rin nila ang kalahating milyong piso kasama na ang trophy at certificates.
Second Place naman sa naturang kompetisyon ang Amas National High School, 3rd place ang Central Mindanao Colleges at 4th place and mga partisipante mula sa bayan ng Midsayap.

Naging matiwasay sa pangkalahatan ang selebrasyon ng Kalivungan 2016 kung saan nilahukan ito ng libu-libong mga lokal na turista, bisita, matataas na opisyal ng lalawigan at iba pa. Aasahan ngayong Setyembre na isasailalim sa random drug test ang mga estudyante ng high school at kolehiyo sa Kidapawan City.

Ito ang sinabi ni Mayor Joseph Evangelista kasabay ng joint quarterly meeting ng City Peace and Order Council o CPOC at Association of Barangay Chairmen kamakalawa.
Ayon kay Evangelista, layunin nito na masagip at mabigyan ng agarang aksyon sakali mang may mag positibo rito.

Ang nabanggit na hakbang ng alkalde ay nag-ugat matapos na makita ang listahan ng PNP na ilan sa mga nag-surfaced na illegal drug personalities sa lungsod ay mga estudyante.
Hiling lamang ng opisyal ang partisipasyon ng mga eskwelahan para masigurong ligtas sa droga ang mga mag-aaral.
Samantala, sa pinakahuling tala ng Kidapawan City PNP, abot na sa 886 na mga drug personalities ang sumailalim sa profiling na kabilang sa Balik Pangarap Program ng City LGU.

11 naman mula sa 40 mga drug pusher ang naaresto sa buy bust at search operation ng PNP.
Panagawan naman ngayon ng Balik Pangarap Program coordinators na seryusohin ang nabanggit na programa, ito matapos bumaba ang bilang ng mga recovering addicts kung saan mula sa higit isang libong nagsurfaced ay nasa higit walong daan na lamang rito ang nagpatuloy sa programa ng LGU.

NDBC BIDA BALITA

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...