P100K reward money, alok ng magulang ng batang pinaniniwalaang kinidnap mula Pagalungan
Peace and Order • 15:45 PM Wed Apr 10, 2024
395
By:
DXMS
NAG-ALOK na ng P100,000 na reward ang kaanak ng batang tinangay ng sariling kaanak sa Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Matatandaang kahapon ay iniulat ng pamilya na mismong ang kanilang kaanak na nagsilbi nilang katulong ang tumangay sa 4-year-old na bata.
Sa ngayon ay patuloy pa nilang pinaghahanap ang suspek na si Zaira Sinempalan.
Nakipag-ugnayan na ang pamilya sa aviation authorities at mga kalapit na paliparan para agad mamonitor ang kinaroroonan nito.
Ayon sa Tatay ng biktima, Cotabato City ang posibleng kinaroroonan ng suspek kasama ang kanyang anak.