South Cotabato, may bagong police prov'l director; Gov Tamayo nagbigay ng SWAT van
Local News • 12:30 PM Thu Jan 4, 2024
456
By:
DXOM Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY - Pormal nang umupo si Col. Samuel Cadungon bilang Provincial Director ng South Cotabato.
Sa isinagawang assumption of office ceremony, pinangunahan ni PRO-12 Regional Director Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang pormal na pagtalaga kay Col. Cadungon sa naturang posisyon.
Sa kaniyang mensahe, tiniyak ni Cadungon na gagawin nito ang lahat upang mapabuti pa ang serbisyo ng kapulisan sa South Cotabato.
Samantala, ikinagalak rin ng mga kapulisan ang pagbibigay ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ng SWAT van na nagkakahalaga ng nasa P4 milyon.
Ayon kay Macaraeg, malaking tulong ito upang mapaibayo pa ang peace and order sa probinsya at mapaigting pa ang seguridad sa nasasakupan nito.