Sunday May, 19 2024 05:23:14 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 7, 2016)

 • 17:12 PM Wed Sep 7, 2016
1,460
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 07,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUNDALO, sugatan sa pagsabog ng
bomba sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao tatlo pang mga bomba, na-recover sa bayan
ng Sultan Kudarat.

2. North Cotabato PNP chief, inaming
ipinadala sa isang operasyon si PO1 Solana, ang pulis na dinukot at pinatay sa
Kidapawan city

3. MAG-ANAK, nalason ng kinaing kabote sa
Lake Sebu, South Cotabato

4. Bomb making parts, na-recover ng PNP sa North Cotabato. SUGATAN ang isang sundalo sa pagsabog
ng Improvised Explosive Device o IED sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao
kahapon ng umaga.

Kinilala ang naturang sundalo na si
Sgt. Ricor Bati-on ng Army’s 2nd Mechanized Battalion.

Sinabi ni 2nd mechanized battalion commander
Lt. Col Warlito Lemit na ang sumabog na IED ay gawa sa 60mm mortar.

Gayunman, agad naman nitong nilinaw na
walang kaugnayan ang naturang pagsabog sa nangyaring pambobomba sa Davao city.

Aniya, bago pa kasi nangyari ang
pagsabog sa Davao ay nakatanggap na sila ng intelligence report na may tatlong mga
bombang pasasabugin ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa kanilang area.

Samantala, kagabi ay napigilan ng mga
otoridad ang muling pagpapasabog ng mga bomba sa tulong ng isang concerned
citizen sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nabatid na agad na isinara at kinordon
ng Sultan Kudarat PNP ang Davao-Cotabato Highway matapos matuklasan ang tatlong
mga unexploded IED na itinanim sa tabing daan, pasado alas sais kagabi.

Una rito, nadiskubre ang naturang mga
bomba matapos makatanggap ng impormasyon ang Sultan Kudarat PNP mula sa isang
concerned citizen na may kahina-hinalang bagay na iniwan sa shouldering ng
National Highway sa bahagi ng Baranggay Rebuken.

Agad nagtungo ang Explosives and
Ordnance team sa lugar at positibo nga na may bombang itinanim sa naturang
lugar.

Ang naturang mga IED ay gawa sa RPG
CIDIK Projectile na kinabitan ng Two-way radio bilang triggering device.

Mag-aalas otso na kagabi nang
matagumpay na na-disrupt ng EOD Team ang mga bomba para hindi maka-paminsala.

Nagpapatuloy pa ngayon ang
imbistigasyon ng mga otoridad para matukoy ang grupong responsable sa tangkang
pambobomba sa bayan.

AGAD NA
BINAWIAN ng buhay ang isang barangay kagawad sa Cotabato city dahil sa dami ng
mga tinamong tama ng bala.

Mag aalas
dose ng tanghali kahapon nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek si
Kagawad Mazdul Abu ng Mother Barangay Bagua ng lungsod.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng City PNP, papunta sana sa isang tindahan ang biktima na nasa
harap ng isang pension house sa Bonifacio Extension, Barangay Poblacion Sais,
nang lapitan ng apat na mga armadong suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng
maraming tama ng bala sa kanyang katawan at ulo si Abu mula sa cal. 45 pistol
at 9mm pistol.

32 mga basyo
ng bala mula sa naturang mga baril ang natagpuan sa crime scene.

Sa ngayon ay
blangko pa ang City PNP sa motibo ng mga suspek sa karumal-dumal na pagpaslang
sa biktima. DEAD
ON THE SPOT ang isang lalaki habang nag-aagaw -buhay naman ngayon sa pagamutan
ang kanyang kasama matapos silang pagbabarilin sa Sultan Mastura, Maguindanao
pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Kinilala
ang mga biktima na sina Edwin Tolintino, 53 years old, isang bar owner at si
Joey Salon, 30 years old, na pawang mga residente ng Baranggay Sarmiento, Parang,
Maguindanao.

Sa
imbestigasyon ng Parang PNP, sakay ang mga biktima ng motorsiklo at pauwi na sana
ngunit pagdating sa barangay Tambo ay bigla silang pinagbabaril ng dalawang hindi
pa nakikilalang mga suspek na nakasakay din sa motorsiklo.

Matapos
isagawa ang krimen agad sumibat ang mga suspek patungong barangay Tapayan.

Napag-alaman
na ang dalawang mga biktima ay sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa
naturang lugar batay na rin sa impormasyong nakalap ng mga pulis. IPINALIWANAG
ni Department of Agriculture and Fisheries ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao o DAF-ARMM Sec. Alexander Alonto Jr. kung bakit hanggang ngayon ay
hindi pa rin natatanggap ng kanilang mga extension worker ang mga monthly incentive
allowance ng mga ito mula pa noong Enero.

Ilang
extension worker ng DAF-ARMM ang naghayag ng naturang isyu sa MADAM PUBLIC
SERVICE program ng DXMS Radyo Bida.

Ayon
kay Alonto, tinatapos pa kasi nila ang pagda-download ng 2016 program funds
bago mai-release ang naturang insentibo.

Nilinaw
din ng kalihim na ang bilis ng pag-download sa naturang pondo ay nakadepende sa
reports na isinusumite ng extension workers.

Samantala,
hindi naman matiyak ni Alonto kung kelan matatanggap ng mga naturang kawani ang
inaasahang mga insentibo.

Umaapela si Lake Sebu, South Cotabato Municipal Health Officer Dr. Jocelyn Bayquin sa mga mamamayan sa bayan na magingat sa pagkain ng mga mushroom o kabute.
Ayon kay Bayquin ito ay upang hindi mabiktima ng food poisoning.
Ito ang ipinahayag ni Bayquin matapos malason ng kinain nilang kabute ang limang myembro ng pamilya Salvador sa Sitio Talehen, Barangay Lamdalag Lake Sebu.
Kinilala ang mga nalason ng kabute na sina Roco Salvador, 30 anyos at misis nitong si Jenny kasama ang kanilang tatlong anak na nagkakaedad ng 7, 5 at 4 na taong gulang.
Inihayag ni Bayquin na ang kabuteng kinain ng pamilya Salvador ay kinuha lamang ng mga ito sa kanilang bakuran.
Ayon kay Bayquin ilang oras matapos kumain ng kabute, nakaramdam ng panghihilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima.
Matapos bigyan ng paunang lunas sa Lake Sebu Municipal Hospital ang pamilya Salvador ay agad na inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Kasisimula pa lamang ng ber” months pero abala na ngayon sa paggawa ng mga parol ang mga preso sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center.
Ayon kay South Cotabato Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas, pinaghahandaan na kasi ng mga inmate ang pagtaas ng demand ng kanilang mga parol habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan.
Sinabi ni Lanzaderas, na tumatanggap na ngayon ng order ang kanilang mga inmate.
Kakaiba ang mga parol na gaw ang mga PRESO sa pasilidad dahil ang mga ito ay gawa sa kawayan at iba pang indigenous material na nilagyan ng makukulay na mga ilaw.
Ayon kay Lanzaderas bawat parol na tinda ng mga inmate sa provincial jail ay nagkakahalaga ng mula P1,500 hanggang P2,500 depende sa laki at disenyo nito.
Umapela din si Lanzaderas sa mga mamamayan na upang matulungan ang mga preso sa kanilang hanapbuhay tangkilin ang kanilang mga panindang parol.
Hinipitan pang lalo ng BJMP ang pagbabantay sa Koronadal city District Jail.
Ito ay matapos makumpiska sa loob ng pasilidad ang ilang mga kontrabando kahapon.
Ayon kay Koronadal Jail Warden Senior Inspector Gechris Abanilla, layon ng kanilang Oplan Galugad” na matiyak na walang naipuslit na iligal na droga sa loob ng City District Jail.
Kinumpirm naman ni Abanilla na walang nakitang iligal na droga ang mga pulis at BJMP personnel sa kanilang selda.
Gayunpaman ayon kay Abanilla narekober nila sa loob ng kulungan ang ilang mga kontrabando, tulad ng mga pako, screwdriver, electric wire, lighter, shaver, mga tali.
Sinabi ni Abanilla na ang pag inspeksyon nila sa palilidad ng BJMP ay bilang suporta din sa kampanya kontra iligal na Droga ng Duterte Administration. Humihiling ngayon ng hustisya para sa anak at iba pang biktima sa pagsabog sa Davao City si Valentina Decolongon.
Si Valentina ay ina ng 17 anyos na si Kristelle, ang second year Pharmacy Student ng San Pedro College sa Davao City na isa rin sa mga binawian ng buhay.
Ayon kay Valentina napakabata pa ng kanyang anak at marami pang pangarap sa buhay.
Sa katunayan ayon kay Valentina, suot pa ni Kristelle sa kanyang burol ang gown na gagamitin nito sa kanyang debut sa susunon na taon.
Kaya napakahirap aniyang tanggapin na nasawi ito dahil sa karahasan.
Ipinahayag ni Valentina na bukod sa tulong na naibigay na sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte, magbibigay din ng financial assistance para sa kanila ang lokal na pamahalaan ng Davao.
Ipinahayag din nito na kahit papaano ay nakakagaan din ng loob ang paghiling ng sorry” at paghalik ni Pangulong Duterte sa mga labi ng kanyang anak.Sasagutin na rin aniya ng Davao city government ang lupang paglagakan ng mga labi ni Kristelle sa isang pribadong sementeryo.
Ang mga labi ni Kristelle ay nakaburol ngayon sa kanilang tahanan sa Barangay Libertad , Surallah, South Cotabato.Siya ay ihahatid sa kanyang huling hantungan sa September 17. Nagdulot ng pangamba at naging sanhi ng trapiko ang isang bag na inakalang naglalaman ng bomba na iniwan sa tulay sa Abad Santos Street sa Koronadal City.
Ayon sa isang ginang na nakausap ng Radyo Bida Koronadal na tumangging magpakilala, isang lalaki na may dalang bag at hindi mapakali ang sinita nito malapit sa kanyang patahian.
Inihayag ng ginang na dahil sa kaduda dudang kilos ng lalaki minanmanan nila ito, ngunit laking gulat na lamang nito nang mawala ang lalaki at iniwan sa tulay ang dala nitong bag.
Naalarma naman ang mga mamamayan malapit sa lugar at nagsumbong sa mga pulis.
Nadiskubre ng Explosive Ordnance Division o EOD Team ng PNP South Cotabato na ang bag ay naglalaman pala ng mga damit.
Gayunpaman perwisyo pa rin ang dulot nito sa mga mamamayan.
Maliban sa trapik, nagsara din ang ilang mga opisina malapit sa tulay na pinagiwanan ng bag.
Nauna nang nanawagan si South Cotabato PNP Provincial Director, Senior Superintendent Franklin Alvero sa mga mamamayan sa lalawigan na patuloy lamang na maging mapagmatyag at agad na ireport sa mga kinauukulan ang mga kahina hinalang bagay o personalidad sa kanilang lugar.
Ito ay upang matiyak ang pagpapanatali ng katiwasayan sa lalawigan. Ideneklara ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army na NPA Free na ang 25 mga barangay sa President Roxas, North Cotabato.Ito ang sinabi ni Civil Military Operations Officer Capt. Adele Belvis ng 39th IB, matapos ang kanilang evaluation sa inilunsad na Peace and Development Outreach Program sa bayan.Ayon kay Belvis sa loob ng sampung buwan nilang pamamalagi sa lugar ay wala silang namataan na presensya ng naturang grupo.Bagama't may tsansa pa rin na makakapasok ang NPA sa mga barangay lalo na sa mga boundary area ay hindi naman ito hahayaan ng militar.Magiging mahigpit sila sa kanilang koordinasyon sa mga barangay officials at magsasagawa ng information dessimination.Lumabas din kasi sa kanilang ebalwasyon na karamihan sa mga residente sa President Roxas ay ayaw ang presensya ng rebeldeng grupo.Samantala, tiniyak naman ni Belvis na sisimulan din ang PDOP implentation sa 13 barangay sa Kidapawan City anumang araw ngayong Buwan ng Setyembre. Handa na ang implementasyon ng pinakabagong health service ng Kidapawan City LGU na, Amping Kanunay Health package. Ito matapos matanggap ni City Mayor Joseph Evangelista ang approval ng PHILHEALTH at suporta ng mga pribadong ospital sa lungsod.Sa ilalim ng programa, ang libreng PHILHEALTH card ng LGU, ay pwede nang magamit sa walong private hospitals sa anumang health emergencies.Ang mga ospital na ito ay kinabibilangan ng Kidapawan Medical Specialists Center, Kidapawan Doctors Hospital, Madonna General Hospital, Midway Hospital, Dizon, Malaluan, Pacifico at Manuel Hospital.Sa ngayon ay naglaan ang Philhealth ng 180 slots para sa LGU-- na pwedeng magamit ng indigent families sa lungsod.Iginiit ni Evangelista, na nais n'yang iangat ang health services na pwedeng maibigay sa mga mahihirap na pasyente tulad ng pagpapatingin sa mga espesyalista, at laboratory examinations na 'di kayang ibigay ng public hospitals.Sagot din aniya ito sa matagal nang suliranin ng mga recipient ng kasalukuyang Emergency Philhealth na pwede lamang gamitin sa mga pampublikong ospital.Ang Kidapawan City Government ang siyang pinakaunang LGU sa buong North Cotabato na nagpapatupad ng naturang programa. Inamin ni Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Emmanuel Peralta na ipinadala sa isang misyon si PO1 Romeo Solana sa Brgy. Sto. Nino, Kidapawan City.Ito ang pahayag ng opisyal matapos lumabas ang ibat-ibang bersyon kaugnay sa kanyang pagkawala nitong June 1.Una na ring lumabas ang report na pumunta si Solana sa Brgy. Sto. Nino para bumili nang baboy at doon na siya tinangay ng grupong Peoples Army o NPA sa ilalim ng Guerilla Front 53.Pero sa kabila nito wala pa ding opisyal na pahayag na ipinalabas ang NPA.Una nang ibinunyag ng asawa ni Solana na si Marjoerie na alam niyang ipinadala sa isang misyon ang asawa dahil nagtext pa ito sa kanya gabi bago siya nawala.Sa isinagawang press conference ng PNP at AFP nitong nakaraang araw, inamin ni Peralta na ipinadala sa isang misyon si Solana para alamin ang presensya ng rebeldeng grupo sa lugar.Sinabi din niyang agad nagsumbong si SPO1 Maguarte, ang kasama ni PO1 Solana nang pasukin ang nabanggit na area sa kanilang immediate superior na si Police Supt.Jerson Birrey kaugnay sa pangyayari.Ayon kay Peralta, pinaiimbestigahan na rin niya ngayon si Supt.Birrey kung bakit ito nagpababa ng command sa mga pulis gayung kasama naman ito sa na-restrict na PNP personnel sa nangyaring Dispersal noong April 1 sa Kidapawan City.Nabatid na Setyembre a-tres nang matagpuan ang bangkay ni Solna sa tulong na rin ng CPPO at Kidapawan City LGU Officials sa masukal na bahagi ng barangay Linangkob, Kidapawan.Sa ngayon, humahagolgol pa rin sa sakit tuwing kinakusap ang maybahay ni Solana na sa Marjorie kaugnay sa sinapit ng asawa.Hustisya pa rin ang sigaw ng Pamilya Solana at Naldoza kaugnay sa karumal-dumal na pagpatay kay PO1 Romeo Solana Jr. Ibat-ibang mga materyales ng bomba ang narekober ng mga otoridad kahapon ng hapon sa isinagawang search operation sa dalawang mga bahay ng pinaniniwalaang suspected bomber sa brgy. Dunguan, Mlang North Cotabato.Sinabi ni Supt. Bernard Tayong spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office, ang naturang mga bahay ay pag-mamay-ari nina Anwar Sandigan at isang Guiamadel Sandigan.Posible namang natunugan ng mga suspek ang nabanggit na operasyon ng mga otoridad at tumakas ang mga ito. Pero narekober sa kanilang bahay nang halughugin na ito ay ibat- ibang uri ng materyales ng bomba, mga granada, cellphone at iba pang paraphernalia.Ayon kay Tayong isang Jokrie Buisan lamang ang kanilang naaresto na nakatira sa bahay ni Anwar Sandigan kung saan nakuhanan rin ito ng Granada.Lumabas rin sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na may humawak na foreign looking individual sa mga suspek na nagsasanay umano sa kanila para gumawa ng bomba.Katunayan aniya, narekober din nila sa lugar ang isang IED na handa na para i-deliver.Iniimbestigahan na rin ng PNP kung may kaugnayan sa nangyaring pagsabog sa Davao City ang dalawang mga suspek.Sa ngayon, nasa hot pursuit operation ang PNP katuwang ang 7th IB ng Philippine Army, SAF Troops, 602nd Brigade, RSPB 12 at iba para sa agarang pagkakahuli sa mga suspek.Inalerto na rin ng CPPO ang lahat ng mga PNP station sa lalawigan para higpitan pa ang kanilang mga ipinapatupad na seguridad sa kanilang mga bayan. Dead on the SPOT ang isang lalaki habang binawian naman ng buhay ang isa pa sa panibagong insidente ng pamamril sa Purok 4, barangay Lanao Kidapawan City alas 3:45 ng hapon kahapon.Kinilala ang mga biktima na si Ramil Flores, 17-anyos at si Christian Pagsiat, 14-anyos na parehong residente ng nasabing lugar.Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, naglalaro lamang ng bilyard si Flores sa lugar ng lapitan umano ng riding tandem criminals at kaagad na pinagbabaril.Dahil nanduon rin sa area si Pagsiat ay dinamay rin ito ng mga di pa kilalang suspek.Tama sa ulo ang tinamo ni Flores na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.Agad ding isinugod sa pagamutan si Pagsiat pero binawian rin ito ng buhay kaninang madaling araw sa isang pagamutan sa Davao City.Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek sakay ng kanilang motorsiklo.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na insidente habang blanko pa ang pamilya ng mga biktima sa motibo sa naturang pamamaril.NDBC BIDA BALITA

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...