P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte
Local News • 23:30 PM Tue Apr 23, 2024
205
By:
DXMS NDBC
COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Sa isinagawang Anti-Smuggling Operation ng Sultan Mastura PNP kasama ang Maguindanao del Norte police office, nadiskubre ang 22 kahon ng smuggled cigarettes sa Brgy Simuay Seashore, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte 6:35 ng kagabi.
Ayon kay Sultan Mastura PNP, inabandona ng mga suspek ang mga sigarilyo matapos mapansin na may tropa ng pamahalaan sa lugar.
Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng P346,500.