Saturday Aug, 15 2020 01:11:56 PM

Nutrition month celebration, nakatutok pa rin sa pagresolba ng problema sa pagka-bansot

Local News • 16:00 PM Mon Jul 6, 2020
194
By: 
ROEL OSANO

KORONADAL CITY, South Cotabato- Aminado si National Nutrition Council o NNC 12 Nutrition Officer III Mayette Flores na sa kabila ng kanilang malawakang kampanya konti lamang ang ibinaba ng kaso ng stunting o pagkabansot sa rehiyon.

Bukod dito ayon kay Flores ang Pilipinas ay pang siyam sa stunting prevalence rate o may pinakaraming bansot sa buong mundo.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Flores, nakatutok pa rin sa pagresolba ng stunting ang nutrition month celebration na pinangungunahan ng NNC tuwing Hulyo.

Kinumpirma din ni Flores na base sa pinakahuling datos ng NNC 12 noong 2019, nangunguna sa may pinakamaraming bansot sa Soccsksargen ang Tacurong City na may 10.40 percent o 910 cases.

Pangalawa naman ang Cotabato City na may 10.21 percent. Ang Sultan Kudarat na may 9.15 percent ay nasa pangatlong pwesto.

Ipinahayag din ni Flores na ang buong region 12 ay may 35,244 o 8.90 percent stunted o mga batang kulang ang tangkad sa kanilang edad na isang uri ng malnutrisyon.

Binigyan diin ni Flores na mahalaga na maresolba ang nasabing problema dahil bukod sa kalusugan ng mga bata, nakaapekto din ang stunting sa ekomoniya ng bansa.

Kaugnay nito sinabi naman ni NNC 12 Nutiriton Officer II Leah Fe Utlang na kailangan sa pagresolba ng problema sa malnutrisyon ang sapat na nutrition sa unang 1,000 days ni Baby.

Ibig sabihin nito ayon kay Utlang sa pagbubuntis pa lamang dapat ay matiyak na ang nutrition ng mga ina.

Ito ay maliban pa sa mariing pagpapatupad ng breastfeeding lalong lalo na sa mga bagong silang na sanggol.

NDBC BIDA BALITA (Aug. 15, 2020)

HEADLINES: 1.  APAT NA MGA guro sa Isulan, Sultan Kudarat, nagpositibo sa Covid at posibleng nahawa sa kapuwa guro na nasawi na 2.  ...

PDEA nabbed 5 drug peddlers, seize P13.6-M shabu in Lanao del Sur buy bust opn

COTABATO CITY  – Anti-narcotics operatives and members of Philippine Marines, seized Friday afternoon P13 million worth of methamphetamine...

COVID WATCH: 10 new cases, including 2 health workers, 4 recoveries in Region 12,

COTABATO CITY - Two new health frontliners in Cotabato City and eight others in Region 12 have tested positive of COVID-19 as of Friday night,...

5 nabbed in PDEA-BARMM drug den raid

COTABATO CITY --- State agents shut another clandestine drug den here Thursday just as two barangay officials suspected of trafficking shabu eluded...

Public school teacher dies of COVID-19

COTABATO CITY – A 61-year-old public school teacher in Isulan, Sultan Kudarat, who is due to retire next year, has died of novel coronavirus disease...