Saturday Jun, 01 2024 05:11:35 AM

NDBD BIDA BALITA (5.2.17)

Breaking News • 18:09 PM Tue May 2, 2017
975
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

MAY 2, 2017 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGTUGON sa iba’t ibang mga problema
ng mga manggagawa sa rehiyon, ipinanawagan ng progresibong grupo kasabay ng
pagdiriwang ng Labor Day kahapon.

2. Pensyon ng mga Senior Citizen sa
Makilala, North Cotabato, makukuha na sa kanilang mga barangay

3. NFA, tiniyak na sapat na supply ng
bigas sa South Cotabato

4. Ginang tinamaan ng kidlat sa Norala, South Cotabato

IPINANANAWAGAN kahapon ng isang
progresibong grupo sa pamahalaan na tugunan ang iba’t ibang isyu at problemang
kinakaharap ng mga manggagawa sa rehiyon.

Sinabi ni Kilus Bayan-Cotabato City
chapter Media Liaison Goldie Omelio na talamak pa rin ang diskriminasiyon sa
mga manggagawang bangsamoro at mga lumad sa maraming establisiemento sa lungsod
at maging sa ibang lugar sa rehiyon.

Kasabay ng kanilang isinagawang programa
kahapon kaugnay sa paggunita ng 'Labor Day' kahapon, sinabi ni Omelia na
nakatakda na nilang idulog ang isyung ito sa Department of Labor and Employment
o DOLE 12.Gayunman, binatikos ni Omelia ang
mabagal na pagtugon ng nasabing ahensiya sa maraming reklamo na kanilang
idinudulog na hanggang ngayon ay hindi pa rin na reresolba.

Sabi pa ni Omelia, maliban sa
diskriminasyon, marami pang mga non-agricultural establishment sa Cotabato City
at Maguindanao ang hindi nagbibigay ng tamang pa sweldo sa kanilang mga
manggagawa na itinatakda ng batas.

Aniya, nasa P295 kada araw dapat ang
minimum wage, ngunit nasa mahigit 100 lamang umano ang pasahod ang ilang mga
establisiemento na nasa Cotabato City.

Napag-alaman na madalas hindi sumusunod
sa minimum wage order ang mga establisimento sa loob ng mga mall at madalas ay
kinakaltasan pa ng mga ito ang sahod ng kanilang mga empleyado kapag nahuli sa
pagpasok o kaya ay lumiban sa trabaho at kapag may nawalang mga paninda.

Napag-alaman din mula kay Omelio na may
ilang mga grocery store sa siyudad na pinipilit ang kanilang mga manggagawa na
kumuha ng grocery items na direktang ibinabawas sa kanilang mga sahod.

Umaasa na lang si Omelia na matututukan
ng DOLE 12 ang mga suliraning ito ng mga manggagawa sa rehiyon lalo na sa
ilalim ng administrasyon ni P. Duterte. Isinapubliko
na ng pulisya ang cartographic sketch ng suspek sa pagpaslang sa municipal
councilor ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.

Ayon kay Tacurong
City PNP chief, Police Supt. Rannie Hachuela, ang sketch na inilabas ay base sa
mga pahayag ng mga testigo sa pagbaril at pagpatay kay Narhasin Malaguia
Ulangkaya, 28, na konsehal ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Una nang
binaril ng tatlong beses si Ulangkaya ng suspek habang dumadalo sa kasal sa
terminal exit sa Purok Salvacion, Barangay Calean, Tacurong City noong Sabado.

Sa ngayon,
nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung saan inaalam ng mga otoridad ang motibo
sa krimen.Kasabay nito,
nanawagan naman ang pulisya sa sinumang makapagturo sa pinagtataguan ng suspek
na makipagtulungan sa mga otoridad para mas mabilis na maresolba ang kaso.

NASWERTENG
NAKALIGTAS ang isang babae na tinadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng
kanyang katawan saka itinapon sa isang quarry site sa Kilomoter 13, Awang, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sinabi ni DOS
PNP chief, police inspector Achmad Alibonga na tatlong araw na nakipaglaban kay
kamatayan ang biktimang si Bai Amor Salaam Malang Biruar, 38 anyos, walang
asawa at taga Mabini St., Cotabato City bago naipagamot sa ospital.

Sa inisyal na
pagsisiyasat ng pulisya sa lugar, noon pang Biyernes, April 28, pasado alas dyes
ng gabi itinapon sa bangin ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktima.

Gayunman,
sumabit sa mga sanga ng puno si Biruar kaya hindi siya tuluyang bumagsak.

Gumapang umano
ang biktima hanggang sa makaabot sa isang kubo sa lugar kung saan siya pansamantalang
nagpahinga hanggang sa matagpuan pasado alas dos ng hapon kahapon.

Nagtamo ng 25
tama ng saksak sa likod ang biktima na agad namang isinugod sa pinakamalapit na
ospital ng mga rumespondeng elemento ng DOS PNP.

Sa ngayon patuloy
na nilulunasan ang mga sugat na natamo ng biktima.

Inaalam na
ngayon ng pulisya kung sino ang mga nasa likod ng naturang tangkang pagpatay sa
kanya at kung ano ang motibo ng mga ito. BLANGKO PA
RIN ngayon ang mga otoridad kung sino ang nasa likod ng panghahagis nga granada
sa bahay ng isang guro sa Cotabato City.

Sinabi ni Police
Station 3 commander Sr. Insp. Rustom Pastolero na naganap ang panghahagis ng
granada sa bahay ni Mayla Ambolodto sa Esteros, Barangay Datu Balabaran, pasado
alas dos ng madaling araw, kamakalawa

Sa inisyal na
pagsisiyasat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa punong
barangay sa lugar hinggil sa itinapon na pampasabog.

Agad namang
rumesponde ang mga elemento ng Police Station 3 kasama ang Explosives and
Ordnance Team.

Narekober ng
EOD ang shrapnels ng fragmentation grenade sa lugar.

Wasak naman
ang windshield ng kanilang multicab na nakaparada sa loob ng kanilang compound at
sira rin ang bahagi ng kanilang bakod na gawa sa kahoy.Gayunman,
maswerte at wala namang nasaktan sa nasabing pagsabog.

NASAGIP ng
militar ang dalawang mga kawani ng Department of Public Works and Highways o
DPWH-ARMM matapos na abandonahin ng Abu Sayyaf Group dahil sa pinaigting na
opensiba ng militar sa Patikul, Sulu.

Sa ulat ni
AFP Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, kinilala ang
dalawang pinalayang bihag na sina Alidznur Halis, driver at Aljimar Ahari,
assistant driver, mga kawani ng Sulu 1st

District ng
DPWH-ARMM.

Nabatid na
nabulaga ang Abu Sayyaf sa pagdating ng tropa ni Army’s 35th Infantry Battalion
na pamumuno ni Lt. Col. Vladimir Villanueva kaya mabilis na iniwan ang mga
bihag sa kagubatan ng Patikul, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat,
dinukot ng mga tauhan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Hatib Sawadjaan ang dalawa sa
Sitio Bauno, Brgy. Bangkal noong Sabado ng tanghali, April 29.

Agad namang
isinailalim sa medical checkup at debriefing sa himpilan ng Joint Task Force sa
Sulu ang dalawa. Nagtuturo na ngayon sa iba’t ibang mga pampublikong paaralan sa region 12 ang 24 na dating Overseas Filipino Workers o OFW.
Ito ay matapos kunin bilang public school teacher ng Sa Pinas Ikaw ang Mam/Sir program ng National Reintegration Center for OFWs o NRCO 12 noong 2015 at 2016.
Ito ay ayon kay NRCO 12 LEO III Jeanette Escano na nagrekomenda sa kanilang mga benepisyaryo sa Deped.
Kinumpirma din ni Escano na 79 pang mga aplikante sa programa ang naghihihintay ng tugon sa Deped matapos irekomenda ng NRCO 12.
Ayon kay Escano 56 sa mga ito ay nag-apply noong 2016 habang 23 tatlo naman ang aplikante ngayong taon.
Ipinahayag ni Escano na kapag natanggap sa programa ang mga dating OFW ay magkakaroon ng Teacher 1 item , may salary grade 11 o basic patay na mahigit P19,000.
Pwedeng makinabang sa programa ang mga education graduates na dati at kasalukuyang OFW na nais magturo pagkatapos ng kanilang kontrata.
Ang mga aplikante na walang sapat na karanasan sa pagtuturo o matagal nang tumigil sa pagtuturo ay isasailalim sa refresher course ng Philippine Normal University.
Tiniyak ni Escano na tuloy pa rin sa pagtanggap ng NRCO 12 ng aplikante sa Sa Pinas Ikaw ang Mam/Sir Program. Ginang, nabiktima ng kidlat sa Norallah, South Cotabato.Kinilala ng anak nitong si Popoy Kale ang biktima na si Diday Kale, 64 anyos nakatira sa Purok Tuburan, Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato.
Sa pahayag ni Popoy sa mga pulis, sinabi nito na nakita pa nitong pumasok sa kwarto kanyang ina.
Ayon kay Popoy matapos makarinig ng malakas na kulog,tila may naamoy ito na may nasusunog mula sa kwarto pinuntahan ang ina.
Ipinahayag ni Popoy na matapos makita ang umuusok na dibdib ng ina agad itong humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak.
Hindi na nakayanan ng ginang ang tindi ng tama ng kidlat at ideneklarang dead on arrival sa Norala District Hospital.
Umaasa si South Cotabato Provincial Health Officer Dr.Rogelio Aturdido na mabibigyan din ng dengue vaccine ang lalawigan.Ayon kay Aturdido, bagama’t hindi pa ito tiyak sa ngayon, ginagawa naman aniya ng Department of Health ang lahat na makikinabnag sa dengue vaccine ang buong bansa.Tiniyak ni Aturdido na sakali mang dumating na ang mga dengue vaccine, agad niya itong ipapaalam sa publiko.
Nabatid na sa ngayon, tatlong rehiyon na sa buong bansa na may maraming kaso ng dengue ang nabigyan ng dengue vaccine.Ayon kay Aturdido naghihintay pa rin na mabigyan nito ang South Cotabato.
Aminado naman si Aturdido na naging hadlang sa malawakang pamimigay ng dengue vaccines ng gobyerno ang malaking pondo para dito.
Sinabi nito na ang mga dengue patients ay nangangailangan ng tatlong dose ng dengue vaccine kada anim na buwan.
Habang wala pang dengue vaccine, hinakayat ni Aturdido ang publiko na regular na maglinis ng kapaligiran.
Payo nito sa mga mamamayan sirain ang mga lugar na maaring pamahayaan ng lamok na nagdadala ng dengue.
Sa ganitong paraan ayon kay Aturdido ay mapipigilan ang pagdami ng sakit na dengue sa South Cotabato.Matatandaan simula Enero hanggang ABril 15 nitong taon, abot na sa 1,197 ang kaso ng dengue sa lalawigan.
Ito ayon kay Aturdido ay mas mataas ng 17.4 percent kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.Anim sa mga biktima ayon kay Aturdido ay binawian ng buhay.
Tatagal pa hanggang Agusto ang supply ng bigas ng National Food Authority o NFA sa lalawigan.
Ito ang tiniyak ni NFA South Cotabato Provincial Manager Janett Linao.Ayon kay Linao walang dapat ikabahala ang mga mamamayan pagdating ng lean months o panahon na wala nang maaning palay.
Ipinahayag ni Linao na matagal nang nakapag-imbak ng bigas ang NFA kaya malabo na magkaroon ng rice shortage sa South Cotabato sa mga susunod na buwan.Ayon kay Linao kaya pang tugunan ng produksyon ng mga magsasaka at buffer stocks ng NFA ang 6,580 na sako ng bigas na kailangan ng mga mamamayan ng South Cotabato kada araw.Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol na dahil sa inaasahang magandang produksyon ng mga magsasaka ng palay, dapat pagaralan ng mabuti ng NFA ang plano nitong pag-import ng bigas mula sa bansang Vietnam.
Isinantabi ng pamahalaang panalalwigan ng South Cotabato ang plano nitong pag-bid sa Palarong Pambansa sa 2019.
Ito ay matapos magkainterest din ng paghost ng pinakamalaking palaro sa bansa ang Davao City.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, suko na aniya ang lalawigan sa Davao.
Sinabi noon ng gobernador na kung wala ang Davao City, itutuloy ng lalawigan ang plano sanang paghost sa Palarong Pambansa sa ikatlong pagkakataon.
Nilinaw naman ni Fuentes na kahit na nag-back out sa bidding, tuloy pa rin ang pagsasaayos ng ilang pasilidad sa South Cotabato.
Kalakip dito ayon sa gobernador ang South Cotabato Gym and Cultural Center at provincial sports complex.
Ayon kay Fuentes, layon nito na paghandaan ang iba pang malalaking aktibidad na maaring gawin sa South Cotabato.
Matatandaan na ang Palarong Pambansa ay ginanap sa South Cotabato noong 1996 at 2007. Abot na sa 20 kaso ng pangloloob ng bahay at establisyemento ang naitala ng Magpet PNP sa bayan ng Magpet, mula noong Enero hanggang nitong Abril.Ito ay base naman sa Statistics on Crime Incidents ng Magpet Police Station kung saan pinakamaraming naitala nito ay noong nakaraang Enero na may pitong kaso.

Apat naman noong Pebrero, lima noong Marso at apat din noong Abril bagay naman na mas marami kung ikukumpara noong nakaraang taon sa kaparehas na panahon.Sa nabanggit na bilang, isa lamang sa mga suspek rito ang nahuli at naaresto ng PNP.

Duda rin ang PNP na ang nahuling suspek ay responsable rin sa serye ng nakawan sa bayan at posibleng may mga kasamahan pa ito.

Nabatid na kadalasang mga nabibiktima ay mga bahay na nasa sentrong bahagi ng bayan.Bagaman nakatuon ngayon ang Magpet PNP sa crime preventive approaches at may nakatutok sa kaso g pagnanakaw nagpaalala pa rin ang mga otoridad sa mga residente sa lugar na magdoble-ingat sa kanilang sariling properyiedad.
Nakatanggap na ng assitance mula sa Magpet LGU ang higit isang libong mga pamilya ng barangay Mahongkog, Sitio Kimampang ng barangay Balite, Basak at brgy Temporan, Magpet.Ito matapos rin na isailalim sa state of calamity ang bayan base sa resulta ng assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.Ang nabanggit na mga lugar kasi ang matinding naapektuhan matapos ang nangyaring panghaharas at enkwentro ng New People’s Army sa pagitan ng 39th IB ng Philippine Army.

Noong nakaraang linggo unang nakatanggap ng bigas, canned goods, at agricultural products ang barangay Mahongkog.Una na ring namahagi ang Department of Social Welfare and Development Office 12 ng bigas sa mga pamilya.

Bukod pa rito ay nagsagawa rin ng debriefing ang nasabing tanggapan sa mga kabataan sa lugar na siyang unang naapektuhan sa pangyayari.Para matiyak din ang kalusugan ng mga residente ay nagsagawa rin ng Medical Mission Municipal Health office sa mga nabanggit na barangay.
Mas madali na ngayon para sa mga senior sa Citizens sa bayan ng Makilala na makuha ang kanilang quarterly pension.Ito matapos na dalhin sa kanilang mga barangay ang kanilang matatanggap na pension sa halip na kukunin pa nila sa Municipal Hall.

Ayon kay OSCA president Marcos Disto, layunin nito na mas mapadali at mas kumportable para sa mga Senior Citizens na matanggap ang kanilang pension dahil karamihan na rin sa kanila ay may dinaramdan nang sakit.Sinimulan ang nasabing pamamaraan noong nakaraang Marso at magiging regular na itong magaganap sa kanya-kanya nilang barangay.Nabatid na abot sa 1, 770 mga senior citizen beneficiaries ang nakarehistro bilang pensioner mula noong 2014 sa Makilala.Idinagdag din ni Senior Citizen's Focal Person Constancia Obes, patuloy din ang kanilang pagtanggap sa mga nais mag-apply na magiging bahagi ng nasabing sektor at para makatanggap din ng pension mula sa gobyerno.Bukas ito para sa mga may edad na 60-anyos pataas.

Sa ngayon abot pa sa higit isang libong slots mula sa 4, 848 senior citizens na pinahihintulutan ng National Government para sa bayan ng Makilala.
Matapos ang turn-over ng abot sa isang milyong pisong halaga ng pipelines ng Makilala LGU para sa Water System improvement ng Barangay Kisante Rural Water Sanitation and Association o BAKIRWASA, aasahan ngayon na mas dadami pa ang magkakaroon ng koneksyon ng tubig sa lugar.Kaugnay nito hiling ng LGU sa mga opisyal ng asosasyon na ingatan ang nasabing mga pipelines para mapakinabangan pa ito sa hinaharap.

Minamadali na rin itong ma-install sa pamamagitan ng mga miembro nito para tuluyan ng mabigyan ng ligtas na inuming tubig ang mamamayan.
Malaki naman ang pasasalamat ni brgy. Kisante Chairman Anatalio Abeng sa rehabilitasyon sa kanilang water system dahil ilan na rin sa kanilang mga tubo ay nasira na.Sa ngayon abot na sa walong daang pamilya sa barangay ang may koneksyon ng tubig mula sa BAKIRWASA at aasahang madadagdagan pa ito.
Sinalubong ng magulong bahay ang Pamilya ng isang Retired Master Sergeant ng Armed Forces Of Philippines matapos pasukin ito ng mga magnanakaw sa brgy. Purok 5B, brgy. Sudapin, Kidapawan City.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Romel Orallo na residente rin ng nabanggit na barangay.Kwento pa ni Orallo sa PNP kamasa raw nito ang buong Pamilya habang nagbabakasyon sa Marilog City, Bukidnon nitong nakaraang araw.Pagbalik raw nila ay tumambad na sa kanila ang nagkagulo at nakakalat nilang mga gamit sa loob ng bahay.

Lumabas naman sa imbestigasyon na sa kisame ng Master's Bedroom dumaan ang mga suspek.
Nakuha mula sa kanila ang 24 thousand pesos na cash, gold ring na 6 thousand pesos at iba pang mahahalagang gamit.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng PNP ang bagong kaso ng pagnanakaw na nadadagdag naman sa listahan ng mga otoridad sa lungsod.

Cotabato Light announces power service interruption for June 2

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Clemente Aliño Street...

Drug den in North Cotabato province shutdown, 3 operators nabbed

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P85,000 worth of shabu and arrested three alleged drug den operators, suspected of sharing earnings with...

Kidapawan residents feast on 3K hito, tilapia in ‘Sugba sa Dalan’

KIDAPAWAN CITY –Thousands of residents flocked to the national highway here Thursday afternoon to partake of free grilled tilapia and “hito” or...

NDBC BIDA BALITA (May 31, 2024)

HEADLINES 1   SIMBAHANG KATOLIKO sa Cotabato, humiling na mapakinggan ang kanilang panig bago tuluyang ipasa ang divorce bill 2...

Application for August 2024 Career Service Exam open till June 13

MANILA – Individuals wanting to take the Aug. 11, 2024 Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) for both Professional and...