Sunday May, 19 2024 02:47:23 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 20, 2016)

 • 17:59 PM Tue Sep 20, 2016
1,311
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 20,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Sidewalk vendors at structures, babaklasin ng Cotabato City govt upang mapabuti ang traffic flow2. POSIBLENG pag-atake sa North
Cotabato District Jail, ibinunyag ng isang PNP official

3. Public school sa Banga, South Cotabato, binaha, computer at records, nabasa NAKATAKDANG BAKLASIN ng lokal na
pamahalaan ng Cotabato City ang mahigit dalawang libong mga illegal sidewalk
installations at shanties sa lungsod.

Sinabi ni city vice mayor Atty. Cynthia
Guiani-Sayadi na kailangan nilang gawin ito para mas lumuwag ang daloy ng
trapiko sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.

Dagdag pa ni Sayadi, security risk din
ang naturang mga iligal na istraktura bukod pa sa nag-iimbita rin ang mga ito
ng posibleng sakuna o disgrasya.

Ayon pa sa bise alkalde, ang hakbang na
ito ng City LGU ay bilang tugon na rin sa panawagan ng mga lihitimong
negosyante sa lungsod hinggil sa mga iligal na sidewalk vendor na nagbebenta ng
mas mura dahil hindi naman nagbabayad ng tamang buwis.

Inamin ni Sayadi na mahirap para sa
kanya na gawin ito pero giit ng bise alkalde, ito ay para sa ikabubuti ng mas
nakararaming mga mamamayan ng lungsod.

Samantala, nilinaw naman ni Sayadi na
may paglalagyan naman ang mga mababaklas na sidewalk vendor.

Magkakaroon na kasi ng sectioning sa
lungsod kung saan mas magiging organisado na ang mga nagbebenta ng prutas,
gadgets, RTW items at iba pa. MALIBAN sa
panghuhuli at pag-iimbestiga, abala rin ang Philippine Drug Enforcement Agency
o PDEA-ARMM sa pagsasagawa ng Anti-Drug abuse seminar.

Ayon kay
PDEA-ARMM Chief operations Marvin Mendoza, aktibong nakikipag-ugnayan sa kanila
ang mga pribado at pampublikong eskwelahan, mga local government unit at iba
pang mga opisina sa Cotabato City, Maguindanao, Lanao del sur at Marawi City sa
pagsasagawa ng mga aktibidad na makatutulong sa kampanya kontra iligal na droga.

Nakikipag-ugnayan
rin ang PDEA-ARMM sa iba pang ahensya ng gobyerno at stakeholders upang makabuo
ng programa at solusyon para sa ikareresolba ng problema sa droga.

Hinihikayat
naman ni Mendoza ang iba pang institusyon na gustong magsagawa ng Anti drug abuse seminar na maaaring
tumawag sa kanilang hotline na 421-2379 at 09174941585 o mag email sa
pdea_armm@yahoo.com

SAMANTALA, dagdag
pa ni Mendoza na malaking tulong sa kanilang mga law enforcer ang hiling ng
Pangulong Rodrigo Duterte na pagpalawig pa ng hanggang anim na buwan ang mas
pina igting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga sa buong bansa.

MAS
MAGHIHIGPIT ngayon sa paniningil ng electric bill ang pamunuan ng Maguindanao
Electric Cooperative o MAGELCO.

Para
mas mapabuti pa ang pagbibigay nito ng serbisyo sa kanilang mga power consumer.

Sinabi
ni MAGELCO General Manager Sultan Ashari Maongco na katunayan, marami ng mga
bahay sa Maguindanao ang naputulan ng supply ng kuryente matapos na mabigong
magbayad ang mga ito.

May
proseso naman din daw silang sinusunod upang hindi mahirapang makapagbayad ang
may mga malalaking utang na power consumer.

Dagdag
pa ni Maongco, kailangan nilang maging istrikto sa paniningil para mabayaran
ang load ng kuryente na binibili pa nila sa Power Sector and Liabilities
Management Corporation o PSALM.

Panawagan
naman nito sa mga power consumer, maging responsable sa pagbayad upang maiwasan
ang mahabang brownout.

SUSUNOD
NG TARGET ng mga pulis sa kanilang Oplan Tokhang ang mga professional sa Region
12.

Ayon
kay PNP 12 deputy director for operations Police Senior Supt. Leonardo Suan na nagsasagawa
na sila ngayon ng hakbang para mahuli ang mga professional na nauugnay sa bawal
na gamot.

Ito ay
matapos malaman na halos ordinaryong indibidwal at karamihan ay walang disenting
trabaho ang mga nag-surface sa mga pulis.

Imposible
naman aniya na walang nasasangkot na mga propesyonal sa paggamit ng iligal na
droga.

Ayon
kay Suan, madalas ay mga disenteng tao pa ang nagpapalaganap ng iligal na droga
sa komunidad at nambibiktima ng mga kabataan at mga mahihirap na tao.

Napag-alaman
na umabot sa 31,000 na ang mga drug surfacing personalities sa region 12 kung saan
ay halos 30 porsyento ang umaamin na nauugnay sa ipinagbabawal na gamot. Naka-engkwentro
ng militar ang humigit-kumulang 20 mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao.

Tumagal
ng kalahating oras ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang pwersa ng BIFF
mula sa pakikipagbakbakan sa 601st Brigade Philippine Army.

Sinasabing
pinamunuan ni Kumader Bungos ang grupo ng BIFF.

Nagtamo
naman ng tama bala ng baril ang apat na myembro ng rebeldeng grupo habang
walang sugatan sa panig militar.

Narekober
ng mga sundalo ang matataas na uri ng armas ng mga rebelde na kinabibilangan ng
isang M-60 machine gun, apat na M-14 rifles, dalawang M16 rifles, isang M-203
grenade launcher, isang 12-gauge shotgun, isang improvised automatic grenade
launcher, 18 rounds ng bala ng 60mm mortar, 18 rounds ng 40mm high explosives
at umaabot sa 4,693 na assorted ammunition. IBINUNYAG ng isang opisyal ng PNP

Ibinunyag ni Sr. Supt. Emmanuel Peralta, ang provincial Director ng Cotabato Police Office, na may grupo na nagbabalak pasukin o lusubin ang North Cotabato District Jail.

Itinuro ni Peralta ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na nasa likod ng naturang plano.

Posibleng gawin ng grupo ang kaparehong pag-atake noong 2007 kung saan higit 40 na mga preso ang nakapuga.Dahil dito mahigpit ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa buong compound ng capitolyo.

Katuwang din ng PNP ang 39th IB ng Philippine Army sa pagbabatay sa Provincial Capitol at ibang sulok ng kapitolyo.Maging ang mga personahe sa BJMP ay naghigpit na rin sa kanilang pagbabantay lalo na sa mga bumibisita sa mga preso.

Nabatid na kasabay ng pag-upo ni Supt. Peter Bungat ang bagong Jail Warden ng BJMP ay nagpatupad rin ito ng mga bagong polisiya sa kulungan. Naaresto ng mga otoridad ang wanted person na may kasong 25 counts of rape sa Barangay Malinan, Kidapawan City pasado alas tres ng hapon kahapon.

Kinilala ang akusado na si Paterno Bernal na residente rin ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Group- North Cotabato nahuli nila ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arvin Sadiri Balagot bg Regional Trial Court branch 17.Nangyari ang panggagahasa ni Bernal sa hindi pinangalang biktima nitong taon lamang.

Isinampa ang kaso nitong August 30, 2016 sa ilalim ng criminal case no. 3746-2016 hanggang 3771-2016.Naghihimas na ngayon ng malamig na rehas ng bakal ang suspek sa CIDG lock up cell sa Kidapawan City kung saan wala pang piyansang inerekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.Ang pagkakahuli sa suspek ay bahagi lamang ng mas pina-igting na OPLAN PAGTUGIS ng mga otoridad kontra mga kriminal sa North Cotabato. Iniabot na ng Sangguniang Panglungsod members ng Kidapawan City kay City Mayor Joseph Evangelista ang resolusyon upang kilalanin ang mga lumahok sa guinness world record attempt on largest cha cha cha noong August 30.Ito ay kasabay naman sa isinagawang convocation program ng City LGU kahapon ng umaga sa gymnasium.

Nakapaloob sa naturang resolusyon ang pagbibigay pagkilala sa mga private at public schools, government Offices, Department of Education, Media outlets, City LGU employee at iba pa para sa naturang makasaysayang aktibidad na isinagawa sa lungsod.Matatandaan na umabot ng halos 16 na libong indibidwal ang lumahok sa naturang largest cha cha cha sa National Highway.Ito ay para agawin ang titulo na ngayon ay hawak ng bansang Singapore na may pinakamaraming sumayaw ng cha cha cha sa loob ng pitong minuto.Kinumpirma naman ni City Tourism Officer Joey Recimilla na hinihintay na lamang nila na makupmleto ang mga dokumento mula sa mga stewards ng event.

Ngayong linggo inaasahang maipapadala na ito sa Guiness Worl Record sa bansang London.Kumpyansa naman ang mga taga Kidapawan na maaagaw ngayon ng lungsod ang naturang titulo.

Ang Largest Cha cha cha sa Kidapawan City ay isa sa mga highlight ng nagdaang Kasadya sa Timpupo at Kalivungan 2016 sa probinsiya ng North Cotabato.
Dead on the spot ang isang lalaki matapos masangkot sa vehicular accident sa National Highway ng Purok 5, brgy. Lanao Kidapawan City, ngayong umaga lamang.

Sangkot sa aksidente ang isang motorsiklo na minamaneho ng biktimang si Ranolfo Villamor Fuertes na taga brgy.Balindog ng lungsod at isang bus ng Cotabato Sugar Central na may sakay na empleyado ng Provincial Government.Patungo umano nang City Proper ang naturang bus habang patungo namang Cotabato area ang biktima.

Pagdating sa nabanggit na lugar ay nagtangkang mag-overtake si Fuertes sa kurbadang bahagi ng kalsada at hindi napansin ang kasalubong nitong bus.Dito na sumalpok ang biktima kung saan napuruhan ito sa ulo.

Patay noon din ang biktima habang nasa kustodiya naman ng PNP ang sasakyan nitong Suzuki Raider na may license plate na MC 11640.
Abot sa dalawang daan mga senior citizen ang inaasahang maidadagdag sa listahan na makatatanggap ng monthly pension ngyaong Setymebre sa bayan ng Makilala, North Cotabato.Ito ay maliban pa sa abot na 1,586 na regular pensioner ng National Government.

Katuwang ng naturang programa ang Social Welfare and Development Office oMSWDO, sa pamamagitan rin ng Office of Senior Citizen Association o OSCA.Sinabi ni Lina Cañedo, MSWD officer ng Makilala, prayuridad ng naturang programa ang mga matatandang nasa edad 65 pataas, mga mga indigent families at walang tinatanggap na anumang pension sa alinmang ahensya.Inaasahang matatapos ngayong linggo ang pinal na listahan para sa dagdag na benepiy=syaryo.

Target din nila ngayong linggo na maipapamahagi ang monthly pension ng mga senior citizen para sa ikatlong quarter ngayong taon. Inaalam pa ng mga opisyal ng Barangay Benitez sa Banga, South Cotabato kung may pananagutan ang isang residente sa pagbaha at pagkasira ng ilang mga gamit sa Banga, National High School
Ito ay ayon kay Benitez Barangay Chairman, Napoleon Parreno.Ayon kay Parreno umapaw ang tubig baha papuntang eskwelahan matapos umanong takpan ng may ari ng isang pribadong lupain ang culvert na dinadaan noon ng tubig tuwing umuulan.Umaasa naman si Parreno na matutugunan na ang problema dahil matagal na nila itong idinulog sa Provincial Engineering Office.Nabatid na ang hanggang tuhod na baha ay sumira sa mahigit P500 thousand pesos na halaga ng mga ari arian sa Banga National High School.
Kabilang sa mga nalubog sa tubig ang ilang mga computer sets, aklat at record ng eskwelahan.Nanghihinayang naman ang mga guro nang malubog din sa tubig ang kabibili pa lamang na dalawang television set para sana sa kanilang senior high school.
Matatandaan na dahil sa baha, sinuspinde ng lokal na pamahalaan kahapon ang pasok sa Banga National High School. Handa na ang lokal na pamahalaan para sa iba’t ibang aktibidad para sa ika 16th Charter Anniversary at 6th Negosyo Festival ng Koronaddal City.
Magbubukas sa pagdiriwang ang State of the City Address o SOCA ni Mayor Peter Miguel sa Octobre a singko.Ayon kay Miguel tampok din sa selebrasyon ang Pamukaw, Thanksgiving Mass, Inter- Barangay Basketbalk Tournament, Palengke Festival,at Consumer Welfare Month Celebration .Makikiisa sa pagdiriwang ang mga negosyante sa Koroandal City sa pamamagitan ng Grand Sale at Trade Fair.
Tampok naman sa Travel Mart Agri Machinery ang mga ipinagmamalaking produkto ng bawat barangay.Ayon kay Miguel ilulunsad din sa pagdiriwang ang Negosyo Center ng Koronadal.Sa huling gabi ng selebrasyon sa October 8 magpapa-raffle naman ng kabuhayan showcase ang lokal na pamahalaan.Para mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makisaya sa Charter Anniversary at Negosyo Festival, ideneklara naman ng Malakanya na special non working holiday sa Koronadal ang October 8.Ito ang araw kung kelan nagging ganap nag lungsod ang Koronadal na unang nakilala bilang bayan ng Marbel. Naglaan ng mahigit P2.5 million ang pamahalaang panlalawigan para sa ipatatayong Abaca, T’nalak Weaving Center sa South Cotabato.Ayon kay Provincial Agriculturist Justina Naverete, ang pasilidad ay magsisilbing processing center ng abaca fiber .
Gagawin din itong sentro ng T’nalak Weaving sa South Cotabato.Ayon kay Navarete, sa pamamagitan ng pasilidad ay mapapaganda ang kalidad ng abaca fiber na ginagamit sa paghabi sa ipinagmamalaking T’nalak Cloth ng mga lalawigan.Nabatid na ang dalawang palapag na gusali ay ipatatayo sa Barangay Klubi, Lake Sebu r kung saang marami ang mga naghahabi ng T’nalak.
Ayon kay Navarete inaasahan matatapos na at mapakinabangan ang Abaca at T’nalak Weaving Center sa susunod na taon.
Binisita ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang Police Regional Hedquarters ng rehiyon dose sa General Santos City.
Layon nito na makuha ang bilang mga mga resurfacing drug personalities sa buong rehiyon.
Ayon kay DSWD 12 Focal Person Jehanne Melawani-Dari, nakatalaga kasi ang ahensya para sa pagpapatupad ng After Care Program para sa mga lumitaw na drug personalities.
Sinabi ni Dari matapos ang ipa-rehab ang isang drug surenderee ay maaring mabigyan din ng counseling services ng ahensya.
Makikinabang din ang mga ito sa cash for work program ng DSWD.
Tutulungan din ng ahensya ang mga resurfacing drug personalities na muling makihalubilo sa kanilang komunidad at mamuhay ng normal.
Paguusapan naman ng DSWD at kanilang mga stakeholders kung papano ipatutupad ang kanilang After Care Program. Magiging highlight ng Indigenous Peoples Day Celebration sa South Cotabato sa Oktobre 25 ang pagpaparangal sa modelong Indigenous People Family.
Ito ay sa pamamagitanng Search for Outstanding IP Family
Ayon kay Romulo Palomo ng Provincial Population Office layon nito na kilalanin ang tagumpay ng isang katububong pamilya at maging maganda ehemplo sa kanilang komunidad.Inaasahan din na makatutulong ang programa upang makumbinsi ang mga IP Communities na makiisa sa mga population development program ng lalawigan.Sa ngayon ay abala na ang Provincial Population Office sa pagpili sa mga inonominte na pamilya.Ang parangalay ibabatay naman sa relasyon ng magasawa, paguugali, kredibilidad, kakayahang ng mental at pisikal, kakayahan sa pangangalaga sa mga ari arian, kalagayan ng bawat tahanan at pakikihalubilo sa komonidad ng isang IP family.Ang tatanghaling Model IP Family ay makatataggap ng P20,000 P15,000 ang first runner up at P10,000 ang second runner up.
Limang libo naman ang tatanggapin ng mga di pinalad na nominado.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...