Sunday May, 19 2024 06:42:32 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 9, 2016)

 • 15:59 PM Fri Sep 9, 2016
1,906
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 09,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPEK sa Davao city blast, tukoy na
ng PNP cash reward para sa ikarakip ng mga suspek, tatlong milyong piso na.

2. LABING APAT KATAO, patay dahil sa Dengue
sa North Cotabato.

3. SHABU AT PEKENG PERA, nakumpisa sa
anti illegal drug operation ng mga pulis sa dalawang lugar sa Region 12

4. Tone-toneladang dinamita, sadyang pinsabog sa Sultan Kudarat sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/14202638_10210327754458108_7682545181952524266_n.jpg?oh=957a1232594a7ed494a9bab6a6d3c3c7andampoe=5876F3B6 (Larawan kuha ni Ferdinandh Cabrera) INARESYO
ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM si
Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdulwahab Sabal pasado alas dose ng tanghali
kahapon.

Si
Sabal ay isa sa mga lokal na opisyal na kasali sa listahan ni Pangulong Rodrigo
Duterte na sangkot sa drug trade sa probinsya kabilang ang kapatid nitong si
Talitay Mayor Montasir Sabal.

Kababa
lamang ni Vice-Mayor Abdulwahab Sabal sa eroplano sa Awang Airport mula Maynila
nang hulihin siya ng mga tauhan ng CIDG-ARMM.

Sinabi
ni CIDG-ARMM chief Senior Supt. Jimmy Daza, na hindi naman nanlaban si Sabal ngunit
isinailalim siya sa custody ng isang abogado pagkalabas sa naturang paliparan.

Tumanggi
naman si Daza na magkomento hinggil sa pag-aresto kay Vice-Mayor Sabal.

Bago
hinuli si Sabal, kumalat na ang mga balitang may warrant of arrest ito mula sa
korte ng Tacurong City pagkatapos isangkot sa pagpatay sa kanyang asawang pulis
na binaril sa naturang lungsod.

TUKOY NA ng PNP ang mga responsable sa
pambobomba sa Roxas night market sa Davao City noong gabi ng September 2.

Ayon kay PNP chief Ronald Bato” Dela
Rosa, positibong tinukoy ng dalawang mga saksi ang isa sa mga bomber matapos na
mailarawan at mailabas ng pulisya sa publiko ang composite at cartographic
sketch ng suspek.

Sa kabila nito, hindi pa pinangalanan
ni Dela Rosa ang nakilalang suspek kasabay ng paglulunsad sa mas pinalakas na
manhunt operations ng militar at pulisya laban sa mga salarin.

Ayon pa kay Dela Rosa, ang natukoy na
bomber ay miembro ng Abu Sayyaf Group.

Aniya, patuloy din ang pangangalap nila
ng mga ebidensya hinggil sa ugnayan ng mga narco-personalities at Abu Sayyaf matapos
lumakas ang anggulo na narco-terrorism” ang ugat ng pambobomba sa Davao City
na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng 71 iba pa.

Samantala, ayon kay Davao City Public
Safety and Security Command Center head Retired Major Gen. Benito de Leon,
nitong Huwebes ng hapon ay itinaas ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa tatlong
milyong piso ang cash reward mula sa dating dalawang milyon para sa makapagtuturo
at makadarakip sa mga bomber.

Kaugnay naman sa mga biktima ng
pambobomba sa lungsod, tiniya ng Department of Social Welfare and Development o
DSW na hindi lamang sila magbibigay ng
tulong pinansiyal kundi tutulong rin sila sa pagbibigay ng therapy services sa
loob ng tatlong buwan.

Sabi ni Sampiano, nasa P10,000
financial assistance ang kanilang binigay sa bawat pamilya na namatayan habang
P5,000 naman sa mga sugatan.

HULI ang
isang laborer na umano ay tumangay sa motorsiklo ng isang fruit vendor sa
Cotabato city.

Ito ay matapos
namang magsagawa ng follow-up operation ang City PNP sa naturang kaso.

Kinilala ang
suspek na si Ryan Salilama Mangulamas, 30 years old, at taga- Barangay Dungguan,
Pigcawayan, North Cotabato.

Una rito,
tinagay umano ng suspek ang isang Honda XRM 110 ng isang fruit vendor sa super
market noong September 3.

Ngunit ang
hindi alam ng suspek, may nakakita sa kanya nang tangayin niya ang naturang
motorsiklo at agad na nagsumbong sa mga pulis.

Kahapaon ng
hapon, namataan anag suspek sa bahagi ng SK Pendatun extension, Barangay
Poblacion Dos kaya agad siyang hinuli ng mga pulis mula sa police station one.

Nakuhanan pa
ng dalawang pirasong sachet ng pinaniniwalaang Shabu ang suspek.

Sa
imbestigasyon ng mga otoridad, agad namang inamin ng suspek na siya ang
tumangay sa nabanggit na motorsiklo.

Aniya,
naibenta na niya ang naturang motorsiklo sa isang residente ng Sultan Kudarat,
Maguindanao.

Sinampahan na
ngayon ng mga kaukulang kaso ang suspek kaugnay ng mga krimeng kanyang nagawa. INAMIN
ng bagong talagang Department of Tourism o DOT ARMM Secretary Bai Ayesha
Vanessa Hajar Dilangalen na isang malaking hamon ngayon sa kanyang tanggapan
kung papaano babaguhin ang imahe ng rehiyon.

Ito ay
dahil sa nagpapatuloy na offensive operations ng militar sa Basilan at Sulu laban
sa mga miembro ng Abu Sayyaf Group.

Gayunman,
sinabi ni Dilangalen na gagawin nila ang lahat ng makakaya para gawing positibo
ang impresyon ng mga turista sa ARMM at maging kaaya-aya para sa mga ito ang mga
ipinagmamalaking tourist destination ng rehiyon.

Ayon
kay Dilangalen, nakalinya na ang kanilang mga programang nakatuon sa pagpapat
unlad ng industriya ng turismo sa ARMM.

Aniya,
kabilang sa mga isinusulong na tourist spot sa ARMM ay ang Kusiong Beach at
Blue Lagoon ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Dagdag
pa ni Dilangalen, pina-uunlad din nila ang inaul manufacturing sa ARMM para mas
makilala ito sa buong bansa at sa international community. IPINAGMALAKI
ni MIDSAYAP PNP Officer In Charge Police Senior Insp. Realan Mamon ang pagbaba
ng crime rate sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon
kay Mamon, nasa 36 na krimen na lamang ang kanilang naitala nitong Hulyo habang
pito lamang nitong Agosto.

Kung
susumain, nasa 40 porsyento ang ibinaba ng kaso ng krimen mula noong mga
nagdaang mga buwan.

Walong
klase naman ng krimen ang tinututukan ng buong PNP sa bansa, kabilang ang
Murder Homicide Theft robbery Physical Injury Motornapping carnapping at
rape.

Giit
ni Mamon, malaki ang naging epekto ng pagpapaigting ng kampanya kontra iligal
na droga sa pagbaba ng krimen sa bayan.

Nabatid
na libo libong drug personalities mula sa Midsayap ang lumantad at nangakong
magbabagong buhay.

Ang
ilan sa mga ito, sangkot sa mga nangyayaring krimen noon sa bayan.

Samantala,
sinabi ni Mamon na may nakalaan namang mga programa ang PNP AT LGU para sa mga
nagsurface na drug personality sa bayan.

NDBC News AM Sept 9
Headline and Mga pulis sa Koronadal City maglalagay ng kontak number at address sa kanilang mga bahay
Nakalagay sa mga tarpuline na ipapagawa ng Koronadal PNP ang mga pangalan, address at kontak number ng mga pulis sa lungsod.
Ayon kay City PNP Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ito ay ikakabit sa kanilang mga bahay.
Layon nito ayon kay Condes na lalo pang mapaigting ang pagbibigay ng serbisyo sa mga komunidad.
Ipinahayag ni Condes na ang paglalagay ng tarpuline na may mga kontak number sa bahay ng bawat pulis ay bilang pagtalima na rin ng City PNP sa kautusan ng Police Regional office 12.
Sinabi ni Condes na bagama’t peligroso para sa mga pulis na isapubliko ang kanilang mga address at kontak number kailangan nila itong gawin bilang kabahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Ipinahayag din ng police official na tungkulin din ng mga pulis na magsilbi biente kwatro oras sa mga mamamayan. Abot sa mahigit animn a toneladang mga dinamita ang pinasobog ng mga otoridad sa Bagumbayan, Sultan Kudarat kahapon.
Ayon kay Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Raul Supiter, ang mga dinamita ay nakumpiska ng mga pulis sa abandonadong mining site sa Barangay Saripinang, Bagumbayan noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Supiter na para sa kaligtasan ng mga mamamayan , ang mga dinamita ay maingat na kinarga sa tatlong mga dumptrucks.
Ang mga ito ay dinala sa ilog sa Barangay Titulok kung saan pinasabog ng mga army at police bomb experts gamit ang blastic caps.
Sinabi ni Supiter na dahil sa dami ng mga dinamita tumagal ng anim na oras ang paghahakot sa mga ito mula sa bandonadong mining site ng isang China Mining Firm.
Bago pinasabog ang dinamita inabisuhan muna ng local na pamahalaan ang mga mamamayan ng Bagumbayan.
Ipinahayag ni Supiter na isinapubliko rin ng PNP ang papapasabog sa mga ito.
Gayunpaman nagdulot pa rin ito pangamba sa mga mamamayan ng karatig bayan ng Suralla, Sto. Nino at Nora sa South Cotabato Esperanza, Isulan at Tacurong sa Sultan Kudarat at Amptuan, Abdullah Sangki at Shariff Aguak sa Maguindanao.
Ito ay hiningan naman ng dispensa ng police official
Ayon kay Supiter pinasbog ang mahigit 36,000 dinamita dahil sa peligrong dala nito sa mga mamamayan ng Bagumbayan. Kaisa ng Department of Environment and Natural Resources-Environment and Management Bureau o DENR-EMB 12 sa National-Clean Up Day ang mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon.
Ito ay ayon kay DENR-EMB 12 Senior Environment and Management Specialist Dominador Samiling.
Ayon kay Samiling ang lugar kung saan maaring magsagawa ng clean up drive ay naka-depende na sa mga LGU.
Ang paglilinis ayon kay Samiling ay maaring gawin sa mga bundok, coastal areas, water areas at river systems.
Ito ang napagkasunduan sa katatapos lang na pagpupulong ng DENR-EMB 12 sa kanilang mga stakeholders sa Koronadal City.
Inilatag ng ilang mga LGU sa pagpupulong kung papaano gawin ang clean up drive sa kanilang lugar.
Ayon kay Sumiling, ang mga LGUs at iba pang mga stakeholders na makikilahok sa clean up day ay kailangang magsumite ng kanilang accomplishment gamit ang form na inihanda ng mga organizers.
Ang national Clean-Up Day ay gaganapin sa September 17. Napabilang sa top 100 sustainable destination sa buong mundo ang mga bayan ng T’boli at Lake Sebu,sa South Cotabato.
Ayon kay Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nellie Nita Dillera ang dalawang mga tourist destination na ito ay napili mula sa mahigit isang libong mga nominee .
Ayon kay Dillera ang Top 100 sustainable destination ay pinili mismo ng Society for Sustainable Tourism and Development Inc. .
Ito ay isang grupo na kinabibilangan ng mga bansang kasapi ng European Union o EU.
Ang awarding ceremony ayon kay Dillera ay gaganapin sa bansang Slovenia sa September 27 at 28, kung kelan mabibigyan ng pagkakataon ang mga nanalong lugar na ibahagi ang kani-kanilang mga tourism best practices.
Sinabi ni Dillera na ang ang T’boli at Lake Sebu ay dalawa sa walong mga tourist destination sa reigon 12 na isinumite ng DOT 12 para sa parangal.
Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, inihayag ni Dillera na para mapili bilang sustainable destination, mahalaga sa isang lugar na ma-preserba ang kultura at kumita sa turismo ang mga mamamayan nito.
Dapat ding na mapanatili ng mga mamamayan ang pangangalaga sa kanilang kapaligiran.
Ayon kay Dillera isinulong ng DOT ang ipinagmamalaking Lake Holon at Bakngeb Cave ng T’boli at Seven Falls at Kofnit Cave ng Lake Sebu.
Sinabi ni Dillera na matapos mapabilang sa Top 100 sustainable destination, aasahan na ang pagdagsa ng mga turista sa T’boli at Lake Holon.
Kaya hiling ni Dillera sa mga mamamayan ng dalawang bayan ipagpapatuloy lamang ang maayos na pakikitungo sa mga turista sa kanilang lugar. Umaasa si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na agad na maresolba ng mga otoridad ang kaso ng pagpapasabog sa Davao City.
Ito ayon kay Fuentes ay upang mawaglit ang pangamba ng publiko ang mabawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon nito ng State of Emergency.
Naniniwala si Fuentes na ang deklarasyon na ito ng pangulo ay nakaapekto sa imahe ng bansa.
Sa katunayan ayon kay Fuentes may mga bansa nang inabisuhan ang kanilang mga mamamayan na magingat at huwag nang pumunta sa Pilipinas particular na sa Mindanao.
Nangangamba si Fuentes na ang pagpapatuloy na pagpapatupad ng State of Lawlessness ay maaring makaapekto sa pagdating ng mga turista sa South Cotabato. Nakakulong na ngayon ang tatlo katao matapos maaresto sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa dalawang lugar sa region 12.
Kinilala ni Police Regional Office 12 Information officer, Superintendent Romeo Galgo ang mga naaresto na sina Larry Medil 61 anyos at Salvador Acosta 51, pawang mga residente ng ng Tacurong City, sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay Galbo sina Medil at Acosta ay naaresto ng team ni Senior Inspector Jordan Santiago na sa Barangay Didtaras, Lambayong, Sultan Kudarat.
Nakuha sa kanila ang P9,500 na halaga ng pekeng tig P500 bills.
Ang dalawang mga suspeka yon ay kay Galgo ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Sultan Kudarat, Lambayong at Tacurong City Police.
Ito ay matapos umanong magbenta ng iligal na droga sa isang police asset.
Samantala, inihayag ni Galgo na arestado din ang isa pang drug suspek na si Candao Datucali sa General Santos City.
Ito ay matapos makuha sa kanya ng mga pulis ang limang sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P225,000. Bitbit ang kanilang mga placard mapayapang nagprotesta ang ilan sa mga magsasaka sa North Cotabato upang ihayag ang kanilang hinaing kaugnay sa pagsasampa ng kaso sa tatlong magsasaka na sangkot sa Kidapawan Dispersal noong April 1.
Ayon sa mga protester walang basehan ang pagsasampa ng kaso ng PNP sa mga magsasaka.

Parehong kasing nahaharap sa kasong Homicide at Direct Assualt sina Crisanto Carlom,72 at Gil Pequero 67 pati na ang isang Mark Anthony Delgado.
Sinabi mismo ni Pequero sa Radyo Bida na hindi makatarungan ang ginawa sa kanila dahil wala naman silang sinaktan sa naturang rally.

VC- RALLY

Ayon naman kay Lolo Crisanto, matapos ang tatlong pagdinig sa kanilang kaso hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa kanila kung bakit sila kinasuhan.
Inihayag naman ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na ang presensya nila ay bilang suporta lamang sa tatlong magsasaka na kinasuhan ng PNP at pagpapahayag na ibasura ang mga nabanggit na kaso dahil wala naman anila itong basehan.Ang naturang silent protest ay isinagawa sa harap ng Kidapawan City Hall of Justice alas kwatro ng hapon kung saan nilahukan ito ng mga magsasaka na nagmula pa sa ibat ibang bayan sa North Cotabato. Isinailalim na sa blue alerts status ang buong pwersa ng PNP at militar sa buong bayan ng Mlang, North Cotabato.Ito ay kasunod naman sa naging operasyon ng mga otoridad sa barangay Dunguan, Mlang nitong martes kung saan nakarekober sila ng mga materyales sa paggawa ng IED mula sa bahay ng dalawang suspected bomber na umano aktibong miembro rin ng BIFF.Ikinaalarma naman ni Mlang Mayor Russel Abonado ang nabanggit na pangyayari dahil baka malagay sa alanganin ang buhay ng mga taga Mlang.Pero ikinadismaya rin ni Mayor Abonado na walang ni isang barangay official ang nakapagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa aktibidad ng mag-amang Guiamadel at Anwar Sandigan sa nabanggit na barangay.

Kaya naman agad silang pinatawag sa isanagawang meeting kahapon at inutusan na mas paigtingin pa ang pagbabantay sa kanilang barangay at agad na makipag ugnayan sa PNP at militar. Samantala, lumbas din sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na posibleng si Anwar Sandigan din ang responsable sa nangyaring pagpapasabog sa bayan noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon.Dahil rito, nakaalerto ang buong bayan ng Mlang at inilagay na ang lahat ng pwersa ng Mlang PNP at 7th IB ng Philippine Army sa blue alert status.Ang Blue Alert status ay nangangahulugan na 50 porsyento ng buong pwersa ng PNP at AFP ang on-call para sa deployment sakaling magkaroon ng anumang uri ng emergencies. Dead on the spot ang dalawa katao nang pagbabarilin ito nang di pa kilalang mga suspek sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao, alas dose bente ng tanghali kahapon.Kinilala ang mga biktima na sina Armado Arcidez, 44-anyos, at Johnny Villanueva, 42 parehong residente ng Purok 12, Barangay Poblacion Carmen, North Cotabato.

Sa report ng Datu Montawal PNP, sakaya ng dalawang mga biktima sa isang motorsiklo at pagdating nila sa bahagi ng Sitio Kurungan, Brgy Pagagawan Datu Montawal ay dito na sila pinagbabaril.Tama sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang tinamo ng dalawa gamit ang 45 caliber pisto na naging sanhi naman ng kanilang agarang kamatayan.

Matapos naman ang pamamaril ay mabilis ding tumakas ang mga suspek.Lumabas din sa imbestigasyon ng Datu Montawal PNP na may nakuhang ilang sachet ng shabu mula sa bulsa ng biktimang si Villanueva.

Nabatid na una nang nagsurface sa Carmen PNP ang dalawa dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga. Pinag-aaralan na ngayon ng Sanguniang Panglungsod ng Kidapawan ang agarang aksyon para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni PO1 Romeo Solana Jr.

Ito matapos ang pagkakarekober at pagkakahukay sa kanyang bangkay nitong nakaraang sabado sa isang masukal na bahagi ng brgy.Linangkob, Kidapawan na kagagawan ng kanyang mga abducators na New People's Army.Ito ay mula sa ibinahaging previlige speech kahapon ni City Councilor Francis Palmones kasabay ng regular session ng SP.

Laman rin ng kanyang pahayag ang pagpuri sa kabayanihang ginawa ni Solana at respetong pagpapakita nito sa kanyang superior na si Supt. Gerson Birrey na siyang nag-utos sa kanyang misyon.

Kaugnay nito, hinamon ngayon ni Palmones bilang chair ng Peace and Order and Public Safety si Councilor Ruby Padilla Sison siyang chair naman ng Committee on Justice and Human Rights na bigyang pansin ang kaso ni Solana.Iginiit ni Palmones ang ang Human Rights ay hindi lamang umano para sa mga sibilyan.

Nais rin ng opisyal na magpasa ng isang resolusyon kaugnay sa posthumus commendation na ibibigay ng SP sa naturang pulis.Sa susunod na linggo aasahan naman ang pahayag ni Coucilor Sison kaugnay sa aksyon at plano nitong gawin sa kaso ni Solana, maging sa benipisyong makukuha ng naulilang pamilya. Umaabot na ngayon sa 14-katao ang naiulat na nasawi dahil sa dengue sa North Cotabato.
Base naman ito sa inilabas ng Provincial Epidemiology and surveillance Unit o PESU ng Integrated Provincial Health Office o IPHO North Cotabato mula buwan ng Enero hanggang Agosto a-27 ngayong taon.Kabilang sa mga lugar kungsaan naitala ang pagkamatay dahil sa dengue ay sa mga bayan ng Midsayap kung saan tatlo ang nasawi, dalawa sa bayan ng Alamada, dalawa sa Kidapawan Cti Pigcawayan dalawa at tig-iisa naman sa bayan ng Antipas, Arakan, Kabacan, Pres. Roxas at Tulunan.Batay sa morbidity week 34 ng PESU nasa 3,820 na ang kaso ng dengue na naitala sa buong lalawigan.Gayunpaman, pinalalakas pa ng IPHO ang kanilang kampanya laban sa nakamamatay na sakit gaya ng pagsasagawa ng information campaign, pagdaraos ng mga barangay assembly, at pagbubuhay muli ng mga barangay dengue brigade.

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...

Sulu Gov. Sakur Tan to seek BARMM office of chief minister

INANUNSYO ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang kanilang pag-endorso kay Sulu Governor Abdusakur Tan na tumakbo bilang BARMM Chief Minister sa May...

5 preso nakatakas sa Parang detention facility, tulong ng publiko hiniling ng PNP

Nanawagan ang mga otoridad sa Parang, Maguindano del Norte na makipagtulungan sa kanila kung sakaling may mga nakakita sa mga lalaking nasa larawan...

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...