Puno binangga ng truck, puno nakatayo, truck sira
MAKILALA, North Cotabato – Sugatan ang isang 35-anyos na drayber ng ten wheeler truck habang hindi naman nasaktan ang helper nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang ten wheeler truck sa puno ng Mangga sa Purok Talisay, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato kaninang umaga.
Sa ulat ni SPO1 Xerxes Anthony Fiel, ang traffic investigator ng Makilala PNP kinilala ang sugatang drayber na si Bernie Dagpin Bolo na taga Agusan del Sur.
Batay sa ulat, binabaybay ng nasabing ten Wheeler flatbed (License plate 120102) ang kahabaan ng Davao-Cotabato Highway ng mawalan ng preno sa harap ng Malasila Elementary School.
Pagdating sa pinangyarihan ng aksidente ay ibinangga ng drayber sa puno ng manga ang nasabing sasakyan, bandang alas-5:30 kaninang umaga.
Wasak ang ulo at ilang bahagi ng sasakyan na may lulang 20 tonelada ng semento. Agad namang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng residente sa lugar ang drayber ng truck habang di naman nasaktan ang kanyang helper. (Rhoderick Beñez)