NDBC COVID 19 WATCH: Mas marami gumaling kaysa bagong kaso ng Covid sa Region 12
COTABATO CITY - Mas marami ang gumaling kaysa mga bagong kaso ng coronavirus disease ang iniulat ng Department of health sa Region 12 hanggang kagabi.
Sa ngayun, umabot na sa 3,463 ang kabuuang bilang ng recovered patients sa rehiyon.
Ito’y matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 35 recoveries kahapon. Sa nabanggit na bilang, 18 ang mula sa South Cotabato, 8 Sarangani, 7 General Santos City at 2 North Cotabato.
Nasa 359 naman ang mga aktibong kaso. Samantala, 22 naman ang nadagdag sa bilang ng COVID-19 infections kaya’t umakyat na sa 3,965 ang total cases.
Pinakamarami sa mga bagong kaso ay taga North Cotabato na umabot sa syam, South Cotabato anim, Sultan Kudarat lima at tig-iisa sa General Santos City at Sarangani.
Sa magkasunod na dalawang araw naman ay walang naitalang nasawi kung kaya't nanatili sa 142 ang Covid-19 related deaths sa SOCCSKSARGEN.